CHAPTER 25

CHAPTER 25

NAGING mabilis ang paglipas ng mga araw. Namalayan ko na lang na magdadalawang buwan na pala akong nagtatrabaho kay Sir Boss. Almost two months na rin since nagsimula akong pumasok sa Oxford del Silvenia.

Sa umaga, nagtatrabaho ako bilang sekretarya ni Travis. Habang sa hapon naman ako pumapasok sa school together with Sage.

Sa loob ng isang buwan nasanay na ako sa routine ko tuwing umaga, hanggang sa gabi bago matulog. Ipagluluto ko si Travis ng breakfast at lunch. Minsan naman ay hindi na n'ya ako pinapagluto ng dinner n'ya dahil gabi na ako dumadating galing eskwela. Sa school naman, sanay na ako sa malalamig at malalagkit na tingin ng ibang estudyante sa akin. Pero kalaunan naman ay natigil din dahil sa kakaibang presensya ng lalaking nakabantay sa akin.

Sa loob ng mahigit isang buwan ganoon ang scenario at routine ko sa araw-araw.

Natutuwa nga sina Nanay Wilma at Mr. Smith dahil sa wakas may ibang tao nang nakatagal sa puder ng kanilang Young Master. Masaya rin naman ako dahil bukod sa may trabaho pa ako at nag-aaral, ikinagagalak ko rin na magtrabaho sa pamilyang ito.

Habang tumatagal kasi ako dito nakikilala ko na ang bawat isa sa tatlong magpipinsang Cordova. Kung anong ugali ba meron sila at kung anong personalidad nila.

Minsan masungit tapos minsan mabait. Iyan ay dalawa sa katangian at ugaling meron ang panganay at bunso sa tatlo, which is ang boss ko at si Sage. Si Tyron? As usual medyo pasaway din ito at inaasahan ko nang playboy ito noong nasa highschool pa.

Mabulaklak at matamis kung magsalita si Tyron, maliban kay Travis at Sage na parang pinaghili palagi sa sama ng loob at tila ba may galit sa mundo. Lalo na pagdating sa akin. Para bang pinagtutulungan ako sa pambubully.

Ako na lang kasi palagi ang nakikita ng dalawa. Huwag n'yo nang tanungin si Tyron dahil busy iyon sa pagtambay sa Hacienda.

Speaking of hacienda.

Mag dadalawang buwan na ako dito sa Mansion pero hindi pa ako nakakapunta sa lugar na iyon. Hindi ko rin naman kayang tanggkaing pumunta ng mag-isa dahil hindi ako sanay sa gubat. Baka maligaw pa ako kung sakali man. Pero may part sa akin na gustong magtungo roon.

Nakaka-curious kasi.

Ngunit habang tumatagal ako sa lugar na ito, habang mas nagugustuhan ko pang makilala ng lubusan ang boss ko, habang mas lalo akong nawi-weirduhan sa nararamdaman ko tuwing may gagawin si Sir Boss na hindi ko inaasahan, hindi ako tinitigilan ng panaginip na iyon.

Panaginip na ngayon ko lang naranasan.

I don't know if dream is the perfect term for it. Maybe... a nightmare?

Hindi kaaya-aya ang nakikita ko sa aking panaginip. Noong una taong hindi ko kilala ang nakita ko sa labas ng balcony dito sa second floor. Tapos sumunod naman ay lalaking may kulay pulang mata ang nakita ko sa ika'tlong palapag ng mansion. At ang panghuli ay ang lalaking may pangil sa aking panaginip.

Hanggang ngayon nagpapakita ang nilalang na iyon sa panaginip ko.

At habang tumatagal, pakiramdam ko totoo ang mga napapanaginipan ko. Ngunit hindi ko maaninaw ang mukha ng lalaki, blurd ito. Wala rin akong matandaan bukod sa nanaginip ako tungkol sa bagay na iyon, tuwing magigising na ako.

Basta ang alam ko habol-habol ako ng kaba at tagaktak ang malamig na pawis sa noo. Para bang hinahabol ako o sobrang natatakot.

Sa tuwing inaalala ko kung anong nangyari sa panaginip ko, hindi ko maalala. Lalaking may pulang mata at may pares ng pangin, iyon lamang.

Pero...

Bukod doon may isang bagay pang nagpacurious sa akin na tuklasin kung bakit ako nananaginip ng ganoon.

Ang kulay pula nitong mga mata ay nagiging kulay ginto kalaunan. Parang mata ng lobo.

At iyong pangil...

Parang sa...

Bampira.

"ARISSA PAIGE MONTECARLOS!"

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang malakas na pagtawag ni Sir Boss sa buo kong pangalan.

Ngayon ko lang naalala na nasa trabaho nga pala ako. At nasa harapan na nang table ko si Sir Boss, nakapameywang habang nakataas na naman ang isang kilay.

Matalim ang tingin nito sa akin na para bang ready nang sermunan ako.

"Where on Earth your mind traveled? You're almost half an hour outspacing. Nakarating na ba sa Ukraine ang utak mo at nakikipag-gyera na?"

Napaismid ako.

"Grabe ka naman Sir Boss. May naisip lang ako."

"At sino naman?"

"Sino agad Sir Boss? Hindi ba pwedeng ano?"

"Hey, Ms. Montecarlos. Leave behind those personal affairs of yours if you're in my office at work hour. Hindi kita sinuswelduhan para tumulala d'yan."

Umirap ako ng patago.

Napakasungit talaga. Konti na lang  iisipin ko nang araw-araw may monthly period ang boss ko dahil paiba-iba ng ugali.

Moodswing yarn?

Bumalik na s'ya sa kanyang table. "Tapos mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?"

"Tapos na Sir Boss."

Tumayo ako dala ang mga folder na pinaayos n'ya sa akin ng pagkakasunod-sunod. Nilapag ko ang mga ito sa harap ng kanyang mesa.

"May ipapagawa ka pa ba, Sir Boss?"

"Wala kang pasok ngayon, right?" Sumandal s'ya sa kanyang swivel chair bago humalukipkip.

"Wala po. Three days."

"Good. I want you to make a power point of this products. At dapat matapos mo ito before midnight. Mag overtime ka kung kailangan. But don't worry may dagdag naman ang overtime mo, ofcourse."

I nodded at him.

Okay lang naman mag overtime, wala naman akong pasok bukas. Basta ba paid ang overtime ko eh, hindi ako magrereklamo kahit gaano pa madami ang dapat gawin.

"Copy, Sir Boss."

"And by tomorrow morning after breakfast, I will ask Migs to accompany you to go in the Hacienda."

Doon ako hindi agad nakapagreact.

Hacienda ba kamo?

Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Sir Boss?

Pupunta ba talaga ako ng Hacienda?

Pero bakit kaya?

"Hacienda, Sir Boss? Anong gagawin ko roon?"

"Ty needs help. He's sick. And I don't know why he would be sick, gayong vampires never—I mean Ty's healthy. Hindi nga ito dinadapuan ng kung anong karamdaman simula ng mga bata pa kami."

Tama ba ang narinig ko mula sa bibig ng aking boss?

V-vampires?

O baka typo lang 'yon?

"Eh baka nagpaulan, Sir Boss. Tapos sinipon at nilagnat. May ibang tao ba roon maliban kay Tyron?"

"Every morning nasa bukid ang mga tauhan ng Hacienda at may naglilinis sa mansion. Pagdating ng hapon umuuwi na rin ang lahat, si Ty na lang ang naiiwan."

"Sana pinauwi n'yo na lang dito."

"That guy is hardheaded. Ilang ulit ko nang sinabi na umuwi rito pero nagmamatigas. Pinipilit ang gusto kaysa sa inuutos ko."

"Eh bakit ako ang pupunta roon, Sir Boss? Bakit hindi ikaw? O kaya ay si Nanay Wilma or Mr. Smith."

"Isa pa iyon. I have a lot of work to do, kaya hindi ko maasikaso ang pagtingin sa matigas ang ulong iyon. And besides, pinipilit n'yang IKAW ang papuntahin doon para alagaan s'ya." He even emphasize the word 'ikaw' na ikinasimangot ko.

Ano naman kaya ang problema ng lalaking iyon at ako pa ang napiling istorbohin?

"Even if I don't want to, patuloy lang n'yang ipipilit ang gusto. In the end, kailangan kong sundin ang gusto ng lalaking iyon para hindi na humaba pa ang usapan."

Umawang ang labi ko.

Wow! Just wow! Totoo ba talaga ang narinig ko?

Ang isang Young Master na si Travis Zaden, ang panganay sa tatlong Cordova ay hindi makapalag sa gusto ng pinsan?

Unti-unting kumurba ang aking labi at gumuhit ang isang ngiti.

May puso rin naman pala ang lalaking ito, pagdating sa dalawa n'yang pinsan. Akala ko puro kasungitan at panlalait lang ang alam. Sabagay, sila-sila na lang naman ang magtutulungan at magdadamayan kapag may problema o kailangan ang bawat isa. Silang tatlo na lang naman ang magkakamag-anak na nandito. At isa pa, s'ya ang panganay kaya kailangan n'yang maging mabait sa dalawang mas nakababata sa kanya.

"Why are you smiling?" Tumaas ang isang kilay ni Sir Boss. Naitikom ko naman ang labi para itago ang aking ngiti.

Umiling ako. "Nothing, Sir Boss."

Tiningnan n'ya ako na hindi lubos na naniniwala sa aking sagot.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Gagawin ko na ang ipinapagawa mo, Sir Boss."

Kinuha ko ang tambak na portfolio sa kabilang bahagi ng kanyang mesa. Bumalik na ako sa mesa habang tinitingnan ang laman ng portfolio.

Hindi ko na ibinaling ang tingin ko kay Sir Boss kahit na ramdam ko ang mabigat nitong titig sa akin. Bawat kilos at pag-galaw ko'y sinusundan n'ya ng tingin.

Kahit na naiilang ako at hindi makapagconcentrate sa ginagawa, hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

Nako-concious tuloy ako kung ano bang itsura ko.

Nubayarn!

Bakit kasi kailangang nakatingin pa sa akin?

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-examine sa laman ng portfolio. Pagkatapos ay ilalagay ko ang mga iyon sa aking laptop para sa powerpoint na aking gagawin.

Habang ginagawa ang trabaho ko, hindi pa rin inaalis ni Sir Boss ang paningin sa aking pwesto. Tumigil ako saglit para silipin ang boss ko sa aking peripheral vision. Nakasandal pa rin ito sa kanyang swivel chair, nakadekwatro ang binti at nakahalukipkip ang braso sa ibaba ng dibdib.

Nagpatuloy ulit ako sa pagta-type.

Ilang oras yata bago ako mangawit sa pagkaka-upo. Tumigil muna ako bago mag-inat ng likod at mga braso.

"Ang ngalay," reklamo ko.

Napatingin ako sa mesa ng aking boss. Nakatingala na ito bahang pinaglalaruan ang upuan. Pinapaikot-ikot n'ya iyon habang nakaupo s'ya.

Ngumiwi ako.

Hindi ba s'ya nahihilo, kakaikot n'ya?

Tumigil ito at muling bumalik sa akin ang tingin. Agad naman akong umiwas at nagkunwaring binabasa ang laman ng portfolio, kahit na ang totoo ay pinapanood ko ang susunod na gagawin n'ya sa gilid ng aking mga mata.

Ipinatong n'ya ang dalawang siko sa mesa bago pinagsiklop ang mga daliri, habang ang baba ay nilagay sa ibabaw ng kanyang magkasiklop na kamay.

Hindi ko na natiis ang nakakailang na titig sa akin ni Sir Boss kaya sinita ko na ito.

"Sir Boss wala ka bang ibang gagawin bukod sa pagtitig—HALA! Asan na 'yon?"

Paglingon ko kasi sa kanyang kinauupuan, hindi ko na s'ya natagpuan roon. Walang Sir Boss akong naabutang nakaupo at nagmamasid sa ginagawa ko.

Tanging ang umiikot na swivel chair na lamang ang naroroon at walang bakas ng aking nakaupong boss.

Paano nangyari iyon?

Nandiyan pa s'ya riyan kanina at pinapaikot ang inuupuan. Tapos titigil at papanoorin ang trabaho ko. Then balik ulit sa paglalaro ng kanyang inuupuang swivel chair.

Kaya paanong wala s'ya sa kinauupuan ng bumaling ako, kung pinapanood ko naman s'ya sa gilid ng aking mga mata.

Bakit hindi ko nakita ang pagtayo n'ya at paglabas ng opisina?

Dapat mapapansin ko iyon dahil hindi naman nakatutok ang paningin at atensyon ko sa ginagawa. Pinapahinga ko pa ang aking mga mata sa pagtitig sa laptop. Pero sa kanya ako lihim na nakasilip.

Sobrang bilis nitong nawala. Parang isang kisap-matang bigla na lang naglaho ng hindi ko man lang napapansin.

"How did that happen?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top