Kabanata 27
Aray...
Napahawak ako sa aking ulo ng sumakit ito na parang mabibiyak. Napaupo ako sa kama, napapikit habang inaalala ang nangyari kagabi. Ang natatandaan ko ay hinila niya ako palabas ng kusina nang bigla akong mapaiyak dahilan para mag-alala siyang humarap sa akin. Kumapit ang mga braso ko sa kanyang leeg at ang mga hita ko naman sa kanyang baywang. Inis na inis kong sinapak ang kanyang mukha. Nakasuporta naman ang mga braso niya sa aking baywang at hinahayaan ang aking ginagawa.
"Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga Daryl!" suminghot-singhot kong sabi.
"Bakit ka na naman naiinis sa akin? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?"
Tumango ako pero umiling din agad. "Nagustuhan ko ang sinabi mong mahal mo ako dahil mahal din kita pero---" napahagulhol akong isiniksik ang mukha sa kanyang leeg. "pero pinapaasa mo lang ako. Bakit nakalimutan mo ang sinabi mo kagabi?"
Bakit?
"H-huh?" bulong ko nang may sinabi siya. Muli siyang nagsalita pero biglang sumakit ang aking ulo dahilan para mamilipit ako sa sakit. Ramdam kong hinihila na ako ng antok.
Damn! A-anong ginawa ko? Nakakahiya!
Napagulong ako sa kama dahil sa inis. Bakit ko nagawa ang mga kalokohan na iyon? Nakakainis, para akong batang naagawan ng candy.
Alam na tuloy ni Daryl na mahal ko rin siya. Paano kung pinagtitripan lang talaga niya ako? Putek! Siguradong humahalakhak na siya sa tuwa ngayon. Pambihira Kimberly Kate Diaz, hindi mo ginagamit ang utak mo!
"Hoy, Kimberly! Wala kang balak mag-agahan? Baka gusto mo sa hapunan ka na kumain!" nakapamaywang na sabi ni mama nang pumasok siya sa aking kwarto.
Mangiyak-ngiyak akong umupo sa kama at tumingin sa aking ina na pinanlakihan lang ako ng mga mata.
"Bumangon ka na diyan, kumain na tayo."
Anong gagawin ko? Pwede bang dito na lang ako sa aking kwarto habang buhay?
"Kimberly Kate Diaz, hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Kukurutin kita sa gilagid kapag hindi ka pa bumaba."
"Oo na, andiyan na." Patamad akong umalis sa kama at sumunod sa dragon kong ina. Tsk, bahala na! Kapag aasarin ako ngayon ni Daryl, sasabihin ko ring joke 'yun.
Tuloy-tuloy kami sa kusina, una kong nasilayan ang nakangiting mukha ni Daryl habang nakatingin sa akin. Agad akong inatake ng kaba at panginginit ng aking pisngi. Putek! Kim, bakit nauunang magreact ang puso mo? Pwede bang utak ang pairalin mo. Sabihin mo na, sabihin mo ng joke lang yun.
"Ma, hindi pa pala ako gutom! Naalala kong inaantok pa ako!" Nagmamadali akong tumalikod para umalis ngunit natigilan ako nang sumigaw ang aking ina.
"Subukan mong huwag kumain Kimberly, tatarak itong tinidor sa ulo mo."
Putek, ang brutal talaga ng nanay ko.
"Tita, pa, may dapat kayong malaman tungkol sa amin ni Kate."
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Daryl, nagtatanong kong anong meron sa aming dalawa pero hindi nakuha ng lalaki ang ibig sabihin ng aking mga titig. Tumayo siya at lumapit sa akin bago humarap sa mga magulang naming nakataas ang mga kilay.
"Kate and I are in relastionship."
"Huh?" gulat kong sabi sa pasabog niya.
"Buntis na ba siya?"
"Ma!"
Paano niya nasasabi ang bagay na iyon? Mas ako pa ang nagulat kaysa sa aming mga magulang. Hindi ba sila galit? Hindi niya ako papatayin? Paano nila nagawang maging kalmado ni Tito?
"Mabuti naman," sabat ni Tito. "Nak, ngayong kayo na ni Kimberly, dapat alam ninyo pareho ang inyong limitasyon. Malayo pa ang mararating ninyo, huwag masyadong magmadali."
"Opo pa. Makakaasa kayo Tita."
Nahugot ko ang aking hininga nang tumango ang dalawang matanda bago bumalik sa pagkain. "H-hindi kayo galit? Ma-magkapatid kami."
"Hindi kayo magkadugo. Ang dahilan kung bakit hindi ka pinilit ng tito mo na gamitin ang kanyang apelyedo ay dahil alam na naming darating kayo sa sitwasyong ito. Ganyan kami noon, magbestfriend pero higit sa magkaibigan ang pagmamahalan," sabi ng aking ina na sinundan pa ng kilig. "Bata pa lang kayo ay nakita na naming nakatadhana kayo para sa isa't isa. At mabuti na ring ganito nak, mapapanatag ako, hindi ko alam kong saan ka pupulutin kung hindi si Daryl ang makatuluyan mo."
"G-grabe kayo sa kung saan pupulutin, ano ako hindi marunong sa buhay?"
"Oo."
"Ma," napaiyak akong lumapit sa kanya at niyakap ang kanyang leeg mula sa kanyang likuran. "I love you."
"I love you too, sige na magseselos na sayo ang anak kong si Daryl."
"Pssh!" Pinagpipilitan talaga niyang angkinin si Daryl. Napasimangot ako ngunit agad ding napangiti. "Hala!" Natigilan ako at napatingin kay Daryl. "Mauna na kayong kumain ma, tito. May pag-uusapan pa pala kami!"
Agad kong hinila si Daryl sa aming garden at masama siyang tiningnan. "Anong sinasabi mong in relationship tayo?"
"Bakit hindi pa ba?" kunot-noo niyang tanong. "Sinabi mo kagabi na mahal mo ako."
"Nasabi ko lang iyon dahil galit ako. Nalasing ka sa outing natin tapos sinabihan mong mahal mo ako pero kinaumagahan ay wala kang maalala! Pinaloloko mo ba ako? Ako nga ay natatandaan ko ang ginawa ko kagabi! Paano kung---"
"I meant it."
"Huh?"
"Seryoso ako sa sinabi kong mahal kita Kate at hindi ko nakakalimutan ko paano kita hinalikan."
Napatuptop ako sa aking bibig habang nanlalaki ang aking mga mata. Inis ko siyang sinipa sa hita dahilan para mapahiyaw siya.
"Para saan 'yon?"
"Para saan yon, tsk! Bakit sinabi mong hindi mo maalala? Iniinis mo ba ako? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa puso ko na wala kang maala--- a-anong ginagawa mo?" gulat kong tanong nang bigla na lang niya akong niyakap.
"Nagawa ko lang yun dahil gusto kong malaman ang nararamdaman mo. Kung hindi ka umamin kagabi ay yayayain kita ngayong lumabas at aaminin sayo kung gaano kita kamahal ng hindi ako lasing."
Nahugot ko ang hininga, bumuka ang aking bibig ngunit wala akong mahanap na salita. Nasa mga bisig ako ngayon ni Daryl, ang tainga ko ay nakatapat sa puso niyang napakalakas ng pintig tulad ng akin. Ang kaba na nararamdaman ko noong inamin kong may gusto ako sa kanya ay walang-wala sa kaba ko ngayon. Parang sasabog ang puso ko at tila hindi ako makahinga. Nanlalamig ang aking mga kamay at nanginginig ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko ay hindi ko hawak ang buhay ko ngayon kundi hawak niya.
"Kumain na tayo, magtataka sila kapag natagalan tayo dito," nakangiti niyang sabi bago ako hinila papasok. Napatingin ako sa aming mga kamay habang hinihimas ng isa kong kamay ang buhok kong dinampian niya ng halik.
Parang panaginip lang ang lahat. Ang mortal kong kaaway noon ay mortal ko ng nobyo ngayon.
Lunes. Walang katumbas na saya ang nararamdaman ko ng sabay kaming pumasok ni Daryl sa paaralan ngunit ang saya ay biglang napalitan ng lungkot nang i-announce ni Sir Mike na bubuwagin na ang section-0 at ililipat kami sa iba't ibang section. Noon ay ayaw kong maging kaklase si Daryl pero ngayon ay hindi ko na kayang makita siya sa section-1 habang umaaligid si Jane.
"Bakit ba sir? Masaya na kami dito?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Karen.
"Alam naman ninyo kung bakit tinatag ang section-0 at itapon kayo dito," malungkot ding sabi ni Sir. "Pero nakita ng management na nag-improve kayo sa pag-aaral. Panahon na para ilipat kayo sa ibang section na may karangalan."
"Hindi namin kailangan ng karangalan ng ibang section. Ang section-0 ay sapat na para sa amin," angil ni Carlo na sinundan din ni Dave.
"Kahit patapon ang section na ito ay dito kami pinagtagpo. Dito nabuo ang aming pagkakaibigan at dito kami sabay natuto bilang isang studyante."
"Sa section na ito ay wala kaming kakompetisyon dahil tinuturing kami ni Daryl na ka-lebel niya. Hindi namin kailangang mapressure. Hindi namin kailangang magpakamatay sa pag-aaral dahil lang takot kaming mapag-iwanan ng iba," umiiyak na sabi ni Katheren.
"Sa section na ito kami natuto para ipaglaban ang aming karapatan. Nagsikap kami para tulungan ang isa't isa. Nagsikap kami para ipakita sa ibang section na kahit patapon ang section-0 ay may kakayahan din kaming umangat," umiiyak ring sabi ni Dian dahilan para mapaiyak ako ng tuluyan.
Nagpahid ako ng luha. "Sir, lakas namin ang isa't isa. Bakit nila kukunin ang isang lugar kung saan nakaramdam kami ng comfort zone?"
Napayuko si Sir, nag-isip bago muling tumingin sa amin. "Naiintindihan ko ang nararamdaman ninyo ngunit deserve ninyong makapasok sa isang silid na may maipagmamalaki. Hindi ako magaling sa salita pero please intindihin ninyo ang aking sinabi. Halimbawa, katulad ni Daryl, alam ninyang babalik siya sa section 1 kapag natapos ang pangalawang semester dahil nandoon ang... ang kalebel niya."
Gulat kaming napatingin kay Daryl. Nakayuko lamang siya at hindi nagsasalita.
"Totoo ba ang sinabi ni Sir Mike, dude? Iiwan mo rin ang section na ito?" inis na sabi ni John Carlo.
Napahawak ako sa aking bibig upang pigilang huwag humagulhol nang tumango siya. "Isa sa mga kondisyon ng management para payagan nila akong pumasok sa section-0."
"Oo nga pala, nakalimutan namin na ang isang matalinong studyante ay pinili ang patapong section para lang gabayan si Kim, ngayon nag-aaral na ng mabuti si Kim ay oras na para bumalik siya sa lugar kung saan siya nababagay," sarkastikong sabi ni Dave.
Malalim na napabuntong-hininga si Daryl. "Nasa iisang paaralan lang naman tayo, kung mailipat man tayo sa iba't ibang section ay may pagkakataon pa rin tayong magkita."
"Hindi lang iyon ang punto namin Daryl," nalulungkot na sabi ko. "Masaya ako dahil babalik ka na sa section na para sa lebel mo. Masaya ako dahil hindi ko na masyadong masisisi ang sarili ko kung bakit ka napunta sa patapon na section na ito, pero nalulungkot din ako dahil sa section na ito nabuo ang pagkakaibigan ng lahat. Dito kami nagsikap na maabot ang sinasabi nilang improvement. Ang mga nabuong tawanan, kalokohan at kabiguan ay dito nangyari, ang dahilan kung bakit pinili naming pumasok pa rin sa paaralan para maramdaman ang saya na dulot ng lahat. Nalulungkot kami dahil bigla na lang mawawala, na bigla... iba na ang aming mga kasama." Humugot ako ng hininga para pakalmahin ang puso kong naninikip sa lungkot. "Oo nga't magkikita pa rin tayo pero mawawala ang saya tuwing break time natin, ang pagtutulungan tuwing may problema tayo, mga tawanan kapag may naabot tayong karangalan para sa section natin, mga pagkakataon na lahat tayo ay nagagalit dahil nilalait tayo ng ibang studyante. Nakakalungkot lang dahil ang mga lubid na pinagbuklod tayo ay bigla na lang mapuputol."
Nung unang araw namin sa silid na ito ay nagsimula at nangyari ang mga kalokohan na aming ginawa, sa mga panahon na nag-exam kami para makabalik ako sa pag-aaral mula sa pagkaka-suspended, sa mga panahong nagpaplano kami para sa panliligaw ni Sir Mike at sa outing, at sa mga panahong napuno kami ng tuwa nang may naipanalo kami sa Competition of Sports and Arts. Ang section na patapon man sa iba pero biyaya para sa amin.
----
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top