CHAPTER 8
Marahas na bumaling ang paningin ni Magenta sa direksiyon ng pinto ng walk-in closet kung saan siya nagbibihis nang bumukas iyon. Seriously, can't he even give her privacy?
Mabilis niyang itinakip ang hawak na damit sa kanyang dibdib nang pumasok ito at sumandal sa hamba. Nakahalukipkip at nakatingin sa kanya ang malamig na mga mata.
"You're taking too much time."
Tumalikod si Magenta rito at umikot ang mga mata. Wala pang ten minutes mula nang makapasok siya roon upang magbihis. Men just couldn't understand women sometimes. Hindi madali para sa kanya ang sitwasyon niya, she's nervous and exhausted physically and mentally. Ilang araw na siyang hindi nakakakuha ng maayos na tulog and she was not stable mentally after her mother's surgery yesterday. The doctors managed to reduce the tumor but her mother went cardiac arrest on the operating table and she's still not waking up until now. It's been thirteen hours already after the surgery was through.
Carol had some mild hypertension. It started when Magenta's father died in an accident at the construction site he was working as a foreman. A scaffolding collapsed, and unfortunately, Magenta's father was one of the casualties.
Dinamdam ng kanyang ina ang nangyari sa ama at naging sanhi ng hypertension nito. Carol almost couldn't make it inside the operating room when she went into cardiac arrest. But even though she went out of the operating room breathing, her safety was still not guaranteed.
Her mother went through a lot of pain, but Magenta was still hoping that she would wake up. Her sacrifices shouldn't go to waste, her mother was the only reason she signed the contract with the devil of a man who was leaning on the doorframe at that moment, and his eyes were boring holes in her back.
"Nagbibihis pa ako!" aniya na sinikap na itago ang pagkainis dito ngunit pakiramdam niya ay hindi niya nagawa.
He should at least give her some respect and let her have her privacy. He did not even bother to knock on the door and barge in like he owned the place. On the contrary, he really owned the walk-in closet, but he still owed her some respect. Kahit na hindi na bilang babae, kahit bilang tao na lang. Though she agreed to be his personal whore and his pretend wife, Magenta believed she was entitled to be respected.
Upang hindi na sila magkainitan ay mabilis na isinuot ni Magenta ang isang kulay baby pink na dress na umabot sa ibabaw ng kanyang tuhod. Isa iyon sa mga damit na binili ni Suzette para sa kanya.
She wore a black strap sandal and then tied her hair in a bun, letting some hair strands fell on the sides of her face. She did not even bother to take a glimpse at the mirror.
Nang humarap si Magenta ay hindi na siya nagulat nang makitang naroon pa rin ito sa may hamba. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, kapagkuwan ay umangat ang likod mula sa pagkakasandal at sinulyapan ang wristwatch.
"Let's go."
Sumunod dito si Magenta hanggang sa makalabas sila ng bahay. Nanahimik lang siya habang nasa biyahe sila patungo sa airport. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, kung ang ina bang nasa ospital o si Rebecca na ilang sandali na lang ay makikilala niya. She was not ready to meet her and to pretend as his wife but she had no choice.
Magenta filled her lungs with air and settled her eyes outside the car's window.
"SMILE, Jen," he commanded in a whisper.
Agad na nakaramdam ng kilabot si Magenta nang tumama ang hininga nito sa kanyang leeg at sa likod ng kanyang tainga. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang mga mata nitong nakatingin sa kanya nang may pagbabanta.
"The tape is rolling," he muttered under his breath.
Ibinalik nito ang tingin sa harapan kaya ganoon din ang ginawa ni Magenta kasabay ng isang alanganing ngiti sa mga labi. Kinakabahang pinanood niya ang paglapit ng isang babae na marahil ay nasa kuwarenta na. Nakasuot ito ng salamin sa mga mata kaya hindi niya matukoy kung sila ang tinitingnan nito habang may masayang ngiti na nakapaskil sa mga labi. The woman walked with class and she had great sense of passion. Idagdag pa sa karisma nito ang blonde na buhok.
Tama nga siya ng akala dahil tumigil ang babae sa kanilang harapan at mas lumapad ang pagkakangiti habang nakatingin sa kanyang kasama.
Magenta's eyes turned big, and her mouth formed an O when the woman suddenly embraced him, she then kissed both of his cheeks as if he was a pampered young boy.
"Oh, I miss you, Malcolm Klinton, my baby."
Isang totoong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Magenta sa nasaksihan. Bahagya ring nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig sa dalawa.
"Not here, Rebecca, let's go home first," he said and shook his head lightly. Fondness was written in his eyes while staring at Rebecca.
"But you have to introduce me first to her," Rebecca uttered and removed the sunglass simultaneously. One perfectly trimmed eyebrow raised a level and perused Magenta, who was standing there in agitation.
Muntik nang mapapitlag ang dalaga nang biglang pumalibot ang braso ni Malcolm sa kanyang bewang at hinila siya palapit sa katawan nito. Pinanatili niya ang ngiti sa mga labi kahit na naiilang. As he said a while ago, the tape was rolling and she needed to carry out her role convincingly.
"Rebecca, this is Jen, my wife," he said warmly.
Nagulat pa si Magenta nang marinig ang tonong ginamit nito. He was never warm, he was always cold towards her.
"H-Hi, Rebecca..." she said and blushed shyly. "Oh!" Nagulat siya nang bahagya siya nitong hinila mula kay Malcolm at niyakap ng mahigpit. Alanganing gumanti siya ng yakap at lihim na nakahinga ng maluwag dahil nararamdaman niyang hindi naman ito mahirap pakisamahan.
Nang pakawalan siya ni Rebecca ay hinawakan siya nito sa magkabilang braso, bahagyang inilayo at tinitigan ang kanyang mukha. Para bang kinikilatis siya nito, ang nagpapagaan lang ng bahagya sa kanyang dibdib ay ang ngiti sa mga labi nito.
"You're so pretty, Jen. I can't wait to dress you up. And look at those hips, god, you'll be rocking Victoria's Secret with that body. Where did you get this lovely woman, Mal?"
Magenta looked at Malcolm when he chuckled softly, and it echoed in her ear. Another first.
"We'll do this at home, ladies." Kapagkuwan ay nagpaalam itong kukuhanin ang luggage ni Rebecca habang ang dalawang babae ay naunang tumungo sa kotse na nasa parking lot.
Napatingin si Magenta kay Rebecca nang maisara niya ang pinto ng sasakyan at makaupo sa passenger's seat, ito naman ay nasa backseat, she sighed in relief and massage her neck.
"When did you get married again?"
"Three days ago po." Parang gusto niya muling lumabas ng sasakyan at tumakbo paalis. Hindi pa siya handang mapag-isa kasama nito. The smile on Rebecca's lips was gone and she was talking more casually now. Her tone was still friendly and accommodating, ngunit iba pa rin talaga ang nagagawa ng ngiti.
"Oh, honeymooners, maybe I visit at the wrong timing."
"It's okay, Rebecca."
"If it's me, it's not okay, you should be enjoying your first week together as a married couple. Now, I'm tagging along," Rebecca exclaimed.
"W-We're enjoying it..." aniya na namula ang magkabilang pisngi. Nauna pa nga ang honeymoon kaysa sa kasal, pekeng kasal. Gustong mapangiwi ni Magenta sa naisip na iyon ngunit nagpigil siya dahil sa kaharap.
"Is that the reason why you look tired, tell me, hindi ka ba pinapatulog ni Mal?" Rebecca asked naughtily, and her eyes sparkled in teasing.
Lalong namula ang mukha ni Magenta at nag-iwas ng tingin kay Rebecca. Umayos siya ng upo at itinuon ang mata sa harapan ng sasakyan. Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan nang isang naaaliw na tawa ang pinakawalan ni Rebecca. Iniiisip marahil nito na natumbok siya nito.
Lihim siyang nagpasalamat nang makita si Malcolm na palapit at dala ang mga luggage ni Rebecca. Inilagay nito ang mga iyon sa compartment bago pumasok sa driver's seat.
"I asked your wife about the honeymoon, and she blushed, Mal!" Rebecca said amusedly. "I'm getting more interested in your wife, innocent and beautiful. I'm sorry, son, but you won't have her for yourself after today. I'm planning on spending the rest of the day on my bed, and tomorrow, we'll go malling, Jen. It's been two years since I last visited the country, I miss going out."
Mula sa likod ng manibela ay napasulyap si Malcolm sa dalagang katabi. Her cheeks were red, there was a hint of a smile on her lips while looking outside the car. Inalis niya ang mga rito at tiningnan ang tiyahin sa rearview mirror.
"You're still a ball of energy, Rebecca."
Rebecca groaned and waved her hand dismissively, and leaned on the backseat. "Oh no, I'm two percentage functioning. I want my bed, wake me up when we're home. Do you mind, Jen?"
"No, it's okay po," ang agarang sagot ni Magenta rito at sandaling napasulyap sa likuran at ngumiti kay Rebecca.
"Thank you," anito bago ipinikit ang mga mata upang kumuha ng tulog.
Nang ibalik ni Magenta ang paningin sa harapan ay sandaling nagtama ang mga mata nila ni Malcolm. His eyes were back to being cold and distant.
She smiled wryly and settled her eyes outside the window. What would she expect?
ISANG malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Magenta bago umupo sa ibabaw ng malambot at malaking kama. Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng malamig na silid na tanging ilaw mula sa lampshade na nasa bedside table ang tanging nakatanglaw.
Dumako ang kanyang mga mata sa direksiyon ng mahabang sofa na bahagya lang naaabot ng liwanag. Nakikita niya ang malaking taong nakahiga roon at nakatalikod sa kanyang direksiyon. Malaki at mahaba ang sofa kaya kasya ito, but the bed was ten times more comfortable.
Dalawang oras na ang nakakaraan, nang pumasok silang dalawa sa loob ng silid nito, ay matinding kaba ang pumuno sa kanyang dibdib. Kagaya ng gabing iyon na may nangyari sa kanila sa unang pagkakataon. Mamatay-matay na siya sa pag-iisip kung papaano aakto habang magkasama sila sa silid na iyon. Would something happened to them? Nakalagay sa kontrata na gagawin nila ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa para kumbisido ang gagawin nilang pagpapanggap.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang paglabas nito ng banyo pagkatapos maglinis ng katawan ay kumuha ito ng unan at humiga sa sofa at natulog.
Magenta was occupying the big and soft bed that smelt like him. His smell was all over the place, and she couldn't help thinking that he was near her.
Inalis niya ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan at dahan-dahang umalis sa kama upang hindi makagawa ng ingay. Nagsuot siya ng tsinelas na nasa paanan ng kama bago maingat na tinungo ang pinto patungo sa teresa. Binuksan niya iyon at lumabas.
Agad niyang ipinalibot ang mga braso sa kanyang katawan nang yakapin siya ng lamig ng gabi paglabas niya. Umupo siya sa naroong hammock at tiningnan ang kadiliman sa labas ng bahay. The nearest neighbor was meters away. Ang tanging ilaw na nakikita niya ay ang mula sa ilaw na nasa gilid ng daan sa labas.
She sighed and looked up at the starry sky. She was tired, but she couldn't sleep. Her mother's condition kept on popping in her mind, and it was what kept her awake aside from Malcolm's presence.
Kagaya ng sinabi ni Rebecca kaninang nasa sasakyan sila ay nanatili ito sa loob ng silid pagkarating nila sa bahay at nagpahinga. Kaya nakahanap siya ng pagkakataon na dalawin ang ina sa ospital. She was still not waking up and the doctor's declared she was on coma.
Kanina pa niya gustong umiyak ngunit hindi niya magawa dahil sa mga taong nasa paligid. Kaya ngayong nag-iisa na roon sa madilim na teresa ay pinakawalan niya ang mga luha na nag-uunahan sa pagtulo.
She covered her face with shaking hands to suppress her sobs. She felt so miserable and alone, and no one knew that aside from her. Walang ibang nakakaalam kung gaano kahirap para sa kanya ang pinagdadaanan. Wala siyang ibang kamag-anak na natitira at ang tanging pamilyang meron siya ay ang kanyang ina kaya wala siyang makakaramay ngayon. Walang magpaglalabasan ng sama ng loob. And no one's there to comfort her. No one.
Hindi niya alam kung ilang sandali na siyang naroon at umiiyak. Nang hindi makayanan ang panlalamig ay pinahiran niya ang basang mukha gamit ang laylayan ng kanyang pang-itaas na pajama. Lumanghap siya ng hangin upang alisin ang bara sa kanyang ilong at punuin ng sariwang hangin ang kanyang baga.
"Magiging okay rin ang lahat, Magenta," malungkot na aniya sa sarili. Walang ibang magsasabi sa kanya niyon kaya siya na lang.
Tumayo siya at muling bumalik sa loob ng silid nang namamaga ang mga mata at namumula ang ilong at pisngi dahil sa pag-iyak.
Pagkapasok ni Magenta sa loob ay nauntog siya sa isang matigas na bagay. Kamuntikan na siyang matumba kung hindi lang sa mainit na bagay na iyon na pumulupot sa kanyang bewang. Nahimas niya ang noo kasabay nang pagtaas ng tingin sa may-ari ng brasong sumambot sa kanya.
Hindi niya malinaw na nakikita ang mukha nito ngunit alam niyang si Malcolm iyon. His scent, the strong arm around her body were Malcolm's.
"You should sleep, Jen, if you don't want Rebecca thinking that I didn't let you get some sleep."
Magenta's face heated even more with the indication of his words though there's no malice in his cold voice. She was thankful that it was dark, and he could not see how she had turned red.
Walang abisong bigla siya nitong pinakawalan kaya muntik na siyang matumba kung hindi niya naibalanse ang mga paa. Hindi makapaniwalang sinundan niya ng tingin ang bulto nito na pabalik sa direksiyon ng sofa. Muling sumampa at humiga patalikod sa kanya.
Magenta's darting eyes were boring his back. Malcolm was hopeless, he would always be the heartless devil to her.
Jerk!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top