CHAPTER 1
KAAGAD na pinagpag ni Magenta ang namuong luha sa kanyang mga mata. Hindi niya gustong umiyak ulit, ang akala niya'y naubos na ang mga luha kagabi ngunit nagkamali siya. Habang nakatingin sa inang nakahiga sa hospital bed nito ay gusto niyang umatungal kagaya ng karaniwang ginagawa tuwing gabi kapag nag-iisa.
Hinawakan niya ang kamay ni Carol at napakagat-labi nang kumislot ito. Kahit natutulog ay ramdam pa rin ng nito ang sakit sa kanyang mga hawak.
Isang buwan na ang nakakaraan nang ma-diagnose ang kanyang ina ng bone cancer at nasa late stage na. Isang gabi ay nakita niya itong namimilipit sa sakit, matagal na palang nararamdaman ni Carol iyon ngunit hindi sinasabi sa kanya. Nang sabihin nga ng doctor ang resulta ng pag-e-eksamin rito ay hindi agad rumehistro sa kanyang isipan ang mga salitang cancer at critical stage, nang sa wakas ay maunawaan niya ang mga salita ay nasigawan niya ang doctor at iginiit na nagkamali lang ito ng diagnosis. Magenta was hysterical and indenial. She also felt like she had died that moment.
Buong araw siyang umiyak noon subalit kalaunan ay wala siyang magawa kung 'di ang piliting magpakatatag para sa kanilang dalawa. Ang ina na lang ang meron siya at ganoon din ito sa kanya simula nang mamatay ang kanyang ama ilang taon na ang nakakalipas. Hindi kakayanin ni Magenta kung pati ito ay mawala.
Nang makita ang paggitaw ng pawis sa noo ni Carol ay agad niya iyong pinunasan habang ingat na ingat upang hindi ito masaktan. Dahil sa cancer sa buto ay palaging masakit ang katawan nito at halos hindi niya kayanin kapag nasasaksihan ang pamimilipit nito sa sakit. Kapag naroon siya sa ospital ay pilit nitong tinatakpan ang sakit ng mga ngiti.
Carol was always like that, she like suffering alone than drag her with it. Keeping her pain to herself so that it wouldn't burden Magenta. Naiintindihan iyon ng dalaga, ngunit hindi ibig sabihin niyon na hindi siya nagtatampo kay Carol tuwing pinapairal nito ang ganoong pag-uugali.
For Magenta, her mother was the best and kindest mother in the world, she did not deserve that adversity, she deserved to live a long and happy life. And it was her duty as her daughter to make that possible.
Pinaypayan niya ito gamit ang karton ng gatas na wala nang laman at ginawang pamaypay. Nasa public ward sila at maraming mga pasyente roon, bukod pa sa mainit ay maingay rin. Wala naman silang pagpipilian dahil hindi nila kayang magbayad ng pribadong silid, maging ang bayad sa biopsy nito ay hind pa rin nila nababayaran ng buo. Hindi niya sinasabi kay Carol na wala silang sapat na pambayad sa ospital dahil sigurado siyang igigiit nitong umuwi na lang, maging ang pagtigil niya sa pagpasok sa kolehiyo ay hindi niya ipinapaalam dito.
Magenta needed to work and earn as much money as she could. Even if it means she had to work day and night to save her mother, then she would gladly do it in a heartbeat. Her body was tired and weary, but her mind was very determined about her goal. She was born lucky because she had a mother whose love was unconditional, gusto rin niya maging masuwerte ito na naging anak siya. Magenta would do everything for her not because she felt like it was her obligation as Carol's daughter but because she loved her.
She kissed her mother's forehead gingerly before getting up and going outside the hospital to start earning the money they needed. Her mother was under sedation, she was in severe pain earlier, and the doctor sedated her, mamaya pa ito magigising.
Dumiretso siya sa isang salon na pinagtatrabahuan tuwing umaga, sa gabi naman ay isa siyang cashier sa isang convenience store.
"Kumusta si mother earth?" tanong ni Ricky na nagte-therapy sa buhok ng isang customer.
"Gano'n pa rin," ang nahahapong sagot ni Magenta sabay lapag ng bag sa rack. Kinuha niya ang flyers na naroon at lumakad palabas upang ibigay iyon sa mga dumaraan.
"Fighting, bakla, kaya mo 'yan," pampalakas ng loob ni Ricky sa kanya na sinegundahan pa ng ibang mga katrabaho.
Nginitian niya ang lahat at nagpasalamat. Kapagkuwan ay tuluyan nang lumabas upang mamigay ng flyers kasama ang isa pang helper sa salon na si Andy.
PINAHIRAN niya ang pawis sa noo gamit ang kaliwang braso. Pagkatapos ay itinali ang lampas balikat na buhok upang mabawasan ang init na nararamdam dahil sa tirik na tirik na araw.
Habang nagpupusod ay aksidenteng nahagip ng kanyang mga mata ang isang babaeng nakatingin sa kanyang direksiyon mula sa loob ng isang coffee shop na nasa kabilang bahagi ng kalsada at kaharap niya mula sa kanyang kinatatayuan.
Kanina pa niya napansing tinitingnan siya ng babaeng iyon ngunit binalewala lang niya at ipinagkibit balikat. The woman looked harmless. Sa tingin niya'y isa itong professional base sa suot na damit na yaong pang-opisina. Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka bagaman ay iniwas ang tingin dito at pumihit papasok sa loob ng salon.
Kinabukasan ay nagulat si Magenta nang makita ang pamilyar na babae na nagpapatrim ng buhok. Ang babaeng nakatingin sa kanya kahapon habang nasa loob ito ng coffee shop. Nagsalubong ang kanilang mga mata sa salamin, ngumiti ito sa kanya na sinuklian niya ng isang kiming ngiti dala ng pagkailang. There were curiosity and amusement in the woman's eyes as she stared at her.
Kasalukuyan siyang nag-a-assist kay Ricky na nagre-rebond sa may-ari ng boutique na nakatayo sa tabi ng salon nang lumapit sa kanya ang babae.
"Can I talk to you?" tanong nito na lalong nagpakunot sa kanyang noo.
Hindi malaman ni Magenta ang sasabihin at gagawin. Hindi niya ito kilala at wala siyang mahanap na dahilan upang kausapin siya nito.
"Sige na, Jen, kaya ko na rito. Basta ba bumalik ka, ha," panghihikayat ni Ricky kay Magenta sa pag-aakalang isang talent scout ang estranghera at natipuhan marahil ang kaibigan. Hindi na bago ang pangyayaring iyon, may mga nag-alok na rin kay Magenta na magmodelo ngunit tinanggihan ng dalaga.
Tumango si Magenta at sumunod sa babae palabas ng salon. Hindi talaga ito mukhang masamang tao, may class ang mga galaw at ismarte kung kumilos, subalit nakaramdam pa rin siya ng kaba.
Tinawid nila ang kalsada at pumasok sa loob ng coffee shop kung saan niya ito unang nakita kahapon. Ang lamesang nasa isang sulok ang inukopa nito at iminuwestra sa kanya ang katapat na upuan kaya umupo siya roon.
Tumawag ito ng waiter at umorder, tubig lang ang hiningi niya dahil sigurado siyang hindi siya makakakain sa tensiyon na lalo lang lalala kung iinom ng kape. For some reason, she was agitated, na para bang anumang sandali ay may bombang sasabog sa kanyang harapan.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Miss Lopez. I want to offer you a job. But first things first, are you in a relationship?"
Iniling niya ang ulo habang naguguluhan. Of course, she hadn't been in a relationship before. It was not because no one had tried to court her, it was her decision not to enter into a relationship. She wasn't ready and none of her suitors caught her interest, well some did, pero hindi sapat upang sagutin niya. "Anong trabaho?"
"I am a secretary of the president of MK Holdings, and I am offering you a job, you will be working with the president himself... I know you need money for your mother's treatment, and you'll get the money you need if you sign the one-month contract with him. Four hundred thousand pesos in a month, Miss Magenta Lopez."
Magenta was astounded, and at the same time, disbelief crept through her. Four hundred thousand sa isang buwang kontrata? She looked at the stranger across her as if she had grown two heads.
Kahit na magtrabaho siya ng isang taon o dalawa ay hindi niya kikitain ang halagang iyon. Mahigit four hundred pesos lang ang daily wage sa mga katulad niyang simpleng manggagawa, kung four hundred thousand ang matatanggap niya sa isang buwan mula sa boss nito ay mahigit twelve thousand ang daily wage niya kung kukuwentahin.
Sinong matinong tao ang hindi magdududa sa ganoon kalaking halagang suweldo sa isang buwan? Lalo pa't hindi naman siya nakapagtapos ng kolehiyo, ang tanging maipagmamalaki niya ay ang sipag at katapatan sa trabaho. Puwera na lang kung hilingin nito ang kidney niya ay maniniwala siyang bibigyan nga siya ng ganoon kalaking halaga. She smiled bitterly.
Heto't inilatag na sa kanyang harapan ang solusiyon sa kaniyang problema. Pero alam niyang malaki ang konsekuwensiya niyon, nararamdaman niya.
"Anong trabaho at bakit mo ako kilala? Ano ang pangalan mo?" Ni hindi nga man lang nito nagawang magpakilala sa kanya una sa lahat.
"Oh, I'm sorry, I'm Suzette, and I happened to know your name and your story from your workmate... Anyways, let's talk about the job I'm offering you..." She paused and stared at her intently, studying Magenta's face that almost made the latter jump out of that place. Nakita ni Magenta ang pagdaan hesitasiyon sa mga mata nito ngunit iglap lang iyon. "You'll be filling the bed of the president for a month, you'll be there when he needs you," Suzette said straightforwardly, bewildering Magenta even more that her mouth fell open. Muli itong tumigil sa pagsasalita upang bigyan ng pagkakataon si Magenta na iproseso ang mga sinabi nito. "I know he will like you. It's just for a-"
"A-ano?... Anong sabi mo?!" bulalas ng dalaga na siyang pumutol sa susunod nitong sabihin. Ang kalituhan ay napalitan ng galit nang sa wakas ay makuha ang ibig nitong sabihin, she was offended. How could Suzette offer her that odd job nonchalantly? Tila ba hindi iyon ang unang beses na nag-alok ito ng ganoong trabaho. "Nagbibiro ka ba?" Nang makitang lalo itong sumeryoso ay dumoble ang galit niya. At the same time, she wanted to laugh hysterically at the absurdity of her business proposal. Buong buhay niya'y ngayon lang siya nabastos ng ganito. Mukha ba siyang bayaran para alukin siya nito niyon? Or perhaps she looked like a first-class whore to be offered almost half a million in exchange for her body? Magenta smiled bitterly with that thought.
"Aalis na ako kung wala na kayong sasabihin, nakaka-istorbo kayo sa trabaho ko." The coldness and calmness of her voice belied the sharpness of her eyes and her trembling limbs.
Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito sa braso. Marahas na muli niyang binalingan si Suzette, she did not bother to hide the contempt in her eyes.
"Sit down, Miss Lopez. I know this is unheard of, and you might find it ridiculous and offensive, but I assure you, I didn't mean it to be that way... Look, I admit that I am in haste, I need to hire someone to be his... companion before the weekends. I did not mean to insult your womanhood by offering you this job."
"Hindi lang siya ridiculous and offensive, Miss Suzette. Isa itong kabaliwan!"
Bumuntung-hininga si Suzette at isang mapang-unawang ngiti ang ibinigay sa dalagang kaharap. 'Pagkuwan ay inilabas niya ang isang folder mula sa handbag at ibinagay kay Magenta. The first time she saw Magenta yesterday, she caught her attention, and there was something about Magenta that intrigued her. The spark in her eyes was that of innocence, but her lips exuded sensuality, a very potent combination. She was five feet seven inches tall, not too small, and not too tall for her boss. She was not the bony type, not plump either.
Magenta had an hourglass shape, her breasts and buttocks were firm and rounded, and her waist was as narrow as the tip of a cone. In short, she was a very attractive lady. Suzette could strangely feel that they would be good friends in the future.
"Everything you need to know is inside that folder. Sleep on it, Miss Lopez, and I hope I'll see you in my office tomorrow. Read the documents, and you will know where to find me." Sabay tayo ni Suzette at isinukbit ang bag sa balikat. "I wish your mother good health."
Nang makaalis si Suzette ay malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Magenta upang alisin ang tensiyon sa kanyang dibdib. She finally realized that her hands were shaking.
Natuon ang kanyang mga mata sa folder na nasa kanyang harapan at sandaling nagtalo ang isipan kung kukunin ba iyon. Mariin niyang ikinuyom ang mga kamay ay ipinikit ang mga mata. Nananakit ang kanyang ulo at nakararamdam siya ng pagkahapo. Sa huli ay tumayo siya at dinampot ang folder, pagkatapos ay lumabas ng coffee shop at bumalik sa trabaho.
Simula nang makausap ni Magenta si Suzette ay hindi na siya makapag-concentrate sa kanyang ginagawa. Kamuntikan pa niyang masunog ang buhok ng isang customer nila. Sa convenience store naman ay lutang ang kanyang isipan kaya napagsabihan siya ng may-ari na naroon nang araw na iyon.
Nang matapos ang kanyang trabaho ay dumiretso siya sa ospital kahit na hapong-hapo siya, hindi lang ang katawan maging ang kanyang isipan dahil sa hindi maiwasang pag-iisip sa trabahong inalok sa kanya.
Tulog na si Carol nang madatnan ni Magenta kaya hindi na niya ito inabala at inukopa ang monoblock chair sa tabi ng kama. Ilang beses siyang napabuntung-hininga habang nakatingin sa inang nakaratay sa kama. Kapagkuwan ay malungkot na napangiti nang makita kung gaano ito kaputla at kahumpak ang mga pisngi. Hindi na mabakas ang kagandahan nito na maraming humahanga, sa katunayan ay may mga manliligaw ito sa palengkeng pinagbebentahan ng isda, ang iba ay dumadalaw pa sa bahay nila.
Noong hindi pa nila alam na maysakit ito ay hindi ganoon kahirap ang naging buhay nila. Naitatawid nila ang pang araw-araw na masaya at magkasama. Nakakapag-aral din siya sa kolehiyo dahil sa pagtitinda nito sa palengke at pagpa-part-time job niya. Ngunit nang lumabas ang diagnosis dito ay nagbago bigla ang takbo ng buhay ni Magenta.
"I love you, 'Ma," usal niya sa garalgal na boses. Pinuno niya ng hangin ang mga baga at ikinurap pabalik ang mga luhang gustong kumawala.
Isang oras ang itinigil niya roon bago lumabas ng ward. Sa halip na umuwi sa kanilang apartment ay umupo siya sa bench sa naroong pasilyo. Tahimik doon dahil madaling araw na at nagpapahinga ang mga pasyente at mga bantay.
Binuksan ni Magenta ang kanyang bag at inilabas mula roon ang folder na iniwan ni Suzette. Pinakatitigan niya iyon ng ilang sandali bago binuklat. Kuryosidad, iyon lamang ang nagtulak sa kanya, wala siyang balak tanggapin ang trabahong iyon. M.K. Contract and Agreement. Mataman niyang binasa ang mga nakasaad sa kontrata, isang partikular na kasulatan ang nakakuha ng kanyang pansin.
The contractee must obey these rules and conditions of the contractor. If otherwise, the contract will be terminated.
Sabi doon ay kailangang nasa legal na edad ang contractee. Single, hindi pa nakasal at nagkaanak. Kailangang malusog at walang history ng mga nakakamatay na sakit, partikular na ang HIV AIDS.
Marami pang mga nakasaad doon ngunit isang bagay ang mas napagtuunan niya ng pansin. The contractee must have a sexual experience.
If the contractee fails to meet these rules and if she provides false information about her status, the contract will be deemed invalid and will be terminated instantaneously.
Napalunok siya nang mabasa ng buo ang kontrata. Gumigitiw rin ang pawis sa kanyang noo at nanginginig ang kamay.
Akala marahil ni Suzette na qualified siya sa trabahong iyon. But there was one rule and condition that she failed to meet.
Marahas niyang ipinilig ang ulo at bumuntung-hininga, pagkatapos ay muling ipinasok ang folder sa loob ng bag. Why did she even bother to read those documents? And she suddenly felt guilty for thinking, in a split moment, that she should accept the job.
Ilang taon na niyang inaalagaan ang sarili sa paniniwalang may tamang taong nakalaan para sa kanya. Iyon ang itinatak ng kanyang mga magulang sa kanyang isipan bata pa lamang siya.
Dignidad lang ang mayroon ng mga kagaya niyang salat sa pera, kung ibibigay niya ang sarili sa taong hindi niya mahal at hindi man lang niya kilala ay parang itinapon na niya ang dignidad na iyon. Iyon lang ang tanging maihahandog niya sa lalaking makakasama habang buhay.
Hapo, antok at gulo ang isip na lumabas si Magenta sa ospital at umuwi sa kanilang bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top