CHAPTER 23
CHAPTER 23
NAGING maayos naman ang first day ko sa klase. May ilang kumakausap sa akin at may ilan din na gusto lang magpapansin kay Sage na pinaglihi yata sa sama ng loob. Sinusungitan kasi agad nito ang mga nagtatangkang kumausap sa kanya.
Sanay naman na daw ang iba dahil matagal na nilang kilala si Sage at kabisado na ang ugali.
Ang unfair 'no?
Kahit gaano pa kasungit ng lalaking iyon, ang dami pa ring nagtatangkang lumapit at kumausap. Kahit na parang hanging dideadmahin ka lang naman. At higit sa lahat, sa kabila ng kasungitan nito at pagiging mailap sa mga babae, marami pa ring nagkakagusto.
Palibhasa gwapo kaya ang lakas makahatak ng babae.
Ang unfair lang.
Maliban sa kakaibang tingin sa akin ng ibang estudyante, wala namang nangyaring kakaiba. Masasanay din ako sa titig nila na para bang hindi ako nababagay sa lugar na ito kasam nila.
Sa ngayon, deadma na lang muna.
Limang oras lang ang pang gabing klase sa Oxford del Silvenia —6:00 pm to 10:00 pm. Kaklase ko si Sage sa limang subject at magkaiba na kami ng klase from 9:00 to 10:00. Ang last class ko ay sa kitchen lab na.
Pagkatapos ng huling klase, ako lang ang mag-isang uumuwi ng mansion. Paglabas namin kanina nasa parking lot na si Kuya Migs, naghihintay para ihatid ako pauwi.
Sa condo daw kasi si Sage mamamalagi ng ilang araw, sa kadahilanang hindi ko alam. Siguro bored na ito sa mansion dahil palagi na lang nasa kwarto at minsan lang lumabas.
Sabagay, kung ako man ay nabobored din kapag maghapon walang pinapagawa sa akin. Wala man lang tv o kahit anong appliance na maaaring mapanooran at mapaglibangan. Sobrang tahimik pa ng buong lugar at walang malapit na mapapasyalan, bukod sa haciendang nasa loob ng gubat sa likod ng mansion na hindi ko pa napupuntahan. Pero si Tyron ang namumugad doon.
Nakarating kami ng maaga ni Kuya Migs sa mansion. Inaya ko muna s'yang pumasok pero tumanggi naman. Uuwi pa kasi ito sa kanila at gumagabi na kaya hindi ko na rin pinilit pa.
Pumasok ako sa loob ng mansion pero hindi ko naabutan si Sir Boss sa sala. Wala rin sa kusina. Kaya siguro nasa kwarto o kaya naman ay nasa opisina pa n'ya.
Umakyat muna ako sa kwarto upang magpalit ng pambahay na damit saka ako bumaba para magluto ng dinner. Nasa hagdan na ako nang may maalala.
"Sheyytt! Oo nga pala, iyong mga hinuli kong lulutuin ngayon."
Tinakbo ko ang hallway para agad na makarating sa kwarto. Kinuha ko ang timba at lakad-takbong tinungo ang kusina. Kailangan kong makapagluto kaagad bago pa bumaba ang boss kong magaling.
Prinipare ko muna ang mga sangkap bago ko simulang hiwain at tanggalin ang lamang loob ng aking lulutuing putahe for tonight. Anim na piraso lang naman ng nahuli ko kaya mabilis lang akong natapos. Noong highschool tinuruan na kami kung paano ang tamang pag-aalis ng laman-loob ng isang hayop. Experiment namin iyon sa subject na Science.
Hindi ko alam na maiaapply ko iyon ngayon.
Kalahating oras yata akong nakaharap sa kitchen counter. Katatapos ko lang magluto at naglalagay na ako ng ulam sa mangkok nang makarinig ako ng yabag pababa.
Napangiti ako. Sure akong si Sir Boss na ang pababa.
Hindi ako nagluto ng steak n'ya at itong niluto ko ang ipapatikim ko sa kanya. Pero sana lang hindi ako masisante ng dahil dito.
"Arissa?"
Bakas ang pagtataka sa boses ng boss ko kaya hinarap ko ito.
"Kanina ka pa ba nakauwi? Who's with you? Where's Sage?"
"Kanina pa Sir Boss. Nakapagluto na nga ako ng late dinner eh. Ako lang ang umuwi Sir Boss, si Kuya Migs ang naghatid sa akin. Sa condo daw uuwi si Sage ng ilang araw."
"Is that so? I didn't notice you're already here. Masyado akong nakatutok sa binabasa ko."
"Alam mo Sir Boss, minsan pwede ka rin magpahinga sa trabaho. Tingnan mo ang kulay mo, ang putla. Para kang walang dugo. Baka anemic ka na n'yan dahil palagi ka lang nandito sa loob at hindi ka nasisikatan ng vitamins ng araw."
Sa tono ng pananalita ko, para akong may-bahay na pinagsasabihan ang pasaway n'yang asawa na huwag puro trabaho ang inaatupag.
Emeee~
Concerned girlfriend yarn?
Ano ba naman itong pinag-iisip ko. Kahiya ka, Arissa! Kapalmuks!
Napakurap ako nang hindi nagreact agad si Sir Boss. Nakatitig lang ito sa akin habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Pinagmamasdan ang susunod kong gagawin.
"Hehehehe..."
Sheytt... Ang daldal ko talaga minsan.
"You know what? You look like a girlfriend who's concered with the health of her boyfriend." May multo ng ngisi sa labi nito.
I can feel my cheeks got redened all of the sudden.
Hala! Ba't ka namumula? Shy yarn?
"Syempre! Syempre Sir Boss, concerned ako sa inyo dahil boss ko kayo 'no?! Kayo ang nagpapasweldo sa akin kaya kapag nagkasakit kayo paano na ang trabaho ko. Trabaho lang, walang ganyanan."
"Right! Don't worry Arissa, wala akong balak na patulan ka. You're not my type, not even in a bit."
Napaismid ako sa pagiging straight forward ng magaling kong boss.
Wow, harap-harapan ah.
Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur.
"Ah, what's that smell?"
Ngayon ko lang ulit naalala ang niluto kong adobo. Nasa sulyaw na iyon at ready to serve na.
"Nagluto kasi ako Sir Boss ng adobo. Tikman mo, masarap 'to. Hindi ka magsisisi."
Linapag ko ang sulyaw na may lamang adobo sa mesa, sa harap ng boss ko kasama ng tinidor.
"Naisip ko kasi kaninag umaga na baka nagsasawa na rin kayo sa puro steak lang. Kaya ayan, nagluto ako ng kakaibang pagkain. Para na rin makatikim manlang kayo ng ibang putahe at ibang panlasa."
Pinakatitigan ni Sir Boss ang pagkain sa harapan n'yan.
"Tikman n'yo lqng Sir Boss, pinaghirapan ko pa naman iyang hulihi—este lutuin. Pero kung hindi n'yo magugustuhan, ipagluluto ko na lang kayo ng steak."
Nag-aalangan na kinuha ni Sir Boss ang tinidor. Ngunit inamoy muna n'ya ang niluto kong adobo bago napagpasyahan na tikman.
Grabe!
Parang ngayon lang s'ya nakakita ng ulam na adobo. Ang cute-cute n'ya tuloy panoorin. Mukhang batang hindi alam kung titikman ba o hindi papansin ang pagkaing nasa harapan.
"Walang lason 'yan Sir Boss. Promise masarap ang luto ko. Sabi nga ng lola ko noon sa amin, 'makakalimutan mo ang iyong pangalan kapag tinikman mo 'yan'."
Tumusok ito ng laman saka dahan-dahan iyong dinala sa kanyang bibig para kainin. Kahit sa pagnguya ay malumanay din. Para bang ninanamnam ang nuot at lasa ng karne.
Naipikit ko ang isa kong mata, hinihintay ang magiging reaksyon n'ya sa kinakain.
"Hhmmm. Not bad for you. Masarap nga."
I felt releaved on what he said.
Tumusok ulit ito ng panibagong karne saka kinain. Sarap na sarap ito sa pagnguya na para bang ngayon lang nakakain ng ganoong klase ng pagkain.
Napangiti ako.
"Sabi ko sa'yo Sir Boss eh, masarap talaga 'yan basta luto ko. Sa ibang araw ipapatikim ko pa sa iyo ang ibang ulam na alam kong lutuin."
Tumango-tango s'ya habang nilalantakan ang adobo.
"Rice, Sir Boss? Baka gusto n'yo. Masarap isabaw sa kanin ang sauce ng adobo."
"Get me one bowl."
"Ahrayt! One bowl of rice, coming up!"
Nagsalin ako ng kanin sa dalawang maliit na mangkok. Syempre kay Sir Boss iyong isa at akin namqn iyong isa. Nakakagutom, natatakam ako sa pagnguya ni Sir Boss sa karne.
Sir Boss, sana ako na lang 'yong karne, para ako naman 'yong kainin mo. Chhhaaarrrtttt~
Napahagikhik ako sa kalokohang naiisip.
Kalandian mo, Arissa. Tumigil ka.
Bumalik na ulit ako sa mesa dala ang kanin namin. Ibinaba ko sa harapan ni Sir Boss ang kanin na nasa mangkok pati na rin ang isang kutsara.
"Ay, tubig pa pala. Sir Boss, red juice?"
Tumango na lang ito bilang sagot dahil puno ang bibig ng kanin.
Nagtungo ako sa ref para kumuha ng isang pitsel ng tubig at kahon ng red juice para kay Sir Boss. Nagdala na rin ako ng dalawang baso pagbalik ko sa mesa at naupo na para makakain.
"Sabi ko sa inyo Sir Boss eh, masarap ang niluto ko. Actually first time kong magluto nito."
Nakangiting sambit ko sabay subo ng kanin na may sabaw ng adobo.
Natawa pa ako nang makitang malapit nang maubos ang laman ng sulyaw ng boss ko. Ganadong ganado ito sa kinakain.
Mabuti na lang pala naisipan kong magluto ng adobong pal—
"Sir Boss hinay-hinay lang po sa pagkain. Hindi ka mauubusan dahil tayo lang namang dalawa dito. Walang aagaw sa inyo ng ulam."
"Its delicious. Its been a while since I forgot when, I eat food like this. Nasanay na kasi ako sa steak."
"Huwag kang mag-alala, Sir Boss. Ngayong nandito na ako araw-araw ko kayong lulutuan ng iba't ibang putahe ng pagkain. Nagluto nga ako noong nakaraan ng sopas, and guess what, nagustuhan nina Tyron at Sage."
Masayang kwento ko pa.
Natigilan si Sir Boss bago tumingin sa akin. Walang bakas ng tuwa sa mukha nito na kanina lamang ay naroroon pa. Ngayon, mukhang naiinis na para bang may nasabi akong hindi nito nagustuhan.
"When did you cook for them? Bakit hindi ko alam?"
Napangiwi ako at napakamot sa ulo.
"Eh Sir Boss—"
"And how many times do I have to tell you na drop the po and Sir Boss kapag wala tayo sa trabaho. And when it comes to my cousins, may nickname pa sila sa'yo? You even call them with only their names."
Nahinto ako sa pagkain. Naibaba ko rin ang dalawa kong kamay at ipinatong iyon sa ibabaw ng aking hita.
Pakiramdam ko isa akong batang pasaway na pinapagalitan ng kanyang tatay.
"Eh nickname rin naman iyong Sir Boss eh. Ako lang kaya ang tumatawag sa iyo no'n. Tsaka pag-galang ang tawag doon dahil boss kita."
"Then huwag mo akong igalang. Don't think that I'm your boss kapag tayo lang dalawa."
Napapitlag ako ng medyo lumakas ang boses n'ya.
"H-Hindi na mauulit. Tatandaan ko na."
Rinig ko ang malalim nitong buntong hininga. Tila ba pagod ito at nahihirapan.
"Continue with your dinner. I'm already done."
Umangat ang paningin ko sa kanya.
"Hindi ka pa aakyat sa kwarto mo?"
"Do you want me to leave that fast? Ayaw mo ba akong kasama?"
Mabilis akong umiling. "Hindi naman sa ganoon Sir Bo—I mean Travis."
"Hindi ako aalis hanggat hindi ka pa tapos," sagot n'ya pero wala sa akin ang paningin.
Kinuha ko naman agad ang kutsara ko para ipagpatuloy ang hapunan. Kasabay ng pagsubo ko ng ulam ay s'ya ring pagkagat ko sa aking ibabang labi. Pilit tinatago ang sumusupil na ngiti sa labi.
Sir Boss naman, huwag kang ganyan. Feeling ko tuloy nagseselos s'ya sa dalawa n'yang pinsan.
"By the way, what's the name of this food?" Tanong n'ya bago sumimsim ng juice na nasa baso.
"Adobong chicken na nagkatawang frog," inosenteng sagot ko.
At dahil umiinom si Sir Boss nang sumagot ako, hindi sadyang naibuga n'ya sa akin ang juice. Napapikit ako dahil sapol ang tubig sa mismong mukha ko.
Napatayo s'ya sa di inaasahan. "What the f*ck?! Adobong what? F-frog? You made me f*cking eat a disgusting frog?"
_______________
Author's Note: Hanggang dito muna hahahaha >_<
Votes, comments and share this to others are highly appreciated! 🥰😘💙🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top