CHAPTER 5

NAALIMPUNGATAN siya nang makaramdam nang panlalamig. Hinila niya ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan hanggang sa kayang leeg at isinubsob ang mukha sa unan. Nang malanghap ang amoy roon ay bigla niyang minulat ang mga mata at nanlaki nang mapagtanto kung nasaan siya.

Mula sa pagkakadapa ay sinubukan niyang tumihaya para lang mapasinghap at mapangiwi nang sumigid ang kirot sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Nakipagtitigan siya sa kisame at sandaling natulala, binabalikan sa isipan ang nangyari kagabi.

Ipinikit ni Magenta ang mga mata dahil humahapdi iyon at namuo ang luha sa mga gilid. She wanted to cry not because of the pain but because she was sorry for herself. He made her feel like she didn't deserve to be respected. She had this fantasy that she would lose her innocence to the man who owned her heart. They were inside a beautiful room, he would gently take her on top of the soft bed, as if she was fragile, and then he would kiss away the pain. But none of her fantasies happened. Sure she felt ecstatic from the beginning when his hand landed on her body, but what happened next erased all the trace of pleasure.

She wanted to close her eyes again and sleep the weariness away. But the time on the wall clock tells her to move her ass up and get out of that place as fast as possible.

Kumawala ang mga daing sa kanyang bibig dahil sa sakit partikular na sa ibabang bahagi ng kanyang katawan nang bumangon siya at umupo sa ibabaw ng kama. Humugot siya nang isang malalim na hininga na para bang maiibsan niyon ang sakit. Sandaling tumigil sa paggalaw at nang kaya niya na ay sinubukan niyang iapak ang mga paa sa sahig. Tumayo ng dahan-dahan, ang mga binti niya'y nanginginig pa at tila ilang sandali na lang ay bibigay na. Mariin niyang ikinuyom ang mga kamay at nagsimulang humakbang ng paunti-unti patungo sa banyo.

"A-aray!" she cried. Kaya siguro nakatulog o tamang sabihin ay nahimatay siya kagabi habang inaangkin siya nito dahil naghalo ang sakit, pagod at takot niya.

At hindi naman basta-basta ang ari na meron ito, kahit na hindi niya nakita o nahawakan ay alam niyang matambok iyon, ramdam niya kagabi kung gaano ito kapinagpala. He literally stabbed her with his penis! Hindi nga lang pinagpala ng magandang ugali, parang kakainin siya nito ng buhay kagabi sa sobrang galit. She needed to experience that to have the money she needed, Magenta smiled sadly. Kung muli siyang bibigyan ng pagkakataon at papipiliin kung tatanggapin ba ang alok na trabaho ni Suzette ay hindi pa rin magbabago ang magiging pasya niya.

Magenta doesn't regret it, but that doesn't mean that she was not guilty, sad, and angry all at once. She was guilty because she cheated on her dreams, sad because she needed to get through that to have the money she needed, and angry at herself for the unfairness of the world, to her circumstances.

She let out a quivering sigh and roamed her eyes around the bathroom when she was finally inside. Patunay na ang banyo kung gaano ito kayaman. Hindi niya iyon ganoong napagmasdan kagabi dahil sa tensiyon na nararamdaman. Seeing the luxury around her made her realized how little she was compared to him.

Dinodomina ng kulay ginto ang mga kasangkapan at kagamitan sa loob. Pati ang bathtub ay kumikislap pa sa sobrang linis, she wouldn't even surprise if he'll tell her that it was made of gold itself.

Malaki ang banyo na halos kasinlaki na ng apartment na tinitirhan nila ng kanyang ina. Some people were spending their money for this kind of luxury while others were struggling hard to survive. Kagaya niya.

Pumihit siya paharap sa malaking salamin at napasinghap nang makita ang repleksiyon doon. The bruises in the different parts of her body were purple and ugly. May pasa siya sa magkabilang balikat na mula sa mga kagat ni Mr. Peters at nangingitim na, mayroon din sa kanyang dibdib, sa tiyan at tagiliran at sa kanyang hita. He was that wild and heartless and angry?

Inalis niya ang mga mata sa salamin upang hindi lalong maawa sa sarili. She doesn't deserve to be treated like how he treated her last night. Maybe she does deserve his wrath for lying to him. But what he did last night was too much, how could he be that cruel? Sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya nakaranas ng ganoong karahasan.

Kinagat niya ang labi upang pigilan ang mga hikbi na gustong kumawala, umupo sa rim ng bathtub at naghintay na mapuno iyon ng tubig. Pagkatapos ay inilubog niya ang kanyang katawan doon at nagpakawala ng malalim na hininga nang makaramdam ng ginhawa.

Ipinatong niya ang ulo sa rim at ipinikit ang mga mata. Doon ay pumasok sa kanyang gunita ang nakangiting mukha ng kanyang ina. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Magenta sa magkahalong lungkot at pagmamahal.

She will do everything she can for her mother. Even if it means she had to worship the devil himself.

TUMIKHIM si Magenta upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan bago nagsalita at binati ang nasa kabilang linya.

"Jen, we have a problem. Mr. Peters wants to cancel the contract with you."

Bigla siyang nataranta sa sinabi ng kausap. Hindi puwede! Kailangan ko ng pera, desperada na kung desperada basta kailangan kong makuha ang pera para kay Mama!

"H-Hindi mo ba siya puwedeng pakiusapan?"

"I tried to talk to him earlier, but he didn't listen, he dismissed me off!"

Nahimigan niya ng hapo at pagkainis ang tinig ni Suzette. It was because of her, Magenta thought, she put Suzette in trouble.

"He was angry and I almost got fired! Almost," galit ang tinig nito kaysa pag-aalala.

"I-I'm sorry, Su. Kasalanan ko. N-nagalit siya dahil nagsinungaling ako..." pag-aamin niya rito. Wala siyang ibang masabihan kung 'di si Suzette lang.

"Oh!"

"'Yong nasa kontrata na... na dapat m-merong karanasan..." sabi niya sa mahinang tinig sabay kagat ng pang-ibabang labi. She was embarrass to tell her that. "I'm sorry, Su. Hindi ko naman ginustong ipahamak ang trabaho mo. Kasalanan ko, kailangan ko lang talaga ng pera kaya ko nagawa 'yon."

Bumuntung-hininga si Suzette mula sa kabilang linya bago sumagot. "I know from the beginning that you're lying on that part, Jen. It's not just your fault."

Nag-init ang buong mukha ni Magenta at halos malasahan na niya ang dugo sa kanyang bibig dahil sa mariing pagkakagat sa labi dahil sa hiya sa sinabi ni Suzette. Was she that virginal? Well not anymore, she thought bitterly.

"I will try and talk to him again."

"Puwede ko ba siyang kausapin ngayon?" tanong niya. Sa katunayan ay nasa labas na siya ng ospital kung saan naka-confine ang kanyang ina at papunta na sa sakayan ng jeep. Sa ospital siya dumiretso kanina mula sa bahay ni Mr. Peters. Hindi na niya ito nakita paggising niya dahil walang tao sa loob ng bahay nito kanina bukod sa kanya.

"He's not here in the office, Jen. Earlier at eleven, he went out for a lunch meeting. Mamaya pa sila matatapos at baka hindi na siya dumaan dito."

Bagsak ang mga balikat na nagpaalam si Magenta kay Suzette at umupo sa upuang naroon sa waiting shed. Nadagdagan ang sakit ng katawan niya at ang pagkahapo dahil sa sinabi ni Suzette na i-ca-cancel ang kontrata.

Hindi niya alam ang gagawin kaya nanatili siyang nakaupo habang nakatingin sa sementadong lapag. Hindi niya binigyan ng pansin ang mga taong nasa paligid niya na ang iba'y napapatingin sa akin at nagtataka marahil kung bakit kanina pa siya bumubuntung-hininga.

Pag-angat niya ng ulo ay marami nang tao ang nasa kalsada. Hapon na at nagkukumahog ang iba na umuwi sa kanya-kanyang pamilya.

Iinot-inot na tumayo si Magenta at isinukbit ng maayos ang bag sa kanyang balikat at sumunod sa ibang naghihintay ng jeep na masasakyan.

Ilang minuto bago siya nakasakay dahil sa rami ng pasahero. Halos hindi na rin siya makahinga sa loob ng jeep dahil sa siksikan at sa init. Lalong sumakit ang kanyang ulo at ang katawan. Kanina pang paggising hindi maganda ang kanyang pakiramdam at tingin niya'y lalagnatin siya.

Tiniis niya ang lahat ng mga nararamdamang masama sa katawan hanggang sa makarating sa tapat ng bahay ni Mr. Peters. Ini-lock niya iyon kanina nang umalis at ngayon ay hindi na siya makapasok.

May dalawang baitang na hagdan patungo sa pinto ng bahay kaya umupo siya roon. Inilapag niya ang bag sa kanyang tabi. Kapagkuwan ay niyakap ang mga binti at ipinatong ang baba sa ibabaw niyon kasabay nang pagtingala sa kalangitan na nagsisimula ng dumilim at nagbabanta ng malakas na ulan.

Pati panaho'y nakikisama sa damdamin niya.

Muli siyang napabuntung-hininga. Hindi niya na alam kung pang-ilang buntung-hininga niya na iyon.

Inboluntaryo siyang napakurap nang may pumatak sa kanyang mukha. Agad niya iyong kinapa at pinahiran kasabay nang sunod-sunod na pagbuhos ng mga patak ng ulan. Mabilis niyang dinampot ang kanyang bag, tumayo at naghanap ng masisilungan.

Nakakita siya ng masisilungan sa harapan ng garahe na gawa sa salamin ang sliding door kaya kita niya mula sa labas ang dalawang magagarang sasakyan sa loob. Nakausli ang bahagi ng bubong ng garahe kaya maaari niya iyong silungan.

Pinagpagan ni Magenta ang basang katawan bago napadausdos sa salaming pinto paupo sa malamig na tiles. Tuluyan nang nagkalat ang dilim at nagngangalit ang panahon habang siya'y naroon sa labas at giniginaw. Isama pa ang gutom, pagod at sakit ng katawan.

Ipinatong niya ang noo sa ibabaw ng tuhod at ipinikit ang kanyang mga mata, hindi niya napigilan ang pamimigat ng mga talukap at nagpatangay sa dilim na kanina pa siya hinihila.

ISANG UNGOL ang kumawala sa mga labi ni Magenta nang maramdaman ang mainit na bagay sa kanyang pisngi. Tila nakahanap siya ng kakampi sa bagay na iyon mula sa lamig na kanyang nararamdaman.

"Wake up!"

Bahagya niya nang narinig ang pamilyar na boses ngunit hindi niya pa rin nagawang imulat ang kanyang mga mata. Napakabigat ng kanyang mga talukap, pati ang kanyang katawan ay hindi na niya halos maramdaman.

"Wake up!"

Muling umalingawngaw sa gitna ng malakas na ulan ang boses na iyon na puno ng awtoridad at kalamigan. Lalong nakaramdam nang ginaw si Magenta kaya lalo niyang isiniksik ang katawan sa kung saan man at niyakap ng mahigpit ang sarili.

Nakaabot sa mga tenga ni Magenta ang marahas na pagpapakawala nito ng hininga na para bang nagpipigil ng galit. Pinilit niyang itaas ang kanyang ulo kasabay ng bahagyang pagbukas ng kanyang mga mata. Her eyesight was blurry at first and she cannot see the person standing in front of her clearly.

"M-Mr. Pe...ters..." mahina niyang wika. Napahawak siya sa kanyang ulo nang sa wakas ay tuluyang magising. Napakasakit niyon at para bang pinukpok ng martilyo.

"Get up!" he commanded.

Marahan niyang iniling-iling ang kanyang ulo. "H-Hindi ko kaya..." She doesn't have the energy and the strength to lift her body, she could barely feel her toes. And she was cold and wet from the splatter of the rain and could not control the trembling of her body.

Madilim na ang paligid at tanging ang headlight ng sasakyan lang ang ilaw na nakikita niya. Muli siyang tumingala kay Mr. Peters, sa pagkakataong iyon ay malinaw na niya itong nakikita. Nakatayo ito sa kanyang harapan habang seryoso ang mukha na nakatunghay sa kanya, ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang galit sa mga mata nito.

On instinct, isiniksik niyang lalo ang kanyang katawan sa sinasandalan upang protektahan ang kanyang sarili nang yumuko ito sa kanya. Taliwas sa inaasahan niyang pananakit ay pumalibot ang mga braso nito sa kanyang katawan at binuhat siya ng walang kahirap-hirap. Binuksan ang pinto ng garahe at pumasok doon patungo sa loob ng bahay.

Isinandal ni Magenta ang kanyang noo sa balikat nito dahil sa pagkahilo at relief, ang kanyang mga kamay ay kipkip niya sa kanyang dibdib. When she smelt the masculine scent from his body, her eyes closed involuntarily.

Naramdaman niya na lang ang pagdeposito nito sa kanya sa malambot na kama. Agad niyang niyakap ang nakapa niyang malambot na unan at dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata upang sana'y pasalamatan ito ngunit likod na lang nito ang nakita niya habang palabas na ng pinto.

Tulalang napatitig si Magenta sa nakasaradong pinto at pagkaraan ng ilang sandali ay napangiti at umusal ng pasasalamat kahit na hindi naman nito iyon maririnig. "Thank you."

May natitira pa rin naman pala siyang kabutihan. Kung wala ay hindi sana siya nito pagmamalasakitan. He did not let her outside the raging storm with the possibility of dying because of hypothermia.

Kahit nahihilo at gusto niya nang matulog ay pinilit pa rin ni Magenta na tumayo at inalis ang mga damit niyang nabasa dahil sa anggi. Kapagkuwan ay hinanap ang remote control ng air conditioner ngunit hindi niya iyon mahagilap kaya bumalik na lang siya sa pasampa sa ibabaw ng kama at binalot ang kanyang katawan ng kumot. Bahagya lang nabawasan ang lamig.

Sinubukan niyang pumikit at matulog. Kahit na papaano ay komportable ang hinihigaan niya ngayon kaysa sa labas ng garahe manatili.

Magenta was almost asleep when she heard the screech of the door, an indication that someone had opened it. She opened her eyes half-hooded, and in her blurry vision, she saw him enter the room she was occupying, and after a second, she couldn't feel the coldness anymore.

He looked in Magenta's direction, and their eyes met. The eyes of Mr. Peters were void of emotion, but strangely, Magenta could feel that somehow, he cared. She doesn't know what pushed her to smile at him before closing her eyes and drifting off to sleep.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top