CHAPTER 26

CHAPTER 26


PUMUPUNGAS nang matang tinahak namin ang medyo masukal na daan papasok ng kagubatan. Kahit six na nang umaga ay madilim pa rin ang paligid ng nilalakaran namin, dahil na rin sa mayayabong na sanga at dahon ng mga punong kahoy. Nasa unahan ko naman si Kuya Migs na s'yang sinusundan ko. Ito kasi ang inutusan ni Sir Boss na sumama sa akin papunta ng Hacienda at ito rin ang may alam ng tamang daan patungo roon.

Masasabi kong hindi basta-basta ang pagpasok sa gubat. May ilang pasikot-sikot na daanan at mayroon ding dalawa o tatlong daanan. Pero isa lang daw ang tamang daanan sa tatlong daanan.

Gets n'yo ba?

Ibig sabihin, pampaligaw at pampalinlang ang dalawang maling daanan. Sa tatlong daanan, iisa lamang ang tama.

Iba rin ang utak ng magpipinsan 'no?! Mga wais!

"Anong itsura ng Hacienda del Cordovia, Kuya Migs?" Puno ng kuryusidad ang boses ko.

First time ko kasi ito na makapunta sa isang hacienda. Sa mga palabas lamang naman kasi ako nakakapanood ng mga mayayaman na may hacienda.

May kuwadra rin kaya roon? Gusto kong sumakay sa kabayo.

Maganda kaya ang view sa mga ganoong lugar?

Ang alam ko kasi napapaligiran ng luntiang kapaligiran ang mga hacienda. Matataas na punong kahoy, malawak na parang sa gitna ng kabundukan.

"Isa lang ang masasabi ko... refreshing."

Naexcite ako bigla.

Naiimagine ko na ang magandang tanawin sa gitna ng kabundukan na may malawak na berdeng kapaligiran. Malawak na sakahan na may iba't ibang tanim na puno ng prutas at gulay.

Sabik din akong makakilala at makipag-usap sa ibang tao, maliban sa mga tao sa mansion at sa tatlong magpipinsan. Hindi rin naman ako nakikipag-usap sa iba kong kaklasr dahil feeling ko ini-echos lang nila ako.

Parang gusto ko nang magmadali na makarating sa hacienda. Nakakasawa rin kasing makipagtitigan sa malawak na pader ng mansion, lalo na at sobrang tahimik pakiramdam ko multo ako.

Hindi ko naman palaging makausap ng matino si Sir Boss. Magsusungit lang iyon o di kaya naman ay lalaitin lang ako hanggang sa mainis lang ako sa kanya.

Wrong move iyon.

Maganda rin ito. Makakapamasyal naman siguro ako roon at hindi lang basta babantayan ang walang hiyang si Tyron. Ano ba naman kasing ginagawa ng lalaking iyon at hindi na lang manatili sa mansion?

Habang kinakabisado ko ang daang tinatahak namin, napahikab ako ng malakas na s'yang ikinatawa ni Kuya Migs.

"Ang aga mo yatang magising, Arissa? Inaantok ka pa eh."

"Hay naku, Kuya Migs. Sinabi mo pa. Alas-kwatro pa lang ginising na ako ng amo mong magaling."

Alas-kwatro yata ng umaga ay kinatok na ako ni Travis. Bigla ko tuloy naimagine ang bagong gising na itsura nito. 

Mukha itong hindi natulog.

Hindi naman malaki at malalim ang gucci bags n'ya sa ilalim ng mata, sadyang mukha lang s'yang hindi natulog. Gulo-gulo ang medyo asul na buhok nito, halatang nagpagulong gulong lang sa kama magdamag. Mas nakaattract din ang kulay puti nitong highlight na humalo sa magulo nitong buhok.

Tapos iyong mata.... jusko...

Nakikita ko ang luntiang kagubatang tinatahak namin sa kulay berde n'yang mga mata.

Kaya naman kahit inaantok pa ay dumiretso agad ako sa banyo. Kinailangan ko pa ng cold shower para magising ang kaluluwa  kong hanggang ngayon ay gusto pa ring matulog.

Paano naman kasi! Two-thirty ng madaling araw na yata ako nakatulog. Ala-una ako natapos sa ginagawa ko pero hindi agad ako nakatulog dahil pilit kong iniisip kung paano nakalabas ng opisina si Sir Boss...

... ng hindi ko namamalayan.

Sobrang nakapagtataka naman talaga eh.

'Di ba?

At hanggang ngayon nagpapabalik-balik pa ang eksenang iyon sa utak ko. Pakiramdam ko may mga kakaibang bagay pa na hindi ko nalalaman sa mansion at maging sa mga kasama ko roon.

I can feel it. I can... I-I can feel—I can feel na naliligaw na ako.

Sheettt!

Lumingon ako sa aking likuran, sa gilid at sa harapan ulit. Hindi ko na makita ang anino ni Kuya Migs. Kani-kanina lang naman ay magkausap kami, nasa harap pa s'ya at sinusundan ko. Pero bakit bigla na lang s'yang nawala sa paningin ko?

"Shete bente, Arissa! Paktay kang babae ka."

Hindi ko pa mandin kabisado ang lugar na ito. Paano na ako nito ngayon?

Sinubukan kong sundan ang daang nakikita ko. Pero bumabalik lamang ako sa pwesto ko kanina nang mapansin wala na si Kuya Migs.

Naglakad pa akong muli pero imbes na lumiwanag ang lugar na nilalagusan ko, mas lalo lamang dumidilim dahil sa malalaking puno ng kahoy.

"Shet, naliligaw nga yata ako. Nawawala na ako! Anong gagawin ko?"

Napasabunot ako sa aking buhok.

Nakakainis ka self. Bakit kasi kung saan-saan pumupunta ang atensyon mo, ayan tuloy. Nawala sa paningin ko si Kuya Migs. Heto at parang batang nawawala ako sa gitna ng gubat.

I tried to walk again. Sinusundan ko ang ang daanan sa aking harapan. Nagbabakasakali na tama ako ng daang tinatahak palabas.

I even cried Kuya Migs' name. Shouting to make him hear me.

"KUYA MIGSSSS! KUYA ASAN KA NA? YOOHHHOOOO!"

Pero ang malakas kong sigaw ay naging dahilan lamang upang magsiliparan sa gulat ang mga ibon sa bawat puno.

Darn it!

Nasaan na ba ako?

Napapitlag ako ng makarinig ng mga yabag sa aking likuran. Lumingon ako sa pinanggalingan ng ingay ngunit walang tao roon.

Luminga-linga pa ako pero kahit anong gawin kong hanap wala akong makitang ibang tao rito maliban sa akin.

"Kuya Migs? Ikaw ba 'yan? Alam mo, kung tinatakot mo ako panalo ka na. Nakakatakot dito Kuya Migs kaya huwag mo akong pagtripan ng ganyan?"

Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig muli ng ingay sa di kalayuan.

Baka si Kuya Migs iyon.

Tinakbo ko ang daan patungo sa lugar na pinanggagalingan ng mga ingay. Kahit kinakabahan ay nagbabakasakali pa rin akong naroroon nga si Kuya Migs.

But I was disappointed when I didn't find Kuya Migs anywhere.

Hinihingal na lumunpasay ako sa damuhan.

"KUYA MIGS NASAAN KA NA BA?"

Feeling ko any minute bubuhos na ang luha ko dahil sa magkahalong takot, kaba at nerbyos.

What if...

What if may mga ligaw na hayop dito?

Naalala ko pa ang sabi ni Yna na may mga mababangis nga na hayop dito sa gubat, ayon iyon kay Nanay Wilma. Maaaring nasa paligid lamang sila, gumagala, naghahanap ng makakain.

At ako na naliligaw, walang kasama, hindi alam kung saan pupunta ay isang magandang target para sa kanila.

"AAAAHHHHHHHHH!"

Napasigaw ako ng makarinig ng malakas na alulong ng hayop malapit sa aking kinatatayuan. Wala sa sariling napayuko ako sa aking dalawang tuhod habang nakatakip ang mga palad sa tenga.

Nanginginig na ako sa takot.

Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyong ito?

Bakit ako pa?

Hindi pa ako ready magpalapa sa nakakatakot na hayop sa gubat.

Ayokong mamatay ng virgin pa!

Isang malakas na alulong ng hayop ang muling umingay. Pero this time alam kong nasa malapit na sila.

I murmured something while covering my ears tightly. Yakap-yakap ko na rin ang aking sarili dahil sa panginginig at panlalamig.

Nagkaroon ng nakakainis na ingay mula sa mga tuyong dahon at sanga. Parang inaapakan ang mga ito dahilan para gumawa iyon ng ingay.

"Are you lost little cub?"

Malagong at malaking boses ang umalingawngaw sa napakatahimik na paligid.

Mabilis na nilingon ko ang pinanggalingan niyon. At natagpuan ko ang lalaking may matikas na pangangatawan sa di kalayuan. Hubad ang pang-itaas nitong damit at tangin pantalon na may ilang hiwa da binti lamang ang suot. Ngunit hindi ito nag-iisa. Halos matumba ako sa pagkaka-upo ko nang mapagtanto kung anong uri ng hayop ang kasama n'ya.

Wolves.

Lobo ang nakapaligid sa lalaking nagsalita.

At hindi lamang basta isa. Kundi limang lobo ang nakikita ng aking mga mata.

Sh*t!

Muling bumalik sa lalaki ang tingin ko. May nakalolokong ngisi na ito sa labi habang pinagmamasdan ako.

Hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas na boses sa aking bibig. Tanging pagtitig na lang ang aking nagawa. Pakiramdam ko nawalan ako ng dila ng mapagtanto ko kung gaano kalalaki ang hayop na nasa aking harapan.

M-May alaga s'yang lobo?

Sa mga palabas at libro parang gugustuhin mong makakita ng mga katulad nito, pero hindi pala magandang ideya iyon. Dahil ngayong nakakita na ako sa personal ng totoo at buhay na lobo, gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Kahit gaano pa sila kaganda, hindi maaalis na napakababangis nila.

Napaatras ako ng biglang umagil ang isang malaki at kulay abong lobo.

Nakakatakot s'ya dahil mukha itong galit habang nakatitig sa akin. Sinuway naman ito ng lalaki at parang napakabait na alagang tumigil ito saka umiwas ng tingin sa akin.

Naglakad ang lalaki palapit pero agad ko s'yang pinigilan.

"H-Huwag kang lalapit sa akin, pakiusap lumayo ka. Huwag mo akong sasaktan please!" Pagmamakaawa ko.

I guy chuckled.

Akala ko titigil s'ya pero mas lumapit pa ito sa akin.

"I'm not going to harm you, little cub. I just want to have some fun with you for a while."

Nagbigay ng matinding kilabot sa aking sistema ang sinabi nito. Isama mo pa ang mapang-asar nitong ngisi. Parang may masama itong gagawin sa target n'ya.

At sa mga oras na ito, alam kong ako iyon.

"Huwag kang mag-alala little cub, mabilis lang ito. Nagugutom lang kasi ang mga kaibigan ko, at ikaw ang perpekto para sa kanilang almusal."

Kaibigan? Seryoso?

Kuya Migs sana mahanap mo na ako. Nasaan ka na ba kasi?

Sana naman may dumating para tulungan ako. Ayoko pang maging umagahan ng mga lobo.

Lumapit sa pwesto ko ang limang lobo kasama na rin ang lalaki. Parang mga gutom na halimaw ang mga ito kung titigan ako. Sabik na sabik sa pagkain.

T-Teka—kakainin din ba ako ng lalaking ito?

Sh*t!

Katapusan ko na ba ito? Hanggang dito na lang ba ako?

Napapikit ako ng mariin dahil ayokong makita ang kanilang mga itsura. Ngunit agad din akong napamulat nang may biglang magsalita mula sa aking likuran.

Kilala ko ang boses na iyon.

Napatingin sa likuran ko ang lalaki maging ang mga lobong kasama nito. Bakas ang takot at pag-aalinlangan sa kanilang mga mukha. Kahit ang limang lobo ay tila ba natulos sa kanilang kinatatayuan. Naging maamong tuta ang mga ito na kanina lamang ay halos mangain na kung makatingin sa akin.

"Leave. Her. Alone. Rocus!"

Mababa ang boses ngunit may diing bigkas ni Tyron. Para bagang nanggaling ito sa isandaang kilometrong takbuhin dahil medyo rinig pa ang paghinga n'ya ng mabilis at malalim.

Oo, si Tyron nga ang dumating.

At sunod si Kuya Migs na nagmamadaling tinakbo ang pwesto ko at inalalayan ako para makatayo. Nanginginig pa rin ang dalawa kong binti kaya naman nanlalambot na lumayo kami sa lalaking may kasamang mga lobo.

Pinagmasdan kong mabuti kung paano titigan ng matagal ni Tyron ang lalaki hanggang sa ang lalaki na mismo ang umatras.

"Don't ever let your f*cking fingers touch her. Or else the punishment is waiting for you," Tyron dangerously stated that make the guy cursed in response.

"Damn it, let's go!"

Wala itong nagawa kundi ang magkalad paalis. Ngunit nanatili ang isang lobong kasama nito sa kanyang pwesto. Ito 'yung lobong kung titigan ako kanina ay halos gusto na akong sakmalin. Nakalabas pa rin ang matatalas at matutulis nitong ngipin at umaangil sa akin.

Napakapit ako sa braso ni Tyron.

"T-Tyron, 'y-yong lobo... kanina pa nagagalit sa akin."

Napatingin pabalik sa amin ang lalaking tinawag ni Tyron na Rocus.

"Night tara na. Hawak 'yan ng mga Cordova kaya umalis na tayo dito."

Pero parang hindi s'ya narinig ng lobo. Patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng masamang tingin sa akin. Ang kulay abo nitong mata ay nanlilisik at handa na akong sugurin.

Ano bang problema ng hayop na ito? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah.

"Night, let's go! Hayaan mo na 'yan!" Muling tawag ng lalaking si Rocus sa lobo.

Hindi ito natinag pero nang mapatingin ito sa lalaking nasa harap ko, ang kaninang ready-to-attack nitong tingin sa akin ay biglang naglaho.

Humuni ito na para bang nagpapaawa bago tumalikod at tumakbo papunta sa mga kasama n'ya.

Doon na ako nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga katapusan ko na. Mabuti na lang talaga't dumating bigla sina Kuya Migs at Tyron.

"Let's go!"

Hinawakan na ako ni Tyron sa braso saka hinila paalis. Sumunod naman sa amin si Kuya Migs. Pero bago kami tuluyang makalayo sa lugar na iyon ay muli kong binalikan ng tingin ang pinagdaanan ni Rocus at ng mga lobo.

Napasinghap ako nang matagpuan kong nakatanaw pa rin sa amin ang lobong may galit yata sa akin, dahil sa sama nitong makatingin.

"Dollface tumingin ka sa dinaraanan mo kung ayaw mong iwan ka namin dito."

Humarap naman agad ako sa unahan para sundan ang tamang daan. Pero feeling ko tila ba may nakamasid pa rin sa akin dahil ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan.

Bago kami makalabas ng gubat ay narinig ko pang muling tinawag ni Rocus ang lobong nagngangalang Night. Doon ko nakumpirma na may nanonood nga sa akin.

"Stop watching her, Night. Bumalik na tayo sa bayan, hayaan mo na 'yan."

Walanghiyang lobo! Ano kayang problema no'n sa'kin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top