Kabanata 30 (Espesyal)
"Mami-miss kita," umiiyak kong sabi habang nakayakap ng mahigpit kay Daryl. Ayaw ko sanang iwanan siya dito sa Pinas pero pangarap kong maging isang cartoonist. Kaya kahit masakit para sa akin ay kailangan kung pumunta ng Japan para mag-aral. Hindi rin pwedeng sumama sa akin si Daryl dahil nag-aaral na siya ngayon ng veterinarian.
"Dadalawin ka namin doon, anak," sabi ni Mama dahilan para sumimangot ako.
"Ma, wala ka namang ibang ginagawa kundi pagsabihan at pagalitan ako. Huwag ka ng pumunta, yayain mo na lang si tito na magtravel sa ibang bansa."
"Grabe sya. Nanay niya, hindi niya namimiss pero boyfriend niya, kung makaiyak 'kala mo hindi na magkikita," nakasimangot na sabi ni Mama. "Anak ba talaga kita?"
"Opo, biological." Nagpahid ako ng luha para lang umiyak ulit habang nakatitig sa mukha ni Daryl. Ngayon pa lang ay miss na miss ko na siya.
"Huwag kang mag-alala Kim, sisiguraduhin kong dadalawin ka ni Daryl doon."
"Salamat tito," sabi ko sa papa ni Daryl. Naningkit ang mga mata ko nang may pumasok sa aking isipan. "Huwag mong subukang palitan ako, gagawin kong kalbaryo ang buhay mo."
Napangiti siya dahilan para tingnan ko siya ng masama. Akala niya nagbibiro ako.
"Kim, kami na ang bahala kay Daryl. Hinding-hindi ka niya mapapalitan sa puso niya," sabi ni Carlo.
"Tama, kapag niloko ka niya ay lulumpuin namin siya..."
"... at babalatan ng buhay," dugtong ni Dave sa sinabi ng kanyang kakambal.
"Ang brutal n'yo," ani Karen na sinang-ayunan ko. "Kim, kapag may ginawang kalokohan si Daryl dito, lilipad kami ni Dian at Katheren patungong Japan at sasamahan ka naming magluksa."
"Pagkatapos ay pupunta tayo ng bar..."
"... at maghahanap ng hapon," dugtong din ni Katheren sa sinabi ni Dian dahilan para tingnan sila ng masama ng mga lalaki.
Napatawa ako pero agad ding natigilan nang maramdaman ko ang pinong kurot ni Daryl sa aking baywang na kanina pa niya niyayakap.
"Guys, pinapalala n'yo lang ang sitwasyon," tukoy ni Sir Mike sa mga kaibigan namin. Kahit grumaduate na kami sa paaralan ng Jose Rizal Dipolog High School ay hindi nawala ang magandang relasyon namin sa kanya at sa kanyang asawa na si Ma'am Angel. Syempre, dahil parte kami ng love story nila. "Kim, kapag nagloko si Daryl, mas mabuti na ring magmove-on ka na ag---aray! Ang sakit mahal!"
"Puro ka kalokohan! Kim, huwag mo na silang pansinin. Mag-iingat ka doon."
Tumango ako sa sinabi ni Ma'am Angel saka sila niyakap isa-isa.
"Mami-miss talaga kita," parang maiiyak na naman akong kaharap siya. Ngumiti si Daryl at niyakap ako ng mahigpit.
"Magkalayo man ang mga lupa at may dagat mang namamagitan sa ating dalawa, gagawa pa rin ako ng paaraan para makita at makasama ka," bulong niya sa akin dahilan para kumalma ang puso ko.
"Nak, malapit na ang board time, pumasok ka na sa airport."
Nalulungkot akong humiwalay ng yakap kay Daryl dahil sa sinabi ni Mama. Siguro, hindi talaga lahat ng araw ay makakasama ko ang mga mahal ko sa buhay, may mga pagkakataon talaga na kailangan naming magkahiwalay pero kahit gaano pa man kalungkot ay kakayanin ko para sa hinaharap.
Kahit lagi ko namang nakakausap ang pamilya ko sa vedio call ay nararamdaman ko pa ring malayo ako sa kanila. Minsan natutulala na lang akong nakatingin sa kalangitan, nag-iisip kung kailan kami muling magkakasama. At sa tuwing gumigising ako, ang una kong tinitingnan ay ang kalendaryo, nagbibilang kung kailan matatapos ang taon.
Maayos naman ang pag-aaral ko. May mga naging kaibigan din ako pero iba pa rin 'yung lugar kung saan ako nabibilang. Yung alam nila kung sino at ano ako bilang ako.
Napasubsob ang mukha ko sa aking tuhod, pinipigilang huwag maiyak. Isang taon na ang dumaan, ngayon ay kaarawan ko na. Unang kaarawan na wala akong kasama. Nakakalungkot at nakakaiyak.
Patamad akong umalis sa kama para maligo. Mag-isa lang ako sa apartment, wala din naman akong pasok at nakakahiyang imbitahin ang mga kaklase ko ngayong wala naman akong hinandang pagkain. Lalabas na lang ako at icelebrate mag-isa ang aking kaarawan.
Malalim akong napabuntong-hininga bago binuksan ang pinto ng aking apartment ngunit natigilan ako nang makita ang lalaking isang taon ko ng gustong makita.
"D-da...ryl?"
"I miss you... Kate..."
Nahugot ko ang aking hininga nang marinig ang kanyang boses. "Daryl!" mangiyak-ngiyak akong napayakap sa kanya ng mahigpit at inamoy ang kanyang pabango. Nandito nga siya! Napapikit ako ng maramdaman ang paghaplos niya sa aking buhok.
"Happy birthday baby..."
Tuluyan na akong napahagulhol. Naglabasan ang nararamdaman kong pangungulila sa kanya. "Bakit ka nandito? Wala kang sinabi kahapon na pupunta ka dito."
"Alam kong mag-isa ka lang sa birthday mo. Naaawa ako, kaya sasamahan na lang kita."
Napasimangot ako. "Psh! Pumasok ka na. Kailan ka dumating? Mabuti't alam mo ang apartment ko."
"Kanina lang ako dumating." Itinabi niya ang kanyang maleta sa sofa bago ako sinundad sa kusina. "May sense of direction ako at marunong ako magtanong."
Muli ay napasimangot ako. Kanina pa niya ako binabara. Tsk! Nung una kasi akong dumating dito ay naligaw ako dahil hindi kami magkaintindihan ng hapong driver ng taxi.
"Kamain ka na ba? Hindi pala ako nakapagluto, sa labas na lang tayo kumain."
"May jet lag pa ako Kate pero kaya ko pang magluto. May lulutuin ka ba?"
Tumango ako bago kumuha ng apat na itlog at beef loaf sa ref. Mabuti na lang ay nakapag-grocery ako kahapon. "Ako na ang magluluto."
Nakangiti akong nagluto. Hindi naman pala malungkot ang kaarawan ko, si Daryl lang ay sapat na para maibsan ko ang pangungulila ko rin sa mama ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga si Daryl. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya at natutulog sa kama ko. Sana dito na lang siya palagi hanggang sa makabalik ako sa Pinas.
"Kate!" hiyaw ni Dian nang lumitaw ang kanyang mukha sa aking laptop. "Guys, nandito na ang birthday girl, kasama ang kanyang the one!"
Napapatawa ako nang magdikit-dikit sila para lang makuha sa camera at makita ko.
"Naks, gumaganda ka na Kim ah!" malokong sabi ni Dave.
"Siguro may nanliligaw na sayo diya-oy dude nandiyan ka pala," bigla ay likong sabi ni John Carlo nang umupo sa tabi ko si Daryl at harapin ang mga kaibigan naming maiingay.
"Anong sinabi mo Huwan?" naniningkit na tanong ni Daryl.
"Wala! Sige Kim, tutulungan ko muna ang mama mo sa paghahanda!"
"Sus, takot ka lang kay Daryl eh," komento ni Karen sa lalaki.
Napatawa kami nang umalis si John, maliban kay Daryl na hindi talaga nagustuhan ang sinabi ng lalaki. Nasa bahay sila ngayon, pinaghanda kasi ako ni mama. Samantalang, umorder ako ng birthday cake at ilang putahe ng pagkain para sa amin ni Daryl.
"Kim, bilhan mo ako ng pasalubong huh, pagbalik mo dito," ani Katheren.
"Sus, demanding, ako rin Kim," sigunda ni Carlo dahilan para makatikim siya ng palo sa mga babae.
"Wala akong pera dahil nandito ako para mag-aral. Dapat ako pa nga ang may regalo mula sa inyo dahil kaarawan ko ngayon."
"Huwag mo ng pansinin ang mga kaibigan mo, Kim," biglang pasok ni Sir Mike sa camera dahilan para manggigil ako nang makita ang anak niya. "Pagbutihin mo ang pag-aaral diyan."
"Yes sir! Hi, ma'am Angel!"
Kumaway sa akin si Ma'am saka ako binati ng happy birthday.
"Tabi! Tabi muna! Padaanin ang cake!" sigaw ni mama dahilan para magsialisan ang mga kaibigan ko. "Happy 20TH birthday anak," malambing niyang sabi. Nagpahid pa siya ng luha kahit hindi siya naiyak. Nasa tabi niya si tito na binati din ako.
Napatawa ako ng muli silang magsiksikan sa camera para lang talaga makita ko at maramdaman kong kasama ko sila sa aking kaarawan.
"Happy 20th birthday baby..."
Mangiyak-ngiyak akong tumingin kay Daryl nang iharap niya sa akin ang cake. Kasabay ng pagblow ko dito ay ang pagblow din ni mama sa cake na hawak ni Tito. Kinantahan nila ako bago sila dumalo sa mesa para kumain. Maliban sa magkambal na gusto pa yatang makipagdaldalan sa akin.
"Dude, paalala ko lang huh, 20 pa lang si Kim, 20!" ani Dave dahilan para kumalat ang init sa aking mukha.
"Ugok! Kung anu-ano ang sinasabi mo!" nakasimangot na sabi ni Daryl nang maramdaman niya ang aking pagkailang.
"Kim, alam mo bang may babaeng umaaligid kay Daryl? Mia, mia ang pangal----" natigilang sabi ni John Carlo ng takpan ang kanyang bibig ng kanyang kakambal ngunit kahit hindi niya natapos ay alam ko ang kasunod nito. Nakaramdam ako ng inis nang may kumirot sa aking dibdib.
Mapagduda akong tumingin kay Daryl ngunit nagkibit-balikat lang siya at nagsimulang kumain. "May babaeng umaaligid sayo pero wala kang sinasabi, sino si Mia?"
"Kaklase ko. Hindi siya importante Kate."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baso nang hindi man lang niya ako sinulyapan. Ang inis ay napalitan ng galit at pagtatampo, siguro dahil nagseselos ako. May babaeng umaaligid sa kanya samantalang nandito akong girlfriend niya sa ibang bansa, malayo at hindi siya nakakasama.
"Kumain ka na."
Paano ako makakain kung nababahala ako sa sinabi ni John Carlo. Madaling matukso ang lalaki kung may babaeng umaaligid sa kanila. Paano kung-paano kung m-akalimot siya?
Natitigilan akong napalayo sa kanya. Nang mapansin niya ang aking ginawa ay nagtataka siyang tumingin sa akin ngunit agad ding lumambot ang kanyang mga mata nang makuha ang ibig sabihin ng takot sa aking mga titig.
"Ikaw lang ang mamahalin ko Kate..." malambing niyang sabi dahilan para tuluyang tumulo ang aking mga luha. Nababahala niyang hinawakan ang aking mukha at pinahid ng hinlalaki niyang daliri ang aking mga luha.
Bumuhos ang pangungulila at takot na nararamdam ko. Gusto kong pigilan ang sarili pero ayaw humupaw ang lungkot sa aking dibdib. "Mahal na mahal kita, baby..." napapangiti niyang sabi.
"B-bakit ka ngumingiti? Natutuwa ka bang makitang nasasaktan ako?"
"Of course not." Napabuntong-hininga siyang niyakap ako. "Natutuwa ako dahil nagseselos ka. Kahit sigawan mo pa ako at pagalitan dahil hindi ko sinabi sayo, still, matutuwa pa rin ako. At isa pa, hindi ko pwedeng sabayan ang init ng ulo mo Kate. Girlfriend kita, at kapag nag-aapoy ka sa galit ay dapat mananatili akong kalmadong tubig para hindi na lumaki ang pag-aaway natin. Ayaw kong matulog tayo ng may tampuhan, baka ayaw mo na akong kausapin kinabukasan."
Kinalma ko ang aking sarili. Nangako siyang ako lang, kaya dapat akong magtiwala. Natapos ang araw na nandito lang kami sa bahay. Ayaw gumala ni Daryl, nakakatamad daw. Tatlong araw naman ang pananatili niya dito sa Japan. Susulitin na lang naming dalawa ang natitirang araw para mamasyal at kumain sa labas. Aabsent na lang ako ng isang araw para makasama siya sa natitira niyang araw dito bago siya umuwi sa Pinas.
"Matulog na tayo."
Napaungol ako nang mapatingin ako sa wall clock. "Maaga pa."
"Wala akong tulog kagabi Kate. Kailangan kong magpahinga."
Napasimangot akong tumuyo, yumakap sa kanya at tumungtong sa dalawa niyang mga paa. Lumakad siya patungo sa kama dahilan para mapapaatras din ang aking mga paa.
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang lumabas siya ng kwarto.
"Matutulog sa couch."
"Sa couch? Bakit ayaw mong matulog dito sa kama? Malaki naman ito at kasya tayo."
"Hindi pwede."
Napaisip ako. "Bakit? Hindi naman ito ang una nating pagtatabi."
"Lalaki ako Kate at babae ka naman."
Nag-init ang aking pisngi nang makuha ang ibig niyang sabihin. "Tsk! Bahala ka, goodnight." Kinakabahan akong nagbalot ng kumot. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ang tunog ng pagsarado ng pinto.
----
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top