CHAPTER 17

CHAPTER 17

MALIWANAG na nang magising ako kinaumagahan. Hindi ko nga alam kung natulog ba talaga ako o buong madaling araw akong gising.

Hindi kasi mawala sa isip ko iyong ginawa ni Tyron.

Nawala lang naman s'ya sa harapan ko.

Nang bigla-bigla. Ni walang pasabing biglang mawawala.

For petes' sake! Kumurap lang ako saglit, nawala na sa harapan ko.

Sinong hindi mabibigla roon? Di ba?

How can he even do that?

Kahit ang ordinaryong tao hindi kayang gawin iyong ginawa n'ya.

Naghahallucinate na naman ba ako kagabi? Namalik-mata? O baka naman tulog pa ang diwa ko that time kaya wala pa sa tamang huwisyo?

Pero damn it!

Gising na gising ako ng mga oras na iyon kasi nga hindi ako tulog.

Malamang! Kaya nga gising, kasi hindi tulog.

Lutang ka pa self?

Gising na, hoy!

So iyon nga. Gising ako kasi hindi ako tulog. Kaya naman nakita ko talaga na bigla na lang s'yang nawala sa harap ko. Naiwan nga akong mag-isa sa ibaba dahil iniwan nila ako doon.

Bumangon ako ng kama at nagtungo agad sa banyo para maligo. Kailangan ko ng cold shower para mahimasmasan. Bangag na bangag ang kaluluwa ko.

Pagkatapos kong magbabad sa malamig na tubig sa bathtub ay lumabas na ako ng banyo nang nakatuwalya lang. Pumasok ako sa walk-in-closet para magbihis. Isang gray jacket ang ipinang-ibabaw ko sa suot kong sports bra at itim na jogger naman ang ipinares ko dito. Tutal ay wala naman akong trabaho. At saka masyadong malamig ang panahon ngayon.

Nang matapos magbihis ay nag-ayos muna ako ng itsura ko bago lumabas ng kwarto.

Pababa na sana ako nang mapansin kong bukas ang glass door ng veranda sa dulo ng hallway. Lumapit ako roon para sana isara nang mapansin kong umuulan pa rin pala. Sobrang lakas ng ulan at halos dumilim na ang kapaligiran dahil sa masamang panahon.

Sumasabay na rin sa malakas na hangin ang mga sanga ng bawat punong kahoy sa labas. Kasabay noon ang rumaragasang buhos ng ulan.

Geezzz....

May bagyo ba?

HALA!

Binundol ako ng kaba. Naalala kong bigla sina Moneth at Ranz. Kung meron mang bagyo, sana nasa bahay si Alexis para may kasama ang mga kapatid ko.

Ayos pa naman ang foundation ng bahay, matibay pa. At hindi naman nakakabahala kung magkaroon nga ng ganito kalakas na pag-ulan. Gusto ko lang iparenovate ang bahay at padagdagan ang lawak at laki nito para kahit papaano ay hindi masikip kung titingnan. Kaming tatlo lang naman ang titira doon.

At isa pa, kapag dumating ang araw na magkaroon ng sariling pamilya ang dalawa, hindi na sila roon titira.

Pero sa ngayon ang inaalala ko ay si Ranz. Takot kasi talaga iyon sa kulog at kidlat simula bata pa lang. Kaya kapay may bagyo, todo alalay sina Mama at Papa sa kanya, noong nabubuhay pa ang mga ito.

Mama, Papa, I wish you were here with us. We really missed you both, a lot.

Pero I know, kung nakikita man nila kami, proud sila sa amin ngayon. Dahil nakaya naming mamuhay na kami lang at hindi nagmakaawang humingi ng tulong sa iba naming kamag-anak.

Papa, Mama, we will make you proud! Promise ko po, gagawin ko ang lahat para kina Moneth at Ranz. Hindi ko sila pababayaan tulad ng pag-iingat n'yo sa aming tatlo.

Ngumiti ako ng matamis bago isara ang pinto.

Nagtungo na ako sa kusina para magluto ng almusal. Walang ni isang tao akong naabutan sa ibaba. Sobrang tahimik. Nakakailang.

Parang iyong araw na dumating ako dito.

The presense of a dull place. No one is around. Just a huge and quite mansion.

"Tulog pa kaya iyong dalawa?"

Madaling araw na kasi mga gising pa. Kaya siguro nga mga tulog pa. Lalo na at malamig ang panahon, masarap bumalot sa makapal na comforter at malambot na kama.

Binuksan ko ang rep at pinagmasdan ang laman niyon.

Every third week of each month may nagpupunta dito na tauhan sa hacienda. Nagdadala sila ng mga basket na naglalaman ng iba't ibang klase ng gulay, prutas, karne at laman-dagat.

Ang mga natirang gulay at prutas ay kinukuha at ibinabalik sa hacienda para gawing pataba sa pananim. Ang karne at ilang seefoods na natitira naman ay itinatapon sa gubat. Ayon kay Nanay Wilma, ibinibigay daw ang mga karne sa wild animals na nasa gubat.

Iba naman ang schedule nila ng pagdedeliver sa steak at red juice ng Young Master.

Grabe! Sa daming nakaimbak na pagkain dito halos hindi nga yata nababawasan. Ako lang naman ang kumakain mula umaga hanggang hapon. May sarili namang pagkain si Sir Boss kaya ako lang talaga ang nagpapasawa. Minsan marami ang niluluto ni Nanay Wilma kapag nandito sila dahil dito na rin naman sila kumakain ng tanghalian.

Ngayon ko lang naranasan iyong ganitong buhay. Noong nawala ang mga magulang namin halos paghatian na lang naming tatlo ang kakarampot na kanin at ulam sa plato. Walang wala kasi talaga kami dahil naubos lahat ng ipon nina Mama sa bangko para sa pagpapalibing nila at pambayad sa iba pang nagastos.

At kahit papaano ay nakakaraos noong natanggap ako sa trabaho. Pero kulang pa rin ang sahod ko dahil hindi naman pwedeng tumigil ang dalawa kong kapatid sa pag-aaral. Muntik na nga akong tumigil noon sa kolehiyo, mabuti na lang nakakuha ako ng schoolarship at nakapagpatuloy pa ako.

Ngayong may maayos na akong trabaho, magiging maayos na ang buhay ng mga kapatid ko. Matutupad na rin namin ang aming mga pangarap sa buhay.

Basta aayusin ko ang trabaho ko kay Sir Boss and we're good.

Hininto ko na ang pagbabalik-tanaw at nag-isip na lang ng lulutuin. Kailangang tapos na ako bago pa magising ang dalawa.

Ano kayang magandang lutuin sa malamig na panahon?

"Hhhmmmm... mag sopas na lang kaya ako?"

Mabuti pa nga iyon na lang ang lutuin ko.

Tamang tama ang mainit at masarap na sabaw ng sopas para sa malamig na panahon. Pampa-init ng sikmura.

Kumuha ako ng gulay at karne ng manok na ilalahok ko. Kumuha rin ako ng hotdog, cornbeef, gatas at iba pang kailangan. Syempre hindi dapat mawala ang macarooni. That's the purpose of cooking sopas after all.

Mabuti na lang at kompleto ang lahat ng rekado na kakailanganin ko para sa sopas.

Nang mailatag ko sa island counter lahat ng rekado ay nagsimula na ako. Isinalang ko muna ang kaserola sa apoy para painitin ang tubig na paglalagyan ko ng macarooni. Binabad ko na rin muna ang frozen hotdogs at chicken meat sa tubig para matunaw ang yelo. Isinunod ko ang paghuhugas at paghihiwa ng gulay at iba pang ingredients. Nang kumukulo na ang tubig sa kaserola ay hinulog ko na ang macarooni para malambutin. Hinalo-halo ko ito para sure na hindi magdidikit-dikit.

Inabot ako ng isang oras bago matapos ang pagluluto ng sopas.

"Hhmmm... ang bango. Ang dami ring sahog kaya sobrang sarap nito for sure. At syempre, ako ang nagluto."

Malawak ang ngiting naglagay ako sa mangkok. Kumuha rin ako ng tasty bread at pinalamanan iyon ng nutella.

Yummy....

Oh, ano? Bakit nangingiti ka d'yan? Iba ang naiimagine mo sa sinabi ko 'no? Aminin! Gusto mo rin ba ng Nutella? Pampalaman?

Dumiretso ako sa mesa at nagsimula nang kumain.

Habang humihigop ako ng mainit na sabaw ay napapatingin ako sa labas ng bintana dito sa kusina. Hindi pa rin humihinto ang ulan pati na rin ang malakas na bugso ng hangin.

Kamusta kaya si Sir Boss?

Saan kaya iyon nagpunta? Bumabagyo pa naman yata.

Bakit kasi puro trabaho, hindi manlang muna magpahinga. Weekend naman eh. Workaholic yarn?

Inilibot ko sa labas ng kusina ang mga mata ko. Madilim sa malawak na living room dahil sa nakababang makakapal na kurtina sa bawat bintana. Maliwanag lang dahil nakabukas ang lahat ng ilaw at maging ang malaking chandelier sa gitna.

Pero kung hindi, para kang nakatira sa isang mansion na pinaglumaan na ng panahon.

Kung hindi lang siguro maganda ang istruktura ng buong mansion, mula sa labas hanggang dito sa loob, sure ako na nakakatakot tingnan ang bahay na ito. Parang mansion ni Dracula because of its ambiance and presence.

Nakakakilabot.

Muling bumalik sa labas ng bintana ang paningin ko.

Darating kaya sina Nanay Wilma?

Siguro hindi. Masama ang panahon kaya mahihirapan silang sumuong sa malakas na ulan at hangin, patungo dito sa mansion. Malayo-layo pa mandin ang village mula dito.

Huwag na muna sana silang tumuloy. Mahirap nang mapahamak sa daan dahil sa bagyo.

Inubos ko na ang sopas ko tapos hinugasan ko na iyon at maging ang mga ginamit ko sa pagluluto. Nang malinis ko na ang buong kusina, nagtungo na ako sa sala.

Napatingin ako sa itaas.

Tulog pa kaya sila? Tanghali na ah.

Well, it's their choice naman if matutulog lang sila maghapon. Pero kasi...

Hindi ba sila nagugutom?

"Katukin ko na kaya?"

"Pero sabi naman nina Nanay Wilma bawal umakyat doon sa ika'tlong palapag."

"Paano ko sila aalukin ng sopas? Maginhawa pa naman sa tiyan ang mainit at masarap na sabaw. Ang lamig-lamig ng panahon oh. Ano ba 'yan?"

Umupo ako sa couch habang nakatingala sa ika'tlong palapag. Sunod kong tinanaw ang wall clock.

"9:30 na hindi pa sila bumababa. Isang oras pa, aakyatin ko na talaga sila para gisingin."

Pagdating sa akin walang senyo-senyorito.

Kailangan muna nilang kumain ng umagahan bago sila matulog ulit. Paano na lang kapag nagkasakit ang dalawang iyon? Paano kung hindi naagapan at lumubha?

Edi mamamatay sila?

Ano na lang ang iisipin ni Sir Boss? Na pinabayaan kong magutom ang dalawa n'yang pinsan?

Kapag nangyari 'yon, mawawalan ako ng trabaho.

Kapag nawalan ako ng trabaho, hindi ko makakamit ang kinabukasang gusto kong makamit.

"HINDIIIIIIIII! HINDI PWEDE!!!"

"Kailangan ko na silang gisingin."

Tumayo ako at nagmartya paakyat sa ika'tlong palapag. Para akong sasabak sa gyera dahil sa bigat at bilis ng mga yapak ko.

Pagdating sa third floor bumagal ang paglalakad ko. Mula pa lang sa bungad ay ramdam na ramdam na agad ang mabigat na prisensya sa palapag na ito. Hindi katulad noong unang tuntong ko dito, dahil nagmamadali ako noon hindi ko naramdaman ang ganito kabigat na pakiramdam. Ibang iba ang palapag na ito sa ikalawa at unang palapag ng mansion. Sobrang dilim din dito kahit na wala namang kurtinang tumatabon sa veranda.

At ang nakapagtataka, hindi binubuksan ang ilaw dito sa itaas. Hindi naman sira. Baka trip lang talaga nila ang madilim.

Naglakad ako palapit sa pangalawang pinto mula sa bungad. Natatandaan kong kwarto ito ni Sage.

Kakatukin ko na sana ang pinto nang makaramdam ako ng malamig na hangin sa likuran ko. Para bang may bigla na lang dumaan na hindi ko alam. Lumingon ako ngunit walang tao roon.

Kumunot ang noo ko.

What was that?

Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at ginawa na ang dapat gawin.

Kinatok ko ang pintun ng kwarto ni Sage.

"Sage? Nandyan ka ba? Gising ka na ba?"

Idinikit ko pa sa pinto ang aking tenga para marinig kong may ingay ba sa loob.

No response.

Kumatok akong muli pero wala pa rin.

"Sage?"

Pinihit ko ang seradura ngunit lock ito.

Nasa loob kaya s'ya?

Lumipat ako sa sunod na kwarto. Which is Tyron's room. Kumatok din ako ngunit walang sumagot sa akin mula sa loob.

"Tyron? Nandyan ka ba?"

Idinikit ko ang aking tenga pero walang ingay mula sa loob. Kahit kaluskos ay wala akong marinig.

Katahimikan.

"Soundproof ba ang mga kwarto rito?"

Kakatok pa sana akong muli ngunit naiwan lamang sa ere ang aking kamay, nang may biglang magsalita mula sa aking likuran.

"Hindi ka dapat naririto sa ika'tlong palapag, Dollface. Mahigpit na ipinagbabawal ni Travis ang pagpunta rito. Lalo na ang mga katulad mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top