CHAPTER 2
CHAPTER 2
GRABE! Sino ba ang Cordova'ng ito? Anak ng bilyonaryo? Heir nga 'di ba. So malamang tagapagmana. Gawin ko kayang Sugar Fafa? Char!
"Baka ini-echos mo lang ako ah," pagbibiro ko kay Alexis. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig.
"Bakit kaya hindi mo itry para malaman mo noh?!"
"Eh may pasok nga bukas."
"Edi pumasok ka ng umaga, sa hapon ka naman pupunta doon. Ako na ang bahala sa'yo bukas, sagot kita kay Boss."
"Sayang ang isang araw na trabaho—"
"Pero mas sayang ang oppurtunity na iyan. Isipin mo na lang ang $100 every week plus allowance mo pa kada araw, kung mapupunta lang sa ibang tao. Balita ko pa, nabubukod tangi raw ang pamilyang Cordova sa mga mayayamang Businessman dito sa buong mundo. Malay mo, nasa mga kamay na pala nila ang swerte mo."
Napaisip ako.
Wala namang mawawala kung susubukan. Ika nga, 'try and try until you succeed'.
"Basta ikaw na ang bahala sa akin bukas ah."
"Oo, basta huwag mo akong kalilimutan kapag mayaman ka na."
"Mayaman agad? Eh hindi pa nga nag-aapply eh. Hindi pa rin sure kung tanggap."
"Think positive lang. AJA!"
KINABUKASAN, pagtapos ng klase ko ay umuwi agad ako ng bahay para ayusin ang mga papers na kakailanganin ko sa pag-apply. Baka kasi hanapan ako, mahirap na. Ayokong magpabalik-balik pa, sayang ang pamasahe.
Magpapaalam din ako kina Moneth na baka umagahin na naman ako ng uwi. Hindi ko kasi alam kung gaano ba kalayo ang Azula Hotel na iyon at hindi rin ako sure kung gaano kadami ang mga mag-aapply.
Tatlong oras ang byahe mula sa San Roque hanggang dito sa San Isidro, kung saan nakatayo ang Azula Hotel and Restaurant na nakalagay sa website. Nang makita ko ang naturang Hotel, para akong nasa mamahaling paraiso.
Mataas ang building na kumikinang dahil sa liwanag ng ilaw sa gitna ng kadiliman.
Mukhang mamahalin—no, hindi lang mukha dahil mamahalin talaga ang mga gamit sa lugar na ito. Mula sa mataas na gusali hanggang sa loob ay halatang bilyonaryo ang nagmamay-ari ng lugar. Mistulang nasa isa akong gintong paraiso na nakakatakot hawakan dahil baka madumihan.
May ganito palang lugar dito sa San Isidro, hindi ko alam. At kung alam ko man hindi rin naman ako makakapasok dito dahil mukhang exclusive at tanging mayayaman lang ang afford ng ganitong Hotel.
"Miss, ano pong sadya n'yo?" Tanong ng security guard na mukhang hindi naman guard dahil sa magarang kasuotan.
"Mag-aapply po sana ako ng trabaho. Nakita ko kasi na hiring daw dito para sa secretary."
"Ah, aplikante. Nakikita mo 'yung mahabang pilang iyon?"
Napatingin ako sa mga babaeng nakapila, na ngayon ko lang napansin. Sa sobrang haba at dami ng nakapila para mag apply, parang hindi kaya ang isang gabi lang.
Bakit kasi gabi pa? Kaninang umaga pa sana para hindi umabot sa ganyan kahabang pila.
Desisyon ka girl?
"Lahat po kaya ay maiinterview? Parang aabutin pa yata ako ng umaga dito eh."
Narinig ko ang pagtawa ni Manong guard.
"Pumila ka na Miss, baka may makauna pa sa'yo at mas lalo kang mapunta sa pinaka-dulo."
"Mabuti pa nga po."
"Goodluck ineng! Payting!"
"Salamat po."
Naglakad na ako papunta sa mahabang pila. Napansin ko na halos ay mga babae ang naririto at....
Nahiya naman ako sa suot kong puting blouse at itim na pantalon.
Lahat kasi sila ay mukhang mayayaman dahil sa magagarang kasuotan. Bakit magtatrabaho pa sila kung mapera naman pala?
May naka-dress pa nga na akala mo ay pupunta ng Ball room dance at debut. May iba na halos makita na ang tinatago dahil kulang ang tela ng mga suot.
Seriously?
Ano ba sa akala nila ang pupuntahan nila? Party? Hello, secretary po ang aaplyan natin at hindi dancer sa club.
"Girl bakit ka umiiyak?"
Napatingin kami sa babaeng inaalo ang isang babaeng umiiyak.
"Nasigawan ka ba? Ano? Hindi ka tanggap?"
"Hindi daw bagay sa akin ang maging secretary? Ang bagay daw sa akin, maging clown sa mga children's party." At mas lalo pa itong humagulhol ng pag-iyak.
May ilang natawa at may ilang natakot.
Hala naman! Grabe naman 'yon. Pero in fairness, na realtalk s'ya.
Gusto ko mang matawa pero kinakabahan ako. Paano kung ma-realtalk din ako? Paano kung mapahiya rin ako? Paano kung hindi ako matanggap?
Marami pang nasa unahan ng pila na lumabas mula sa interview room na umiiyak o di kaya naman ay bagsak ang balikat na uuwi dahil hindi tanggap.
Halos lahat ay magaganda, mapuputi at mukhang nakatapos na ng pag-aaral, kaya bakit hindi sila mapipili? May allergy kaya sa magaganda 'yung Boss nila dito?
AFTER FIVE long long years ng pagtitiis sa pagtayo, dumating din ang oras para ako naman ang pumasok sa loob ng interview room.
Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Sobrang kabog ng aking dibdib nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kwarto.
Pero napatigil ako ng hindi kwarto ang bumungad sa akin, kundi isang... elevator?
Ngunit walang button ng mga floor numbers. Anong pipindutin ko para umakyat?
"Ay kabayong walang mukha!"
Gulat ako nang bigla na lang sumara ang pinto, gumalaw din ito at mukhang umaandar na paakyat.
Langhiya! Ang hightech!
At nang tumigil na ang pagtaas ng elevator, kusa ring bumukas ang pinto nito. At bumungad sa akin ang isang malawak na kwarto.
Puti.
Tanging kulay puting kwarto ang nakikita ko. Walang ibang gamit sa loob. Pero mula sa malaking bintanang gawa sa bubog, kitang kita ang labas ng gusali. Tanaw na tanaw ang maliwanag sa syudad. Ang mga ilaw ng bawat bahay, liwanag mula sa mga pumapasadang jeep at sasakyan na nagkalat sa lansangan.
Nakaawang ang bibig na naglakad ako papasok.
"Ang ganda," bulong ko.
Bubusugin ko pa sana ang mga mata ko sa magandang tanawin, pero napansin ko ang nag-iisang kasangkapan sa gitna ng malawak at puting kwarto.
May isang maliit na mesa sa gitna. At nakaupo ang isang lalaki sa upuang naroroon, patalikod sa akin. Kaya hindi ko makita ang mukha ng taong iyon.
Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nito. Ngunit hindi ito humarap sa akin.
"Ahmm... Aplikante po ako."
"I know."
Sa wakas ay sumagot na rin ito, pero hindi pa rin bumabaling sa gawi ko.
Kaya lumapit na ako dito.
"Sabi po kasi sa website na nirecommend ng katrabaho ko, naghahanap daw po kayo ng secretary. Tapos nakalagay pa roon hanapin daw po si Mr. Smith. Kayo po ba si Mr. Smith? Iinterviewhin n'yo na po ba ako?"
Hindi ito umimik kaya nagpakilala na lang ako.
"Ako nga po pala si Arissa Paige Montecarlos. May dalawa po akong kapatid na pinag-aaral. Wala na po ang mga magulang namin kaya kailangang kailangan ko ang trabahong ito. Nag-aaral pa lang po ako pero fast learner po ako. Willing din po ako matuto pa ng mga bagay na kailangan kong malaman bilang sekretarya. H'wag po kayo mag-alala, masipag po ako. Pagbubutihin ko po ang aking trabaho, kung papalarin ako."
Ngunit wala pa rin itong reaksyon. Nakatalikod lang ito habang may nilalarong ballpen sa isang kamay.
"Hindi po ba kayo ang mag-iinterview sa akin? Ah, baka mali ako ng napuntahang kwarto. Sige po, pasensya na. Hahanapin ko na lang po si Mr. Smith—"
"Hindi na kailangan."
Napatigil ako ng tumayo ito at humarap sa akin.
Siguro mga nasa 40s pa lamang ang matanda. May ilang puting buhok at tumutubo na rin ang bigote't balbas nito. Pero dahil sa suot na black coat at black slacks ay nagmukha itong yayamaning matanda.
Char!
Mukha itong karespe-respetong bodyguard.
Char ulit!
May sumilay na ngiti sa labi ng matanda.
"Ako si Mr. Smith, hindi mo na kailangang hanapin ako dahil nasa tamang kwarto ka. Na amaze lamang ako. Sandali, manatili ka muna riyan may tatawagan lang ako."
Tumango naman ako.
May kinuha itong cellphone sa bulsa saka may kinausap sa kabilang linya.
Ibinalik ko na lang ulit ang aking tingin sa bintana at pinagsawa ang aking mga mata sa natatanaw na tanawin sa labas.
"Hello, Fred? Pauwiin na ang mga natitirang aplikante. Ayoko nang makinig sa mga pagmamayabang nila at kaartehan sa buhay. Hindi intertainer ang kailangan ng Young Master, kundi secretary. Sabihin mong sarado na ang posisyon... dahil may nahanap na ako."
Napatingin ako sa matanda ng sabihin nito ang mga huling katagang iyon.
May nahanap na? So, hindi ako tanggap?
Nang matapos ang tawag ay bumaling si Mr. Smith sa akin.
"Bukas ng gabi, kailangang naririto ka na pagdating ng alas otso o wala pa. Bukas darating ang magiging Boss mo kaya kailangang prepared ka. Wala kang ibang kailangang dalhin kundi ang sarili mo lamang. Naiintindihan mo ba, Ms. Montecarlos?"
"P-Po? A-Ano pong ibig n'yong sabihin? Tanggap na ako?"
"Oo, ayaw mo ba?"
"Po? Hindi po sa gano'n. Pero gano'n gano'n lang po talaga?"
"Sabihin nating ikaw lamang ang nakapasa sa pagsubok. Lahat ng nauna sa iyo ay bagsak."
"P-Pagsubok po? Pero may natitira pa po na kasunod ko. Hindi n'yo po ba sila susubukan?"
Umiling ito. "No! Alam ko namang para sa kanilang mga sarili lamang ang dahilan kung bakit sila naririto."
"Pero... iyong pagsubok po na sinasabi ninyo. Paano ako nakapasa doon?"
"Dahil nagawa mo ang ipinapagawa. Ang kailangan ng Young Master ay isang masipag, maaasahan at marunong sumunod na sekretarya. 'Yung mga nauna sa'yo, pansin agad ang kaartehan at alam kong hindi talaga trabaho ang ipinunta. Kung papalarin kang makapasa sa final interview with the Young Master, pang isandaang naging sekretarya ka. Ang mga nauna pa sa'yo, wala pang isang oras, umuuwi ng luhaan. Ang pinakamatagal lamang ay isang araw."
Napanganga ako. Gano'n kadami? Tapos wala pang nakatagal?
"Wala pa pong nakatagal? Masungit po ba ang Young Master n'yo?"
"You better find out."
Nakakakilabot naman. Geezzz!
Ano kayang itsura ng magiging future boss ko? Sana hindi naman matandang nakakatakot, para naman mapagtiisan ko at nang makatagal ako. Pero Young Master daw eh, so meaning hindi matanda.
Pero sana hindi monster. Young monster... char!
"Pero nakapagtataka... Ano po bang criteria ng pagiging secretary ang hinanahanap ng Young Master?"
"Simple lang naman. Dapat marunong sumunod sa pinag-uutos."
"Ano pong connect no'n sa pagsubok?"
"Kung uunawain mong mabuti ang nasa website... malalaman mo na agad ang sagot."
"Po? Di ko gets." Nahihiyang napakamot ako sa batok.
"Ano nga ulit ang nakasulat sa website na nakita mo? If interested, just go to Azula Hotel and look for Mr. Smith. Napaka-simpleng instruction, pero hindi nila sinunod. At tanging ikaw lamang ang nakagawa ng bagay na iyon."
Naalala kong hinanap ko nga pala si Mr. Smith dahil akala ko ay s'ya ang mag-iinterview sa mga aplikante. Well, s'ya naman talaga, hindi nga lang interview ang nangyari dahil pagsubok pala.
At tanging ako lang ang sumunod... meaning...
"Tanggap na po ako?"
"May final interview pa. At kapag nakapasa ka sa Young Master, then you're officially hired. So, goodluck Ms. Montecarlos. See you tomorrow."
Hindi ako makapaniwala. Iyon lang?
Mabuti na lang tinuruan ako ni Mama na maging masunurin at matutong magbasa ng instructions. Makakatulong din pala sa akin iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top