CHAPTER 23
NAALIMPUNGATAN siya nang maramdaman ang brasong yumakap sa kanyang katawan. His breath against the sensitive skin on her nape, her back on his chest. Gusto niya muling ipikit ang mga mata upang muling matulog dahil sa nararamdamang security na ibinibigay nito kung 'di lang niya nakita ang sinag ng araw sa labas ng salaming dingding ng silid.
Dahan-dahan siyang tumihaya at sinulayapan ang katabi. His face was burried in the hollow of her neck, his arm was tightly holding her.
Hindi iyon ang unang beses na nagmulat siya ng mga mata at ito agad ang nasisilayan. But everytime she woke up in the morning with him beside her, or everytime she was in his arms, she can feel butterflies in the pit of her stomach.
Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ni Malcolm bago ito mahinang umungol at gumalaw na tila nararamdamang may nakatingin. Nagmulat ito ng mga mata, bahagyang lumayo sa kanya subalit hindi siya binitawan at sinalubong ang kanyang tingin.
Ilang minuto silang nagkatitigan nang walang salitang namagitan. Kapagkuwan ay lumuwag ang braso nito na nakapalibot sa kanyang katawan at tumihaya ng higa, unan ang isang braso. While she averted her gaze from him and looked outside the wall.
Paglipas ng ilang sandali ay naramdaman niya ang pagtayo ni Malcolm mula sa pagkakahiga. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok sa loob ng banyo. Ang sunod niyang narinig ay ang lagaslas ng tubig mula roon.
She sighed softly before getting up and tied her hair in a bun. Nag-inat siya palabas sa pinto patungo sa teresang nakakonekta sa silid. Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw kaya tumayo siya malapit sa may barindilya.
Ipinikit niya ang mga mata at pinuno ng pang-umagang hangin ang baga. When she opened her eyes, she looked up in the skies, her eyes' slightly squinted because of the sun rays. Bagaman ay hindi ganoon kasikat ang araw, marahil ay dahil sa mga ulap na nagsisimula nang maging itim. Mukhang uulan na naman.
It was the first week of December and the weather was chilly and wet. Ganoon naman talaga ang panahon tuwing sasapit ang ganoong buwan.
"Good morning, 'Ma," she uttered, and a forlorn smile appeared on her lips of the thought of her mother. December was Carol's favorite month of the year. She loved Christmas and holidays.
Iyon ang kanyang magiging unang pasko na hindi kasama ang ina.
Bago pa lukubin ng matinding lungkot at pangungulila ay muli siyang pumasok sa loob ng silid ni Malcolm. Sa naririnig niyang lagaslas ng tubig ay nasa loob pa rin ito.
Dalawang buwan na siyang nakapisan dito. Wala naman siyang mairereklamo kay Malcolm maliban sa napakahirap nitong abutin minsan. Kahit iisa lang ang ekspresyon nito sa mukha ay agad niyang natutukoy kung kailan ito galit o maganda ang mood. Bibihira na rin itong magalit sa kanya.
Sa isang bagay ay walang dudang magkasundo sila, sa ibabaw ng kama. They were compatible in bed, she can feel his warmth towards her, the affection, the need. Noong unang buwan ay sapat na iyon sa kanya, subalit ngayon ay nagsisimula na siyang magtanong sa kanyang sarili. Sapat na ba iyon? Hanggang kailan siya magtitiis sa ganoong setup?
Malcolm never said anything about love, she didn't either. Subalit sigurado siya sa kanyang nararamdaman para rito. Hindi niya alam kung kailan siya nagsimulang mahulog kay Malcolm, ngayon, baon na baon na siya at hindi na marahil makakaahon. She did not chose to love him, it just happened. Love works in unepxected ways, perhaps it was true. She doesn't know how to unlove him either.
Her thoughts were cut off when she heard Malcolm's phone on the bedside table vibrate. Someone's calling him.
Tumingin siya sa pinto ng banyo ngunit ibinalik din sa aparato. Agad siyang kinutuban dahil doon. Kagabi pa may tumatawag dito ngunit hindi nito sinasagot.
Dinampot niya ang cellphone at nakita ang numerong tumatawag na mula sa isang unknown caller. Hindi katagalan nang mahawakan niya ay agad na namatay ang tawag. After a second, a message was sent from the same unknown person.
Napasulyap siyang muli sa pinto ng banyo at nang masiguradong matagal pa ito sa loob ay binuksan niya ang mensahe.
Let's talk, MK, please. Hear me out, I have something to tell you. I'll wait for you at the place we first met.
—Tessa
Humigpit ang hawak ni Magenta sa cellphone dahil sa nabasa. Who's Tessa? Anong kailangan nito kay Malcolm? Bakit may pakiramdam siyang personal ang kailangan ni Tessa kay Malcolm? Kung pagbabasehan ang ilang ulit nitong pagtawag at ang mensahe nito ay matagal nang magkakilala ang dalawa.
Napahawak siya sa kanyang dibdib at agad na inilapag pabalik sa kinalalagyan niyon ang cellphone nang manginig ang kamay. She felt weak all of a sudden and a nagging jealousy was lurking in corner of her chest.
Instead of drowning herself with speculations, Magenta went outside the room and went to the kitchen to prepare breakfast.
Kahit na anong pilit niya sa sarili na huwag pakaisipin ang nabasa ay hindi niya magawa. That woman named Tessa had a role in Malcolm's life, though she doesn't know what that role was. And Magenta doesn't like what she was thinking.
Sabay silang kumain ng agahan ni Malcolm nang bumaba ito at saktong tapos na siya sa pagluluto. Pasulyap-sulyap siya rito habang kumakain sila. Gusto niyang magtanong subalit nag-a-alangan siya. Kanina pa salubong ang kilay nito mula nang makababa.
She drink water after swallowing her food then cleared her throat to captured his attention. "May... may nag-text sa 'yo. I'm sorry kung nabasa ko..." pag-amin niya sa mababang tinig, malalaman naman nito iyon kahit 'di niya aminin.
She waited for his reaction but he just looked at her for a fleeting second before finishing his breakfast. Tumayo ito pagkatapos, dinampot ang coat na nakasampay sa upuan at humakbang palabas ng kusina. Nakatingala lang siya rito at nakasunod ng tingin.
Bago tuluyang makalabas ay huminto si Malcolm sa may bukana at lumingon. "I might come home late, don't wait for me," he said coldly.
Isang malungkot na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi nang mawala ito sa kanyang paningin. Malcolm used to kiss her before going to work, nasanay na siya rito na ginagawa iyon.
Mukhang masama ang umaga nito, kung ang pagbabasehan ay ang pangungunot ng noo nito kanina at ang tila galit na nakita niya sa mga mata nito. And she was sure that it was because of a woman... Tessa.
MAGENTA SIGHED IN FRUSTRATION as she watched Malcolm having a hard time removing his tie. She put her arms around her chest while leaning on the headboard.
Lalo siyang nakaramdam ng pagkainis dito dahil umuwi itong lasing. Sa sobrang kalasingan ay hindi na magawang alisin ng maayos ang necktie. Nakatulugan niya ang paghihintay sa pag-uwi ni Malcolm na puno ng agam-agam at may kirot sa dibdib dahil sa pag-iisip kung nakipagkita ba ito sa babaeng nangangalang Tessa at kung ganoon nga, ano ang ginawa ng dalawa?
Nagising siya nang buksan nito ang pinto ng silid dahil pabalya nito iyong itinulak.
"Shit!" he cursed and fell on the sofa while his eyes closed, his hair untidy as well as his clothes.
Inis na napairap si Magenta sa direksiyon nito at inalis ang kumot na nakatabing sa katawan. Kapagkuwan ay bumaba sa kama at nilapitan si Malcolm. Tumayo siya sa harapan nito bago dumukwang at inalis ang necktie na nagkabuhol-buhol na.
Bahagya nitong binuksan ang namumulang mga mata dahil sa sobrang pag-inom habang nakatingala sa kanya.
"Stay still!" she hissed when he tried to reach her face as she unbuttoned his clothes. But as the hard-headed Malcolm that he was, who would do anything he wanted that no one could stop, he took a fistful of her hair and pulled her towards him.
Hindi ganoon kalakas ang paghila nito subalit nawalan siya ng panimbang sa pagkabigla. She landed on top of him.
Hinalikan siya nito ng mariin at ginalugad ang kanyang bibig na tila ba may gustong hanapin. Nasasaktan din siya tuwing bumabaon ang ngipin nito sa kanyang labi. The kissed was punishing and seeking all at once. She can smell and taste the liquor from him, it was strong and tartly.
"Aw!" hiyaw niya kasabay ng malakas na pagtulak rito, nang makaipon ng sapat na lakas upang kumawala, nang kagatin nito ang kanyang dila. "Mal!" galit niyang bulyaw subalit napahugot nalang ng marahas na hininga nang hindi na ito gumagalaw, tulog na ito!
Nagpupuyos pa rin sa inis na tuluyang inalisan ng damit ni Magenta si Malcolm, itinira lang niya ang pangloob nito bago ito kinumutan at lumabas sa may teresa dala ang kanyang cellphone.
She opened her phone and composed a message for Suzette. May kilala ka bang babae na Tessa ang pangalan? After hitting the send button, she raised her feet on the hammock and wound her arms around it.
Hindi katagalan ay nakatanggap siya ng tugon mula kay Suzette. Siguro'y hindi pa ito natutulog kaya madali itong naka-reply. Why'd you ask? I know someone that goes by the name.
Kasi si Malcolm... she composed but stopped. Sa halip ay binura niya iyon at napailing-iling, siya namang pagtunog ng cellphone, tanda ng may tumatawag, na siyang ikinagulat niya. It was Suzette.
"What did Tessa do?" bungad na tanong ni Suzette sa kanya nang sagutin niya ang tawag. Halata ang inis sa tinig nito.
"Kilala mo ba siya?" Walang sagot mula sa kabilang linya, sa halip ay narinig niya ang marahas nitong paghinga. She take that as a yes, she swallowed the lump in her throat before she continue. "A woman called and texted, Mal. Hindi naman niya sinasagot ang tawag ni Tessa kaya kaninang umaga nag-text siya. Gusto niyang makipagkita kay Malcolm, may gusto raw siyang sabihin. She sounded... desperate," pagkukuwento niya na tila nagsusumbong sa kaibigan. Ni hindi siya aware sa tonong ginamit. Naroon ang hinanakit, galit at tampo.
"And Mal came to see her?"
"Hindi ko alam. Parang ganoon nga..." she answered in a tiny voice and cleared her throat to ease the tension. "Kauuwi lang niya at lasing siya. Ni hindi niya magawang alisin ang necktie niya, eh. He fell asleep on the sofa."
"That bitch!" Suzette uttered with contempt, then gnashed her teeth in anger. "If I see her again, ingungudngod ko ang mukha niya sa semento! How dare she come back after what she did? That thick-faced whore!"
Napalunok si Magenta dahil sa mga salitang binitawan ni Suzette. Tessa must have done something bad for Suzette to be angry like she was now. "S-Sino siya?"
"She's Mal's ex-girlfriend, fiancée or whatever. I don't like her! She went to the office last week asking if she could see Malcolm, but he refused. Hindi ko alam na tumawag na naman ulit siya kay Malcolm at nakipagkita."
"F-Fiancee?" Ikinuyom niya ang kamao na nanginig. Tama siya ng hinala, may kinalaman ang babaeng iyon sa personal na buhay ni Malcolm.
Sandaling tumigil ang nasa kabilang linya at nakiramdam. Kapagkuwan ay nagsalita, sa pagkakataong iyon ay mas banayad na. "Don't stress yourself over her, Jen. She was buried in the past. Siya lang naman ang nagpupumilit ngayon na pumasok sa buhay ni Malcolm. She was nothing but a bitch! Tanga lang ang pinsan ko kung tatanggapin niya ulit si Tessa when there's you by his side."
Hinaplos ni Magenta ang dibdib at marahang hinimas nang maramdaman ang kirot doon. Nakaraan na siya Magenta! pilit niyang sabi sa kanyang sarili upang alisin ang panibugho.
"T-Tell me about her..." ang mahina niyang sabi. Gusto niyang malaman ang lahat kay Tessa. She was once a fiancée of Malcolm, patunay lang iyon na malalim ang naging relasyon noon ng dalawa.
Was Tessa the one who broke Malcolm's heart? And she was back now? Ano ang laban niya rito? Iyon ang masakit, hindi niya alam kung ano talaga siya sa buhay ni Malcolm. Sa loob ng apat na buwang pagkakakilala nila ay may puwang ba siya kahit papaano sa puso nito? Or was it still Tessa all this time?
"After I met Malcolm when he helped me escaped from my abusive husband, I met his girlfriend, Tessa. At first, I didn't know if the relationship was serious, but when they started living together and Tessa announced that they were engaged, that's when I realized that Malcolm did love the bitch. Ganoon man siya kaganda at kaputi ay ganoon naman kaitim at kapangit ang budhi niya. She's not just a liar, Jen. She's a cheater! Kasal na siya pero inilapit pa rin niya ang sarili kay Malcolm. Siya talaga ang lumapit sa pinsan ko at nanloko! She doesn't deserve my cousin's affection!"
Hindi malaman ni Magenta ang isasagot pagkatapos nang narinig. Nagsimulang tumubo ang takot sa kanyang dibdib, takot na baka maiwan siyang luhaan. Hindi madaling alisin ang pagmamahal na nararamdaman mo sa isang tao kahit pa kinamumuhian mo ito.
"Jen, are you okay?" Suzette from the other line then sighed. "She hurt him, big time. Malcolm knew better than to associate himself with that woman again. And besides, I won't let him. At nandiyan ka, hindi man niya sinasabi pero gusto ka niya, Jen. He never allowed any woman to get close to him nor asking her to live with him."
A sad smile appeared on her lips. She glanced inside Malcolm's room, she could see him sleeping on the sofa from where she was sitting because of the glass wall.
"Okay lang," she said and chuckled. "Bakit naman ako hindi magiging okay? Sabi mo nga, nakaraan na siya... Sorry kung naabala ko ang tulog mo, Su. Malalim na ang gabi, inaantok na rin ako. Goodnight."
Hindi na niya hinayaang makasagot si Suzette at pinatay ang tawag. She released a shaky sigh before she got on her feet. She nearly fell when her knees buckle, but she managed to balance herself before it happened.
Pumasok siya sa loob at tumigil sa tabi ng kama habang nakatingin sa kinahihigaan ni Malcolm. What she heard next put salt to her wounded heart.
"Tess..." Malcolm murmured in his sleep.
Nanghihinang napaupo siya sa ibabaw ng kama at malungkot na napangiti kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. "S-Siya pa rin..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top