CHAPTER 21

CHAPTER 21

LUMABAS kami ng OdS campus at nagtungo sa nigth market lulan ng sasakyan ni Sage.

Namamangha pa rin ako sa lugar habang nakatanaw sa labas ng bintana. Tumigil ang sasakyan sa isang bakanteng lote malapit sa plaza.

Nauna akong bumaba ng kotse at sumunod naman si Sage.

He's now wearing his black avaitor.

Artistahin yarn?

Grabe ang taas ng araw. Sobrang nakakasilaw. Kailangan talaga naka-sunglass sa gabi?

Hindi na rin n'ya suot ang coat, pero hawak-hawak naman ito. Tinanggal na rin ang blazer, tanging white long sleeve na lamang at necktie ang natitira.

"Wear this."

Inabot n'ya sa akin ang hawak na coat. Nagtatakang kinuha ko naman iyon.

"T-Thanks."

Jacket naman ang suot ko pero croptop nga lang. Kahit na, hindi naman ako nilalamig. Kinuha ko na lang din ang coat para walang masabi.

Nang masuot ko iyon ay nagulat ako nang bigla na lang hinawakan ni Sage ang wrist ko sabay hila.

"Hoy, dahan-dahan naman. Saka huwag mo nga akong hilahin."

Pero hindi n'ya ako pinakinggan at tuloy lang sa paghila sa akin papunta sa kung saan. Nakarating kami sa loob ng plaza.

"Wow! Ang ganda naman dito."

Napakalawak ng loob. May iba't ibang booth sa bawat gilid na halos mga naka-uniform ng OdS ang nagkukumpulan roon. Puno ng tao ang loob ng plaza at may kanya-kanyang ginagawa.

"Huwag kang lalayo sa akin."

Bulong ng lalaking kasama ko na kung makahawak sa akin ay parang makakawala ako.

"Paano ako makakalayo sa'yo kung hawak-hawak mo ako? Nasaan ang common sense doon?"

"Tsk! Daming sinasabi. Doon tayo." Tinuro n'ya ang likod ng plaza kung saan may iilang lumalabas at pumapasok na mga tao.

At hinila na nga po n'ya ulit ako.

Nakipagsiksikan kami sa grupo ng mga nagkukumpulang tao. Lumabas kami ng magulong plaza at pumasok sa hindi ko alam kung anong tawag ditong lugar.

"Saan tayo pupunta, Sage?"

"Sa City Market."

City Market?

"We're here."

Nang makalabas kami sa parang tunnel na hindi gaanong kadiliman, bumungad naman sa aking mga mata ang maliwanag na...

"This is the City Market. Kung sa mga tao ang tawag dito ay Star City."

Napanganga ako sa natunghayan.

May malaking Ferris wheel sa gitna, na mas malaki pa nga yata sa ferris wheel sa Star City. Kung marami nang tao sa plaza, doble ang dami ng tao dito. May mga grupo ng mga kabataang katulad namin ay hindi rin pumasok. Meron naman na partner-partner lamang at ang iba naman ay solo flight.

May mga booth sa paligid na nagtitinda ng kung anu-ano. May mga palamuting hindi ko alam ang tawag, may nagtitinda ng street foods pero wala akong nakitang shomai at fishball.

May street foods bang kulang ng fishball at shomai? Ang ikinangiwi ko pa, mga lamang loob lang ang tinitinda. Tapos 'yong juice nila kulay pula pa o parang medyo black pa nga eh.

Creepy.

May nakita pa nga akong iba't ibang klase ng potion na nasa mga maliliit na bote. May babaeng manghuhula rin sa tabi ng booth. Kinilabutan pa nga ako sa paraan ng tingin nito sa akin.

May mga bulaklak na tinda, iyong iba nakatanim sa maliliit na paso at ang iba naman ay nasa boquet na. Meron ding teddybears, chocolates at kung anu-ano pang pakulo kapag Valentines.

Napangiti ako sa nakikita.

Bawat booth ay may iba't ibang theme.

Kung 'yong isang tindahan ang tinda ay stuffs for Valentines Day, may isang tindahan naman na nagtitinda ng costumes for Halloween. Hindi lang iyon, marami pang iba.

May game booth din at photo booth.

"Wow! Ang ganda naman dito. Ah, nga pala. Bakit tinawag na  home of the living vampires ang lugar na ito?"

"Hindi pa ba halata? Look around you, buhay na buhay ang lugar na ito kahit gabi na. Saan ka nakakita ng ganito sa inyo? Wala 'di ba? Eh kaylan lang ba gising ang mga bampira? Tuwing gabi lang 'di ba?"

"Oh... That's why. Akala ko naman totoo talagang bampira ang mga tao dito. Medyo nawala ang kaba ko."

"Ah, you're so naive." Mahina n'yang bulong pero rinig ko naman.

Napairap tuloy ako.

Naive ka d'yan. Psh!

Ilang oras naming nilibot ang buong nigth market. Hindi nakakatakot maglibot dahil sobrang liwanag ng buong lugar at parang hindi nauubusan ng tao sa paligid.

Hindi ba sila natutulog? Grabe naman.

At kahit nagtataka ako pinagsawalang bahala ko na lang. Masasanay din ako sa ganitong mundo.

Sa bagay, sa labas ng bayang ito halos hindi rin natutulog ang mga tao sa kamaynilaan. Kahit madaling araw na buhay pa rin ang lansangan dahil sa mga nagkalat na sasakyan. Eh dito pa kaya na mukhang night life is real.

ALAS DOSE na nang maka-uwi kami ni Sage sa mansion. Dapat ay alas-onse pa lang ay nakauwi na kami pero dahil hindi namin napansin ang oras, late tuloy kami ng uwi.

Kumain na rin kami doon, at naaalala ko pa kung anong biniling pagkain ni Sage sa isang mamahaling restaurant.

Steak lang naman... pero hindi katulad ng niluluto ko kay Sir Boss. Ang steak na tinitinda roon ay para bang hindi niluluto, pinadadaanan lang yata ng apoy then serve na. Ako lang yata ang kumain ng kanin tapos 'yong ulam, I don't know if adobo ba iyon o dinuguan.

Tapos 'yong wine, hindi ko alam kung wine ba talaga. Iba kasi ang lasa. Hindi ko nga nainom at bumili na lang ako ng mineral water paglabas namin. Pati pagkain ko hindi ko rin naubos. Hindi naman ako pinilit ni Sage na kumain, dahil kung pinilit n'ya ako malamang maisusuka ko lang iyon. Hindi keri ng sikmura ko.

Konti lang tuloy ang kinain ko. Samantalang si Sage, ganadong ganado.

Pagpasok pa lang namin sa loob ay kakaibang pakiramdam na agad ang naramdaman ko.

"Looks like your boss is having a tantrum. May nakalimutan ka ba, Paige?"

"Huh? Nakalimutan? Wala nama—oh, sheettt..."

Meron nga yata.

At nang marealize kong may nakalimutan nga ako, halos takbuhin ko na ang kusina dahil sa kaba.

"Goodluck, stupid witch! Sana buhay ka pa bukas." Rinig kong sigaw pa ni Sage na halatang nang-aasar.

Bwesit! Nang asar pa talaga 'no?!

Nakalimutan ko lang naman ipagluto ng dinner si Sir Boss. Bakit ba ako kinakabahan? At bakit ba ako nagmamadali?

At talagang kailangan ko nang magmadali dahil pagdating ng kusina, naaninaw ko na agad ang likuran ni Sir Boss.

Sheyyttttt....

Nalintekan na.

Nakaupo ito sa usual nitong upuan kapag kumakain. At kahit malayo pa dama ko na agad ang nakakatakot nitong presensya.

"Good eve, Sir Boss!" Agad akong yumuko pagdating ko sa tapat nito. "P-Pasensya na po, natagalan kami ng uwi. Nilibot pa kasi namin ni Sage ang City Market. Ipagluluto ko na po kayo ng dinner. Hindi na po mauulit."

Hindi ito nagsalita. Nanatili naman akong nakayuko at natatakot akong tingnan si Sir Boss dahil baka mabulyawan din ako.

HUHUHUHU!!!

Grabe! Ayoko ng ganitong katahimikan. Mas gusto kong pagalitan na lang ako ni Sir Boss kaysa sa tahimik s'ya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan n'ya at iyon ang mas nakakakaba.

"Arissa."

"P-Po?"

"Look at me, Arissa."

"Eh, Sir Boss ayoko po."

"Why? Nakakatakot ba ang itsura ko kaya hindi mo ako matingnan?"

"Hindi naman po sa gano'n, pero kasi..."

"Look at me, Arissa."

Nakagat ko ang ibabang labi.

I don't know why pero pakiramdam ko may kung anong enerhiya ang humihila sa akin para sundin ang gusto ng boss ko. Kahit ayaw ng isip ko, tila ba may sariling isip ang katawan ko at unti-unting umangat ang aking mukha para tingnan ang lalaking nakatayo na sa aking harapan.

Walang bakas ng galit sa gwapong mukha ni Sir Boss, bagkus pinaghalong inis at pag-aalala pa nga ang mababakas sa kanyang expression.

Ngayon ko lang nakita na nagkaroon ng ibang emosyon ang mukha ng boss ko. Kahit ang mga mata nito na walang emosyon kung titingnan ako, ngayon ay malamlam na para bang pagod ito. Pokerface at kunot ang noong nagsusungit lang ito palagi, pero ngayon?

Pagod itong tumingin sa akin, pero hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa ibang bagay. Na hindi ko alam kung ano.

Humakbang si Sir Boss palapit sa akin. Gusto kong umatras pero hindi ko magawang maikilos ang aking mga paa. Nakatitig lamang ako sa magagandang kulay berdeng pares ng mata ng lalaking nasa harap ko. Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko na para bang hinihipnotismo n'ya ako.

Isang dangkal na lang din ang space na pagitan namin sa isa't isa nang...

Biglang hapitin ni Sir Boss ang aking bewang gamit ang kanan n'yang braso, palapit sa kanya. Hinawakan n'ya ang aking baba at pinirme ang tingin sa kanya.

Hindi ako namamalikmata.

I saw how his expression soften when he looked at me in the eye.

I felt my heartbeat, beats faster than the usual. Halos manginig din ang tuhod ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Mabuti lang at nakaalalay sa akin ang braso n'ya, dahil kung hindi kanina pa ako natumba.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yon?"

Kahit kinakabahan nagawa ko pa ring magsalita. "A-Alin po?"

At halos panawan na nga ako ng ulirat dahil sa sinagot n'ya.

"Ang pag-alalahanin ako."

_____________

Author's Note: Hi, Vamps! Annyeong Mystiques! How are you guys? Kamusta naman ang chapter na ito?

Akala ko awayan moments muna nila ni Sage, iyon pala nasa huli ang nakakaantig damdaming pag-aalala ni Sir Boss kay Arissa.

Awiiee!!!

ENJOY READING!!

Vote, comments and share are highly appreciated. ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top