CHAPTER 20

CHAPTER 20

HINDI AGAD ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko.

Saka...

Bakit naman naisip ni Sage na galit ako sa kanya?

Baka naman nakokonsensya dahil palaging ako ang napag-iinitan ng ulo.

"I'm asking you, Paige. Galit ka ba?"

"Hah? Ah, hindi. Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?  Baka nga pag ako ang nagalit, mapaalis pa ako sa trabaho ko eh."

"But you're so quite the whole ride. Nagsalita ka lang noong nasa Village na tayo."

Eh? Why naman so affected ang lalaking ito sa pananahimik ko?

"Hindi ako galit. Actually, natatahimik talaga ako kapag pinagmamasdan ko ang paligid."

"Hhmmm..."

Hindi na ulit kami nag-usap. Sa labas lang ako nakatingin habang busy sa pamamaneho si Sage.

Pumasok kami sa isang tunnel. Sobrang dilim, walang ilaw manlang sa paligid.

"Sage..."

"Hhmm? Takot ka ba sa dilim?"

"Ah, hindi naman. Nagtataka lang ako... Paano kayo nakakapagdrive ng maayos dito kung wala kayong makita? Paano kung may bigla na lang dumaan at mabungguan?"

Sage softly chuckled.

"Sabihin na nating walang magtatangkang dumaan dito kung hindi sila nakakakita sa dilim."

"Hah? Ano 'yun? Pusa? Aso? Hayop na nakakakita sa dilim? May tao bang gano'n?"

"Meron."

"Ano?"

"Vampire and werewolves."

Saglit na natigilan ako sa narinig. Dama ko pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan at nakaramdam din ako ng panlalamig.

"B-Bampira? T-Taong lobo?"

Geezzz... Bakit ako nauutal?

There's no creatures as that na nabubuhay sa panahon ngayon. Vampires and werewolves are fictional creatures na sa mga movies at libro lang nabubuhay.

Dracula is not even real. Mga katulad pa kaya n'ya?

Narinig ko ang mahinang tawa ng lalaking kasama ko. Sinulyapan ko ito at naiiling na bumaling ito sa akin ng tingin. May nakalolokong ngisi ito sa labi.

"Bakit ka tumatawa? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Hindi ka nakakatuwa Sage."

"Kung nakita mo lang ang reaction mo a while ago, it's priceless." Pinagtawanan ulit n'ya ako.

"There's no such vampires what-so-ever creatures that living in this world together with humans. Sa libro lamang sila nababasa at sa mga palabas sa tv lang sila nakikita. Vampires doesn't exist. And as of werewolves, mga ordinaryong lobo lamang ang meron ngayon at hindi lobong nagiging tao." Inis na bulalas ko sabay halukipkip.

"We never know until we find out."

"Yeah, whatever!"

Nang makalabas na kami sa tunnel ay para akong naparalisa sa nakita.

Bumungad sa aking mga mata ang isang malaking bayan na buhay na buhay. Maliwanag ang buong paligid at nagkalat ang mga tao sa lansangan. Bukas ang mga nagtataasang tindahan kaliwa't kanan.

Buhay na buhay ang lugar na ito at tila ba palaging may pagdiriwang bawat araw.

"Welcome to Central, Paige! The home of the living vampires."

The heck?

"Seryoso ka ba? Bampira?"

"Why? Hindi mo ba alam ang lugar na ito?"

"This is my first time here. And I didn't know that this kind of place, existed. Nasaang bayan ba tayo?"

"Nag-apply ka ng trabaho sa Cordovas' pero hindi ka nag-background check kung saang lugar ba nakatayo ang mansion? I can't believed you."

"Trabaho naman kasi ang ipinunta ko at hindi alamin kung anong lugar chuchuchuness ang pupuntahan ko. Malay ko ba?!"

"Are you for real?"

"Sagutin mo na lang kaya."

"Okay, fine. But maybe later. Kunin muna natin ang schedule mo sa OdS. Then after that I will tour you here."

"Talaga?"

Nagningning ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

"Yeah! Para kang bata."

Hindi ko s'ya pinansin.

Ngayon na lang kasi ako ulit makakapamasyal, tapos ang ganda pa ng lugar. Bahay, eskelahan, trabaho—iyan ang takbo ng buhay ko sa nakalipas na mga taon. Minsan lang kami lumabas ng mga kapatid ko dahil iniisip nga namin ang pera na gagamitin namin kung mamamasyal pa kami.

Sayang din iyon, pambili na namin ng ulam.

Next month nga iniisip kong magpaalam saglit kay Sir Boss na absent ako ng two days. Gusto ko lang bisitahin ang mga kapatid ko. Saka gusto ko rin na kahit minsan sa isang buwan mabigyan ko sila ng atensyon at makasama sa pamamasyal.

Pinaandar na n'yang muli ang sasakyan paalis—papunta sa OdS short for Oxford del Silvenia Academy.

Malawak ang ngiting tumingin ako sa labas ng bintana. Sinusundan ko ang bawat daanan namin dahil namamangha pa rin ako sa lugar.

Madilim na pero dahil sa maliwanag na mga street lights at ilaw sa bawat establishemento, hindi mo mapapansin na gabi na pala.

Umawang ang bibig ko nang pumasok ang sasakyan sa isang malaki at mataas na gate. Gawa sa bakal at kulay ginto ang tarangkahan ng...

Malapalasyong paaralan—ang Oxford del Silvenia.

Hindi mo aakalaing school pala ito dahil para itong malaking mansion na pinaghalong palasyo. May malaking fountain sa gitna na napalilibutan ng makambong na halaman.

Nakaukit sa Main Hall ng paaralan ang pangalan nito.

"WOW!!! Ito na ba iyon? Dito ba talaga ako papasok?"

Namamanghang pinagmasdan ko ang mataas na mansion sa harapan namin.

"Yup!"

Pinark ni Sage ang sasakyan sa parking lot. Isa iyong malawak na ground. May nakalagay na Exclusive at Non-Exclusive sa magkabilang parte ng lugar. Siguro ay para sa mga katulad ni Sage ang Exclusive Lot. At ang isa naman ay para sa mga ordinaryo.

Bumaba na kami pagkapark ng kotse.

"Let's go!"

Napakaganda ng lugar, ngunit...

Pag-apak ko pa lang sa hagdanan papasok sa loob ay ramdam ko na agad ang kakaibang bigat ng pakiramdam. Lalo na nang makapasok na kami sa pinaka main hall ng paaralan.

May malaking chandelier sa gitna pagpasok mo. Mahabang hagdan paakyat sa second floor ang bubungad sa'yo.

Wala kaming naabutang estudyante sa hallway.

"Start na ba ng klase n'yo? Bakit walang mga estudyante sa labas?"

"It's normal, Paige. Masasanay ka rin. Nasa second floor ang registrar's office."

Naunang maglakad si Sage at sumunod naman ako sa kanya.

Katulad ng unang dating ko sa mansion ng mga Cordova, ganito rin ang pakiramdam ko. Mabigat na medyo creepy. At katulad din doon, katahimikan din ang unang bumungad sa akin pagdating ko dito.

Ang laki at ganda ng school pero ang tahimik.

Ibang iba ito sa iniexpect ko.

Pagtungtong namin sa second floor, may mga estudyanteng nakatambay sa labas ng ilang kwarto.

"Management Department ang nasa kaliwa at Engineering naman ang nasa kanan." Panimula ni Sage. Tinuro n'ya ang dalawang way kung nasaan ang Management at Engineering Department.

"Come. Kunin na natin ang schedule mo."

Nagsimulang maglakad ulit si Sage habang kasunod naman ako. Sa kabilang pasilyo ng second floor kami nagtungo. May ilang students kaming nakakasalubong.

Pinagtitinginan kami lalo na ako. Siguro ay bago ang mukha ko dito kaya kung makatingin sila ay para akong outcast sa lugar.

Napatingin ako kay Sage.

Diretso lang ang tingin nito at prenteng naglalakad. Walang pakielam sa paligid.

Weaking his uniform—white long sleeve na pinatungan ng black with red and white blazer. Black coat with necktie on it. Black pants together with his black shoes. Mukhang matinong eatudyante talaga ito.

Kahit na uniform lang ang suot ay hindi maitatangging malakas ang dating ng bunsong Cordova. Paano pa kaya kung formal attire na ang suot, 'di ba?

Hindi maitatangging magpipinsan nga ang tatlong iyon. Travis, Tyron and Sage—the Cordovas'. They're having an oozing sex appeal na makapanlaglag panty.

Tumigil kami sa kulang puting pinto. Hindi na kumatok si Sage at basta na lang binuksan ang pintuan at walang kaamor-amor na pumasok.

"Mr. Cordova, you're here. And..."

Sumulyap ang babaeng nagsalita mula sa kinauupuan nito pasilip sa akin na nasa likuran ni Sage.

"You must be Ms. Arissa Paige Montecarlos, right honey?"

Humakbang ako pauna para makaharap ang babae. May nakalagay na Dean Rean Yuaz sa name plate na nasa mesa nito.

"Ahmm... Ako nga po, Dean."

"Nice to finally meet you, Ms. Montecarlos. I'm Rean Yuaz, ang inatasang maging tagapangalaga ng paaralan at estudyante dito. Have a seat first."

Pero bago pa ako makaupo ay nagsalita na si Sage.

"We're here to get her schedule and not having a long conversation with you, Dean. I'll tour her around after and we don't have much time. So..."

Mahinang natawa si Dean sa inasal ng lalaking kaharap.

Ano ba naman itong si Sage. Napaka-walang galang talaga. Pati matanda sa kanya, ginagano'n-gano'n lang.

"Napaka-mainipin mo pa rin talaga, Sage. Mana ka nga talaga kay Travis. Well..."

May kinuha si Dean na envelope saka iyon inabot sa akin. Kinuha ko naman ito agad.

"Nariyan na ang schedule mo at pati na rin ang map at booklet for the rules and regulation ng school. Hindi mo naman na kailangang gamitin iyan dahil..." sumulyap ito kay Sage bago muling tumingin sa akin.

"So, Ms. Montecarlos... I guess it's really a nice to meet you. Hope you'll enjoy your stay here in Oxford del Silvenia Academy. Have a good day!"

Pero bago pa ako makasagot kay Dean ay bigla na lamang akong hinila ni Sage palabas ng office.

"Hey, Sage!" Pagtawag ko sa kanya pero patuloy pa rin ito sa paglakad at paghila sa akin. "Sage ano ka ba naman. Sage, hoy!"

Napatigil naman ito sa paghila sa braso ko at binitiwan ako. Humarap itong nakakunot ang noo sa akin.

"What now, Paige?"

"Bakit ka ganyan hah?! Pati si Dean binabastos mo. Hindi ka ba nahihiya? Porket mayaman kayo, mataas kayo, kailangan n'yo nang manliit ng ibang tao?"

Tumaas ang isang kilay ni Sage. Pero sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Umayos ka nga! Pinagtitinginan na tayo ng mga chismosa.Tara na, ipapasyal mo pa ako 'di ba? Ano, tara na?! Umalis na tayo dito, bukas na lang tayo pumasok. Naiilang ako sa mga titig nila."

Napakapit ako sa braso ni Sage dahil ramdam ko ang pagtagos ng malalamig na titig ng ibang estudyante sa akin.

"What are you looking at? Is these kind of movie or something? Huh?"

Parang kulog na lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ng lalaking kasama ko. Kusang umiwas ng tingin ang mga estudyanteng nasa labas ng kani-kanilang room at nagkunwaring walang nangyari.

"Tara na."

Hinila na ulit ako ni Sage pababa ng floor. Pero bago kami makaalis ay napatingin ulit ako sa kumpulan ng mga estudyanteng kung makatitig kay Sage kanina ay halos tunawin na nila ang lalaki.

Isa lang naman ang kapansin-pansin sa bawat isa.

Mapa-lalaki man o babae.

Medyo weird sila kung makatingin at para bang hindi nila gustong naririto ako. Ang sama kasi ng tingin pagdating sa akin.

At higit sa lahat...

All of them have the same shade of skin.

Pale.

Parang hindi manlang naaarawan dahil sa puti ng balat. Anemic ba sila? Ang puputla kasi. Parang wala na ngang dugo eh.

Nag gugluta kaya sila?


****

Author's Note:

Medyo matatagalan pa ang ibang update. Wala kasing kuryente kaya hindi ako makapagsulat huhuhu 🥺

And about the bagyo, sana safe kayo guys. Sa mga mas naapektuhan, keep motivate and keep safe y'all. Makakabangon din tayong lahat.

Btw...

Happy Ghinost Day to all! Speacialy to all ghinost-o lang pero hindi nagtagal. XD

LOLS!

XOXO

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top