CHAPTER 18
CHAPTER 18
LUMINGON ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses. At natagpuan kong nakasandal sa railing ng hagdan si Tyron.
"T-Tyron. K-Kanina ka pa ba d'yan?"
Naglakad ako palapit sa kanya.
"Si Sage?"
Tumingin s'ya sa ibaba kaya sumunod din ako. Nakita kong naka-upo si Sage sa couch na nasa living room habang may hawak na libro.
"P-Pasensya na. Akala ko kasi tulog pa kayo, kaya gigisingin ko sana kayo para mag-almusal."
"It's okay, Dollface. But next time, h'wag kang magpapahuli kay Travis na umaakyat ka rito sa itaas."
Then Tyron flashed his friendly smile.
Tumango naman ako.
"Let's go down stairs."
Nauna nang bumaba si Tyron at sumunod naman ako.
"Nagugutom na ako. Pagpasok pa lang namin naamoy ko na agad 'yong niluto mo. Ano ba iyon?"
"Ah, nagluto ako ng sopas. Kumakain ba kayo no'n?"
He chuckled. "Si Travis lang naman ang hindi nagsasawa sa steak. Sa pamamalagi ko sa Hacienda, napag-aralan ko nang kainin ang pagkain ng mga tao. Kaya anything na walang bawang, okay sa akin."
Hindi agad ako nakapagsalita.
Medyo nabigla lang ako sa sinabi n'ya. Para bang may iba itong ipinapahiwatig.
Bakit n'ya kailangan pang pag-aralang kainin ang pagkain ng tao?
Bakit? S'ya ba, hindi tao?
Pansin ko rin na kahit si Sir Boss ayaw din ng bawang. Last time na naabutan n'ya akong nagluluto, nandiri ito sa bawang.
Grabe! Ang bango kaya ng bawang.
"Kung makapagsalita ka naman parang hindi ka rin tao ah. And don't worry, walang bawang ang niluto ko." Natatawang wika ko.
Sandaling tumigil si Tyron sa paglakad at humarap sa akin.
I don't know if it's true, pero nakita kong nagbago ang kulay ng mata ni Tyron. Iyong dating kulay asul na mga mata ay tila naging kulay gintong bigla.
Ngunit sa muli kong pagkurap ay bumalik na ulit ito sa pagiging kulay asul.
Namamalik-mata na naman ba ako?
Pinakatitigan akong mabuti ni Tyron sa mga mata.
"What if kung oo? What if kung hindi nga kami tao? Matatakot ka ba?"
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid.
A-Ano raw kamo?
Pekeng tumawa ako upang alisin ang namumuong kakaibang tensyon sa paligid.
Ano ba naman itong si Tyron. Kung anu-anong pinagsasasabi.
"Naka-drugs ka ba? Patawa ka ah! Alam mo, tara na nga sa kusina. Mabuti pa ikain mo na lang 'yan, baka nagugutom ka lang kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig mo."
Nagkibit-balikat lang ito at nagpatuloy na ulit kami sa pagbaba.
"Nga pala, saan kayo galing? Ang lakas ng ulan sa labas ah."
Saktong nakarating kami sa sala. Sinenyasan lang ni Tyron si Sage na sumunod sa amin sa kusina, bago ito sumagot sa tanong ko.
"Iyon na nga, ang lakas ng ulan. May bagyo pa ata. Maaga kaming umalis ni Sage para pumunta sa Village. Sinabihan lang namin sina Manang Wilma na huwag na munang magtungo dito sa Villa dahil baka mapahamak pa sila sa daan papunta rito."
May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa pag-aalalang nakikita ko kay Tyron.
"Bilin kasi ni Travis bago kami pumunta dito kagabi, huwag na munang papuntahin dito sina Manang kapag sumama ang panahon ngayon."
Napangiti ako sa narinig.
Well, not bad at all. Mabait naman pala ang lalaking iyon. Ako lang talaga ang laging napagdidiskitahan.
Nang makarating sa kusina ay agad na naupo si Tyron sa harap ng dining table. Sumunod si Sage na masama na naman ang timpla ng itsura.
Kailan kaya gaganda ang mood ng lalaking ito?
Ako naman ay nagtungo sa island counter para ipaghain sila ng sopas. Sakto at mainit pa ang sabaw.
"What's that smell, crazy witch?"
Napalingon ako kay Sage na nakasimangot.
Okay na sana iyong Paige. Pero bakit naman pinalitan pa ng crazy witch? Tsk!
Mana talaga ang isang ito kay Sir Boss. Parehong salbahe.
"Bakit? Masama ba ang amoy? Hindi naman ah."
Nang makapaglagay na ako ng sopas sa dalawang mangkok ay nilagay ko na iyon sa tray. Kumuha rin ako ng dalawang kutsara saka dinala ko na sa dalawa.
Kinuha ko ang isang mangkok at nilagay iyon sa harapan ni Tyron.
"Try it! Masarap 'yan."
Sunod na kinuha ko naman ang isa at binigay kay Sage. Ngiting ngiti ako habang nakatingin sa kanya.
"Walang lason 'yan, pramis! Sige na, kumain na kayo. Specialty ko 'yan with love."
Ngiwing umirap pa sa akin si Sage pero kinuha rin naman nito ang kutsara. Ganoon din ang ginawa ni Tyron.
Pinaglapat ko ang dalawang labi habang hinihintay ang reaksyon ng dalawa sa pagkain.
Humigop ng sabaw si Tyron. Ninamnam pa nitong mabuti ang lasa niyon bago tumingin sa akin.
"Not bad, Dollface! Pwede na." Nakangiting aniya nito.
Napangiti naman ako.
Bumaling ako kay Sage na pinagmamasdan pa ang macarooni na nasa kutsara n'ya.
"Anong tawag dito? Bituka ba ito ng hayop na tinadtad?"
Napangiwi ako.
"Ano ka ba naman Sage! Kumakain kayo kung anu-anong sinasabi mo d'yan. Macarooni ang tawag d'yan at hindi bituka. Grabe ka! Ngayon ka lang ba nakakita n'yan? Ano bang kinakain n'yo?"
Ibinalik ni Sage ang kutsara sa mangkok bago tumingin sa akin.
"Well, actually. This is my first time to eat human food, if ever na magugustuhan ko itong niluto mo."
Parang wala lang sa kanya ang sinabi n'ya.
Kumunot ang noo ko.
Bakit ba sila ganyan? Kanina si Tyron ang sabi napag-aralan na n'yan kumain ng pagkain ng tao. Tapos ngayon itong si Sage, hindi pa nakakakain ng human food.
Mga naka-drugs ba sila?
Kung ganoon, anong kinakain nila?
Napatingin ako kay Tyron para sana humingi ng paliwanag tungkol sa mga pinagsasasabi nila. Pero wala sa amin ang atensyon nito kundi nasa sopas na. Sunod-sunod ang naging paghigop nito ng sabaw.
Kahit si Sage ay nakatingin na rin pala sa pinsan.
Hinintay ko ang sunod na gagawin ni Sage. Kinuha nito ang kutsara pagkatapos ay sumubo rin. At ang unang subo ng sopas ay naging sunod-sunod na rin.
Hindi na nga nila ako napansin dahil nasa pagkain na ang atensyon.
Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Hanggang si Tyron ang unang natapos.
"Hhmmm... WAAHHH! I can't believe masasarapan ako sa—Dollface what's this food again?"
"Ah, sopas?"
"That! Sopas. Can you please cook this every morning?"
"Ah, eh... Sure! Sige, lulutuin ko." Kahit naguguluhan ay tumango pa rin ako.
Napatingin naman kaming dalawa kay Sage.
"Hoy, Sage! Okay ka pa d'yan? Kaya mo pa?" Natatawang sabi ni Tyron sa pinsan.
"What's in this food? Nilagyan mo ba ito ng gayuma?"
Napanganga ako sa biglang tugon ni Sage. Malakas na humalakhak naman si Tyron sa tabi nito.
Nakakunot ang noo ng lalaki habang inubos ang natitirang laman ng kanyang mangkok.
Pero sa kabilang banda ay napangiti ako. Masaya ako na nagustuhan nila ang luto ko, kahit na may halong kawalanghiyaan ang bunganga ni Sage. Masaya pa rin ako kasi kahit sa ganitong bagay manlang makasundo ko naman silang dalawa.
Kahit na nakakabwesit talaga si Sage.
NATAPOS ang kalahating araw na wala akong ginawa. Pagkatapos kumain ng dalawa ay umakyat na sila sa kani-kanilang kwarto. At hanggang ngayon ay hindi pa bumababa.
Siguro tulog dahil mga puyat.
Napatingin ako sa wall clock. 4:30 na ng hapon at nakatunganga lang ako.
Sobrang boring!
Wala naman akong magawa. Sa sobrang laki ng mansion hindi mo aakalaing napakalinis nito. Syempre wala namang magkakalat eh.
Hindi naman ako makalabas dahil hindi pa rin tumitila ang ulan. Pero medyo humina na pati na rin ang hangin ay hindi na gaanong malakas ang hampas.
"Ano ba 'yan! Wala akong magawa."
Napatingin ako sa malaking bintana malapit sa may guest area.
Medyo hindi maayos ang pagkakasabit ng kurtina sa bakal at malapit na itong matanggal. Tumayo ako at lumapit doon para ayusin ang pagkakasabit ng kurtina.
Dahil mataas ang pinagkakabitan ng kurtina, kailangan ko ng maaakyatan.
"Kailangan ko ng hagdan."
Inilibot ko ang paningin hanggang sa mapatingin ako sa may kusina.
"That's what I need!"
Pumalakpak pa ako bago magtungo roon. May alluminum ladder sa gilid, malapit sa may mga trash bins.
Siguro ito ang ginagamit nina Shasha sa paglilinis sa matataas na bahagi ng mansion. At ginagamit din ito sa pagtatanggal ng luma at paglalagay ng bagong kurtina sa mga bintana.
Hindi naman mabigat kaya nadala ko ang hagdan sa may bintana.
Binuka ko ito saka ako umakyat sa hagdan.
"Hey, crazy witch! Anong ginagawa mo?"
Napatingala ako sa hagdan sa ika'tlong palapag nang may magsalita roon. Nakapatong ang braso ni Sage sa railing ng hagdan at nakadungaw doon.
"Oh, Sage. Ikaw pala. Inaayos ko lang ang kurtin—AAAHHHHHHH!"
Gumalaw ang tinutungtungan kong hagdan at dahil nabigla ako sa nangyari, na out of balance ako.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para damhin ang aking pagbagsak.
Oh my gosh!
Mahuhulog ako. Babagsak ako sa sahig.
Ayoko ko pa mamata—
Ilang minuto pa ang hinintay ko pero wala akong naramdamang pagmasakit sa katawan. At mas lalong hindi ko naramdaman na bumagsak ako sa sahig.
Pero bakit? Anong nangyari?
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang pares ng pinaghalong kulay pula at chocolate brown na mga mata ang bumungad sa akin.
Pero bago iyon, alam kong nagbago ang kulay ng mga mata n'ya.
Kulay ginto.
Mabilis lang, parang kisap-matang nagbago at bumalik ulit sa dating red and chocolate brown ang kulay nito.
"S-Sage?"
At ngayon ko lang napagtanto ang nangyari—kung nasaan ako.
Hindi ako bumagsak sa sahig dahil sinalo ako ng mga bisig ni Sage.
Ngunit hindi iyon ang bumagabag sa akin.
Kundi...
Paano n'ya ako nalapitan para sagipin ng ganoon kabilis kung nasa third floor s'ya habang ako naman ay nasa first floor ng mansion?
"A-Anong... P-Paanong..."
Imbes na magpasalamat muna sa pagsagip n'ya sa akin, iba ang binigkas ng bibig ko.
Mga tanong na simula pa lang ay gusto ko nang malaman ng kasagutan. Pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mga sagot.
"Paano mo nagawa 'yon? Anong klaseng nilalang ka?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top