CHAPTER 11

CHAPTER 11

TULALA AKO habang nakatitig sa mga papeles na nasa aking harapan.

Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ni Sir Travis. Matapos iyong mga sinabi n'ya kanina, bigla na lang itong nawala sa harapan ko. Sa sobrang bilis ng pag-alis nito parang hanging bigla na lang itong naglaho.

At iyon nga, pag-alis ng boss ko, nakarinig na lang ako ng boses from somewhere na kailangan kong magtungo sa opisina n'ya sa ikalawang palapag para gawin ang trabaho ko.

Ewan ko ba, pero parang may sariling buhay ang katawan ko at sinunod agad iyong narinig ko. Kahit na lutang at tulala ang isip ko sa mga nangyayari.

At ayun, nagising ang diwa ko at natagpuang naririto na ako sa aking table. Dito sa loob ng opisina ng salbahe at mapanlait kong boss.

"TSK!"

Inis na sinalansan ko ang mga papers na dapat pirmahan ng magaling kong boss.

Nahuhurumintado pa rin ang sistema ko dahil sa mga panlalait na pinagsasabi ng lalaking iyon kanina. Kung hindi ko lang s'ya boss at kung hindi ko lang kailangan ang trabahong ito, nasipa ko na s'ya kanina sa ANO n'ya.

Doon sa ano n'ya. Basta doon sa ano n'ya. Alam n'yo na 'yon.

"Kung makapanlait akala mo naman ang perfect n'ya. Tsk! Bakit? Required na ba ngayon ang pagiging malaman at mataba para sa secretary? Wow ah! Ang alam ko kasi, kahit saang kompanya, mga sexy ang hinahanap. Kaya nga secretary eh, kasi SEXYtary. Psh!"

SEXYtary nga kasi!

"Are you done talking to the papers?"

"AY KABAYONG MAGJOWA—SIR NAMAN! Pa'no kung may sakit pala ako sa puso, edi tegok ako dahil sa panggugulat mo."

"Sa nakikita ko, buhay ka naman at walang sakit sa puso kaya there's no need to worry." Walang emosyong wika nito bago naglakad patungo sa kanyang table.

Kinuha ko naman ang nakompleto ko nang papeles na dapat n'yang pirmahan saka ako naglakad palapit sa kanya.

"Sir ito na nga po pala iyong mga papeles na pipirmahan n'yo."

"Ito lang ba lahat?" Tanong n'ya habang iniisa-isa ang bawat papel na inabot ko.

"Inaayos ko pa po iyong mga documents na kailangan n'yong ireview Sir."

Umangat ang tingin nito sa akin.

"Can you please stop calling me Sir? And oh, stop that po of yours. Do I look like that old for you?"

"Eh ano po—I mean ano bang dapat kong itawag sa'yo Sir?"

"Call me... Young Master. That's more I like it!"

"Sige po Sir Boss!"

Napahagikhik ako ng tumalim ang titig nito sa akin dahil sa hindi ko pagsunod sa utos n'ya.

"MS. MONTECARLOS—"

"Kalma Sir Boss! Eh kasi naman mas bagay sa iyo 'yong Sir Boss, nakakalakas ng dating. Kapag po kasi Young Master, parang pasaway na batang paslit lang. Kaya Sir Boss na lang itatawag ko sa iyo. That's more I like it!"

Ginaya ko pa ang pagkakasabi n'ya kanina.

Muli pa sana itong magsasalita nang ununahan ko na kaagad bago pa ako masermunan.

"Oppsss... Sir Boss compliment iyon, pramis! Ang mabuti pa, simulan n'yo na po ang pagpirma dahil may mga documents pa kayong irireview mamaya. Okay? Sir Boss?"

Ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis sa kanya saka nagpaalam na babalik na sa aking mesa.

Narinig ko pa ang pag 'tsk' n'ya bago nagsimulang basahin at pirmahan ang mga papeles na hawak.

Hoooooohhhhh!

Akala ko katapusan ko na. Mabuti na lang hindi na nakipagtalo pa.

Gusto rin naman pala, aarte pa. Hmp!

Pagkalipas ng ilang minuto, habang inaarrange ko ang mga documents base on their dates, narinig ko ang pagtawag sa akin ng aking amo.

"Ms. Montecarlos—"

Umangat ang ulo ko para tingnan ang aking boss.

"Sir Boss ang formal mo naman masyado. Arissa na lang po or Paige. Ano po pala iyon?"

"Make me a coffee."

"Coffee Sir? Ayaw n'yo ba ng wine, tea or.... me?"

Walang emosyong tumingin ito sa akin sabay halukipkip.

"Pinagloloko mo ba ako? Are you deaf? Or sadyang engot ka lang Ms. Montecarlos?"

"Si Sir Boss naman kung maka-engot."

"I said coffee nga 'di ba? Bingi ka?"

"Sabi ko nga po kape! What I mean is anong klaseng kape Sir Boss. Iyon bang matapang, mapait, sweet or with cream?"

Kung maka-engot naman. Hindi ba pwedeng magpa-cute pag may time? Psh! Akala ko pa naman bebenta 'yung banat ko. Nalimutan kong salbahe nga pala ang boss ko.

"Are you badmouthing me in your mind, Ms. Montecarlos?"

"H-Hindi po Sir Boss ah. Cross my heart, mamatay ka—este mamatay man ang langaw ng kapit-bahay natin."

"We don't have a neighbor, Ms. Montecarlos—"

"Si Boss naman, Arissa na lang po kasi or Paige. Ms. Montecarlos kayo ng Ms. Montecarlos d'yan eh. Parang hindi tayo magkakatrabaho ng apat na taon."

"Ikuha mo na lang ako ng kape, pwede?"

"Ano nga pong klaseng kap—"

Napapikit ito. Tila nagpipigil na huwag akong masigawan.

"Black coffee, no sugar just cream. Okay na ba?"

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko nang pigilan na ako nito.

"And please no more question. Just do what I said you need to do. At... lumabas ka na."

"Sabi ko nga po magtitimpla na. Sungit!"

"May sinasabi ka ba, ARISSA?"

Nagtindigan lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa paraan nito ng pagbigkas ng aking first name na may diin pa.

"W-Wala po Sir Boss. Lalabas na nga po ako. Heto na oh."

Kumaripas na ako ng takbo papalabas. Habang pababa ako ng hagdan ay hindi ko mapigilang hindi matawa. Sobrang epic ng itsura ng boss kong magaling kapag naaasar ito.

Nagmadali na ako sa paglakad papuntang kusina, dahil kapag umabot pa ako ng ilang oras dito ay baka mabara na naman ako.

Salbahe pa naman ang bibig ng boss kong iyon.

Naalala ko iyong masama nitong tingin sa akin. Geeezzz... Parang lalamunin ka ng buhay. Buti sana kung ito ang kakain sa'yo, eh paano kung ipakain ka nito sa mga hayop sa gubat? No way!!! Virgin pa ako. Ayokong mamatay na virgin pa 'no?!

Pagkatapos kong magtimpla ng black coffee without sugar just cream ni Sir Boss, bumalik na ulit ako sa office.

"Ito na po ang black coffee n'yo, Sir Boss."

Nilapag ko ang tasa ng kape, may kalayuan sa mga papeles na pinipirmahan nito. Tumigil naman ito sa ginagawa at sumimsim ng kape.

"Sir Boss? Okay lang ba ang lasa?"

"Pwede na. Bumalik ka na sa ginagawa mo."

"Yes, Sir Boss!" Sumaludo pa ako bago naglakad pabalik sa table ko.

"Ah, Arissa wait."

"Po? Bakit po?"

"Pagkatapos mo d'yan, ipagluto mo na rin ako ng lunch. I badly want to eat right now."

Natulala ako sa sinabi nito. Pero saglit lang iyon at natauhan din ako.

"Bakit Sir Boss? Hindi ka ba kumain sa pinuntahan n'yo?"

"Even if I want, hindi pwedeng lumabas ng kwarto na nauuhaw ako sa dugo mo. I might drain your blood instead." Pabulong nitong sagot kaya hindi ko naintindihan.

"Ano po?" Usig ko.

"Sabi ko mamaya mo na tapusin 'yan at ipagluto mo na ako ng lunch."

"Sir naman. Hindi n'yo sinabing hindi lang pala secretary ang trabaho ko dito. Sana ininform n'yo manlang ako na kailangan n'yo rin ng cook. Need n'yo rin po ba ng maid? Willing naman po ako, basta triple pay 'yun."

"At kapag hindi ka pa tumigil kasasalita mo, mawawalan ka ng trabaho."

"Sabi ko nga po magluluto na." Aniya ko bago naglakad palabas ng opisina.

"I don't want my steak overcook."

Eh kung hilaw kaya ang ipakain ko sa'yo?

"At mas lalong ayoko ng hilaw." Litanya nito bago ko tuluyang maisara ang pinto.

"Geeezzzz...." Parang bigla akong nilamig. Sheytttt!

Nagmadali na ako papuntang kusina. Hindi magandang ginugutom ang Young Monster—este Young Master pala na iyon.

Pagdating sa kusina, tinungo ko agad ang ref. Binuksan ko ang ilalim na bahagi nito at tumambad sa akin ang mga nakasalansang tupperware. Sa kabila nito ay mga kahon-kahon na ayon kay Nanay Wilma ay red juice ni Sir Boss.

"Ang sosyal naman ng lalaking iyon. Naka steak na, may pa red juice pa."

Kumuha ako ng isang tupperware at isang kahon ng juice bago tumungo sa kitchen counter. Kumuha ako ng kawali at sinalang iyon sa stove. Mabuti na lang marunong akong gumamit ng electric stove. Nilagyan ko nang tamang mantika ang kawali at hinintay iyong uminit.

Habang hinihintay ay kumuha na rin ako ng plate at baso para ihahain ko na lang after.

"Naku, naku! Pasalamat s'ya dahil sanay ako sa kusina, dahil kung hindi hilaw talaga ang ipapakain ko sa kanya."

Nang tama na ang init ng mantika ay inilagay ko na ang karne saka iyon inabangan na maluto. Ayokong iwanan dahil baka ma-overcook bigla, mayayari ako nito.

Nang maging golden brown na ang kulay ng karne, binaliktad ko na ito para iyong kabila naman ang maluto. Habang ginagawa iyon ay natakam akong bigla sa amoy ng steak.

Parang gusto ko rin yata ng steak. Hhmmmm....

Iba talaga kapay may datong. Masasarap ang kinakain everyday.

Kamusta kaya 'yung dalawa sa bahay? Paano ko kaya sila mako-contact kung walang signal dito. Siguro iask ko na lang iyon kay Sir Boss some other time. Sure naman akong hindi pababayaan ni Alexis ang mga kapatid ko.

Ilang segundo pa ay natapos din ako sa ginagawa. Nilagay ko na iyon sa plate at dinala sa mesa. Kumuha rin ako ng meat knife and fork. Naglagay din ako ng tissue sa ibabaw ng mesa.

And last but not the least, ang red juice ng Young Master.

Isinalin ko na ang red juice sa baso pero napatigil ako ng mapansin kakaiba ang kulay, texture at amoy nito. Pinakatitigan ko itong mabuti.

Pula.

Parang kulay ng....

"Dugo?!" Natulala ako sa laman ng baso. Hindi ko nga namalayan ang pagbaba ni Sir Boss dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Are you done?"

Bumalik lang ako sa ulirat ng magsalita ito sa likuran ko.

"Ah, o-opo. Tapos na Sir Boss. Kain na kayo."

Pilit akong ngumiti kahit na iniisip ko pa rin kung dugo ba talaga iyong sinalin ko sa baso. Pero bakit naman iinom ng dugo si Sir Boss? Anemic ba ito? Kulang sa dugo? Ang puti naman kasi ng taong ito. Nagpapaaraw man lang ba ito noong bata pa?

Umupo naman na si Sir Boss saka nagsimulang maghiwa ng karne. Itinapon ko na ang kahon sa basurahan at akmang aalis na nang pigilan ako nito.

"Stay."

Hindi na ako nagtanong pa. Tumigil ako hindi kalayuan sa pwesto nito na malalim pa rin ang iniisip.

"Hindi ka ba nagugutom, Arissa?"

Napatingin ako kay Sir Boss. From the way he slice his steak up until sa pagtusok nito ng tinidor hanggang sa pagsubo nito sa bibig at pan-nguya ay sinundan ko ng tingin.

Parang babaeng hindi makabasag pinggan ito kung gumalaw. Ni wala ring ingay sa pag kain.

Dinaig pa ako.

Napalunok ako at natakam sa amoy ng steak na kinakain ng amo ko.

Sheyttt! Parang ang sarap ng pagkain kapag ito na ang kumain.

Share tayo Sir Boss. Charot!

"Arissa, are you listening? I said hindi ka ba nagugutom?" Binitiwan nito ang tinidor bago lumingon sa akin. "I'm done! Magluto ka na ng lunch mo at kumain. Marami ka pang trabahong gagawin."

Napalunok ako ng inumin nito ang dugo—I mean red juice na nasa bago. Sarap na sarap ito dahil wala manlang tinira kahit isang patak. Parang isan-linggong uhaw dahil hindi nakainom ng tubig.

Nagpunas na ito ng bibig at kamay bago tumayo.

"Move now, Arissa!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top