CHAPTER 10
CHAPTER 10
AGAD NA napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal pa na nanlalaki ang mga matang kinapa ko ang aking buong katawan. Chine-check if buhay pa ba ako o baka kaluluwa na lang dahil namatay na ako kagabi.
Pero buo naman at... at...
Natigilan ako nang maalala kung anong nakita ko sa may hagdan sa itaas.
Sure ako na lalaki ito.
At sure rin ako na totoo ang nakita ko at hindi guni-guni lang.
Ang pula nitong mga mata.
Madilim sa third floor dahil walang bukas na ilaw doon tuwing gabi, kitang kita ko kung paano ito tumingin sa akin. Nakakatakot pero at the same time ay nakakamangha ang pagka-pula nito.
Mala-ruby sa ganda ang pula nitong mga mata.
"AAHHHHH! Ano ba naman Arissa! Nakakita ka na nga ng multo, pinuri mo pa."
Pero multo nga ba iyon?
Naalala ko pa na sumigaw nga pala ako bago ako natuluyan.... natuluyang himatayin.
Sino ba naman kasing normal na tao ang hindi hihimatayin sa takot kung makakita ka ng ganoon, sa kalagitnaan ng gabi. Tapos nag-iisa ka pa. Ewan ko na lang talaga kung pati kaluluwa mo umalis sa katawan mo dahil sa takot.
Buti nga buhay pa ako-WEYT NGA!!
Ang natatandaan ko, sa may hagdan ako nahimatay kagabi, pero anong ginagawa ko dito sa kwarto?
Kung doon ako natuluyan, edi sana nagpagulong gulong na ako sa hagdan pababa, so anong ginagawa ko dito sa kama?
Kinapa-kapa ko ang buo kong katawan para tingnan kung may sugat ba o baling buto, pero wala naman. Wala ring masakit sa akin.
Hindi kaya....
Totoo ang himala?
"Ay, pwe, pwe, pwe!" Umiling iling ako dahil sobrang imposible.
Pero paano kung tinulungan pala ako no'ng lalaking nakita ko kagabi? Paano kung mabait na kaluluwa pala ito at naawa sa akin kaya binuhat ako at dinala dito sa kwarto.
"Aaahhhh! Mas lalong imposible. Walang kaluluwang matulungin 'no. Saka hindi naman ako mahahawakan ng kaluluwa dahil spirit lang 'yon at hindi tao-Tao? AH, TAO! Hindi kaya may nag akyat-bahay dito kagabi? Kaya nakarinig ako ng ingay ay dahil may magnanakaw na nakapasok?"
Posible!
Posible-Kung posible, edi nanakawan na ang mansion na ito?
WAAHHHH!
Paano na? Malalagot ako sa may-ari ng bahay na ito pagnalaman nila na may nawawalang gamit dito. Siguradong sisisantehin na ako ng boss ko, hindi pa man ako nakakapagsimulang magtrabaho sa kanya.
Agad na nagmadaling bumangon ako. Katulad ng morning routine ko, kumuha muna ako ng damit na pamalit bago nagtatakbo papasok ng banyo. Isang minuto lang yata ay tapos na agad akong maligo dahil sa sobrang pagmamadali. Nakalimutan ko pa ngang magsuklay, pero mapagpapaliban iyon ngunit hindi ang future ko.
Halos liparin ko na nga ang hallway at hagdan paitaas, para lang makarating ko agad ang ika'tlong palapag.
Pero agad din akong napatigil at napatayo ng maayos dahil wala ni anong bakas na may nahulog na gamit dito. Kahit iyong glass door ng veranda sa kaliwa ay sarado rin, meaning walang nakapasok na kahit sino. Malinis din at hindi magulo.
"Baka naman sa loob ng isa sa mga kwarto."
Pero mahigpit na ipinagbibilin na bawal pumasok sa kahit anong kwarto dito sa third floor. Kwarto kasi ito ng tatlong Cordova at tanging si Nanay Wilma at Mr. Smith lamang ang may permiso na pumasok sa loob.
Gusto ko mang hanapin kung saan galing iyong ingay kagabi, ayoko naman mapaalis agad dito. Kaya minabuti ko na lang na bumaba at bumalik sa kwarto. Naalala kong ngayon nga pala uuwi ang boss ko. Kailangan na kapag dumating sila nasa maayos akong kasuotan. Nakakahiya naman kung maabutan nila akong nakapambahay lang 'di ba?
Hindi ako magiging mukhang professional secretary, kundi personal yaya.
Simpleng puting long sleeve at fitted black skirt na hanggang itaas ng tuhod ang napili kong suotin. Pinaresan ko na lang iyon ng black dollshoes. Nasa bahay lang naman ang work ko at wala sa mismong company, kaya walang ibang papansin sa suot ko.
Maayos naman ito saka nagmumukha talaga akong sekretarya sa ayos ko. Hindi ako mukhang college student na may thesis report.
Habang pababa ng hagdan, nasa malalim pa rin akong pag-iisip. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na napunta ako sa kwarto nang walang bumubuhat sa akin, lalo na't nahimatay pa ako sa takot.
Ano 'yon? Wow, magic?
O kaya naman ay naglakad ako pabalik sa kwarto nang walang malay tao?
Simula nang dumating-no, simula pala nang tumungtong ako sa Azula Hotel, kung anu-ano na ang nararamdaman at napapansin ko. Worst pa, nang dumating ako dito sa mansion, iyong 'nararamdaman ko' naging 'nakikita na'.
Noong una akala ko kulang lang ako sa tulog, pero iyong paulit-ulit ko nang nakikita, naniniwala akong totoo talaga.
Konti na lang, maniniwala na akong haunted ang mansion na ito-
"You're finally awake!"
Napabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng malalim at malamig na boses ng lalaki.
Oh my gulay!
Sinasabi ko na nga ba! May taong nakapasok sa mansion-wait...
Ang boses na iyon.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at natagpuan kong nakatayo ang isang lalaki habang nakasandal sa divider malapit sa pinto ng kusina.
Nakahalukipkip ito at may seryosong mga tingin. Ang berde nitong mga mata na hinihigop ang lakas mo dahil sa intensidad ng titig nito. Wala ring karea-reaksyon ang gwapo at nakakaintimadate nitong mukha.
Hinagod ko s'ya ng tingin, mula sa itim na sapatos hanggang sa fitted ripped jeans nito paakyat sa suot na black polo. Hindi formal pero mukhang karespe-respetado dahil sa prim and proper na postura.
"S-Sir Travis?!"
Nanlaki ang aking mga mata at umayos ng kilos.
"Good morning Sir!" Bahagya pa akong yumukod. Kagat-labing napapikit ng mariin dahil nakakahiya sa aking boss ang kanyang naabutan. Wala ako sa sarili at lutang. Aist!
Bakit kasi nandito s'ya?
Hindi manlang nagpasabi na darating s'ya ng maaga, edi sana nasa maayos akong state of mind bago s'ya batiin.
Nakakahiya talaga!
"I thougth magpapa-funeral na ako dahil hindi ka na humihinga. Mabuti na lang buhay ka pa pala, hindi masasayang ang pera."
Natigilan ako. "P-Po?"
Napakasalbahe naman nito. Hmp!
"A-Ano pong ibig n'yong sabihin?" Naguguluhang sugid ko pa.
"Naabutan lang naman kitang nakabulagta sa itaas kaninang madaling araw. I thought you're already dead."
Napasimangot ako. Grabehan lang? Patay agad? Agad-agad?
So ibig sabihin...
"Ikaw po ang nagdala sa akin sa kwarto?"
"Sino pa ba? Wala namang ibang tao dito kundi AKO at IKAW lang. So, who do you think did it?"
"I-Ikaw po. S-Salamat po pala Sir." Nakayukong aniya ko.
"Do you know?"
Napaangat ang mukha ko. "Na ano po Sir?"
"Na ang bigat mo."
Napa-facepalm ako. Nakarinig ako ng dumaang ibon dahil sa sinabi n'ya.
Grabe na talaga! Grabe na!
Nagwawala ang kalooban ko dahil kadarating lang ng taong ito pero puro panlalait na agad ang natanggap ko?
GRABEEEE, IBA RIN!
Ako? Mabigat? Sino ba kasing nagsabi na buhatin n'ya ako? Ako ba? Tsk!
"Sir kahit naman payat ako, hindi ako mataba 'no!"
"That's it! You're so skinny, kumakain ka pa ba? Sa sobrang payat mo, isang bitbitan lang kita. You need to eat more vegetables and meat to gain you more pounds. Ayoko ng secretary na isang hangin lang pwede nang liparin."
AYY! GRABE NA TALAGA!
May pagkamagulo rin ang boss ko 'no?
Kanina sabi ang bigat ko. Tapos ngayon payat na at magaan?
Ano ba talaga?
Saka ano daw? Isang hangin lang liliparin na? Grabe! Hindi naman ako gano'n kapayat 'no?! Kahit kapkapan mo pa ako may laman at taba pa rin naman ako, hindi lang talaga halata.
Ang tawag dito, sexy. DUH!
"Sir, for your information, kahit payat tingnan itong secretary mo, maganda naman. Saka hindi kaya ako gano'n kapayat! May laman at fats pa rin ako."
"Do you want me to check if what your saying is true?"
"AYY!" Napatili ako at napayakap sa aking sarili.
H'wag Sir! Hindi pa po ako handa. CHAR!
"As if I want to."
Another facepalm.
Ibang klase sa panlalait at pambabara. Konti na lang, masasapak ko na talaga 'to.
"By the way, nailibot ka naman na siguro ni Manang Wilma sa buong mansion. At nasabi na rin n'ya ang mga dapat at hindi dapat pasuking kwarto sa mansion na ito."
"Yes, Sir!"
"So now, let me tell you who am I." Naglakad ito palapit sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.
Hindi ko nakayanan ang kanyang mga titig kaya napatungo ako. Bakit kasi ganurn? Kung makatitig naman. Baka matunaw ako Sir.
Sa pagtigil nito sa harapan ko naramdaman ko ang kanyang mga daliri na naglandas patungo sa aking panga. Dahan-dahan nitong inangat ang aking mukha, paharap sa kanya.
Ang kanyang berdeng mga mata ay tila ba hinuhukay ang kaloob-looban ko, Naramdaman ko rin ang hindi maipaliwanag na kaba at maging ang paglulumikot ng kung ano sa aking tiyan.
Hala! May bulate yata ako.
Bumalik muli ang atensyon ko sa boss kong isang pulgada na lang ang layo mula sa akin.
"I am the Superior, the Young Master in this mansion. Kaya lahat ng utos ko susundin mo at huwag mong suwayin kung gusto mong makatagal sa trabahong ito. Lahat ng bawal at hindi pwede, huwag mong pagtangkaang gawin dahil hindi mo alam kung anong kahihinatnan mo pagkatapos."
Binitiwan na n'ya ang panga ko. Pero hindi pa rin lumalayo at inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko rin naman maalis ang titig sa kanya. Para akong hinihiptonismo ng kanyang mga mata.
"And one more thing... in order you to survive, don't ever fall in love with the Superior. That's the only one rule!"
Nanlambot ang dalawa kong tuhod. Hindi dahil sa nakakakilabot nitong boses at sa mga sinabi nito, kundi dahil sa pagbabago ng kulay ng mga mata ng boss ko.
Ang dating berde ay napalitan ng gintong mga mata. Hanggang mapalitan ulit ito ng kulay na hindi ko inaasahang makakakita ulit ako matapos iyong kagabi.
Those bloody red eyes!
"Welcome to Cordova's Mansion, my little sweet secretary!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top