CHAPTER 1
CHAPTER 1
Arissa's P.O.V
NAGMAMADALING tumakbo ako papasok sa gate ng pinapasukan kong University.
Katatapos lang kasi ng duty ko sa pinagtatrabahuhan kong Ministop. Pang gabi ako kaya naman pagkatapos ng trabaho ay diretso agad ako ng school. Nagkape nga lang ako dahil baka malate pa ako at hindi na makapasok.
Ayoko namang may mamissed na isang araw ng klase. Ayokong bumagsak dahil ito lang ang panghahawakan kong katibayan para makakuha ng magandang trabaho sa future.
Nasa kolehiyo na ako. 3rd year college at kumukuha ng kursong Cullinary Arts.
Gusto ko kasi ang pagluluto, medyo matakaw din ako kumain hindi nga lang halata. Hindi kasi ako mabilis tumaba kahit na kain ako ng kain. Hindi rin ako payat, tama lang para sa isang dalaga ang katawan ko.
Kaya rin nagpupursige ako ay gusto kong magpatayo ng sarili kong restaurant o cafe balang araw. Isa rin iyon sa pangarap ng mga magulang namin para sa akin.
I don't want to disappoint them, lalo na ang mga yumao naming magulang. Gusto ko ring maging huwaran at responsableng kapatid at panganay sa mga kapatid ko. Ako lang kasi ang maaasahan nila na parehong nasa highschool na.
Ngunit sa gawain bahay, silang dalawa ang nakatoka. Maaasahan ko naman sila pagdating doon dahil they both know na pagod din ako sa school at work.
Mahirap talaga ang maging mahirap, pero mas mahirap ang walang pangarap.
Oo nga't mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, pero para sa kanila, lahat gagawin ko. At ang mabigyan ko ng magandang buhay at kinabukasan sina Moneth at Ranz ay isa sa mga pangarap ko.
Halos liparin ko na ang kahabaan ng hallway makaabot lang sa tamang oras bago pa ako maunahan ng aming professor.
"Ms. Montecarlos stop running at the corridor!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga gurong nakakita sa aking pagtakbo ng mapadaan ako sa isa sa mga bukas ng classroom.
"Sorry Ma'am! Emergency!"
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit hingal na hingal at sumasakit na ang tagiliran ko.
Pagdating sa second floor, sa tapat ng aming classroom ay agad akong pumasok ng hinihingal sa loob. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang wala pa si Mrs. Albez, isa sa mga terror teacher dito sa Handerson University.
"Arissa mabuti na lang at hindi ka naunahan ni Mrs. Albez sa pagdating. Paniguradong palalabasin ko no'n agad." Bungad kaagad ng seatmate kong si Liza.
Pagod at hinihingal na naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi n'ya.
"Oo nga eh. Sobrang haggard dai."
"Oh, mag-ayos ka muna ng sarili mo baka dumating na ang terror."
Natawa naman ako sa sinabi n'ya saka kinuha ang inaabot n'yang tissue. Nagpunas ako ng pawis dahil basang basa ang mukha ko hanggang leeg. Bakit kasi nalimutan ko pang magdala ng towel eh, sobrang haggard tuloy.
Pinuyod ko rin ang buhok ko na abot na hanggang bewang. Kaya siguro madali akong pawisin dahil sa mahaba kong buhok na kapag nasa trabaho ko lang tinatali.
"Good morning, Class!"
Madaling nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang assigned seat dahil sa pagdating ng aming guro. Boses pa lang ni Mrs. Albez ay nakakatakot na, ang makita pa kaya ang itsura nito.
Para kang kakainin ng buo. Char!
Buong duration ng klase mula umaga hanggang tanghali ay nakikinig lamang ako sa tinuturo ng teacher sa unahan. At pagkatapos ng buong maghapong klase ay diretso uwi agad ako.
Papasok pa kasi ako ng alas-dies ng gabi sa trabaho. Magpapahinga lang saglit, kakain ng hapunan kasama ng dalawa kong kapatid, tapos aalis na ulit para pumasok naman sa trabaho.
Papasok ng umaga sa school, uuwi ng bahay para magpahinga, tapos papasok naman ulit sa trabaho.
Simula ng iwan kami nina Mama at Papa tatlong taon na ang nakakaraan, palaging ganito na ang takbo ng buhay ko. Wala naman kasi akong choice. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga kapatid ko, lalo na at kami-kami na lang ang magkakasama at magtutulungan.
Hindi rin naman kami magawang tulungan ng ibang kamag-anak namin dahil wala raw naman kaming mga silbi para sa kanila.
Kaya kailangan kong maging matatag para kina Moneth at Ranz.
Hindi ko sila pwedeng biguin.
Pagpasok ko sa loob ng aming munting tahanan ay naabutan ko si Moneth na naglalagay ng pagkain sa plato.
"Oh ate, nandito ka na pala. Meryenda ka muna, nagluto kami ni Ranz ng pancit canton."
Inilapag ko sa upuang yari sa bamboo ang aking bag bago magtungo sa mesa.
"Si Ranz? Nagmeryenda na rin ba kayong dalawa?" Tanong ko habang nagpapalaman ng pancit sa tinapay.
Naupo si Moneth sa harapan ko. "Nauna na si Ranz, ate. Nasa kwarto na, gumagawa ng assignment."
"Ikaw na ulit muna ang bahala dito sa bahay, Moneth ah. Papahinga lang ako saglit tapos papasok na ulit. Mag-iiwan ako ng perang pambili ng ulam bukas saka baon ninyo. Hanapin mo na lang sa drawer pag-gising mo bukas. Mag-iingat kayo ni Ranz dito."
"Huwag kang mag-alala ate, ako nang bahala dito sa bahay saka kay Ranz. Ikaw ang mag-iingat sa labas lalo at gabi ang trabaho mo."
Lumapit sa tabi ko si Moneth saka ako niyakap.
"Huwag kang mag-alala ate, pagbubutihin namin ni Ranz ang pag-aaral para masuklian naman namin ang paghihirap mo."
I patted her head.
"Magiging maayos din ang buhay natin, magpupursige si ate. Konting tiis na lang, maibibigay ko rin ang mga gusto n'yo. I will find a better job."
Hinigpitan ko ang yakap kay Moneth.
Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat mabigyan ko lang ng magandang buhay ang mga kapatid ko.
Mama, Papa, kung nasaan man po kayo, gabayan n'yo po sana kaming mga anak n'yo. Miss na miss na po namin kayo.
WALA pang 10:00 pm ay nasa store na agad ako. May ilang minutes pa bago ang shift ko kaya nakatambay muna ako sa isang bakanteng mesa. Umiinom ng mainit na kape, pagpatanggal ng antok.
Tuwing ganitong oras, kokonti lang ang mga dumadaan at pumapasok ng costumer kaya gusto ko ang shift na ito. Hindi sunod-sunod ang mga aasikasuhing bumibili kaya kapag may assignment ako ay nagagawa ko pa.
Sa kusina naman kasi ako naka assign eh. Bale lima kami dito sa store tuwing ganitong oras hanggang mag-umaga. Isang Manager, cashier, cook which is me and isang kasama ko pa, isang toka sa mga equipments at isang nag-aayos ng mga supplies na dumarating—kung meron man. Tapos may lima ulit na papalit sa amin kinabukasan.
Hindi naman mahirap ang trabaho, maliban na lang siguro kung pick season.
Tuwing unang araw ng pasukan hanggang kalagitnaan ng taon, dinarayo ang Ministop na ito ng mga estudyante o di kaya ay employees ng kalapit na mga establishimento. Sulit kasi ang perang ipambibili mo sa mga pagkain tinitinda at niluluto namin dito.
Minsan nga may take-out pa kami kaya may naibibigay ako kina Moneth na masasarap na pagkain.
Mabait at mapagbigay kasi ang Manager namin. Walang problema iyon sa kanya basta maayos ang trabaho mo buong shift.
Sahod na lang talaga ang hindi lumalaki. Pero iyong mga bilihin patuloy na tumataas ang presyo.
"Hoy, bakla ka! Ang aga mo ah." Hiyaw ni Alexis—I mean Lexi pala. Maarteng tumakbo ito palapit sa kinauupuan ko saka naupo sa bakanteng bangko sa harapan ko. "Natutulog ka pa ba? Baka puro ka na lang trabaho at napapabayaan mo na ang sarili mo."
"Nakatulog na ako kanina, tatlong oras. Salamat sa pag-alala Alexis, pero kaya ko pa naman."
Napasimangot ito bago ako hinampas sa braso.
"Hayop ka talaga, bakla ka. For your information, let me correct you, okay?! Lexi not Alexis, duh!"
Pabirong inirapan ko naman ito. Arte, dinaig pa ang tunay na babae.
"By the way, may alam ka pa bang ibang raket d'yan? Kailangang kailangan ko talaga ng pera. Malapit na mag bayaran ng tuition sa school nina Moneth."
"Sa club, madaling kumita ng pera. Gusto mo?"
"Yak ka naman Alexis—"
"Lexi not Alexis."
"Oo na, oo na. Lexi na kung Alexis—Lexi na kasi. Hindi naman ako hostes eh. Tsaka ayokong mag waitress sa club, hindi ako bagay doon. Iyong trabaho sana na hindi ko kailangan ibaba ang pride ko para lang kumita ng malaki."
Nag-isip saglit si Alexis na para bang may inaalalang isang mahalagang bagay.
"AHA! KORAK!" Malakas na hiyaw nito kaya napatingin sa amin ang ilang nasa labas ng store.
"Hinaan mo nga boses mo."
"Sorry na, naexcite lang ako."
"Saan naman?"
"Speaking of trabaho, may nakita nga pala akong hiring sa isang website na nadaanan ko kaninang umaga habang nag-scroll sa google."
"Baka naman scam 'yan? O di kaya ay s*x site na naghahanap ng babae tapos babayaran ng malaki."
"Gaga ka! Malaki talaga ang sahod pero hindi naman ganyan sa iniisip mo. Wait, hanapin ko."
Kinuha nito ang cellphone saka may pinindot na kung anu-ano.
"Ayan oh! Look mo muna kasi. Hindi naman s'ya scam. Mukhang real naman bakla. Itry mo kaya, wala namang mawawala."
"May pasok ako bukas."
"Edi sa hapon. Sa gabi naman sila tumatanggap ng mga aplikante eh."
Natigilan ako.
"Sure kang hindi iyan modus ng mga bugaw?"
"Grabe ka talaga."
"Eh bakit kasi gabi?"
"Baka busy sa umaga kaya sa gabi lang ang free time. H'wag kang medyo judgemental."
"Sorry na. Naninigurado lang."
Kinuha ko ang phone saka tiningnan ang sinasabi nitong site.
Job fair tommorow at 8:30 pm in Azula Hotel and Restaurant.
We are Hiring for the position of Secretary for the Cordova's Eldest Heir.
If interested, just go to Azula Hotel and look for Mr. Smith.
Iyon lang ang nakalagay sa site.
"Ano bakla? G ka?"
"Pag-iisipan ko pa—"
"Huwag mo ng pag-isipan pa, go ka na. Sayang din ang $100 na sahod every week tapos may $50 pa na allowance kada araw. Tapos dipende pa sa contract na tatanggapin mo ang magiging official na sahod mo. Chance mo na 'to, bakla ka. H'wag mo ng palampasin pa."
"Ano nga ulit? $100 per week ang sahod? Tapos may allowance pa? Gaano ba kayaman ang taong ito? Pero saan mo naman nakuha ang impormasyong iyan? Eh wala naman dito sa site."
"Ang alam ko, sobrang yaman pa sa pinakamayamang politiko dito sa Pilipinas. Ayon iyon sa mga nagkalat na Marites out there."
"Isa ka rin namang Marites eh. Tingnan mo, dami mo agad alam."
Pero halos malaglag ang panga ko sa narinig tungkol sa magiging sahod ng makukuhang sekretarya.
Seryoso ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top