CHAPTER 2

"ANG mama mo."

Dumagundong sa kaba ang dibdib ni Magenta dahil sa sinabi ng bantay ng pasyente na kasama ng kanyang ina sa public ward nang makasalubong niya ito pagka-apak na pagkaapak niya pa lang sa may lobby. Napabilis ang kanyang paglalakad hanggang sa maging takbo na iyon.

"Mama!" bulalas niya nang makita ang ina na namimilipit sa sakit. May isang doktor at isang nurse ang nakatunghay rito.

Tila may isang kamay na kumuyumos sa kanyang dibdib habang nakatangin sa nag-iisang pamilyang meron siya. Hindi niya malaman kung saan ito hahawakan kaya nanatili siyang nakatunghay rito habang nakatakip ang kamay sa bibig upang pigilan ang iyak. Nagtaas ito ng tingin sa kanya at nagsalubong ang kanilang mga mata, ngumiti ito na nauwi sa ngiwi dahil sa pamimilipit.

Noong una ay hindi ganoon kalala ang sakit na pinagdadaanan ni Carol tuwing sinusumpong. Ngunit sabi ng doktor ay mas lalala pa iyon sa paglipas ng mga araw lalo na't nasa critical stage na ang kalagayan nito.

Nanginig ang mga labi ni Magenta habang pilit na nilalabanan ang mga luha. Pakiramdam niya'y wala siyang kuwenta habang nakatingin dito, wala siyang magawa upang maibsan ang sakit. Kung puwede lang ng akuin niya iyon ay ginawa na niya. Seeing her mother like that was killing her in the inside.

She let out a trembling sigh when her mother lost consciousness because of too much pain.

"I need to talk to you, Miss Lopez."

Tumango si Magenta sa sinabi ng doktor at sumunod dito patungo sa opisina nito. The doctor briefed her about her mother's condition and he gave her choices and possibilities.

Sa susunod na linggo na ang operasyon ng kanyang ina, bagaman ay public ang ospital na iyon ay bahagya lang ang nabawas sa babayaran nila. Ni wala pang sangkapat. Ililipat na rin ang pasyente sa isang malaking ospital sa susunod na araw dahil doon gaganapin ang operasyon. Ang problema na lang niya ngayon ay perang pambayad sa operasyon nito.

The doctor was blunt enough to tell her that the chance of her mother surviving the operation was low, but she didn't want to give up. The chance may be slim, but it was still a chance. And those were just figures, she believed that there's something more powerful than figures or percentages, a miracle. She was praying for a miracle every time before she fell off to sleep. She could only hope for it.

Pagkatapos makipag-usap sa doktor ay bumalik siya sa ward at pinunasan ang katawan ng kanyang ina. Hindi niya na napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha habang marahang pinapahiran ng bimpo ang kamay at braso nito. Napakapayat at napakaputla. Tumanda rin ang itsura ni Carol na kung tutuusin ay forty five years old lang.

Ramdam niya ang nakikisimpatyang tingin ng mga naroon sa ward. May isang ginang ang lumapit sa kanya at tinapik siya sa balikat bilang pampalakas ng loob. Nagpapasalamat siya sa mga taong naroon dahil sa munting paraan ng mga ito ay natutulungan silang mag-ina. Tuwing wala siya roon at nagtatrabaho ay tinitingnan nila ang kanyang ina. Kahit na hindi niya naman kilala ng personal ang mga ito ay nagpapakita pa rin ng malasakit sa kanilang mag-ina.

Kahit na hindi gusto ni Magenta ay kailangan niyang iwanan si Carol doon at magtrabaho.

Napatingin siya sa posteng nasa tabi ng daan at malapit sa kanyang kinatatayuan. Isang flyer na nakasabit doon ang nakakuha ng kanyang pansin. May bakanteng posisyon sa isang restaurant na naghahanap ng mga waitress. Isang mapait na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi bago iyon kinuha.

Kahit na isang kilometrong mahigit ang layo ng nasabing restaurant sa kinaroroonan niya ay nilakad niya iyon. Hindi alintana ang init at usok.

Nang sa wakas ay makarating si Magenta sa harapan ng restaurant na kilala sa lugar na iyon ay sandali siyang napatigil at nagmasid mula sa labas. May mga taong napapatingin sa kanya dahil sa pagtigil niya sa tabing daan at patulalang nakamata sa restaurant ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin.

Kahit na dadagdagan niya pa ang kanyang trabaho ay hindi niya pa rin malilikom ang perang kailangan para sa operasyon ni Carol at sa mga gamot na kailangan. Kahit pagsamahin ang kanyang sasahurin bilang isang ordinaryong manggagawa ay hindi parin sasapat.

Isang pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Magenta bago kinuyumos ang hawak na flyer at itinapon sa pinakalapit na basurahan. Kapagkuwan ay pumara ng jeep patungo sa isang partikular na lugar.

Pagkarating na pagkarating niya sa harapan ng isang mataas na gusali ay wala siyang sinayang na oras at kaagad na pumasok sa loob dahil pinangangambahan niyang baka magbago ang kanyang isipan. Kakaiba ang pagkakatingin sa kanya ng guwardiya na para bang nagtataka kung bakit ang kagaya niya'y naroon. Nakita niya rin itong lumakad patungo sa reception area at kinausap ang receptionist. Alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito dahil napapatingin ang dalawa sa kanyang direksiyon. Umalis din naman kaagad ang security guard habang papalapit siya sa reception.

"Welcome to MK Holdings, how can I help you, Ma'am?" salubong ng receptionist kay Magenta na nakangiti ngunit hayagan siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. The receptionist tried to hide the grimace on her face but Magenta managed to saw that.

Clearly, the receptionist didn't like the clothes she was wearing. Her plain tee shirt had seen better days, it was supposedly color pink, but now it was almost white. Her jeans were small for her, and she had been wearing them since three years ago. She did not even have the chance to wash her rubber shoes because she was always busy with her job. Malayong-malayo ang kanyang itsura sa itsura ng babaeng nasa likod ng reception.

"Hinanap ko si Suzette..." alanganing pahayag niya rito dahil hindi naman niya alam kung ano ang buong pangalan ni Suzette at alam niyang pinagdududahan siya ng kaharap. Some people were as judgmental as this lady in front of her who was looking at her with disapproval.

"Do you have an appointment, Ma'am?"

Magenta shook her head. "Sinabihan lang niya akong pumunta sa opisina niya. Puwede mo siyang tawagan upang kompirmahin." Pinili niyang itago ang pagkainis na nagsisimulang tumubo sa kanyang dibdib para sa babaeng kaharap. Somehow she understands that the lady was just doing her job and she was just being cautious, but it doesn't mean that Magenta liked the way she's being stared at.

"Wait for a second, Ma'am," said the receptionist, whose one eyebrow raised a level, though the smile on her lips did not falter.

Naghintay si Magenta habang nakikipag-usap ito sa nasa kabilang linya na marahil ay si Suzette na. Nang ibaba nito ang tawag ay nakakunot na ang ang noo nang ibalik ang tingin sa kanya, sa pagkakataong iyon ay isang nang-uuyam na ngiti ang sumilay sa mga labi ng receptionist.

"The elevators' are on your left, and her office is on the tenth floor."

Mabilis na tumalikod si Magenta kasabay nang kanyang hinalang may alam ang receptionist sa sadya niya roon kay Suzette. Hindi niya gustong pag-chismisan ng mga tao at husgahan dahil sa desisyon niya.

Pagkarating ni Magenta sa tenth floor ay sumalubong sa kanya ang isang may kapayatan ngunit mataas na babae. Nakangiti ito, mas may amor ang ngiti kaysa sa receptionist. Iginiya siya nito sa opisina ni Miss Suzette at binuksan ang pinto bago umalis.

Muli siyang napabuntung-hininga ng malalim upang mabawasan ang tensiyon sa kanyang dibdib bago pumasok sa loob. Nakangiti si Suzette sa kanya habang nakaupo sa swivel chair at nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa. Tila hinihintay nito ang kanyang pagdating.

"Sit down, Miss Lopez."

Tahimik na umupo si Magenta habang kipkip ang bag sa kanyang kandungan.

"You have decided?" It was more of a statement than a question coming from Suzette.

Tumango si Magenta. "P-Payag na ako." Kahit na sinikap niyang magsalita ng tuwid ay hindi niya napagtagumpayan dahil sa kaba.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Suzette dahil sa sinagot ng dalaga. Kapagkuwan ay sinimulan niya itong tanungin tungkol sa mga personal na bagay na awtomatiko namang sinasagot ni Magenta sa paraang tila nag-a-apply lang ng isang ordinaryong trabaho.

"One last question, Miss Lopez. How many times did you do it?"

Napakunot noo si Magenta na hindi agad nakuha ang ibig ipakahulugan ni Suzette sa itinanong nito.

"How many times did you experience having sex with a man?"

Nag-init ang mukha ni Magenta dahil sa itinanong nito at hindi agad makabuo ng mga salitang maaaring isagot. Sa katunayan ay wala talaga siyang maisasagot dito, pero iba ang lumabas sa kanyang bibig. "D-dalawa lang," aniya kasabay nang pag-iwas ng tingin. Kunwaring itinuon ang mga mata sa pagtingin sa kabuuan ng opisina.

Sandaling natahimik si Suzette at pinagmasdan ang dalagang kaharap. After a second or two, a mysterious and a knowing smile appeared on her thin lips.

"Great!" Suzette blurted with heightened excitement. Tumayo siya at kinuha ang bag na nasa ibabaw ng lamesa. "Come on, we need to go somewhere."

Kahit nagtataka ay sumunod si Magenta rito. Sumakay sila ng elevator at bumaba sa basement parking lot. Nang pumasok si Suzette sa driver's side ng isang sasakyan ay pumasok din siya sa loob.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Magenta habang nasa daan sila patungo sa kung saan man ay hindi niya alam.

"To the hospital, we need to get you tested to ensure that you don't have any disease or illness. Don't worry, I think you're healthy naman... After getting the result, you will meet Mr. Peters for the contract signing. Bukas mo siya makikilala dahil wala siya ngayon sa opisina niya. He had a business meeting outside the country at kalalapag lang ng eroplano niya kanina. I'm sure that he will take a rest to his house, hindi na 'yon dadaan sa office."

Matamang nakinig si Magenta sa sinabi nito kasabay nang pagyabong ng kaba sa kanyang dibdib. Maraming katanungan ang pumasok sa kanyang isipan ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig upang magtanong. Paano nito nagagawang magsalita tungkol sa trabahong inaalok nito sa kanya na para bang isa lang iyong normal na bagay? There wasn't normal with the job Suzette offered to her!

Hindi niya kailanman naisip noon na may ganoon palang trabaho. Na may mag-aalok palang ganoon kalaking halaga upang matugunan ang pangangailangang pisikal.

"Bakit mo ginagawa 'to? Walang ba siyang kasintahan na puwede niyang... puwede niyang... makasama?" hindi mapigilang bulalas ni Magenta.

"He has no girlfriend, he didn't do relationship, Miss Lopez. He doesn't want complications. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo kung ayaw mong masaktan, don't fall for him... Mr. Peters has his reason why he preferred paying someone to fill his bed, whatever that reason is, siya lang ang nakakaalam."

Hindi man lang nalinawan si Magenta kaya itinikom na lang niya ang kanyang bibig. Nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating sila sa isang pribadong ospital. Kagaya ng sinabi ni Suzette ay ipinacheck-up siya nito, kinuhanan ng ibat ibang tests upang siguraduhing wala siyang sakit.

Hindi na niya sinamahan si Suzette na naghihintay sa resulta at nagpaalam na aalis na kung wala na siyang kailangang gawin. Ang sabi nito'y tatawagan nalang siya.

Nakahinga lang ng maluwang si Magenta nang hindi na niya ito makita. Napatingin siya sa nanginginig na mga kamay, ilang sandali siyang tulala roon bago mariing ikinuyom at napakagat-labi.

N-Nagawa ko!

Kaninang madaling araw bago natulog ay pinag-isipan niya kong tatanggapin ang alok ni Suzette, hanggang sa makatulog siya ay hindi siya makapagdesisyon. Subalit nang makita ang kanyang ina kanina ay biglang napukaw ang kadesperaduhan sa kanyang dibdib. If she needed to sacrifice herself for her mother, then she will do it, even if it meant her life won't be the same again.

Isang buwan lang naman iyon. Pagkatapos ng isang buwan ay magiging okay rin ang lahat.

Pumasok siya sa isang karenderya upang lamnan ang kanyang kumakalam na sikmura. Pagkatapos ay nagpalakad-lakad ng walang tiyak na direksiyon upang magtanggal ang stress sa katawan.

Nakatingin siya sa daan kaya hindi niya nakita ang isang taong palabas mula sa isang first class restaurant. Bumangga siya rito, napahawak siya sa kanyang noo na tumama sa matigas nitong braso, kasabay nang pag-usal ng paumanhin. Wala naman itong sinabi at nagpatuloy sa paglakad habang may kausap sa telepono. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at nagtuloy-tuloy, likod na lang nito ang nakikita ni Magenta.

Napako ang mga mata niya sa likuran ng lalaki habang natigil sa paglalakad. Malapad ang likod nito na humuhulma sa three-piece suit na suot. His thighs were emphasized with the pants he's wearing. Makintab na makintab ang sapatos na pati alikabok ay mahihiyang dumapo.

Napasinghap si Magenta nang makita ang pasimpleng paglapit ng isang lalaking nakasumbrero rito at hinablot ang cellphone nito. Agad na tumakbo paalis ang snatcher at kahit na hindi niya utusan ang sarili ay awtomatikong gumalaw ang kanyang mga paa at hinabol ito.

Agad na natanto ng snatcher na may humahabol dito kaya lalong binilisan ang pagtakbo. Ngunit hindi papatalo si Magenta na naging miyembro ng track and field team noong elementary at high school na siyang dahilan kung bakit siya nakakakuha ng scholarship.

Hinawakan niya ang kanyang bag at tinanggal mula sa pagkakasukbit sa kanyang balikat. Mabilis siyang tumigil sa pagtakbo, huminga ng malalim at hinagis ang bag sa snatcher.

Hindi niya maiwasang hindi mapasinghap nang masapol sa ulo ang snatcher at padapang bumagsak sa sementadong side walk. Magenta smiled, she still got the skill.

Hindi na ito nakahanap nang pagkakataon na makatakas dahil agad na lumapit ang isang lalaking vendor at pinigilan ito at saktong may patrol car na nagpadaan sa lugar.

Hinihingal na lumapit si Magenta sa mga ito at kinuha sa kamay ng snatcher ang cellphone. Kapagkuwan ay muling bumalik sa pinanggalingan.

Agad niyang nakita ang lalaking may-ari ng cellphone na nakasandal sa hood ng sasakyan, nakalagay ang dalawang braso sa ibabaw ng malapad na dibdib.

Pinigilan ni Magenta ang pag-awang ng kanyang mga labi sa pagkamangha habang nakatingin dito. May suot itong salamin sa mga mata na kulay itim ngunit hindi niyon nagawang itago ang appeal ng lalaki, sa halip ay lalo lang nakadagdag. She wasn't the type who would swoon for a man no matter how attractive he appeared. But the man with his expensive car behind him was too much to bear.

"Heto," aniya nang makalapit dito sabay abot ng cellphone. Napalunok si Magenta nang hindi nito iyon agad tinanggap at hayagang tinitigan ang kanyang mukha, she just knew he was staring at her despite the sunglasses. Hindi siya nag-iwas ng tingin kahit na matindi ang pagkailang na nararamdaman.

Nakagat ni Magenta ang labi upang pigilan iyon sa panginginig ng kuhanin nito ang aparato mula sa kanyang kamay at maglapat ang kanilang mga balat. The bolt of electricity as their skin touched took her by surprise. Her heart was skipping a beat.

Nang manatili itong nakatingin ay mabilis siyang tumalikod upang makaiwas dito. Nang marinig ang malalim ngunit malamig nitong boses ay natigilan siya.

"Wait."

Kunot-noong nilingon ni Magenta ang lalaki, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong ibuka ang bibig dahil tumalikod ito. Tinungo ang pinto ng sasakyan at binuksan. May kinuha ito mula sa loob at muling lumapit sa kanya. Nang malanghap ang mamahaling pabango ng lalaki ay parang may tinig na nag-uudyok sa kanya na ipikit ang mga mata at langhapin iyon hanggang maubos. Ito na siguro ang pinakamabangong taong nakilala niya.

Magenta was pulled back to reality when he handed her paper bills.

"Take it."

"P-Para saan?"

"For bringing my phone back."

Napatanga si Magenta at tinitigan ang pera nang walang kakurap-kurap, 'pagkuwan ay mariing iniling ang ulo bilang pagtanggi.

"Take it!" ulit nito gamit ang maawtoridad at mariing boses na nagpapitlag kay Magenta. Nataranta siya at wala sa loob na tinaggap ang pera. Huli na nang mapagtanto ang ginawa dahil nakatalikod na ito sa kanya at dahil malalaki ang mga biyas ay mabilis na nakapasok sa sasakyan at pinaandar paalis. Like a thunder, he was out of her sight in seconds.

Magenta's eyes followed the car with disbelief. Ang kabang naramdaman kanina habang kaharap ang lalaki ay napalitan ng pagkainis.

Kumuyom ang kanyang kamay na may hawak ng pera at masama ang tingin sa papalayong sasakyan. She felt insulted. A simple thank you will suffice.

Nang mawala ang sasakyan sa paningin ay napatingin sa perang kuyom at napabuntung-hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top