CHAPTER 15

CHAPTER 15

NANONOOD ako ng My Roommate is a Gumiho sa aking bagong biling laptop, nang makita kong pababa ng hagdan si Sir Boss.

Bihis na bihis ito at parang may pupuntahan.

With his half-tucked retro striped shirt, black jeans paired with white shoes, it makes Sir Boss simple but elegant. He also looks like an Russian model who's walking in a runway with dominant and badboy aura.

Ang gwapo ng datingan.

Ilang taon na nga ulit ang boss ko? 25? 28? 30? Mukhang wala pa itong 40 plus eh. Siguro nasa mid 20s or 30s gano'n. Nakalimutan ko ngang itanong.

"Sir Boss may lakad ka?"

Tumayo ako at lumapit pagkababa n'ya.

"May kailangan lang akong gawin." Iwas ang tinging sagot n'ya.

"Magtatagal ka po ba sa pupunatahan mo? Mga ilang araw?"

"Why you're asking Arissa?"

Kasi mamimiss kita. Charot!

"Eh kasi Sir Boss... mag-isa lang ako sa malaking mansion na ito. Hindi ba nakakatakot iyon? Saka babae pa ako. Paano na lang kung may mangyaring masama sa'kin mamayang gabi, edi walang tutulong sa akin. Nawawalan ka ng magandang secretary slash taga-luto."

"If that's the only case, don't worry Arissa. Hindi ka kagandahan kaya walang magkakainterest na pasukin ka dito. Kaya... safe na safe ka." Ngumiti pa ito na nang-aasar.

Nakakakilabot ngumisi si Sir Boss. Ibang iba sa ngiti nito na saglit ko lang nasilayan.

Pero iyong ngiting iyon talaga n'ya kaninang tanghali ang hindi ko makalimutan.

Umangat ang gilid ng labi ko at umikot ang mga mata.

Kahit kaylan talaga ang bastos ng bibig ng lalaking ito. Ako? Hindi maganda? Bulag yata ang walanghiyang boss kong ito ah. Ako, hindi maganda?

Nanginginig ang mga kamay ko. Parang gustong kumatay ng tao.

"Alam mo Sir Boss, kailangan mo nang magpa-E.O. Malabo na ang mga mata mo eh. Hindi na makita ng maganda sa hindi. TCH!"

Iritableng bumalik ako sa sofa. Narinig ko pa nga ang mahina nitong tawa—mapang-asar na tawa. Kinuha ko na lang ulit sa mesa ang laptop saka iyon nilagay sa lap ko.

Manonood na lang ako!

"Hey, Arissa!"

Naramdaman ko ang paglapit ng bastos ang bibig kong boss.

"Are you mad, Arissa?"

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa panonood. Kahit hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa pinapanood ko, dahil sa presensya n'ya na nasa gilid ko na pala.

"Hey, Arissa! Galit ka na naman ba? Are you in your monthly period? Bakit ang moody mo ngayong araw?"

Nilingon ko si Sir Boss with my glaring eyes.

"Hindi ako galit Sir Boss. At wala rin akong dalaw."

"Really? So, if you're not mad, why you're ignoring me?"

"Ignore, Sir Boss? Kailan ko 'yon ginawa?"

"Kaninang umaga at kani-kanina lang."

Nagakat ko ang aking ibabang labi.

Eme!

So, bothered din pala ang masungit kong boss kaninang hindi ko s'ya pinapansin?

Achivement ito mga dai!

"Don't think stupidity, Arissa! Ayoko lang na makaapekto ito sa trabaho mo bilang sekretarya ko."

Napangisi ako.

Ibinaba ko ulit ang laptop sa mesa. Then I put my leg acrossed to the other before crossing my arms while grinning big time.

"Sir Boss masyado ka namang overthinker. Wala naman akong iniisip na kakaiba eh. Baka nga ikaw d'yan."

"Arissa stop doing that!"

"What Sir Boss? Wala naman akong ginagawa ah."

"You're grinning too much! Nagmumukha kang nakangising kriminal na anytime ay gagawa ng kabalbalan sa suspect n'ya."

Nawala ang ngisi sa aking labi at napalitan iyon ng straight line.

This time s'ya naman ang nakangisi sa akin.

"Alam mo Sir Boss....."

"What is it Arissa? Hmm?"

"Alam mo Sir Boss... umalis ka na lang kaya. Pumunta ka na sa dapat mong puntahan. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin. Basta mawala ka lang ng ilang oras sa paningin ko. I need peace of mind!" Sabay turo ko sa nakabukas na pintuan.

Pumikit pa ako at hinilot ang sentido kong malapit-lapit ng pumutok dahil sa inis.

"I'll get going now. Make sure na lock ang pinto ng kwarto mo bago ka matulog. And before I forgot, may makakasama ka naman mamaya. Bukas ay Sabado kaya magtutungo sina Manang Wilma dito para maglinis. Wala kang trabaho bukas dahil sa Sunday pa ang balik ko."

Naglakad na si Sir Boss patungo sa pinto.

"See you on Sunday, my little sweet Arissa!"

Then he stormed out the door.

Ako naman ay tumindig lahat ng balahibo sa batok. Nakaramdam din ako ng kung anong naglulumikot sa loob ng aking tiyan.

"See you on Sunday, my little sweet Arissa."

"See you on Sunday, my little sweet Arissa."

"See you on Sunday, my little sweet Arissa."

Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpi-play ang sinabi n'yang iyon sa utak ko.

Sheytttt!

Ito na ba 'yong tinatawag nilang 'butterfly in my stomach'? O baka naman may bulate lang ako?

PAGKATAPOS kong maghapunan ay naghugas lang ako at umakyat na sa kwarto. Katulad ng nakasanayan, I've checked all the windows and doors kung maayos ba ang magkakasara at lock ng mga ito.

Mahirap na, nag-iisa na naman kasi ako.

Ayoko nang makakita ng pulang mata sa kalagitnaan ng gabi. Hindi ko sure kung buhay pa ba akong maaabutan nila dito kapag nangyari 'yon.

Pagpasok ko nilock ko rin ang pinto. Tapos dumiretso ako sa walk-in-closet para kumuha ng pajama. Kailangan kong mag half bath dahil sobrang lagkit at init ng pakiramdam ko.

Isang oras yata ako inabot sa banyo dahil ang sarap sa katawan ng maligamgam na tubig sa bathtub. With the aroma of sweet lavender and strawberry flavor bathgel na hinalo ko sa tubig.

Lumabas ako ng banyo na bihis na at fresh na fresh ang feeling.

Habang nagsusuklay ng buhok ay napatingin ako sa bintana. Dahil hindi pa ito nakasara, inililipad ng malakas na hangin sa labas ang kurtina. May konting patak ng ulan din ang tumatalamsik papasok sa loob.

"Umuulan pala? Kaylan pa?"

Maganda naman ang panahon kanina pero bakit umuulan ngayong pagabi na?

Lumapit ako roon para sana isara ang bintana.

Pero sumilip muna ako sa labas.

Doon ko nakita na malakas pala ang buhos ng ulan. Sumasabay din ang malakas na hampas ng hangin. Para tuloy sumasayaw ang mga halaman sa labas.

Sobrang dilim din ng kalangitan, walang mga bituin at buwan.

Sinara ko na at nilock ang bintana dahil pumapasok na ang lamig ng hangin galing sa labas. Tinapos ko na ang pagsusuklay saka nagtungo sa kama at pabagsak na nahiga.

Ang sarap matulog.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at nagpalamon sa antok.

"Arissa..."

Isang tinig ng lalaki ang tumatawag sa pangalan ko.

"Arissa..."

Iminulat ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita.

Madilim. Sobrang dilim.

Walang kahit anong ilaw sa paligid.

Kinapa-kapa ko ang paligid ko at naramdaman ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Kung ganoon nasa kwarto pa rin ako, nakahiga sa aking kama.

Ngunit bakit walang ilaw?

Blackout ba?

"Arissa..."

Kinilabutan ako nang makaramdam ng dumaang hangin sa aking likuran.

Sheyt! Ano iyon?

"Arissa..."

Hanggang sa maramdaman ko ang presensya ng nilalang sa aking likuran. Ito ang tumatawag sa akin.

"S-Sino ka? Bakit naririto ka sa aking silid? A-Anong kailangan mo sa akin?"

Nanginginig na usal ko.

Ni hindi ko marinig ang sariling boses dahil sa sobrang hina ng pagkakabigkas ko sa bawat salita. Habot-habot ang kaba ko ng may dumamping bagay sa aking balikat, mula sa likuran.

"I want you, Arissa..."

"L-Lumayo ka please... p-please... H-Huwag kang lalapit sa akin. Huwag mo ako sasaktan, please!" I even begged.

Naiiyak na ako.

"Don't worry, I won't hurt you my sweet! Just one bite and we're done."

Tila natulos ako sa aking pwesto.

Bite? Kagat?

Bakit n'ya ako kakagatin? Isang uri kaya ito ng wild animals sa gubat? Eh bakit nagsasalita? Half human and half animal?

Naiiyak na napapikit ako.

"P-Please... Please don't..."

Napaigtad ako sa takot ng may dalawang matutulis na bagay ang lumapat sa aking balikat.

Malamig ito.

At sa pagbaon ng matutulis na bagay na iyon sa aking balat, masakit na may halong sarap ang aking naramdaman.

"T-Tama na please....Aacckkkk—"

Humahangos na napabalikwas ako ng bangon. Napakapit agad ako sa aking dibdib dahil sa kaba.

Para akong hinabol ng isandaang kabayo sa karera dahil mabigat at mabilis ang pagtaas-baba ng aking balikat. Habol-habol ko rin ang aking hininga.

Inilibot ko ang aking mata sa kabuoan ng silid. Bukas ang ilaw at hindi blackout.

Isang panaginip!

Panaginip nga bang matatawag iyon? O isang bangungot?

Ngunit parang totoo.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking balikat. Sa parteng ramdam ko ang pagtarak ng dalawang matutulis na bagay sa aking balat.

Ano ang bagay na iyon? At sino ang lalaking iyon?

At para mahimasmasan mula sa isang hindi kaaya-ayang panaginip, bumango ako at lumabas.

Kailangan kong uminom ng malamig na tubig.

Ngunit pababa pa lang ako ng hagdan ay nakarinig na agad ako ng ingay. Tila dalawang taong nag-uusap—no, mas magandang sabihing nagtatalo. Nagtatalo ang mga ito dahil sa lakas ng mga boses.

Nanginig ang mga tuhod ko.

M-May tao? May ibang tao na naman?

Ngunit parang pamilyar ang boses ng dalawang lalaki. Pinakinggan ko ng mabuti ang pinagtataluhan ng mga ito.

"What are you doing here, Sage?"

"What do you think? This is also my house kaya ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito, Kuya Tyron?"

"TSS... Stop calling me Kuya, will you? Isang oras lang ang tinanda ko sa'yo, remember? Kung may Kuya sa atin, si Travis iyon."

"Still, you're one hour older than me. And Travis, nah-ah! Ayoko pang mamatay ng maaga dahil lang sa pagtawag ng Kuya sa kanya."

"Yeah, yeah! As if naman mamamatay ka."

"Shut up!"

Malutong na tumawa si Tyron.

"What? Ano bang ikinatatakot n'yo? Kahit anong gawin nating tago, malalaman at malalaman din naman n'ya. Why not surpriae her this early? And oh, I already smell her sweet scent."

Nakarinig ako ng ilang ingay mula sa guest area kung nasaan ang dalawa. Sage and Tyron. The other two Cordova's.

Nagmadali akong bumaba para kumpirmahin kung sila nga ang mga ito.

At tama nga ang dinig ko.

Pagdating ko sa guest area ay napatingin agad sa akin ang dalawang lalaki.

Naka-upo si Sage sa sofa. Naka-crossed and mga binti at ganoon din ang mga braso, habang may hawak na libro ang kaliwang kamay nito.

As usual, para itong si Travis na palaging masungit ang mukha. Ang kaibahan lang nilang dalawa, si Travis parang palaging galit sa mundo. Ito namang si Sage, may galit yata sa katulad ko.

Girls.

Na ayon nga kay Tyron, allergic sa babae.

Samantalang si Tyron naman ay nakatayo sa gilid ni Sage, habang nakapamulsa. Katulad nang una naming pagkikita sa Azula Hotel, nakaguhit ang nakalolokong ngisi nito sa labi.

Sa kanilang tatlo, si Tyron ang may malokong personality. Kahit hindi pa ito magsalita o gumalaw, mapapansin mo nang girls magnet ang isang ito. Mula sa ngisi at tindig. Silang tatlo naman ay mukhang habulin talaga ng babae, sadyang may pagkamasungit lang talaga iyong dalawa kaysa sa isang ito.

"Hi, Dollface! My bad, did we wake you up?" Nakangisi pa ring wika ni Tyron.

Wait—silang dalawa ba ang sinasabi ni Sir Boss na makakasama ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top