Kabanata 28

Mga ingay ng ibang studyante at kubyertos lang ang maririnig sa aming mesa. Kompleto kaming lahat pero parehong ayaw magsalita, nakatingin lamang sa pagkain at walang ganang kumain. Masama man pero hindi namin mapigilan na hindi mapabuntong-hininga sa harap ng pagkain. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin kami sa mangyayari sa section-0.

Napaigtad ako nang marahas na tumayo si John Dave dahilan para tumunog ng malakas ang kanyang upuan at mapatingin sa amin ang mga studyante sa kabilang mesa.

"Umalis na tayo kambal! Dapat simula ngayon ay hindi na tayo sumasama sa kanila. Magkanya-kanya na lang tayo," inis niyang sabi bago sinulypan ng masama si Daryl na nasa aking tabi at tahimik na pinaglalaruan ang pagkain.

"Dave," nag-aalala kong sabi. "Itatapon mo na ba ang pagkakaibigan nating lahat?"

"Parang ganun din naman ang mangayayari Kim," malungkot na sagot ni John Carlo.

"Kailangan ba talagang mag-away-away pa tayo at hayaang mabuwag ang ating pagkakaibigan? May pinermahan tayong kontrata, nakalimutan n'yo na ba? Sa karangalan at kabiguan, sa kaseryosohan at sa mga kalokohan, sa saya at sa lungkot ay magkakasama tayo na parang magkakapatid. At kahit wala ang kontrata ay magkaibigan pa rin tayo na hindi dapat nag-iiwanan."

Tiningnan ko silang lahat ngunit pinili nilang huwag sumagot. Nalulungkot akong binitawan ang sandwich na hindi ko pa nakakagatan. Ayaw ko sa kanila nung una ko silang nakita pero ang dami na naming pinagdaanan, ayaw kong mawala ang mga alaalang unti-unti pa lang naming binubuo. Nakakalungkot dahil handa na silang sumuko.

"I'm sorry," biglaang sabi ni Daryl dahilan para mapatingin kami sa kanya at matigilan sa pag-alis ang magkambal.

Matagal ko ng kilala si Daryl, alam kong nalulungkot din siya sa mga nangyayari. Kahit hindi niya pinapakita, alam kong tinuturing na rin niyang kaibigan ang aming mga kaklase.

"Tsk, you should be," asar na sabi ni Carlo.

"Nung una ay balak ko talagang bumalik sa section-1 pero sa tuwing nakikita ko ang talunan ninyong mukha ay parang gusto kong samahan at gabayan na lang kayo."

"Tsk, ang yabang!" Binato ni Dave ng balat ng saging si Daryl na nailagan naman ng huli pero hindi niya nakita ang kasunod na pagbato ni John Carlo dahilan para tumama ito sa kanyang noo. Masamang tingin ang ibinigay niya sa magkambal.

Nakahinga ako ng maluwag nang magtawanan ang mga lalaki.

"Bakit kayo nagtatawanan? May solusyon na ba tayo?" nagtatakang sabi ni Katheren.

"Umapela tayo sa management. Magpapasa tayo ng mga dahilan kung bakit hindi tayo papayag na buwagin ang section-0."

"Tama!" hiyaw ni Dian, pareho kaming nabuhayan ng loob. "Ang galing mo talagang mag-isip Daryl. Bigyan natin sila ng isang daang pages ng dahilan para mapagod sila sa pagbabasa at payagan na lang tayo."

"Dapat 'yung mga sinabi natin kanina ay sinulat ko na lang," ani Karen.

Napapangiti akong tumingin kay Daryl na nakatingin din pala sa akin. Natatawa niyang kinuha ang naligaw kong buhok sa mukha at nilagay sa likod ng aking tainga bago lumapit sa akin at bumulong.

"Hindi ako papayag na mawala sayo ang mga taong naging dahilan kung bakit binigyan mo na ng atensyon ang pag-aaral."

Nahugot ko ang aking hininga habang nakahawak ako sa puso kong napakabilis ng pagpintig. Napakaswerte ko talaga sa lalaking ito dahil lagi siyang nandiyan, handa akong samahan at suportahan. Tama nga si mama, saan kaya ako pupulutin kung hindi niya ako ginabayan? Noon ay lagi ko siyang iniinis pero ako talaga ang naiinis, itinatak ko na kasi sa isip ko na malas siya sa buhay ko pero ang totoo, siya ang nagbibigay swerte sa akin.

Tuwing break time, gamit ang laptop ni Daryl ay gumawa kami ng request letter na hindi kami pumapayag na buwagin ang section-0. Nilagyan namin ito ng sampung dahilan, na may signature namin at approve ni Sir Mike. Nang mag-uwian ay naipasa pa namin ito ni Ma'am Katakutan pero hindi pa rin namin maiwasang hindi malungkot. Para kaming binagsakan ng langit at lupa habang nagpapalitan ng buntong-hininga.

"Grabe talaga si Ma'am Katakutan. Malaki yata ang galit niya sa atin?" malungkot pero naiinis na sabi ni John Carlo.

Sinabihan kasi kami ni Ma'am Katakutan na huwag ng umasa pero nangako naman siya na ipaparating niya sa management ang aming hinaing.

Bagsak ang mga balikat namin habang binabaybay ang isang eskinita ng Rizal ngunit natigilan kami nang may sampung lalaking humarang sa amin. Para silang mga gangster, malalaki ang mga katawan, mahahaba ang mga buhok at may bitbit silang mga pamalo.

Kinakabahang lumapit sa akin sina Dian, Katheren at Karen. Humarang naman sa aking harapan si Daryl at sa unahan niya ay sina Carlo, John Dave at John Carlo.

"Carlo Montes," sabi ng lalaking nasa unahan, mukhang leader nila.

"Anong kailangan mo? Gusto mo ng away? Mabuti dahil kaninang umaga pa mainit ang ulo ko!" galit na sigaw ni Carlo na agad namang hinawakan ng magkambal para pakalmahin.

Napangisi ang mga lalaki. "Sisiguraduhin naming malulumpo ka ngayon at isasama na rin namin ang mga kasama mo."

Kinakabahan akong napahawak sa kamay ni Daryl, hindi namin kakayaning labanan sila. Wala kaming bitbit na sandata maliban sa packbag na aming dala. Lumingon siya sa aming mga babae, tumitig, nang makuha namin ang kanyang ibig sabihin ay dahan-dahang lumapit si Dian kay Carlo.

"Guys takbo!" sigaw ni Daryl dahilan para hilahin ni Dian si Carlo at sumunod sa aming tumakbo.

"Anak ng---- bumalik kayo dito!" rinig kong sigaw ng kalaban habang hinahabol kami.

Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Daryl, hinayaan ko siyang hilahin ako dahil sa totoo lang ay wala ang isip ko sa pagtakbo kundi nasa aming mga kaibigan at sa mga lalaking humahabol sa amin. Panay ang lingon ko sa mga kaibigan naming sumusunod lang din sa amin.

Lumiko kami sa isang maliit pa na eskinita, huminto si Daryl at sinimulang tumbahin ang mga drum sa gilid. Agad din kaming tumulong, nang makitang malapit na sa amin ang mga humahabol ay agad na naman akong hinila ni Daryl. Muli ay lumiko kami sa ibang eskinita.

"Dito tayo magtatago! Pasok!" sigaw ni Daryl.

Nagsiksikan kami sa isang public comfort room. Pigil namin ang hininga hindi dahil takot kami na marinig ng mga kalaban kundi dahil sa mabahong amoy ng comfort room. Rinig namin ang mga nagtatakbong yapak sa labas, nang masigurong wala na ang mga gangster ay nagtutulakan kaming lumabas.

"Pwe! Kadiri naman ang pinili mong lugar Daryl?" inis na sabi ni Karen habang naglalakad ng mabilis pabalik sa aming pinanggalingan.

"Putek! Nasira tuloy ang beauty ko sa kakatakbo. Ikaw naman kasi Carlo, ginalit mo pa!"

"Bakit ba tayo tumakbo? Isipin pa nilang mga duwag tayo," hindi pinansin ni Carlo ang sinabi ni Katheren dahilan para mangati ang kamay kong batukan siya.

"May mga babae tayong kasama dude. Madadamay sila kapag lumaban pa tayo," ani Daryl na sinang-ayunan namin.

"Sandali guys pahinga muna tayo," sabi ni Dian. Naupo siya sa gilid ng eskinita habang hinahabol ang hininga. "Carlo, ito payo ko bilang kaibigan, magbayad ka na ng utang sa kanila."

"Wala akong utang! Hindi lang nila matanggap na natalo ko ang leader nila sa suntukan."

Putek! Ang paghahanap niya lagi ng suntukan ang magpapahamak sa amin.

"Ayos ka lang ba Karen?" ani Dave dahilan para mapatingin kami sa dalawa. Namumula ang mukha ni Karen habang chini-check siya ni Dave kung may sugat ba siyang natamo.

"Hoy! Hoy! Ano 'yan? May something ba sa inyo?" nagdududang tanong ni Katheren.

"W-wala!"

"Defensive," natatawa kong sabi nang mabulol si Karen.

"Bakit ba ako ang pinapakialaman ninyo? Hindi n'yo ba napapansin na kanina pa nakaholding-hands sina Daryl at Kim."

Agad akong pinamulahan ng mukha nang mapatingin sila sa kamay namin ni Daryl. Nagulat ako ng bigla akong hilahin ng mga kababaihan, samantalang hinila naman ng mga lalaki si Daryl.

"Sabihin mo, kayo na ba?"

Napapangiti akong tumango sa tanong ni Dian. "Nagkaaminin kami kagabi."

Naghiyawan sila bago ako niyakap ng mahigpit. Napatingin ako kay Daryl na nakatingin din pala sa akin habang hinahayaan niyang batukan siya ng mga lalaki.

"Ang lupit mo dude. Anong nakita mo kay Kim?"

"Hoy, John Carlo narinig ko 'yun. Loko 'to," inis kong sabi sa lalaki habang lumalapit sa kanya at sipain siya sa paa.

"Oo nga dude, anong nakita mo kay Kim?"

Marahas akong lumingon kay John Dave. Sisipain ko rin sana siya katulad ng kanyang kakambal ngunit agad siyang naglakad palayo sa amin.

"Ang dami kong nakita sa kanya. Sa sobrang dami, lamang ang hindi maganda."

Abat!

"Pero... iyon ang mga dahilan kung bakit minahal ko siya ng sobra."

Napahinto ako sa paglalakad, puno ng pagmamahal habang tinititigan ko ang likuran ni Daryl. Naririnig ko man ang hiyawan ng aming mga kaibigan pero mas malakas ang pintig ng puso ko.

"Grabe, sweet pala si Daryl kapag nagmahal," kinikilig na sabi ni Katheren na sinang-ayunan ni Dian.

"Tama, hindi na ang Daryl na tahimik at seryoso ang nakikita ko kundi ang masayahin at mapagmahal na si Daryl."

"Ang swerte mo talaga sa kanya, Kim."

Napapangiti akong tumango sa sinabi ni Karen. Napakaswerte.

"Dito na ang daan namin, mag-ingat kayo." Kumaway ako sa aming mga kaibigan bago sumunod kay Daryl at binaybay ang daan patungo sa aming bahay.

"Inabot na tayo ng gabi," aniya.

Ayos lang para sa akin dahil kasama naman kita, gusto kong sabihin sa kanya pero nahihiya ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang naging kami ng mortal kong kaaway.

Malapit lang ang bahay namin sa paaralan pero dahil sa nangyari kanina ay napapalayo kami. Mabagal din kaming maglakad ni Daryl, hindi ko alam kung sinasabayan lang ba niya ako o gusto rin niya akong makasama ng kami lamang dalawa.

"Kate..." Ito na ang pinakamalambing na pagtawag niya sa aking pangalan. Mula noon at hanggang ngayon ay Kate ang pinakagusto niyang itawag sa akin.

"Mmm..."

"Kate..."

Napatawa ako sa kakulitan niya. "Bakit ba?"

"I love you..."

Napayuko ako para itago sa kanya ang mukha kong nagliliyab sa hiya. Napahinto ako sa paglalakad nang tumigil siya at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Wala kang isasagot?"

"Nagtatanong ka ba?" Pinigilan ko ang sariling huwag matawa nang sumimangot siya. Cute... Bago pa siya magtampo ng tuluyan at lampasan ako ay sinalubong ko na ng halik ang kanyang mga labi. "I love you too," nahihiya kong sabi ngunit puno ng paglalambing at pagmamahal. Umawang ang kanyang bibig, tila nagulat sa aking ginawa, dahilan para makatakbo ako palayo sa kanya at makapasok sa aming bahay.

----
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top