CHAPTER 13

CHAPTER 13

HINDI MAN LANG nagulat ang magaling kong boss sa sinabi ko. Bagkus ay mapang-asar na ngumisi pa ito sa akin na tila ba natutuwa pa.

"Why Ms. Montecarlos, naaakit ka ba?"

Agad akong tumanggi.

"H-Hoy, Mr. Travis Cordova hindi ako naaakit sa'yo 'no?! Huh! Bakit? Ikaw ba si Lee Jong Suk o si Song Joong Ki? Si Lee Minho ka ba para maakit ako hah? Wala ka nga yatang abs kahit dalawa eh," singhal ko pa.

Tinatago ang pagka-apekto ko sa kanya. As if naman aaminin ko 'no, baka mas lalo lamang s'yang mang-asar. Saka may naakit na bang umamin na naaakit s'ya sa umaakit sa kanya? 'No daw?

Pero teka nga!

"So, inaakit mo nga ako Sir Boss? Naku, naku hah! Hindi mo ako madadala sa mga paganyan-ganyan mo."

"Really? Are you sure?"

"A-Ano?"

"Na wala akong abs?"

Dinuro-duro ko s'ya. Pero nanginig ang aking braso kaya hinawakan ko iyon gamit ang kabila akong kamay habang tinuturo ko pa rin s'ya.

"A-Ang yabang mo ah."

Mas nagulat pa ako nang tumayo ito at hinawakan ng dalawang kamay ang laylayan ng suot na t-shirt.

"H-HOOYYYYY!!! HOY TRAVIS! Huwag mong yurakan ang pagkatao ko. Virgin pa ang mga mata ko, h'wag mong dumihan!"

Nawala ang ngisi nito at napalitan iyon ng straight line.

M-May nasabi ba akong masama?

"Come again? What did you call me?"

"W-What? A-Anong tinawag ko sa'yo?"

Ano nga ulit tinawag ko sa kanya? T-Travis? WAAHH! TRAVIS NGA!

Hala! Patay na! Masisisante na ba ako?

"You called me Travis? Just... TRAVIS? You know that—"

"OPO! Opo, alam ko Sir Boss! Alam ko na bawal kang tawagin sa pangalan lang dahil boss kita at secretary mo lang ako. Ikaw naman kasi eh! Virgin pa itong mata ko pero dudungisan mo na agad. Saka I'm not ready for that.... that... that live show. You know? Kaya... Sorry na po Sir Boss! Sorry na po, hindi na mauulit. Huwag n'yo lang akong sisantehin, pleaasssseeee!"

Nagmamakaawang aniya ko. May pa luha effect pa ako n'yan.

"Tsk! Tapos na akong kumain. Pagkatapos mo dito sa kusina, umakyat ka na sa kwarto po. Maaga ka pang gigising bukas para magluto ng breakfast ko."

Namulsang tumalikod ito sa akin at naglakad paalis. Walang ibang sinabi tungkol sa pagtawag ko sa kanya by his first name only.

Eh?

Anyare?

Hindi ba n'ya ako pagagalitan? Or tatanggalin sa trabaho ko dahil doon?

Ngunit bago pa s'ya makalabas ng kusina, tumigil ito at nagsalita. "Ah! As what I'm saying earlier before you interupted me..."

Napapikit ako. Nakakahiya naman sa 'interupted me' n'ya.

Eto na... Eto na... Pagagalitan na yata ako—

"Mas maganda siguro kung pangalan ko na lang ang itawag mo sa'kin off-work at kapag tayo lang dalawa. What do you think, Arissa? Hhmm?"

Napamulagat ako at umawang ang bibig sa narinig.

Hindi ako nakasagot. Hindi na rin naman n'ya hinintay ang sasabihin ko dahil tuluyan na s'yang umalis at umakyat sa itaas.

Naiwan akong tulala. I blink many times. Hindi makapaniwala sa nangyari.

Pero isa lang ang alam ko...

May kakaiba sa lalaking iyon ngayon. Nasaniban yata ng ligaw na kaluluwa.

KINABUKASAN ay maaga akong bumangon. Alas-sinco pa lang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ko. Maganda kasi ang tulog ko kaya gano'n. Magaan din ang pakiramdam ko pag-gising.

Kagabi kasi, pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin ni Sir Boss ay umakyat na agad ako sa kwarto't natulog. Hindi ako inabot ng alas-dies ng gabi na gising pa. Kaya naman wala akong narinig at nakitang kahit anong nakakatakot.

Sana always na lang ganito.

Mabuti na lang talaga at umuwi na rin sa wakas ang boss ko, dahil kung hindi, sure ako na patay na nila akong maabutan dito. At ang cause of death ay nakakita ng multo.

Pero parang  iyong boss ko naman yata ang nasaniban ng kung anong espirito dahil sa paiba-iba nitong ugali sa loob lang ng isang araw.

May bipolar yata ang lalaking iyon eh.

Well...

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili. Kailangan ko pa nga palang magluto ng breakfast namin ni Sir Boss.

Hindi nga pala secretary lang ang trabaho ko sa kanya. Cook din pala o baka maid pa.

Hayyyy... ang saya ng buhay. Oh, please, take note this as a sarcasm.

Gumagawa ako ng vegetable salad and clubhouse sandwich nang bumaba ang boss ko.

"Good morning Sir Boss!" Masiglang bati ko sa kanya na may pagkalawak-lawak na ngiti.

Gwapo at fresh na fresh ito sa suot na white long sleeve polo black pants and nike white shoes—his usual suit. Medyo basa pa nga ang magulo nitong buhok. Bagay sa badboy nitong aura.

"You're breakfast is ready."

Inihain ko sa mesa ang steak at red juice n'ya. Naupo naman ito at nagsimulang maghiwa ng karne.

"What's good in the morning?"

As usual, walang kabuhay-buhay na turan nito together with his emotionless face and baritone voice.

Sayang 'tong boss ko. Gwapo na sana, kaso masungit naman.

Lihim na napa-irap ako sa kasungitang taglay ng aking boss. Umagang umaga walang kaener-energy. Nagsusungit pa.

"Alam mo Sir Boss, marami kayang maganda sa umaga. Katulad ko," sagot ko sabay ngisi at flip hair pa.

Ibubuka na sana nito ang bibig para basagin ang pagmamaganda ko, pero agad ko s'yang inunahan.

"Oh, teka lang Sir Boss! Huwag ka ng umangal. Ang kill joy mo talaga. Kumain ka na lang para mabusog ka na. Okay? Sir Boss? Good!"

"Tsk!"

Iyon lang ang sinagot nito bago ituon ang atensyon sa pagkain.

Napasimangot naman ako.

Tsk! Hindi ba s'ya nagagandahan sa akin? Kung ganoon, wala s'yang taste. Hmp!

Naupo naman ako sa kabilang bahagi ng mahabang mesa, limang upuan ang layo mula sa kanya.

Nag-umpisa na akong kumain. Tahimik lang kami pareho at walang nagsasalita. Kahit sa pagkain ay wala kang maririnig na ingay. Wala rin naman akong balak na kausapin s'ya dahil alam kong hindi rin naman ito sasagot ng maayos.

Sayang lang ang laway ko, kung 'yung kausap ko naman ay parang hangin lang ang tingin sa akin.

Pagdating ng alas-otso ay dumating na rin sina Mr. Hanz at Kuya Migs. Magiliw na binati ko ang mga ito na tinugon din naman nila.

May ilang habilin pa si Sir Boss kay Mr. Hanz na hindi nila pinarinig sa amin ni Kuya Migs dahil lumayo pa ang mga ito. Pagkatapos nilang mag-usap ay inaya na kami ni Mr. Hanz na umalis na. Hawak-hawak nito ang mga papeles na kailangang dalhin sa Azula Hotel at ilang documents na para naman sa iba pang negosyong pagmamay-ari ng mga Cordova.

Sumakay ako ng sasakyan na hindi tinatapunan ng tingin ang masungit kong boss.

Bahala s'ya sa buhay n'ya! Ang sungit-sungit, akala mo pasan ang problema ng buong daigdig. Nakakawala s'ya ng good mood at good vibes.

Nang makarating kami sa Azula Hotel ay pinaghintay muna ako saglit ni Mr. Hanz sa waiting area. Dadalhin pa muna kasi nila ang ibang documents sa lugar na pagdadalhan ng mga ito, bago kami magtungo sa Cordova Clothing Department para sa aking uniform.

"Uy, Miss Arissa! Kamusta ka? Napasyal ka yata?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nakangiting si Kuya Fred ang bumungad sa akin.

"Ikaw po pala Kuya Fred. Ayos lang po ako, kuya. Kayo po? Pinasama lang po kasi ako ni Sir Travis dito para kunin ang uniform ko."

"Ay, eto mabuti naman kung gano'n. Kamusta naman ang trabaho mo? Ilang araw ka na sa mansion, 'di ba?"

"Ayos na ayos po ang trabaho ko. Mag-iisang linggo na po."

"Aba, matagal-tagal na ano? Pagbutihin mo lamang para makatagal ka pa. Mabait naman ang mga Cordova. Medyo may pagkamasungit lang talaga ang Young Master, pero makakasanayan mo na rin pagtagal."

"Oo nga po eh. Ako na lang ang mag-aadjust." Natawa naman si Kuya Fred sa sinabi ko.

Bumalik na rin si Kuya Fred sa post n'ya pagbalik nina Mr. Smith.

Habang nasa byahe kami papuntang Clothing Company ay may inabot na sobre sa akin si Mr. Smith.

"Arissa iha, ito nga pala ang allowance mo sa linggong ito hanggang sa susunod. Binigay na ng Young Master dahil baka may bilhin ka raw na gusto mo or kailangan mo para sa pasukan next week. Ikaw na ang bahalang magbudget."

Binuksan ko ang sobre at nanlaki ako sa nakita.

"Naku, sobra po yata itong allowance ko para sa dalawang linggo. Matipid naman po ako gumastos eh."

"Hindi ako ang nagpapasya sa bagay na iyan, Arissa. Ang Young Master ang nag-utos. Isa pa, hindi mo kailangang tipirin ang sarili mo. Para rin iyan sa'yo."

Ngumiti ako.

"Pasabi po kay Sir Travis na salamat."

"Miss Arissa, magkaaway ba kayo ng Young Master?" Napatingin ako kay Kuya Migs dahil sa out of the blue nitong tanong.

Pilit na tumawa ako.

"Kuya Migs ano bang tanong iyan?"

"Eh kasi kanina pagdating namin sa mansion ni Mr. Hanz, kapansin-pansin na agad ang kakaibang aura. Mula sa pintuan pa lang hanggang sa pagpasok namin sa loob. At pagkakita nga namin sa inyong dalawa sa living area, parang may kulog at kidlat sa paligid n'yo."

Napakamot ako sa ulo.

Grabe naman 'yong kulog at kidlat. Ganoon ba talaga ka-obvious na may inis kami sa isa't isa? O baka nga ako lang, dahil galit naman yata sa paligid n'ya iyong lalaking 'yon eh.

"Naku, baka guni-guni n'yo lang 'yon. Hindi kami nag-away ni Sir Travis. Takot ko lang do'n 'noh?!"

"Ay weh?"

"Oo nga kasi. Mr. Smith oh, si Kuya Migs inaasar ako." Parang batang sumbong ko na tinawanan lang naman nila.

Ay, hala! Pati si Mr. Smith tinatawanan ako.

"Alam mo ba Miss Arissa na pasulyap-sulyap ang Young Master sa inyo kanina? Hindi n'yo kasi pinapansin. Saka hindi n'yo rin tinatapunan ng tingin. Kahit nga noong umalis na tayo, hindi rin kayo nagpaalam eh."

Darn it!

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Kuya Migs. Nilalaglag n'ya ang kanyang amo sa akin.

At saka...

Bakit naman ako nito tinitingnan dahil lang sa hindi ko dito pagpansin?

Eh sa badtrip ako eh... nakakabadtrip kaya s'ya.

Ang ganda ng gising ko tapos sisirain lang ng kasungitan n'ya. Hmp!

Kaya bahala s'ya d'yan. Magsama sila ng taglay n'yang kasungitan at bad vibes.

"Baka may topak lang ang Young Master. Alam n'yo na, topak days n'ya ngayon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top