CHAPTER 7

PAGKATAPOS ng apat na araw ay nandoon na naman siya ulit sa malaking bahay ni Mr. Peters at kinakabahan. Kagaya nito ay nakaka-intimidate ang bahay na nagsusumigaw sa karangyaan. Ang pinaka-atraksiyon pagkapasok na pagkapasok pa lang ay ang malaking crystal chandelier na nakasabit sa pinakagitna ng mataas na bubong.

Dinodomina ng kulay ginto ang interior ng bahay na lalo lang nakadagdag sa appeal niyon kagaya ng may-ari na tila isang hari na nakaupo sa pang-isahang sofa na nasa kaliwa niya.

Ang mga kamay niyang nanginginig ay nasa kanyang kandungan at mahigpit ang pagkakasalikop sa isa't isa. Hindi niya alam kung bakit siya nito dinala roon. Wala naman itong sinabing kahit na ano nang nasa biyahe sila at hindi rin siya nagkalakas ng loob na magtanong.

Will we do it again? Napalunok si Magenta at nag-iwas ng tingin dito. Ang mga mata nitong matitiim kung tumititig ay nagpapanginig sa kanyang laman. Alam kaya niya ang epekto niya sa akin?

Nang mahagip ng mga mata niya ang center table ay doon niya lang napansin ang isang pamilyar na folder na lalong nagpakabog sa kanyang dibdib at halos hindi na makahinga. Pinanood niya itong damputin iyon at ibinigay sa kanya kapagkuwan.

Sandaling tinitigan ni Magenta ang folder bago tinanggap sa nanginginig na kamay. Nagpakawala muna siya ng hininga bago iyon binuksan. MK Contract and Agreement. Isang singhap ang kumawala sa kanyang mga labi nang mabasa iyon. Binasa niya ang laman ng kontrata subalit hindi tuluyang rumerihestro sa kanyang isipan ang bawat salita.

"I need you to pretend that we're married."

"M-Married...?" Agad siyang nag-angat ng tingin rito habang nanlaki ang mga mata. Napalunok siya nang makitang seryoso ito sa sinabi at sa mga nakalagay sa kontrata.

"I need a wife, Miss Lopez."

"P-pero... B-bakit ako? Bakit mo kailangan ng... a-asawa?"

"Pretend wife. You'll only pretend while Rebecca is in the country. She'll be staying here for a month."

"Bakit?"

"Do I need to explain myself to you?"

Yes! Iyon ang gusto niyang isagot ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig. Karapatan niyang malaman ang dahilan kung magpapanggap sila, paano niya gagampanan ng maayos ang gagawing pagpapanggap kung wala siyang alam sakali man?

Nakagat ni Magenta ang pisngi sa loob ng kanyang bibig dahil sa sinabi ng kausap. Mas dumilim ang mukha nito, marahil dahil sa pang-uusisa niya.

"You only have two options here, Miss Lopez, sign the contract, and you'll be a millionaire after a month or get out of my house," he said callously.

Muling napasulyap si Magenta sa mga dokumento at napalunok. She could clearly see the figure on the sheets, seven digits. It was written in the contract that he would give her a million if she did what he wanted her to do. She will be obedient to him at all times, and she'll be a millionaire?!

"I'll pay for your mother's surgery."

Lalo siyang naguluhan at hindi agad nakasagot. Ngunit ang pagka-isip sa ina ang nagbigay sa kanya ng lakas upang makabuo ng desisyon na hindi niya sigurado kung pagsisihan ba niya sa huli o magpapasalamat dahil may sapat na siyang pera panggastos sa pagpapagaling ng kanyang ina pagkatapos ng operasyon nito.

"P-pipirma ako..." mahina niyang sabi. Kinuha niya ang ballpen na nasa ibabaw ng lamesa at pumirma. You're doing the right thing, Magenta! Para kay Mama.

PAGKATAPOS magkapermahan ay ang tanging sinabi lang ni Mr. Peters sa kanya ay tatawagan siya nito kinabukasan kaya nagpaalam na si Magenta at nilisan ang bahay nito patungo sa ospital. Ang ipinagngingitngit ng loob niya ay hindi man lang siya nito inihatid.

Bakit ka naman niya ihahatid? Sino ka ba? Umikot ang kanyang mga mata at inalis sa isipan si Mr. Peters.

Ala una na ng madaling araw nang marating niya ang ospital. Ang kanyang ina ay tulog kaya hindi na niya ito inabala at umupo sa monoblock chair na nasa tagiliran ng hinihigaan nito. Kapagkuwan ay yumupyop siya sa gilid ng kama, hinawakan ang kamay ni Carol at pumikit.

Kinaumagahan ay nagising si Magenta nang may tumapik sa kanyang balikat. Pagmulat niya ng mga mata ay isang nurse ang sumalubong sa kanya. Isang aral na ngiti ang sumilay sa mga labi nito bagaman ay professional ang bukas ng mukha ng nasa edad kuwarentang nurse.

"Ipinadala ako ni Mr. Peters para magbantay kay Mrs. Lopez," ang pormal na bungad ng nurse.

Napatayo si Magenta at nangunot ang noo sa pagtataka. Sigurado siyang ang Mr. Peters na binanggit nito ay ang Mr. Peters na kilala niya. Wala naman itong binanggit kagabi o kaninang madaling araw na magpapadala ito ng magbabantay kay Carol.

"Ako si Sally, puwede mong tawagan si Miss Suzette kung may pagdududa ka."

Iyon nga ang ginawa ni Magenta. Bahagya siyang tumalikod sa may katabaang nurse at tinawagan si Suzette, kinompirma nga nitong ipinadala si Sally ni Mr. M.K. Peters.

"Ako po si Magenta, Jen na lang po, at Mama ko, si Carol," pagpapakilala ni Magenta matapos ibaba ang tawag. Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya sa nurse na hindi ganoon ka-friendly ang itsura. Mukha itong mataray dahil sa korte ng kilay na maninipis at pormal na bukas ng mukha.

"Puwede ka nang umuwi Ms. Lopez, ako nang bahala kay Mrs. Lopez. Pinapasabi ni Mr. Peters na magkikita kayo mamaya at kailangan mo nang maghanda."

"Pero—"

"I've been in this job for over twenty years and I do my job well..." anito na bahagyang nakaangat ang noo. "Sige na, hija, ako nang bahala rito. You will not like it if he's mad."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Magenta sa nurse at sa inang natutulog pa. Kapagkuwan ay napabuntung-hininga, tama si Sally, hindi niya gugustuhing magalit si Mr. Peters. She had seen and experienced him angry once and she did not like it.

Kahit na nag-aalangan ay iniwan niya ang ina kay Sally. Hindi niya sana gustong umalis sa tabi nito dahil mamayang hapon ang schedule nito sa operasyon. Subalit wala siyang magagawa sa kanyang sitwasyon.

Pagkauwi sa apartment na tinitirhan nila ni Carol ay dumiretso sa kusina si Magenta at uminom ng tubig. Inilapag niya ang hawak na baso sa lababo at tinitigan iyon kasabay ng pagbuga ng hangin.

Isang usog lang niya sa baso ay mahuhulog iyon at mawawasak. Kagaya niya, isang pagkakamali lang ay maari siyang masira o madurog sa kamay ni M.K Peters. He had complete control over her now after she signed that second contract he offered to her.

"One month lang, Magenta," pampalakas loob niya sa sarili bago pinuno ng hangin ang baga.

Kumilos siya at naghanap ng maaaring lutuin, nakahanap siya ng itlog kaya prinito niya iyon at nagsaing ng kanin. Pagkatapos magluto ay tinalukban muna niya ang mga niluto sa lamesa bago dumiretso sa loob ng banyo at naligo.

Saktong paglabas ni Magenta ng banyo pagkatapos maglinis ng katawan ay may kumatok sa pinto ng apartment. Lumakad siya patungo roon habang ibinabalot ng tuwalya ang buhok. Hindi na siya nag-abalang magbihis at tanging tuwalya lang ang nakatabing sa kanyang katawan sa pag-aakalang si Belen ang kumakatok na nakatira sa katabi nilang apartment at kaibigan ng kanyang ina.

Kada umaga, kapag naroon si Magenta sa apartment ay kinakatok siya ni Belen upang mangumusta sa kalagayan ng kanyang Mama at magbigay ng pagkain.

Subalit pagbukas niya ng pinto ay hindi si Belen ang bumungad sa kanya. Wala sa loob na naihakbang niya ang paa sa gulat nang makita si Mr. Peters na nakatayo sa labas. Pinasadahan siya nito ng tingin pagkatapos ay humakbang papasok kaya muli siyang napaatras.

Isinarado ni Mr. Peters ang pinto gamit ang paa at hindi man lang nag-abalang alisin ang mga mata sa pagkatitig sa dalaga.

Inawang ni Magenta ang mga labi dahil pakiramdam niya'y hindi siya makahinga sa paraan ng pagkakatingin nito. He was staring at her the way he stared at her that night when he took her innocence. Tila isang sulo ang mga matang iyon na sinisindihan ang kanyang pagkatao.

Umangat ang kanyang kamay sa tuwalyang tanging siyang nakatabing sa kanyang katawan upang siguraduhing naroon pa ito dahil pakiramdam niya'y nakahubad siya sa paraan ng pagkakatingin ni Mr. Peters.

"A-ano ang ginagawa mo rito?" Lihim niyang kinastigo ang sarili sa pagkautal, ang mga kamay na nakahawak sa tuwalya ay humigpit upang doon mang-amot ng lakas.

"You have ten minutes to fix yourself."

Hindi agad nakakilos si Magenta dahil hindi pa humuhupa ang gulat niya sa biglaan nitong pagsulpot.

"Go," he commanded sternly.

Napapitlag si Magenta dahil sa tonong ginamit nito at mabilis na tumalikod kahit na maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan. Nang makapasok sa kanyang silid ay napasandal siya sa nakasarang pinto. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib.

Nang maalala ang sinabi nitong sampung minutong ibibigay sa kanya upang makapag-ayos ay mabilis siyang nagbihis at tinanggal ang tuwalyang nakabalot sa buhok. Inilugay lang niya iyon kahit na hindi pa natutuyo, naglagay ng pulbo sa mukha at lumabas na ng kanyang silid. Ang suot niya'y simpleng puting t-shirt at pantalon.

Natigilan si Magenta at pinagmasdan ang nakatalikod na lalaki. Nakahalukipkip ito at nakatuon ang mga mata sa mga larawang nakasabit sa dingding kaya malaya niya itong napagmasdan. He was incredibly tall and lean. Sa likuran pa lang ay magagarantiya nang nagtataglay ito ng pisikal na anyo na hahangaan ng marami.

His back was broad and virile. And man, he possessed a pair of firm butt that was visible in his tight slacks that clung to his long legs like a maiden. He looked so out of place in her humble apartment.

Namula ang pisngi ni Magenta nang humarap ito sa kanya at nahuli siyang nakatingin dito. Ang ipinagpapasalamat niya'y tila wala naman itong pakialam kung titigan man niya buong araw, pormal ang mukha nito habang nakatingin sa kanya, nawala na ang emosyong nakita niya kanina sa mga mata nito nang pumasok sa loob ng bahay. O baka guni-guni lang niya ang nakitang interes at init doon?

"Let's go," he said, then turned his back on her and walked towards the door.

"Pero hindi pa ako kumakain," ang reklamo ni Magenta ngunit sa mahinang tinig, hindi niya alam kung narinig ba nito o hindi. Pero mukhang hindi dahil tuluyan itong lumabas. Kahit na nagugutom siya ay sumunod siya rito at pumasok sa sasakyan nito na nasa labas lang ng apartment.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang hindi makatiis. She doesn't like to be kept in the dark this time. If they had to pretend that they were married, they had to do it together.

"We have to prepare, Rebecca will be coming here tomorrow."

Ipinagpapasalamat ni Magenta ang pagsagot nito. "Bukas? Anong gagawin ko? Paano kung magtanong siya at hindi ko masagot ng tama? Paano kung mabuking niyang hindi naman talaga tayo m-mag-asawa."

"You must master your skills in acting. There's no room for mistake."

Akala mo ba ganoon lang kadali na magpanggap na asawa mo! Asawa mo! Paano ko 'yon gagawin kung kinakabahan ako sa presensiya mo, ni ang pakikipag-usap sa akin ay hindi mo magawa ng tama. Mukhang napipilitan ka lang na sagutin ang mga tanong ko. Kung hindi ko lang kailangan ang pera mo ay hindi ako magtitiis sa ugali mo! Iyon ang gustong sabihin ni Magenta rito ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig.

"I will do my best," aniya sa mapait na tinig. Hindi na siya nagsalita at itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan.

Bahagyang tumaas ang kilay niya nang tumigil sila sa isang restaurant. Naramdaman ba nitong hindi pa siya kumakain o baka nagugutom lang din ito kaya sila nagtungo roon?

Nang lumabas ito ng sasakyan ay sumunod siya rito. Hindi niya maiwasang hindi mag-alangan nang makapasok sila sa loob ng five-star restaurant. The place was elegant but cozy and Magenta had never been in a place as extravagant as that place. She can only afford fast food.

Dinala sila ng maître d na sumalubong sa kanila sa loob ng isang pribadong silid kung saan may mga pagkain nang nakahain sa lamesang nasa gitna. Walang usap-usap na kumain silang dalawa, kahit na naiilang siya ay nabusog si Magenta sa mga pagkaing noon lang niya natikman buong buhay niya.

Pagkatapos nilang kumain ay dinala siya nito sa isang photo studio at doon niya nalamang kukuhanan sila ng mga pekeng wedding photos. Hindi na siya nagulat nang malamang may wedding gown nang naroon at ipinasuot sa kanya ng photographer na marahil ay kakilala ni Mr. Peters base sa pag-uusap ng dalawa.

Pumasok siya sa loob ng dressing room kasama ang isang babae na hindi niya alam ang pangalan. Pinaupo siya nito sa harap ng salamin at nilagyan ng make up ang kanyang mukha at inayos ang kanyang buhok na ipinusod nito. Kapagkuwan ay tinulungan siya nito na suotin ang gown.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatingin sa kanyang sarili sa salamin. The gown was simple yet elegant, and it hugged her body perfectly. She didn't know who picked that gown, but whoever she was, she made the right choice of choosing it for her. Magenta felt like it was made for her to wear.

Mula sa salamin ay nakita niya ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Mr. Peters na nakasuot ng kulay puting tuxedo. Sinenyasan nito ang babae na lumabas kaya naiwan silang dalawa sa loob.

Their gazes interlocked while he was walking in her direction. Magenta's breathing hitched every time he took a step, and his eyes perused her. He stopped an inch away from her, and she could even feel the heat that his body exuded.

Napapitlag si Magenta nang luampat ang kamay nito sa kanyang likod at tuluyang itinaas pasara ang zipper ng kanyang gown. Hindi niya matukoy kung sinadya ba nitong tumama ang daliri sa kanyang likod.

"I expect you to do your best," he said in a low voice.

Nanindig ang mga balahibo ni Magenta sa batok nang tumama roon ang mainit nitong hininga. "Y-yes, sir."

Her breath got stuck in her throat when he leaned closer to her and whispered in her ear. "Call me, Mal, Jen."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top