Kabanata 6

Puno ng pag-iingat ang bawat hakbang na aking ginawa. Iniiwasang makalikha ng ingay, kahit mga daga ay ayaw kong makarinig. Malakas ang kaba ng aking dibdib ngunit hindi ko ito pinapansin. Kailangan kong magawa agad ang aking misyon. Kailangan kong makabawi sa pagpapaiyak ni Daryl sa akin kanina. Hindi niya dapat ako mahuli.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. Ilang ulit na rin akong nakapasok dito kapag may gusto akong kunin sa mga gamit niya o kaya'y maglalagay ako ng mga patibong. Pero sa kasamaang palad ay lagi siyang nakakatunog. Ang gusto kong makita sa isang lalaki ay iyong magulo ang kwarto ngunit nakakadismayang masilayan ang napakalinis na kwarto ni Daryl. Nakalagay sa maayos ang bawat gamit nito. Nakakagigil kapag pinagmumukha niya ang magubat kong kwarto.

Siya na ang malinis! Wala akong pakialam!

Nandito ako para kunin ang kanyang textbook, hindi para ikumpara ang sarili ko sa kanya. Magkaiba kami. Magkaibang-magkaiba. Babae ako, lalaki siya. Tao ako, hayop naman siya. Hindi dapat ako mainsecure sa kanya dahil talo ang napipikon at hindi nagpapatalo ang isang Kimberly Kate Diaz.

Kakainis! Ang dami niyang libro.

Hinalughog ko na ang lahat ng libro niya sa kanyang study table at sa standty pero hindi ko pa rin mahanap ang sagot sa kasumpa-sumpa kong problema. Hinanap ko na rin sa higaan niya. Sakaling tinutulugan niya. Sa ilalim ng kama, sa kanyang drawer at pati sa cr ay hindi ko pa rin makita ang lintik na textbook.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

Napaigtad ako nang magsalita siya sa aking likuran. Bigla ay parang naging bato ako sa kinatatayuan. Hindi ko magawang ikilos ang aking katawan at hindi ko magawang salubungin ang naniningkit niyang mga mata.

Siraulo ka Kim! Mahahalata ka!

"Ah---h-hinahanap ko ang mga... p-ocketbook ko! Tama! Ang mga pocketbook ko, akin na! Hindi ka dapat nangunguha ng hindi sa'yo!"

Seryoso siyang nakatingin sa akin, tila, hinahalughog kung anong nasa isip ko.

Napaatras ako ng magsimula siyang lumapit. "H-huwag kang lumapit! H-hindi ko gusto ang mga titig mo!"

"May tatlong paragraph akong sasabihin sa iyo. Una, hindi ako interesado sa walang kwenta mong mga pocketbook! Pangalawa, hindi ko tinatago ang walang kwenta mong mga pocketbook! Pangatlo, hindi ako papasok sa magubat mong kwarto para lang sa walang kwenta mong mga pocketbook!"

Napasimangot ako. "Paulit-ulit talaga ang walang kwenta mong mga pocketbook?"

"Correction. Kapag ikaw ang nagsabi, dapat walang kwenta KONG mga pocketbook? Tagalog na nga, mali pa ang grammar."

"Lintik na grammar 'yan. Oo na, paulit-ulit talaga?"

"Para pumasok sa kukute mo."

Nanggigigil kong itinaas ang aking kamao. Nag-init ang aking tainga dahil sa inis at gusto ko talagang ilampaso ang kanyang mukha sa semento pero pinigilan ko ang aking sarili, nasa teritoryo ako ng mortal kong kaaway. Kahit masama ang aking loob dahil sa panlalait niya ay wala akong magawa kundi lumabas sa kwarto niya. Baka mahalata pa niya ang totoo kong pakay.

"Tsk! Hambog!"

"Huwag kang bumulong, naririnig kita. Sa susunod na magdadahilan ka ay humanap ka ng magandang idadahilan."

"Ano?" Nakakunot-noo kong tanong. Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kanya. Bakit ang daldal niya sa araw na ito?

"Nasa bag ko na ang aking textbook pero pasensya na dahil wala akong balak na magpa-kopya sa'yo."

"S-sinong may sabi na mangungupya ako sa'yo? Hindi ka lang hambog, feelingero ka rin! Kainis!" Mabibigat ang mga paa kong nagmartsa papasok sa aking kwarto. Malakas kong isinara ang pinto.

"KIMBERLY, HUWAG KANG MAGDABOG!! WALA KANG KAAWAY!!!"

Muli ay binuksan ko ang pinto ng marinig ang sigaw ni mama mula sa baba. "MERON AKONG KAAWAY MA! SI HERUDES, NASA KABILANG KWARTO!!"

Isang malakas pa na pagsara ang aking ginawa bago nagtatalon sa aking kama. Kakainis! Kakainis! Nandoon na ako eh! Hindi ko pa talaga nahanap ang lintik na textbook na iyon! Bakit ba hindi ko naisip na pagkatapos niyang sagutan ang kanyang mga assignment ay agad niya itong ilalagay sa kanyang bag para hindi makalimutan? Tangengot ka talaga Kimberly! Gumawa ka ng krimen ng hindi mo pinag-iisipan.

Nanlulumo akong umupo sa aking study table. Wala na akong magawa kundi magsariling sikap. Kinuha ko ang aking textbook at sinimulang pag-aralan ang buong Chapter 1 para masagutan ang ibinigay ni ma'am na assignment.

PRE-SPANISH ERA

"Huwag mo akong pakitaan ng malungkot na mukha, Kim. Dapat ako pa nga ang malungkot dahil isang pakpak lang ang ibinigay mo sa akin. At hindi ba lagi kong sinasabi sa iyo na kapag nasa matino ka ng pag-iisip ay baguhin mo ang aking anyo. Alitaptap ako Kim, alitaptap! Nasa loob ng aking tiyan ang dala-dala kong ilaw hindi ko ito binibitbit."

"Madilim ka na kasi naglalakwatsa, baka hindi mo makita ang daan kapag nasa tiyan mo ang ilaw."

Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis. Minsan talaga iniisip ko kung hindi pa ba siya nakakita ng alitaptap sa tunay na buhay o sadyang abnormal lang siya.

"Sigurado ka bang sa mundo ka ng mga tao nakatira?"

"Sa earth ako nakatira," malungkot niyang sabi.

"Oo nga, sa earth, sa mundo ng mga tao."

"May mga hayop ding nakatira sa earth."

"Anak ng--- alam mo bang nagmumura rin kaming mga insekto."

"Siguro. Nagmura ka eh."

Napatiim-baga ako. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw kong mabuhay sa mundong nilikha ng mga kamay niyang mali-mali kung gumuhit. Nasa mundo kami ng pantasya, panahon ng mga diwatang makapangyarihan. Sa sobrang makapangyarihan ng aming mundo ay anim na taon na rin niya akong binubuhay at anim na taon na ring walang hustisya ang aking anyo.

"Sabihin mo na nga kung anong kailangan mo. Malapit na akong mabaliw sa patutunguhan ng usapan natin."

"Hindi tayo naglalakad."

"KIMBERLY!"

"Huwag kang sumigaw, marinig pa tayo ng mga diwata. Baka isipin nilang nag-aaway tayo."

"Nagugutom na ako. Gusto kong kumain ng tao."

"Sandali! Huwag ka munang umalis. Sagutin mo naman ito. 6y to the power of negative 4 + 5x to the power of negative 4 – 4 = 0"

Napatango-tango ako sa sinabi at sinulat niya. Maikli lang naman at sa tingin ko ay napakadali lang. "Ganito pala ang letra ninyo?"

"Numero ang mga 'yan."

Napakunot ang aking mga noo. "Numero? Ano 'yon?"

"Huwag mong sabihing hindi mo alam?"

"Hindi ko alam."

"Gusto mo bang mabura sa mundong nilikha ko?"

"Bakit seryoso ka?"

"Oo, papatayin kita!!!"

"KIMBERLY KATE DIAZ!!!"

"Aray! Ma!!" Gulat kong sabi.

Hindi maipinta ang aking mukha habang hinihimas ko ang aking braso. Nag-aagawan ang sakit ng pagpalo ni mama at pangangalay dahil sa pag-unan ko dito.

"Anong ginawa mo sa textbook mo?!! Sinulatan mo ng assignment pero puro drawing ang sagot mo!!!"

Nagmamakaawa akong tumingin kay mama. Ang aga-aga para pagalitan niya ako. Kagigising ko lang, sa katunayan ay kulang ang tulog ko dahil sa pag-aaral ko kagabi. Ginawa ko ang lahat para masagutan ang assignment ko pero ang pagguhit lang talaga ang nakaya ng utak ko.

"Anak ba talaga kita?!!"

"Opo. Sabi mo nga, biologically."

"Gan'on ba? Ok sige, tutal anak naman kita, susuportahan na lang kita sa ginagawa mo. Huwag kang mag-alala, nak, matututo ka rin," madamdaming sabi ni mama habang yakap-yakap ako sa leeg.

"Ma, hindi na ako makahinga."

"Oh, sorry. Nasarapan akong sakalin ka. Maligo ka na, baka ma-late ka pa sa klase."

"I love you, ma"

"Mas mahal kita, nak," nakangiti niyang sagot bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Malapad ang ngiti kong lumingon sa litratong nakapatong sa maliit na mesang katabi ng aking kama. "Sa inyong dalawa ni mama, ikaw ang higit na mahal ko papa at syempre, mahal ko rin itong mga regalo mong manika at si Pooh... Ano Nika 1, Nika 2, at Nika 3, ligo na tayo?-----alam ko Pooh, every weekend ka lang naliligo kaya matulog ka na lang ulit."

Tinapos ko ng mabilis ang aking pagligo at pagbihis kasama ang aking mga kaibigan. Kailangan kong mauna sa paaralan para matalo ko na naman si Daryl. Hindi ko pala naitanong kung paano siya nakarating ng maaga sa paaralan kahapon pero hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay napalakad ko ulit si Daryl.

Pakanta-kanta ako habang bumababa sa hagdan. Dumeritso agad ako sa kusina. "Good morning tito Daniel."

"Good morning my pretty girl."

"I thought I am the prettiest in your eyes," nakasimangot na sabi ni mama. Natawa ako ng pabagsak siyang umupo sa upuan. Minsan isip bata talaga si mama.

"Hon, you're the most beautiful lady in my eyes."

"BOOM, PANIS!!" nakangisi kong hirit.

Nasanay na ako sa lambingan nilang nakakaumay minsan. Nakakainis man ay hinayaan na namin sila ni Daryl na maglambingan sa amin ng harap-harapan.

"Good morning ugly boy," bati ko kay Daryl habang pumapasok siya sa kusina. Inaayos niya ang magulo niyang kwelyo.

"Morning, ugly girl."

"Nah, Tito Daniel said that I am the prettiest in his eyes."

"In his eyes, not mine."

Napasimangot ako habang pinapatay siya ng tingin. Nakaka-init talaga ng ulo ang seryoso niyang mukha. Black in White na parang laging namatayan. Nakakabwesit!

"Pa, manok ko ba 'to?" nakakunot-noo niyang tanong habang titig na titig sa sinadok na paa ng manok.

"Oo."

"What the---- Why did you kill, Chicken Me?"

Napatawa ako ng malakas nang marinig ang pangalan ng manok niya. Seryosong tao si Daryl pero ang weirdo niya sa pagbigay ng pangalan sa kanyang mga hayop.

"Anong nakakatawa?!" galit niyang sabi.

Hindi na maipinta ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Si mama ay parang naguguluhan, samantalang patay malisya lang si Tito Daniel.

"Haha...W-wala. I-ituloy mo lang hahaha...ang pagtatanong kay Tito."

"Pa, hindi pa ako tapos na pag-aralan si Chicken Me!"

"Nyahahaha..." Grabe! Hindi ko talaga mapigilan. Hahaha... "S-sige lang, ituloy mo lang," sabi ko nang tumingin ulit sila sa akin.

"Nak, nakausap ko ang manok mo. Ayaw na daw niyang mabuhay. Hindi niya kaya ang pinapagawa mo."

"Anong pinapagawa ko? Pa, gusto kong makapagsulat ng theory kung ilang taon ang ibubuhay ng isang native na manok."

"Iyon na nga. Ayaw niyang tumanda at mamamatay na lang ng hindi nagkakaanak."

"Pa naman! Nagpapaamo ka lang ng aso, hindi kumakausap ng manok. Kalokohan na makausap mo ang isang hayop!"

"Nak, maniwala ka. Nakausap ko talaga siya kahit tanungin mo pa si Tita Fatima mo."

"Maniwala ka sa papa mo Daryl," patango-tango pang sabi ni mama habang panay ang subo.

Kitang-kita sa mukha niya na nagagalit siya sa kanyang ama ngunit hindi niya magawang makipag-away dito ng matagal. Sumilay ang ngiti sa labi ko habang minamasdan ang pagsubo ni Daryl na puro kanin lang. Kahit hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal ni mama kay Tito Daniel ay hindi ko pa rin magawang magalit kay Tito dahil tinutulungan niya akong inisin ang nagmamagaling niyang anak.

"Nak, ayaw mo bang mag-ulam?" nag-aalalang sabi ni mama sa ampon niya.

"Hindi ako kumakain ng alaga ko."

"Sayang! Napakasarap pa naman ng luto ni Tito. Mmmm... Grabe, parang nasa langit na ako." Nang-iinis akong nakatingin sa kanya habang dahan-dahan kong sinusubo ang hita ng manok. Dahan-dahan ko rin itong ninguya habang sarap na sarap.

Tuluyan akong napahalakhak nang tumayo siya at iwan kami sa hapag kainan. Ang saya ng araw ko kapag nakikita kong naiinis si Daryl. Ang sarap sa pakiramdam. Mukhang ako na ang mananalo sa araw na ito.

----
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top