CHAPTER 12
CHAPTER 12
MAKALIPAS ang tatlong oras na pag-upo, natapos din ako sa pag-aayos ng mga documents na kailangang ipasa sa Azula Hotel bukas.
Napatingin ako kay Sir Boss na tahimik at seryosong nakatitig sa binabasang papeles. Nakasuot na rin ito ng black rimmed specs na nagpalakas sa dating ng panganay na Cordova.
Humalumbaba ako sa mesa, paharap sa table ng boss ko.
Ang gwapo pala ng lalaking ito? Salbahe nga lang!
♫︎♫︎♫︎
And I've heard of a love that comes once in a lifetime
And I'm pretty sure that you are that love of mine
'Cause I'm in a field of dandelions
Wishing on every one that you'd be mine, mine
And I see forever in your eyes
I feel okay when I see you smile, smile
♫︎♫︎♫︎
Bigla akong napa-upo ng tuwid ng makarinig ako ng background music from nowhere. I even blink twice while shaking my head.
Bakit may background music? Saan galing 'yon?
Nagugutom na yata ako. Oo, tama, gutom lang siguro ako. Ikaw ba naman ang maghapong nakaupo habang nag-aayos ng sangkaterbang papeles, hindi ka ba gugutumin no'n?
"Ms. Montecarlos—"
Here we go again in his formality.
"Sir Boss, Arissa na lang po kasi. Ms. Montecarlos kayo ng Ms. Montecarlos d'yan eh. Para namang pinagsisigawan n'yong forever single ako."
"Why Ms. Montecarlos? Noong tinawag mo ba akong Sir Boss umangal ba ako? Do you hear me demand like what you are doing everytime I'm calling you by your surname?"
"Eh Sir Bo—"
"Nah-ah! Huwag ka nang magpumilit pa. Your today's duty is done, kaya pwede ka ng lumabas. And oh, don't forget my dinner later before 7 pm... kung ayaw mong ikaw ang gawin kong hapunan."
Napasimangot ako.
Ang hilig ng boss kong bumulong pagdating sa huli nitong litanya. May mga sinasabi tuloy s'yang hindi ko naririnig. Nakaka-curious kaya iyon. Hmp!
Paano pala kung nilalait na naman n'ya ako? O minumura na? Tapos wala manlang akong kaalam-alam?
The nerve of this sungit!
"Okay po Sir Boss!"
Tumayo na ako at marahan lang na naglakad patungo sa pinto. Minsan ay sinusulyapan ko pa ito pero dinideadma lang ako at patuloy lang sa pagbabasa.
Mag-oover night ba s'ya sa work?
Ang workaholic naman ng taong ito.
Paglabas ko ng opisina ay napainat ako ng mga braso. I also stretch my body dahil nakakapagod ang ilang oras na pag-upo lang.
Dumiretso na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Simpleng itim na t-shirt at black jogger ang sinuot ko.
Pabagsak na nahiga ako sa kama sa muling tumulala sa kisame ng kwarto.
Nakakapagod ang araw na ito.
Hindi dahil sa maraming ginawa kundi dahil sa matagal na nakaupo. Hindi kaya lumapad ang butt ko nito sa loob ng apat na taon, kung palagi akong uupo lang?
Pero okay lang! Wala akong karapatang magreklamo dahil sulit naman ang sahod ko. Mas malaki pa nga ang sahod ko dito kaysa sa store na all-around ang trabaho, pero iyong sahod—no comment.
Dito sa mansion aasikasuhin ko lang ang mga papels na piprimahan or ire-review ni Sir Boss. Nagluluto ng food n'ya na steak lang naman. Napaka-basic! Tapos libre ang tirahan at pagkain na hindi ko na kailangang isipin.
Kaso nga lang...
Nagbukas naman yata ang third eye ko, kung meron man pero sana wala, dahil tuwing gabi kung anu-ano ang naririnig at nakikita ko.
Pero sana ngayong nandito na ang boss ko, wala na akong ma-encounter na gano'n. Baka kasi hindi lang himatay ang mangyari sa akin, baka matuluyan na talaga ako sa hukay, na sana huwag naman mangyari.
BEFORE 7 pm ay bumaba na ako ng kusina para ipagluto si Sir Boss ng kanyang hapunan.
Madali lang naman lutuin ang steak ng amo ko kaya wala pang kalahating oras ay naluto na ito. Hinain ko na habang mainit pa, para pagbaba n'ya ay kakainin na lang. Sinalin ko na rin sa baso ang red juice nito na mukhang dugo pero juice daw talaga ito.
Sige na lang. Juice na kung juice pero mukhang dugo talaga, pero juice nga raw kasi. Saka hindi naman aswang ang boss ko para uminom ng dugo, kaya juice talaga ito na mukhang dugo.
Ahhh, makulit yarn?
Sunod ko namang niluto ay ang dinner ko. Saktong naghahalo ako ng ingredients for my fried adobo with garlic fried rice, nang marinig ko ang pababang yabag ng aking amo.
"What are you doing Arissa?"
"Nagluluto, Sir."
"Ng?"
Hinarap ko sa kanya ang kawaling ginigisahan ko ng bawang.
"Bawang. Tada!"
"Gross!"
"Maka-gross naman Sir. Ang bango kaya ng bawang." Ibinalik ko na ulit ang kawali sa stove saka hinalo iyon hanggang sa maging golden brown. "Nagki-crave kasi ako ng sinangag, kaya gagawa ako. May tira pa naman akong adobo kagabi kaya igigisa ko muna iyon sa bawang na may sili. Para may libreng adobo sauce ang fried rice ko. Oh, 'di ba? Ayaw n'yo ba nitong niluluto ko Sir Travis?"
"No thanks! I only eat steak."
Napasimangot ako bago nagkibit-balikat. Binalik ko na lang ang atensyon sa niluluto ko.
Hhmmmm... so yummy! Mas yummy pa sa steak ng amo ko. Huh!
Ito ang tunay na Filipino food... with a twist.
Nagsimula nang kumain si Sir, tinapos ko naman ang niluluto ko para makakain na rin ako ng hapunan. Hhmmm... ang bango talaga. Nakakagutom.
"By the way, tomorrow morning darating si Hanz para kunin ang mga papeles na dadalhin sa Azula HR. Sumama ka rin para kunin ang allowance mo for this week and for next week."
Tingnan mo 'to. Hindi manlang marunong gumalang ang lalaking ito sa nakatatanda. Hanz lang talaga ang tawag kay Mr. Smith samantalang MAS matanda ito sa kanya.
Pero syempre, sa isip ko lang iyon sinabi. And oh, hinarangan ko na rin ang isip ko para hindi na nila marinig ang mga thought ko.
Hindi ako marunong, but... naalala kong may nabasa akong ganoon dati sa isang libro. Basta isipin mo lang daw na may harang ang isip mo, magkakatotoo iyon.
Hindi ko lang alam kung effective ba.
"Okay po Sir Boss."
"And also... kunin mo na rin sa Cordova Clothing Department ang uniform mo."
Pinatay ko na ang apoy bago tumingin kay Sir Boss.
"Uniform po? Papasok na ba ako?"
"Yes! Next week sasamahan ka ni Hanz sa OdS para magpa-enroll at kunin ang schedule mo. And... para pag nagsimula na ang pasukan, maayos na ang schedule mo sa akin at sa school."
"Doon din ba pumapasok si Sage—este Sir Sage pala? Makakasama ko ba s'yang pumasok?"
"Yes and No. Yes, doon din pumapasok si Sage and no, hindi mo s'ya makakasama sa pagpasok."
"Po?"
"May condo sa Central si Sage at doon s'ya tumutuloy. Umuuwi lang s'ya dito once in a week. And as of you, remember may work ka sa akin every morning then sa hapon naman ang start ng klase mo. Maliban na lang kung may morning class ka, pero mas magandang wala."
Hindi kaya nakakaantok iyon? Night class?
Pero sabagay, nakaya ko nga ang nigth shift sa trabaho eh, iyon pa kayang nigth class.
Sus, yakang yaka ko 'yan.
"And if you're worrying for your health. Ayoko namang maging anemic ang sekretarya ko, kaya nagsubmit na ako ng letter sa OdS' Dean na 6 pm to 10 pm lang class mo. Mabuti na lang at tugma ang new class hours sa nirequest ko."
Parang pinagplanuhan talaga ng taong ito ang lahat.
Akala ko ba ayaw n'ya ng secretary? Tsaka ayaw n'ya rin ng babaeng sekretarya kaya nga naghanap pa s'ya ng lalaki eh. Kaso, lalaking pusong babae lang ang available.
So, why now change?
Medyo magulo talaga ang utak ng lalaking ito minsan 'no?!
"Copy that Sir Boss!"
Bumalik na ako sa aking niluluto. Kumuha ako ng plato at inilagay doon ang dinner ko. At nang matapos ay bumaling ulit ako sa boss kong hindi pa tapos kumain ng kanyang steak.
Muntik na akong ma-out of balance nang makita itong sumisimsim ng kanyang red juice habang nasa akin ang mga tingin. Pagkatapos uminom ay ibinaba na nito sa mesa ang baso na sa akin pa rin ang tingin.
I gulp.
Kinuha ng dalawa nitong kamay ang natitirang steak sa plate saka iyon isinubo sa bibig, nang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. Kahit sa pag nguya ng pagkain ay nakatitig pa rin ang berde nitong mga mata sa mga mata ko, na para bang sinisisid ang buo kong pagkatao.
At dahil may natirang sauce sa mga daliri, dahan dahan nitong dinilaan iyon at sinaid.
Sherep nemen!
Umiling iling ako bago alisin ang thought na iyon sa utak ko. Jusko Arissa, get to your senses.
Bakit naman kasi kung makatitig si Sir eh.
Sarap kurutin. Hmp!
"Sarap?" Wala sa sariling litanya ko.
Nasapak ko ang aking noo dahil minsan hindi ko talaga nakokontrol ang sarili kong magsalita. Huli na ang lahat para bawiin pa iyon dahil nasabi ko na.
Sheyt talaga!
An then I saw how his side lips curve into a small smirk.
"Yeah! It's delicious that I want more!"
Muli akong napalunok pero hindi ko pinahalatang apektado ang buo kong sistema. Shete naman eh! Bakit kasi may pa-ganurn?
At bakit naaapektuhan ako, aber?
Naman eh! Bakit kasi ganyang ka-intense makatingin ang boss kong 'to?!
"Inaakit mo ba ako Sir?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top