CHAPTER 3
"KAILANGAN ba talaga 'to?" tanong niya kay Suzette. Mula sa pagtingin ng mga damit ay binalingan siya nito, nagsalubong ang kanilang mga mata sa malaking salaming nasa kanyang harapan.
"Yes. Now here, try these." Sabay abot ng panibagong pares ng damit at sapatos kay Magenta.
Magenta hide her grimace and sighed in exhaustion. Hindi niya na mabilang kung pang-ilang damit na iyon na ipinasuot sa kanya ni Suzette. Kaninang umaga ay tinawagan siya nito upang makipagkita sa kanya sa loob ng mall. At hanggang ngayon ay nandoon pa rin sila, sa tantiya niya ay magtatatlong oras na sila roon. Ang sabi ni Suzette sa kanya ay kailangan niyang magbihis para presentable siya sa harap ni Mr. Peters.
Sa totoo lang ay pinipigilan niya lang ang sarili na tumakbo paalis at magtago. Hindi niya pa nakikita ang Mr. Peters na boss ni Suzette. Ni hindi niya alam kung ilang taon na ito, kinakabahan siya at natatakot sa posibilidad na isa itong matandang hukluban. If he was young and unattached, women would throw themselves to him considering the money he had. She couldn't bring herself to ask Suzette about her boss so chose to shut her mouth up.
Pagkasuot sa damit at sapatos na ibinigay ni Suzette ay agad siyang lumabas at tiningnan ang sarili sa salamin. Napatingin siya kay Suzette nang marinig niya itong pumalakpak at nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay nagustuhan na nito ang suot niya.
"Perfect! You're too beautiful, Jen."
Napangiti si Magenta hindi lang dahil sa papuring natanggap, dahil na rin sa pagbanggit nito sa kanyang palayaw. Hindi siya komportableng tinatawag siya nitong Miss Lopez kaya sinabihan niya ito kaninang Jen na lang ang itawag sa kanya.
Muling tinitigan ni Magenta ang kabuuan sa salamin at lihim na sumang-ayon sa sinabi ni Suzette. Hindi naman siya ipokrita at itatanging bagay sa kanya ang damit. Maraming beses niya na ring narinig ang salita ng mga papuri patungkol sa kanyang pisikal na anyo noon pa man.
Ang mga nakakakilala sa kanila ng kanyang ina ay sinasabing magkamukha sila at sang-ayon siya ro'n. Dito niya namana ang pisikal na katangian, tanging kulay lang ang hindi sila magkapareha. Maputi ang kanyang ina dahil isang Briton ang ama nito na hindi man lang nito nakita at nakilala kailanman. Siya naman ay nagmana ang kulay ng balat sa namayapang ama na purong Pilipino.
Simple ngunit maganda ang damit na ipinasuot sa kanya ni Suzette, lahat naman yata nang pinasukat nito ay maganda pero iyon ang pinakagusto niya. Kulay asul iyon, hanggang sa ibabaw ng kanyang tuhod ang haba at mababa ang manggas, korteng V ang neckline ngunit hindi ganoon kababa upang makita ang hindi dapat. Malamig sa balat ang tela niyon at napakalambot.
"Let's go."
Tumango siya kay Suzette at sumunod dito palabas, kapagkuwan ay napatingin sa paperbags na hawak nito at nangunot ang noo.
"Ano ang mga 'yan? Tulungan na kita." Kinuha niya ang ilang bags mula rito dahil marami-rami rin iyon. Hindi naman nito alintana ngunit gusto niya pa ring tumulong.
"These are yours."
"Ha?" Nangunot ang noo ni Magenta sa isinagot nito at sinilip ang laman ng isang bag. Ang laman niyon ay damit na sinukat niya kanina. Sinilip niya ang isa pa at ganoon din. "Hindi ko matatanggap 'to. Ang mamahal nila, Su, at hindi ko naman masusuot ang mga 'to."
Suzette waved her hand dismissively. "Trust me, you will need these clothes. And don't mind the price, Jen, ni hindi mababawasan ang kayamanan ni boss kahit one percent man lang."
"Ganoon siya kayaman?" mahinang tanong niya at hindi malaman ang iisipin.
Dahil do'n ay nagsisimulang mapukaw ang kuryosidad ni Magenta sa lalaking hindi pa niya nakikita at nakikilala. Gusto niyang masagot ang mga katanungan sa isipan. Kasabay niyon ay ang paglago ng kaba at pag-aalangan sa kanyang kaibuturan. Magenta was certain of one thing, she was dealing with a powerful and wealthy man, and there's no turning back.
Akala niya'y tapos na sila sa loob ng mall dahil nananakit na ang kanyang mga paa kakalakad. Dalawang pulgada lang ang haba ng takong ng sapatos na suot niya pero dahil hindi sanay ay madaling nanakit ang kanyang mga paa. Dinala siya ni Suzette sa isang beauty parlor na may puwesto sa loob ng mall at pinaayos ang kanyang buhok. Pinakulot nito ang dulo niyon na ilang pulgada ang haba mula sa kanyang mga balikat. Pati ang kanyang mga kuko sa kamay at paa ay pinalinis at pinakulayan ng pula.
Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at tumayo nang matapos ang pag-aayos sa kanya. Nasiyahan naman si Suzette sa naging resulta at muli siyang hinila, sa pagkakataong iyon ay palabas na ng mall at patungo sa parking lot na lihim niyang ipinagpapasalamat.
Hinimas niya ang binti na nananakit nang sa wakas ay makaupo sa loob ng sasakyan. Madali silang nakarating sa MK Holdings dahil hindi ganoon katraffic.
"Are you nervous?" tanong ni Suzette kay Magenta nang nasa loob na sila ng elevator at paakyat sa ikasampung palapag.
"Sino ba ang hindi kakabahan?" aniya na hindi mapigilan ang pagiging sarkastiko. Hindi lang basta kaba ang nararamdaman niya ng oras na iyon, pakiramdam niya'y sasabog ang kanyang dibdib anumang sandali.
"You can do it, Jen, I know you can," pampalakas loob ni Suzette kay Magenta.
Magenta appreciated Suzette's sincerity and her trust in her. Hindi man niya isinasatinig ay nagpapasalamat siya sa presensiya nito, and somehow, Suzette managed to make it bearable to her.
"Salamat," wika niya sa mahina ngunit sinserong boses.
"Mabait naman si boss, well, hindi ganoon kabait," Suzette, then clicked her tongue and shook her head. "But if you can keep up with his mood, it'll be easier to deal with him. Just don't do things that he didn't like."
"T-tulad ng?"
"Don't touch him, don't talk to him until he permitted you to do so. He doesn't like it if someone is too touchy or has too many questions. Do everything he says, and you're good."
Napatango-tango si Magenta at tinandaan ang lahat nang sinabi ni Suzette. Nang makarating sa ikasampung palapag ay nilagpasan nila ang opisina nito at tinungo ang silid sa dulo ng hallway. Walang ibang tao sa palapag na iyon bukod sa kanilang dalawa.
"This is the conference room. Take a seat, Jen. This is connected to Mr. Peters' office, he will enter using that door." Sabay turo nito sa isang pinto. "Kayo lang dalawa ang mag-uusap at hindi na ako babalik paglabas ko, good luck."
Sinundan niya ng tingin si Suzette na lumabas, ni hindi siya binigyan ng pagkakataon na magsalita. Pinuno ng hangin ang kanyang dibdib nang mawala ito sa kanyang paningin bago umupo sa isa sa mga upuang naroon na nakapalipot sa mahabang mesa. Pinagsalikop ang mga kamay sa kanyang kandungan at sunod sunod na hininga ang pinakawalan upang pakalmahin ang sarili.
Nandito ka na, Magenta, hindi ka na puwedeng umalis! Para kay Mama. Pagpapalakas loob niya sa sarili.
Napapitlag si Magenta at napatingin sa direksiyon ng nakasaradong pinto na nakakonekta sa opisina ni Mr. Peters nang marinig ang mahinang click doon kasabay nang pagyakap niya sa kanyang katawan nang makaramdam ng matinding panlalamig.
Literal na nahigit niya ang hininga nang unti-unti bumukas ang pinto at ilang sandali pa ay tumambad sa kanya ang isang lalaking nagmamay-ari ng isang pares ng mahahabang biyas. Nang masilayan niya ang makintab nitong sapatos ay may isang ala-alang nagpupumilit na pumasok sa kanyang isipan, ngunit hindi malinaw sa kanya kung ano iyon.
Naglakbay pataas ang kanyang mga mata. Pataas sa mga braso nitong sa tingin niya'y kaya siyang buhatin ng walang kahirap-hirap at itapon sa labas kung sakali mang gagawa siya ng mga bagay na hindi nito gusto. Mabalahibo iyon at may mumunting ugat na maaninag dahil marahil batak sa ehersisyo ang katawan ng may-ari.
When Magenta's eyes landed on his face, she gasped in surprise and jolted on her seat, and her mouth fell open. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay bumulalas siya sa pagkamangha nang makilala niya ito. He didn't wear sunglasses this time, but Magenta was confident that he was the man she had encountered yesterday. The man who insulted her by giving her money instead of a simple thank you.
Sandaling nagkasalubong ang kanilang mga mata, hindi niya matukoy kung nakikilala ba siya nito dahil wala siyang nakikitang rekognasiyon sa mga mata nitong kasing-itim ng gabi. Or maybe he remembered her but he doesn't want to make a big deal out of it?
Napako ang tingin ni Magenta rito nang walag kakurap-kurap hanggang sa makaupo ito sa may bandang kaliwa niya at binuklat ang folder na naroon na sa lamesa na inilagay ni Suzette kanina bago lumabas. Hindi pa rin niya makumbinsi ang sarili na naroon ito. He was Mr. Peters! Ang inaasahan niya ay mas matanda rito, iyong mataba, hindi kaguwapuhan at kulubot ang balat. DOM kumbaga.
Ngunit itong nasa harapan niya ay malayong-malayo sa kanyang inaasahan. Bagama'y hindi ngumingiti ay maganda ang istraktura ng mukha nito. He seemed like he was carved by the gods with the most expensive stones there were. His nose was prominent and pointy, aristocratic, his lips were full and exuded sensuality. Nangangasul ang baba mula sa pag-ahit na lalong nakadagdag sa appeal nito. Life's unfair, nasa harapan na niya ang patunay roon. Mayaman na'y biniyayaan pa ng ganoong itsura.
Napalunok si Magenta nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan habang wala sa loob na nakatingin sa mamula-mula nitong mga labi. Nakasunod ang kanyang mga mata sa marahan niyong paggalaw. Hindi niya inaasahan ang biglaan nitong pagtaas ng tingin mula sa mga papeles patungo sa kanya kaya nahuli siyang nakatingin.
Agad na nag-init ang pisngi ni Magenta at mabilis na nag-iwas ng tingin dahil sa hiya at kaba.
Just like yesterday, his stares were uncomfortable and his presence was making her knees shake. Kung hindi siya nakaupo ay malamang na para siyang upos ng kandila sa sahig.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang manatili itong nakatingin sa kanya, hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. His eyes were penetrating and she was afraid that he would read her soul the moment their eyes met.
Hinaplos ni Magenta ang mga braso nang maramdaman ang pagtindig ng mga balahibo sa katawan, hindi niya matukoy kung dahil sa lamig ng airconditioner sa loob ng silid o dahil dito. Mahabang katahimikan ang namayani sa loob, pinag-aaralan nito ang kanyang mukha habang siya'y lihim na humihiling na matapos ang sandaling iyon.
"Tell me something about yourself that is not written in these papers," he commanded with his deep and cold voice that tore the silence, Magenta flinched and was forced to look at him. He waited impatiently with a shallow frown on his forehead.
She was thinking about what to answer him, though her mind was clouded, and she could not think coherently. Magenta yanked her gaze away from him and unconsciously looked at her hands on her lap. They were tightly clasped together to stop the trembling because of the coldness and the tension inside her.
"M-Mahilig akong sumayaw," sagot niya kasabay nang mariing pagpikit sa mga mata. She felt stressed out all of a sudden. Sa dinami-dami ng puwedeng sabihin ay iyon pa talaga, Magenta!
Pakiramdam niya'y pangangapusan siya ng hininga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib na halos bumingi sa kanya. Isama pa ang intensidad ng mga mata nito na kahit na hindi siya nakatingin dito ay alam niyang nakatuon sa kanya.
"Get up."
Tila robot na awtomatikong napatayo ang dalaga sa kinauupuan. Her knees nearly failed her.
"Turn around."
She turned her back at him instantly. Sandali lang siyang nakahinga ng maluwag dahil naramdaman niya itong tumayo at unti-unting lumalapit sa kanyang kinatatayuan.
A gasp escaped Magenta's lips when his hand went to her hips without a warning as if measuring it. She then bit her lower lip when she felt the foreign sensation running down her spine and the tingling in her belly. Nang maramdaman ang mga kamay nito na dumausdos sa kanyang pang-upo ay nanlaki ang kanyang mga mata, ramdam niya rin ang mabibigat at maiinit nitong hininga na tumatama sa kanyang tenga't batok na nagpanindig sa kanyang mga balahibo.
"How many men?" he asked near her ear. Magaspang ang tinig nito at nahimigan ni Magenta ng galit iyon, sa kung anong dahilan ay hindi niya alam.
She doesn't know what to think or what to respond. Ni hindi siya sigurado kung ano ang ibig nitong itanong, may ideya siya pero hindi niya alam kung paano ito sasagutin.
She sighed in relief when he put a distance between their bodies and breathed callously.
"Sit down, Miss Lopez."
Mabilis siyang umupo at muling nagkalakas ng loob na itinuon ang mga mata rito dahil muli nitong niyuko ang mga dokumento habang hawak ang isang ballpen at may pinirmahan. Pagkatapos ay inusog iyon patungo sa kanyang harapan.
"Sign it, or get out of here fast."
Nanginginig ang kamay na pumirma si Magenta. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya naroon. Nandoon na siya at kahit na gusto niyang umatras ay hindi niya magawa. Para sa nag-iisang magulang na natitira ay gagawin niya ang lahat kahit na ibenta ang kanyang sarili sa demonyo. Puri lang naman ang ibibigay niya rito at hindi buong buhay niya. Pagkatapos ng isang buwan ay tapos na, aniya sa sarili.
Pagkatapos niyang pirmahan ang lahat ng dapat pirmahan ay inusog niya pabalik rito ang mga dokumento. Dinampot nito ang mga nakafolder na dokumento at tumayo.
"You will answer my calls whenever or wherever you are. You will wait until I give you instructions, do you understand?"
She nodded, and she did not bother to open her mouth to speak.
"I'll call you when I need you, Miss Lopez."
Magenta swallowed the lump in her throat before nodding again. After that, he did not say anything else, he turned his back on her and walked towards the door he had used earlier.
Parang lantang gulay na isinubsob niya ang kanyang mukha sa lamesa nang makalabas ito at maiwan siyang mag-isa sa malamig na conference room. She was just talking to him earlier and signed the contract but she was drain, she had no energy left in her body. Ano nalang kaya kung... kung...
May mga imaheng biglang pumasok sa kanyang isipan, siya at ito sa ibabaw ng kama. Him on top of her, his body against her. Kumalat ang init sa kanyang mukha at marahas na ipinilig ang ulo. Tumayo siya para lang ulit mapaupo dahil sa panlalambot ng mga binti.
Magenta wanted to shriek but she couldn't possibly do it inside his conference room so she pulled her head in frustration instead. Hindi pa naman niya nagagawa ang trabaho ay para na siyang hihimatayin tuwing naiisip iyon, kasabay ng estrangherong pakiramdam na dumadaloy sa kanyang tiyan sa tuwing naiisip ang mga posible nilang gagawin.
The only consolation she had was that he was not the DOM she had expected. Should Magenta be delighted that he was a very attractive man? At kahit sa kabila ng kaba ay nakakaramdam siya ng kakaiba sa katawan?
Was it anticipation or curiosity? Oh, she must be nuts.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top