CHAPTER 24

CHAPTER 24

KUMUHA ako ng tissue na nasa gitna ng mahabang mesa upang punasan ang basa kong mukha.

Nanlilisik ang tingin ng boss ko nang balingan ko ito, na para bang hindi nasarapan sa kinain.

"Oh, don't tell me ibabalik mo 'yong kinain mo palabas ah. Saka anong disgusting? Eh samantalang sarap na sarap ka nga, halos ubusin mo na ang laman ng mangkok. Ngayon ka pa ba magrereklamo?"

"Wala na bang ibang food stock sa ref para magluto ka ng hayop na kung saan mo lang kinuha? Hindi kita sinuswelduhan para pakainin ako ng maduming pagkain."

"As if naman taga-luto ang kinuha kong trabaho," bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala po. Saka malinis ang niluto ko. Bawat parte ng palaka—"

Pinigilan n'ya ako bago pumikit ng mariin.

"Stop! Stop saying that damn animal. F*ck it! I can't believed I ate that f*cking disgusting creature."

Diring diri ito sa nalaman. Akala mo naman hindi nasarapan.

"Sir Boss, malinis naman iyong kinain mo. Isa pa hindi naman basta palaka—" Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Este creature pala... Hindi lang naman basta creature lang ang hinuli ko at niluto. Sinigurado ko rin na iyon nga ang kinakain na palak—I mean creature. Nilinis ko rin ang balat at bawat parte ng karne. At bago ko lutuin tinanggal ko lahat ng laman-loob."

"Kahit na! Disgusting creature is still disgusting creature."

"Eh bakit nagagalit ka? Nakain mo na nga. Nilunok mo na't lahat nagrereklamo ka pa. Bakit, nagreklamo ba 'yong palaka noong kinain mo s'ya? Nagreklamo ba 'yong palaka noong nasarapan ka na nga, sinabihan mo pa ng disgusting? Nagreklamo ba? Ha? Ha?"

Hiningal pa nga ako nang matapos sa pagsasalita.

Nanliit ang mga mata kong bumaling kay Travis. Natahimik ito dahil sa pagtaas ng boses ko.

"Pinaghirapan kong lutuin tapos... tapos... tapos... Arghhh! Sugasan mo 'yang pinagkainan mo."

Inis na nag walkout ako.

Nakakabwiset!

S'ya na nga ang pinagluluto, nagrereklamo pa. Nagreklamo ba 'yong palaka noong nilait s'ya? Hindi naman ah.

Hinihingal na nakarating ako sa aking kwarto. Pumasok ako sa loob at padabog na sinara ang pinto. Nakabusangot ang mukhang hinagis ko ang sarili sa kama sabay sipa sa ere.

"URGGHHHH! Huwag sana akong mawalan ng trabaho bukas. Bakit kasi sinigawan ko si Sir Boss?" Frustrated na sinabunutan ko ang sariling buhok. Pinagpapalo ko rin ang aking mga unan dahil sa inis at pagsisisi.

"Sana makalimutan agad ni Sir Boss ang nangyari at ginawa ko ngayon. O di kaya naman ay madulas s'ya sa hagdan tapos mabagok. Urrggghhhh! Arissa palpak ka talaga. Manalangin ka nang huwag kang patalsikin sa trabaho. O kaya naman ay magbalot-balot ka na ng gamit dahil uuwi ka na bukas."

Sumigaw ako habang nasa unan ang mukha. I even punch my pillow because of frustration.

NAGISING ako nang makaramdam ng uhaw. Nakalimutan ko nga palang uminom kanina nang magkasagutan kami ni Sir Boss, dahil nag walkout na lang akong bigla. Bumangon ako at napatingin sa alarm clock na nasa ibabaw ng aking bedside table.

Madaling araw na.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang pinagtuunan ng inis ang unan ko. Inayos ko muna ang suot na damit at kumuha ng roba saka pinatong iyon sa suot ko. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina.

Papasok na sana ako sa bungad ng kitchen nang mapatingin ako sa salas ng mansion.

"OH MY HOLY WATER!"

Napaiktad ako sa gulat nang bumungad sa akin ang walang emosyong mukha ng boss ko. Agad akong umiwas ng tingin as if hindi ko ito nakita.

Gusto ko sana s'yang sitahin pero pinigilan ko ang aking sarili dahil ayaw ko nang madagdagan ang kasalanan ko. Tama na iyong nangyari kanina, ayoko nang dagdagan pa dahil baka talagang matuluyan na ako.

Akmang hahakbang na sana ulit ako nang tawagin ako ni Travis.

"Arissa..."

Hindi ako kumibo.

"Where do you think you're going, young lady?"

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatalikod sa kanya at hindi s'ya pinapansin.

"After you shouted at me? After you walkout and make me wash the dishes, hindi mo ako haharapin?"

Lagot na talaga.

Galit na galit ang boss kong monster.

Mariing pumikit ako bago nagpasyang harapin si Travis. Ngunit sa pagharap ko hindi ko inaasahan ng sunod kong makikita.

Parang hangin na nakalapit agad si Travis sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan.

Umangat ang tingin ko sa mukha n'ya na sana hindi ko na lang ginawa. Dahil sa paglapat ng mga mata ko sa kanyang mga mata, gahimbal-himbal ang nasaksihan ko.

Ang kanyang mga mata.

Nanlilisik ang mga mata n'ya habang nakatitig sa akin.

Pero ang nagpatindig ng balahibo ko ay ang kulay ng mga ito.

Bloody red.

Kulay pula ang mga mata n'ya, tila ba isang nakakatakot na nilalang at galit na galit.

"S-Sir Boss..."

Nang bumuka ang bibig n'ya upang magsalita, dalawang matutulis na bagay ang nakapukaw ng atensyon ko.

Napaatras ako sa pagkabigla.

"S-sir Boss... B-bakit? A-anong..."

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko nawalan ako ng dila at hindi makapagsalita.

Nanginginig ang tuhod na humakbang akong muli paatras. Takot na mapalapit ng husto sa lalaking nasa harapan ko.

"Arissa..."

"AAAHHHHHHHHHHH!"

Napatili ako nang bigla n'ya akong hilahin palapit sa kanya. Tinapat n'ya ang bibig sa balikat ko and the next thing I know may kung anong matutulis na bagay ang tumusok sa aking laman.

HUMAHANGOS na napabalikwas ako ng bangon. Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa lakas at bilis ng kabog niyon. Tagaktak din ang pawis ko sa noo hanggang sa aking leeg. Malamig ang pakiramdam ko pero pinagpapawisan ako.

Napatigalgal ako nang maalala ang nakita ko. Nilibot ko ang paningin ngunit nasa loob naman ako ng kwarto at wala sa ibaba ng mansion. Wala rin akong suot na roba at walang bakas na lumabas ako ng kwarto.

Napatingin ako sa alarm clock at madaling araw pa lang din. Ibig sabihin..

Panaginip.

Isang panaginip.

Panaginip lang pala.

Pero bakit pakiramdam ko totoo. Nararamdaman ko pa rin sa balikat ko kung gaano kasakit ang pagbaon ng kung anong matulis na bagay sa bahaging iyon.

Pati na rin ang panlalambot ng tuhod ko at panginginig ng kamay.

Panaginip lang pero ramdam na ramdam ko ang takot sa aking sistema.

At isa pa...

Bakit si Sir Boss ang nakita ko sa aking panaginip? Bakit s'ya ang may ganoong klase ng nakakatakot na mga mata? Pati na rin ang matutulis na pangil.

Katulad ng bulto ng lalaking nakita ko sa hagdan sa ika'tlong palapag, may pula rin itong mga mata. Pati na rin iyong lalaking napanaginipan ko noon, may pangil din ito.

Bakit si Sir Boss ang nakita ko sa aking panaginip na may ganoong uri ng pulang mata at mga pangil?

"Hindi kaya...."

Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin ang kalokohang naiisip. Imposibleng mangyari iyon. Hindi si Sir Boss ang nakita ko noon. Hindi iisang tao ang lalaking may pulang mata pati na rin 'yong lalaking may pangil. At mas lalong hindi iyon ang boss ko.

Kaya lang siguro si Sir Boss ang nakita ko sa aking panaginip ay dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kanina. Siguro nga ay ganoon ang dahilan.

"Baka kailangan ko nang humingi ng sorry kay Sir Boss dahil sa pagsigaw ko sa kanya at pag walkout ko. Unutusan ko pa talagang maghugas ng plato iyong tao. Kaya siguro gqnoon ang panaginip ko dahil kinukonsensya ako."

At dahil nawala na rin naman ang antok ko dahil sa napanaginipan ko, nagpasya akong lumabas na lang ng kwarto.

Habang naglalakad sa hallway napatingin ako sa ika'tlong palapag.

Sobrang dilim doon dahil walang bukas na mga ilaw. Nacurious tuloy ako kung wala rin bang ilaw sa loob ng kwarto ni Travis. Para bang sanay na sanay ito sa dilim at kahit walang ilaw ay nakakakita pa rin.

Naisipan kong katukin na lang si Travis sa kwarto nito. Pero baka mahimbing na ang tulog nito at mapagalitan na naman ako. Ngunit kapag hindi ako nakapag sorry agad dadalawin pa rin ako ng konsensya ko. Saka baka mawalan na ako ng trabaho kapag hindi ko pa ginawa ngayon.

"Bahala na nga."

Binilisan ko ang pagakyat ng hagdan. Madilim na pasilyo ang bumungad sa aking mga mata nang makarating ako sa third floor. Kinapa ko ang switch sa dingding upang buksan ang ilaw.

Normal na palapag lang naman ito.

May anim na kwarto at balkonahe sa dulo. May ilang paintings na nakasabit sa dingding at maliit na mesa sa kabilang gilid na may tatlong upuan.

"Wala namang kakaiba sa lugar na ito bukod sa palaging patay ang ilaw."

Nagtungo ako sa kwarto ni Travis. Nakakailang hakbang pa lang ako nang matigilan ako sa paglapit. Tila may ingay na nanggagaling sa loob ng isa sa mga kwarto. Hindi ko alam kung saan pero nakaramdam na agad ako ng kaba.

Kami lang naman ni Travis ang nandito.

Dali-dali akong tumakbo palapit sa pinto ng kwarto n'ya. Malakas kong kinatok iyon.

"S-sir Boss? Sir Boss nand'yan ka ba? May nangyayari ba sa'yo? Travis!"

Muli akong nakarinig ng ingay. But this time surw na akong sa kwarto ng boss ko nanggagaling ang ingay. Impit na ungol na para bang nahihirapan ito.

Mas lalo lamang akong kinabahan.

Hala! Don't tell me may allergy s'ya sa palaka at ngayon ay may kung anong nangyayari na dito.

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa padalos-dalos ko.

Sheyt! Iyon pa yatang pinakain ko sa kanya ang magiging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho. Nalintikan na.

Kinatok kong muli ang pintuan. Paulit-ulit. At katulad ng ingay sa loob ng kwarto, hindi ito tumitigil. Palakas din ng palakas.

"TRAVIS BUKSAN MO ANG PINTO, PLEASE! TRAVIS!"

Biglang nawala ang ingay.

Idinikit ko ang aking tainga sa pinto ngunit wala na akong marinig na kahit ano.

Kumunot ang noo ko at nailayo ang sarili sa pinto.

What was that? Nananaginip lang ba ako?

Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang doorknob. Dahan-dahan kong pinihit iyon pabukas ngunit nakalock ito.

Kakatok sana ulit ako nang may nagsalita sa aking likuran na s'yang naging pagharap ko dito.

Naihakbang ko ang isang paa paatras dahil sa gulat.

"T-Travis... Kanina ka pa d'yan? Akala ko nasa loob ka kaya kumakatok ako. May naririnig kasi ako sa loob na umuungol. Para bang nahihirapan. Akala ko naroroon ka. Saan ka galing?"

Pero imbes na sagutin, tanong din ang isinagot n'ya sa akin.

"What are you doing here?"

"Sir Boss... Hihingi sana ako ng paumanhin dahil sa pagwalkout ko kanina. Saka napagtaasan din kita ng boses at pinaghugas pa. Sorry po!"

"You shouldn't be here at this hour, Arissa. Bumalik ka na sa kwarto mo."

"Pero..."

"Don't be so hardheaded, Arissa. Just do what I've said. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog."

"Saan ka muna galing? At bakit gising ka pa?"

"I don't need to answer that."

"Hindi ako babalik sa kwarto hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko, Travis."

Napapikit s'ya at napatingala. Siguro naiinis na dahil hindi ko na naman s'ya sinusunod.

"Fine! Galing ako sa balcony. I can't sleep so I stay there while waiting the sun to rise up."

Hindi ako kumbinsido.

Pero nawala roon ang atensyon ko at napunta sa itsura n'ya. Ngayon ko lang napansin na hirap itong tumayo. Kaya pala medyo nakasandal pa s'ya sa dingding ay dahil doon ito kumukuha ng mapagkakapitan para hindi bumagsak. Medyo basa rin ang buhok n'ya dahil sa tagaktak na pawis sa noo.

Napatingin ako sa balcony. Sarado ang pinto at nakababa ang kurtina. Hindi ko napansing naroroon s'ya. Hindi ko rin narinig na bumukas ang glass door at sumara nang pumasok s'ya.

Bumalik ang paningin ko kay Travis nang muntik na itong matumba, nang balakin n'yang maglakad. Mabilis ko s'yang dinaluhan upang tulungan.

"Anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Sorry, kasalanan ko. Baka gawa ito ng kinain mo. Hindi na mauuli—"

"Bumalik ka na sa kwarto mo Arissa."

Hinawakan ko ang braso n'ya, pero napabitaw din ako kaagad.

Ngayon ko lang s'ya nahawakan kaya nabigla ako ng maramdaman ang malamig n'yang braso't kamay. Kinapa ko ang leeg n'ya. Basang basa ang bahaging iyon ngunit malamig din katulad ng kanyang kamay.

Kung may lagnat s'ya, dapat mainit, at hindi malamig.

"Hindi ako aalis lalo na at ganyan ka. Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?"

"N-Nauuhaw ako."

"Sandali, ikukuha kita ng tubig sa ibaba." Aalis na sana ako nang pigilan ni Travis ang akma kong pagtakbo.

"Hindi tubig ang kailangan ko."

"Red juice ba? Ikukuha kita."

"Hindi rin." Huminga s'ya ng malalim bago pumikit. At nagmulat rin kalaunan saka tumitig sa akin. "Sa ibang bagay ako nauuhaw. Ang gusto kong gawin mo, bumalik ka na sa kwarto mo. Ngayon na, Arissa."

Para bang ginamitan n'ya ako ng kung anong mahika habang nakatitig sa akin. Dahil gustuhin ko mang manatili sa itaas para tulungan s'yang bumalik sa kwarto, tila ba may pwersang humihila sa akin paalis sa lugar na iyon.

Wala akong nagawa kundi sundin na lamang s'ya. Kahit na nag-aalala ako para sa kalagayan n'ya.

At bago pa ako tuluyang maababa, narinig ko pa s'yang nagsalita. Ngunit hindi ko maintindihan dahil parang hangin lamang ang boses n'ya na biglang dumaan.

"I don't want to sip your sweet blood even if it's addictinh and intoxicating, for damn sake. I might drain it if I didn't control my thirst. I don't want to scared you Arissa, not now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top