CHAPTER 28

CHAPTER 28

ANONG problema ng mga tao ngayon?

Kanina iyong si Dani ang masama ang tingin sa akin, ngayon ito namang Jiru na ito.

Bakit ba sila ganyan?

Anong ginawa ko?

Grabe na talaga ito! Sa isang araw tatlong beses na yata akong naka-encounter ng ganitong sitwasyon. Una iyong lobong gusto akong lapain, pangalawa iyong babaeng kung maka-irap kulang na lang tumirik ang mata. Tapos pangatlo itong lalaking ito, na kung makatitig sa akin ng masama konti na lang matutunaw na ako.

"Migs, kilala mo naman na si Jiru 'di ba?" Tango naman si Kuya Migs kay Ka Temyong. "Arissa, si Jiru. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Sir Tyron na magbantay ng taniman, maliban kay Rocus."

Hindi ko alam kung babatiin ko ba ito o ngingitian. Hindi pa rin kasi nawawala ang masama nitong tingin sa akin na talagang nagpapataas ng balahibo ko.

Pero hindi ko akalain na ito pa pala ang unang babati sa akin.

Inabot nito ang palad sa harapan ko. "Hi! Nice to meet you, little cub." Halos huminto ang paghinga ko nang ngumiti ito sa akin.

Hindi dahil sa gwapo ito kapag ngumiti, kundi dahil sa nakakakilabot nitong ngiti. And that 'little cub' he said.

Nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin ang pagpapakilala nito, kaya kahit nanginginig ay inabot ko pa rin ang kamay n'ya.

At ang nginig na nararamdaman ko ay dumoble. Alam kong alam n'ya na may epekto sa akin ang presensya n'ya kaya mas lalo lamang itong ngumiti.

Sh*t!

Agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya ng hindi nila nahahalata.

Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. At mas lalong hindi ko rin alam kung bakit ganyan sila makitungo sa akin.

Basta ang alam ko lang, iyong lobo kanina, si Dani at itong si Jiru ay delekado. Delekado ako sa kanila. Mas mabuting hindi ko na sila makita o makasalamuha simula bukas. Ang malas ko naman.

"Tulungan ko na kayo."

Kinuha ni Jiru ang basket na naglalaman ng mga prutas saka iyon walang kahirap-hirap na binuhat sa balikat n'ya. Nauna na itong maglakad sa amin paalis.

"Arissa, halika na."

Nag-paalam na kami ni Kuya Migs kina Ka Temyong bago sumunod kay Jiru na nangunguna sa paglalakad.

"Kuya Migs, ganyan ba talaga makatingin si Jiru? Para akong papatayin eh."

Tumawa si Kuya Migs. "Hindi ka lang talaga sanay, Arissa. Huwag kang mag-alala, bago ka kasi sa paningin nila pero katagalan ay masasanay ka rin sa tingin nila. Mababait naman ang mga iyan."

"Eh, iyong mga lobo na kasama ni Rocus kanina, mukhang hindi naman mababait."

"Basta alam nilang may kapit ka sa tatlong magpipinsan, safe ka dito. Walang magtatangkang gumalaw sa'yo dahil mayayari sila sa Young Master, lalo pa at ikaw ang sekretarya n'ya. Hayaan mo na lang sila, siguro nagagandahan lang sa'yo kaya ka tinititigan." Sabay tapik ni Kuya Migs sa balikat ko. Napailing na lang ako sa sinabi n'ya.

Pagdating sa mansion ay si Tyron agad ang hinanap ng mga mata ko, ngunit hindi ko ito nasumpungan.

"May dalawang palapag lang ang mansion na ito, kaya hindi ka malilito sa pasikot-sikot ng mga kwarto. Pag-akyat mo sa itaas kumaliwa ka, ika'tlong kwarto mula sa balkonahe iyon ang kwarto ni Sir Tyron. Ikaw na ang bahala, Arissa. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka. Aayusin ko lang ang mga dala natin."

I nodded at him. "Sige, Kuya Migs. Ako na pong bahala kay Sir Tyron."

"Ano ka ba, alam ko namang hindi nagpapatawag sina Sir sa'yo ng Sir eh, kaya okay lang 'yan."

Ngumiti pa s'ya bago sinamahan si Jiru sa kusina para dalhin ang mga basket. Napakamot na lang ako sa ulo. Pakiramdam ko ang feeling close ko tuloy sa tatlo. Wala naman akong pinagkaiba sa kanila, katulad din naman nila akong trabahante dito.

Haist! Hayaan na nga.

Hanapin ko na lang ang kwarto ni Tyron. Baka kung ano nang nangyari sa lalaking iyon.

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ay kumanan ako tulad ng bilin ni Kuya Migs. Mula sa balkonaheng nasa dulo ng mahabang hallway, binilang ko ang mga pinto. Pagdating sa pangatlong pinto huminto na ako. Kulay asul na may halong kulay ginto ang pintuan. Naiiba ang design nito kaysa sa ibang pintuan na naririto.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

"Tyron? Nand'yan ka ba?"

Walang sumagot. Muli akong kumatok ng tatlong beses ngunit walang nagbubukas sa akin ng pinto. Pinihit ko ang ang doorknob at hindi iyong lock.

"Tyron, papasok ako na ha."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sumilip muna ako sa siwang bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Malawak ang loob at malinis. Nasa tamang ayos lahat ng gamit. May king size bed sa gilid at maliit na mesa sa tabi nito. Sarado rin ang kulay itim na kurtina kaya naman hindi ko masyadong maaninaw kung nasaan ba si Tyron. Tanging ang lampshade sa ibabang ng bedside table lang ang bukas.

"Tyron? YOHHOOOOOO! Nandito ka ba, Tyron?"

Nilibot ko ang paningin ngunit hindi ko nahagilap ang aking hinahanap.

"Wala yata rito. Baka naman lumabas saglit. Mabuti pa hanapin ko na lang sa ibaba."

Tumalikod na ako para sana lumabas ng kwarto, ngunit napatigil ako nang biglang bumukas ang pintong katabi ng bookshelf. Dagling napalingon ako roon.

At nanlaki ang aking mga mata sa naabutan.

Kahit na dim lamang ang ilaw ay nakilala ko agad ang lalaking lumabas mula roon. Nakatapis lamang ito sa pang-ibaba at walang suot na pang-itaas. Nagpupunas pa ito ng basang buhok gamit ang puting towel na hawak.

Aalis na sana ako dahil bigla akong tinubuan ng kahihiyan sa katawan. Ikaw ba naman ang bigla na lang pumasok sa kwarto ng may kwarto tapos ganitong eksena ang bubulagta sa mata mo.

Jusko! Baka mapagkamalan pa akong namboboso.

"Where are you going, Dollface? I thought you're looking for me?"

Napatigil ako sa gagawing paglabas nang magsalita si Tyron. Mariing pumikit ako at napatayo ng tuwid dahil sa ginawa nitong pagsita sa akin. Akala ko pa naman ay hindi ako nito napansin dahil medyo madilim naman sa loob, pero nagkamali ako.

Hindi ako humarap sa kanya at nanatiling nakatalikod lamang ako.

"Ah, ano kasi... Hindi ka kasi sumasagot, kanina pa ako kumakatok sa pinto kaya pumasok na lang ako. Akala ko wala ka dahil hindi kita makita, kaya aalis na sana ako, pero bigla ka namang lumabas ng banyo."

"Bakit hindi ka makaharap sa akin." Ramdam ko ang pag-ngisi n'ya sa akin kahit na hindi ako nakatingin. Naiimagine ko na ang mapang-asar n'yang tingin at ngisi.

"Eh kung magbihis ka kaya muna," singhal ko dito.

I heared him chuckled.

At sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na s'ya. Katulad nga ng naiimagine ko, may nakapaskil s'ya na nakalolokong ngisi sa labi. Pinaglalaruan ng dalawang daliri ang baba habang nakatitig sa akin.

"Ano ba! Magbihis ka nga muna. Lalabas na ako, mukhang maayos naman ang lagay mo."

Nilagpasan ko si Tyron pero bago ko pa mahawakan ang doorknob ay nahila na n'ya ako sa braso at isinandal sa dingding ng kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya.

"A-anong ginagawa mo?" Nauutal na pahayag ko. "Lumayo ka nga. Hindi ka ba nilalamig? Magbihis ka na nga at baka magkapulmonya ka pa."

"Concerned ka?"

"At bakit hindi? Kaya nga ako pinapunta ni Sir Boss dito para tingnan ang lagay mo, 'di ba? Sumusunod lang ako sa utos ng nakatataas. Kaya ikaw, magbihis ka ng matinong damit at baka magkasakit ka na naman."

"Tsk!"

Iyon lang ang isinagot n'ya bago binitiwan ang braso ko saka lumayo sa aking harapan. Nakahinga naman ako ng maluwag nang bitiwan n'ya ako. Inayos ko na lang ang t-shirt kong medyo nagulo dahil sa pagsandal n'ya sa akin sa wall.

Jusko naman!

Anong problema ng mokong na ito?

"Lalabas na ako para ipagluto ka ng sopas. Magpahinga ka lang dito," paalam ko.

Pero hindi s'ya sumagot. Nanatiling nakatayo lang si Tyron at hindi sumunod. Nakatingin din ito sa kung saan na para bang may biglang naisip na malalim.

Anyare sa lalaking ito?

Ayan kasi eh.

Nahanginan na yata ang ulo at bigla na lang natulala sa kawalan. Dapat kasi hindi na muna s'ya naligo, kagagaling pa lang n'ya sa sakit. Kaya 'yan tuloy ang kinalabasan.

Napailing na lang ako. Hinayaan ko na lang s'yang mag muni-muni muna at kumilos na ako para lumabas ng kwarto. Ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto, muli na naman n'ya akong hinila sa braso. Dahil sa pagkabigla ko sa ginawa n'ya ay hindi ko napaghandaan ang pagsubsob ko sa kanyang dibdib.

My eyes widen in shock.

Bigla akong kinilabutan.

Hindi dahil sa hubad ang katawan n'yang tinamaan ng mukha ko. Hindi rin dahil sa amoy na amoy ko ang mabango at panlalaki n'yang bodywash, kundi dahil ang lamig ng katawan n'ya.

Alam kong bagong shower s'ya pero... Pero ganito ba ang temperature ng katawan kapag bagong ligo pa lang? Parang hindi naman.

Ang lamig n'ya. Para s'yang binabad sa yelo ng isang linggo.

At mas lalo ko lang na-feel ang lamig ng temperatura ng katawan n'ya nang yumakap ang isa n'yang braso sa aking bewang, saka ako mas nilapit pa sa kanyang katawan.

For goodness' sake!

Ngayon lang ako nakalapit ng ganitong dikit na dikit sa katawan ng lalaki. OMG!!!

Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan nang sumiksik ang mukha ni Tyron sa pagitan ng leeg at balikat ko.

"T-ty..."

"Damn it!" Rinig ko ang mahina n'yang mura sa aking leeg. Kabaliktaran ng kanyang malamig na katawan ang mainit n'yang hininga na dumampi sa aking balat.

"F*ck! I can't help it, darn it! The smell of your blood is so f*ck*ng sweet and intoxicating, Dollface."

Napahawak ako sa kanyang braso para sana itulak s'ya palayo, nang dumampi ang kanyang labi sa aking balikat. Pero dahil malakas s'ya ay ni hindi ko man lang s'ya nagawang ilayo sa akin.

"T-tyron... Tyron lumayo ka nga! Ano bang ginagawa mo?"

Pilit ko s'yang ilayo pero walang epekto. Nagpupumiglas din ako ngunit mas hinigpitan lang n'ya ang kapit sa aking katawan.

"Damn it, Dollface! I already want to suck your sweet blood for f*ck sake. Pero natatakot akong baka matakot ka sa akin at lumayo. But damn... can't resist you."

Malakas na suminghap ako nang maramdaman ang pagdaan ng kanyang basa at maiinit na dila sa aking balat. Umakyat iyon mula sa balikat ko paakyat sa aking earlobe.

Mas lalo akong nagpumiglas.

"Tyron, ano ba! TYRON—"

Marahas na bumukas ang pintuan. Halos masira at tumalsik pa nga ito dahil sa naging pagsipa ng kung sinong may gawa niyon mula sa labas.

Mabilis na lumayo sa akin si Tyron ngunit nakakapit pa rin ang isang kamay sa aking braso. Pareho kaming napatingin sa pintuang muntik ng masira.

Nanlaki ang aking mga mata. At muntik na akong ma-out of balance nang makilala ang lalaking nakatayo sa labas ng kwarto. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha, ngunit ang berdeng mga mata ay sumisigaw ng panganib.

"S-sir Boss..."

"Travis..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top