CHAPTER 22
CHAPTER 22
"MAGANDANG umaga Sir Bo—oh, ikaw pala Sage. Good morning!"
Masiglang bati ko sa kapapasok lang na si Sage sa kusina. As usual masama na naman ang itsura nito. Sinimangutan ako nito sabay upo sa upuan n'ya.
Psh! Kaaga-aga eh! Masyadong maaga pa para masira ang mood ko dahil sa hatid na bad vibes ni Sage.
Shoooooh! Kailangan nating itaboy ang masamang hangin dahil hindi iyon maganda sa umaga. Lalo na pagdating sa katulad kong maganda ang gising, kahit na madaling araw na yata ako nakatulog last night.
Medyo hindi kasi ako pinatulog ni Sir Boss sa kakaisip.
Arghhh, Arissa umayos ka. Nag-alala lang ang boss mo dahil nalate kayo ng uwi, iyon lang 'yon at wala nang ibang ibig sabihin.
"I thought you'll be dead by last night? Bakit buhay ka pa rin ngayon?"
Ayurn! Ayon naman pala ang ipinagmamaktol ng isang ito.
"Bakit ba atat na atat kang umalis ako dito? Bakit? Ikaw ba ang nagpapasahod sa'kin?"
"Tsk! You don't belong here, stupid witch. You're gonna be the death of us."
Hindi ko na naman naintindihan ang huli n'yang sinabi, pero malinaw sa akin na ayaw n'ya talang naririto ako.
Akala ko pa naman okay na kami eh.
Why? May nagawa ba akong masama? Hindi naman ako mukhang kriminal ah. Saka hindi ako gagawa ng ikasisira ng tiwala ni Sir Boss. Trabaho lang, walang personalan.
"Sorry to disappoint you Mr. Sage Cordova. I'm here, alive and still kicking. At hindi rin ako aalis hangga't hindi si Sir Boss ang nagsasabi sa akin. So anong gusto mong almusal, mahal na prinsipe?"
"Psh!" Inirapan n'ya ako sabay halukipkip. "Just a cup of tea, crazy witch."
Kung hindi stupid witch, crazy witch naman. Ang sama talaga ng ugali. Hmp!
Ipinagtimpla ko s'ya ng tsaa.
"Ito na po ang tsaa n'yo, mahal na prinsipe."
Kinuha n'ya ang tasa ng tsaa saka iyon dinala sa kanyang ilong para amoyin.
Umirap ako ng palihim. Ang arte ha!
"What's this?"
"Tsaa'ng may lason?"
"What the heck?"
"Joke lang! Syempre hindi ko gagawin iyon sa pinsan ng boss ko. Mahal ko pa buhay ko 'no?!"
"Siguraduhin mo lang ah. Dahil kung hindi, hindi mo na masisilayan ang araw kinabukasan."
"I'm scared!" Sarkastikong wika ko na mas ikinasama ng tingin n'ya sa akin.
"Inumin mo na lang 'yan. That's Chamomile. Maganda iyan sa katawan, lalo na sa mga katulad mong mainitin ang ulo. Charot! Gawa 'yan sa pure na bulaklak na makikita sa gubat. Hindi 'yan lason, okay?!"
Kahit hindi pa rin naniniwala sa sinabi ko, ininom pa rin ni Sage ang laman ng tasa.
"Well..."
"Ano? Sarap 'di ba?"
"Not bad. Dalhin ko na 'to." Saka s'ya tumayo at naglakad palabas ng kusina na paminsan-minsang umiinom ng tsaa'ng dala.
Napangiti ako.
Arte-arte pa, iinumin din naman pala.
Ako naman ang nagtimpla ng sa akin. Nag toast din ako ng tinapay at pinalamanan ko ng butter saka ko kinaiin. Inihanda ko na rin ang breakfast ni Sir Boss habang hinihintay ko s'yang bumaba.
"What's for breakfast, Arissa?"
Nasa ganoon ang estado ng may magsalita sa likuran ko. At dahil may kinakain akong tinapay, muntik na akong mabulunan. Buti na lang may hawak akong tsaa at iyon ang ininom mo agad.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa nagsalita nang lingunin ko ito.
"What?" Taas-kilay na litanya ng aking magaling na boss nang makita n'ya ang itsura ko.
"Papatayin mo ba ako, Sir Boss?"
"I don't do anything for all I know. I just asked what's for breakfast."
"May kinakain kasi ako Sir Boss tapos bigla kayong sumulpot d'yan na parang kabute. Eh paano kung nabulunan ako at namatay?"
"Then, ako nang bahala sa tinapay at kape?"
Umawang ang bibig ko.
Tengene! Nagpa-tinapay at kape pa. Ibang klase rin.
"Eh kung ikaw kaya ang patayin ko?"
"Geezzzz... Bakit parang kasalanan ko pa? Malay ko ba na kumakain ka? Saka if mamatay ka man, edi condolence."
Mas lalong umawang ang bibig ko.
Nagwawala ang kalooban ko pero pinipigilan ko lang.
Arissa, exhale, inhale, exhale, inhale. Kalma ka lang. Huwag mong papatulan, boss mo 'yan.
I composed my self bago ko kunin ang tray na naglalaman ng platong may steak kasama ng steak knife at tinidor. May tasa rin na naglalaman ng maiinit-init na tsaa. Dinala ko iyon sa harap ni Sir Boss na may malawak na ngiti sa labi.
"Kung makapagtanong ka naman Sir Boss kung anong breakfast, eh akala mo may iba kang pagpipilian na pagkain."
Binaba ko ang tray sa mesa.
"Kain ka na po, Sir Boss. Eat well, huwag ka sanang mabulunan."
Tapos ngumiti ulit ako bago bumalik sa kitchen counter para kumuha ng tinapay. Naghuhurumintado ng kalooban ko dahil sa inis na gustong kumawala pero hindi pwede. Kaya naman ang tinapay na kinakain ko na lang ang pinag-initan ko.
Umagang umaga talaga, ang hilig nilang sirain ang araw ko. Argh! Pagbubuhulin ko na talaga si Sage at itong Travis na 'to.
"What's with the tea?"
"Maganda 'yan sa katawan, Sir Boss. Lalo na sa umaga na nakakastress. Mamaya na kayo mag red juice, magpainit muna kayo ng sikmura."
Hindi naman na umangal pa si Sir Boss at nagsimula na itong kumain. Hinintay ko s'yang matapos saka ko hinugasan ang mga pinagkainan.
"Sumunod ka sa office, dalhin mo ang juice ko."
"Yes, Sir Boss. Copy that!"
Umakyat na si Sir Boss sa itaas. Ako naman ay naglinis muna sa kusina bago sumunod, dala ang ipinagbilin n'ya.
Habang naglalakad napaisip ako.
Nagtanong si Sir Boss kung anong breakfast na hindi naman nito ginagawa dati. Siguro nagsasawa na rin ito sa araw-araw na kinakain at naghahanap ng bagong lasa sa pagkain.
Ikaw ba naman ang kumain umaga, tanghali hanggang hapon nang steak lamang. Wala pang kanin. Hindi ka ba magsasawa no'n?!
Naisip ko tuloy na ipagluto s'ya ng ulam na hindi pa n'ya natitikman buong buhay n'ya.
Napangisi ako nang maimagine kung anong magiging reaksyon nito kapag nalaman kung ano ang niluto ko. Oh my, this gonna be exciting.
Funny moments ito ng taon, for sure.
AS USUAL, nag-ayos na naman ako ng mga documents na kailangang ireview at mga papeles na dapag pirmahan.
Wala naman akong kailangang iremind sa boss ko na mga meetings dahil hindi naman ito umaalis ng mansion. Personal n'yang pinupuntahan ang mga Business partners n'ya, if meron bang dapat na pag-usapan tungkol sa negosyo.
At pagkatapos kong ayusin ang mga documents wala na akong gagawin. Heto nga at nakatunganga ako habang nakahalumbaba sa desk ko.
Gumilid ang paningin ko papunta sa table ni Sir Boss.
Nakasandal ito sa kanyang swivel chair habang seryosong sinusuri ang mga papeles na pipirmahan.
Wearing his retro striped long sleeve and black jeans, combined with specs, it had him looking like a European writer from an old movie. Waiting to write a book about the love of his life.
Darn!
Habang tumatagal mas nagiging gwapo sa paningin ko ang lalaking ito.
Malala na yata ako.
Hindi ito pupwedeng magpatuloy dahil alam ko naman kung saan ito hahatong. Kailangang ngayon pa lang pigilan ko na. Kailangang isipin ko ang boundaries naming dalawa. Ako, bilang sekretarya n'ya. At s'ya, na boss ko.
Talagang hindi pupwede.
Kahit pa wala ang rule na iyon, hindi pa rin maaari. Kumbaga steak s'ya, inihaw lang ako. Malayong malayo para sa isa't isa. Hindi compatible.
Napukaw ang atensyon ko at bumalik sa tamang huwisyo nang tawagin n'ya ako.
"Ms. Montecarlos."
"Yes, Sir Boss?"
"Maaga kitang patatapusin sa trabaho para makapagprepare ka sa eskwelahan. And please, if eleven then go home at exactly eleven. If not, message me of your whereabout. Responsibilidad kita because you are my secretary at dito ka sa mansion ko nakatira. Maliwanag ba? Arissa?"
Ayan na naman.
Ayan na naman 'yong feeling na hindi ko maipaliwanag. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib na para bang may nagwawala sa aking tiyan.
Paano ko ito pipigilan if ganyan s'ya?
Para bang concern s'ya sa'yo at nag-aalala, kahit na ang totoo it's just because of boss-secretary relationship. It's just a pure business matter. Nothing more, nothing less.
Ngumiti ako at tumango. Pilit pinapakalma ang puso kong hindi dapat ito nararamdaman.
Geeezzzz...
He's my boss for pete's sake.
At katulad nga ng sinabi ni Sir Boss, pagkatapos ng ginagawa ko maaga n'ya akong pinalabas ng opisina. Naiwan s'ya sa loob para tapusin ang pagrereview ng mga documents.
Kinuha ko ang phone na nasa ibabaw ng bedside table para tingnan ang oras.
Alas tres pa lang ng hapon. Maaga pa sa alas sais na ipagpapasok sa school. Hindi ko pa nga rin nakikita si Sage na bumabas ng kwarto n'ya matapos nitong bumaba kaninang umaga.
Naisip kong magtungo muna sa pond na nasa likod ng mansion. Manghuhuli ako ng hahapunanin. Halata naman kasing hindi kumakain si Sir Boss ng isda, bukod sa karneng manok at gulay. Iyong steak lang talaga ang kinakain nito. Pero siguro naman wala s'yang allergy sa huhulihin ko.
Nang makarating sa may pond ay ibinaba ko muna ang phone ko sa upuang katabi ng puno. Nagtanggal ako ng tsinelas saka lumusong sa gilid ng pond dala ang maliit na timba.
Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang dumating si Tyron. Nakapamulsa ito at chill na naglalakad. Nagulat pa nga ito ng mamataan ako.
"Hey, Dollface! What are you doing there?"
May pagtataka sa mukha ni Tyron nang lumapit ito sa kinaroroonan ko.
"Ah, naglalaro?"
"Naglalaro? What are you, five years old kid?"
Napatingin ito sa dala-dala kong timba.
"What's with the pale?"
"Wala naman." Ngumiti ako saka itinago ang timba sa aking likuran.
Susugirin pa sana ni Tyron ang hawak ko nang tumawag sa akin mula sa di kalayuan.
"CRAZY WITCH! WHAT THE HECK ARE YOU DOING IN THERE?"
Sabay kaming tumingin sa pinanggalingan ng malakas na sigaw. Nakatayo sa may pasilyo ng mansion si Sage. Kahit malayo ay bakas ang inis sa mukha nito, lalo na at halata rin sa boses ang pagkayamot.
Mukhang kanina pa ako hinahanap kaya lang ay ngayon lang ako natagpuan. Ang malala nasa pond ako at may kung anong ginagawa.
"Oh oww... Badmood na naman ang mahal na prinsipe." Mahinang bulong ko na mukhang narinig ni Tyron dahil natawa ito sa akin.
"You better get off in the water before Sage come here and pull you up there."
Ganoon nga ang ginawa ko. Umahon na ako sa tubig dala ang timba saka isinuot ang tsinelas ko at kinuha ang cellphone.
"Una na ako Tyron."
Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Tyron at mabilis na tumakbo ako pabalik sa mansion. Nakita ko namang umalis na si Sage sa kinatatayuan nito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Yakap-yakap ang timba, nagmadali akong tumakbo paakyat sa kwarto. Hindi ko nakita sa salas si Sage kaya malamang ay umakyat na rin ito.
Hindi nila pwedeng makita ang mga hinuli ko dahil surprise ito para mamaya.
Pagpasok ko ng kwarto ay nilock ko agad ang pinto at tinabi sa gilid ng kama ang timba. Nilagyan ko rin ng takip dahil baka makawala pa ang mga hinuli ko. Sayang dahil wala akong mailuluto mamaya para sa hapunan.
Alas sinco na pala kaya nagmamaktol ang mahal na prinsipe, hindi siguro ako mahanap kaya ganoon. Sana lang ay hindi na naman ako mabulyawan sa byahe.
At para hindi ako mayari, nagligo na ako para makapag-ayos na ng sarili sa pagpasok.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ng school uniform hindi ko mapigilang hindi kabahan. Unang araw—este unang gabi ko pala sa klase, sana walang maging aberya. Classmate ko naman si Sage sa ibang subject, major subject lang hindi ko s'ya kasama pero dalawa lang naman iyon kaya okay lang.
Nang matapos ay kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto. Sakto dahil pababa din mula sa third floor ang kasama ko.
Napaismid ako dahil para itong babaeng araw-araw may dalaw.
Hinintay ko s'yang bumaba para sabay kami sa paglabas, pero nang makalapit na ito sa akin napanganga ako sa biglaan nitong puna.
"You looked like a lost student in the woods. In short, ang pangit mo."
Naiwan ako sa pwesto kong nakatanga sa kanya.
The heck?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top