Kabanata 24
Utang na loob Daryl, umalis ka na sa isipan ko at patulugin naman ako!
"Kimberly Kate Diaz! Akala ko ba ay nagbagong buhay ka na? Anong oras na? Wala ka bang planong pumasok?"
Tamad akong lumingon sa pintuan dahil sa mabunganga kong ina. Tapos na akong magbihis ng aking uniform, mabagal lang talaga akong kumilos sa umagang ito. Nagising ako kaninang napakabigat ng pakiramdam at ang putek na may kasalanan ay walang iba kundi ang ampon kong kapatid.
"Bakit ba ang bagal mong kumilos?" bungad niya nang makapasok sa aking silid. "Bakit ganyan ang mga mata mo? Nangaswang ka ba kagabi?" Hinawakan niya ang aking mukha at sinipat akong mabuti. Sabay kaming napalingon sa salamin. Kahit ako ay natakot sa laki ang aking eye bags, mangitim-ngitim pa ang ilalim nito at naninilaw ang aking mga mata.
"Ohsya, bilisan mo diyan at kumain," huling sabi niya bago ako iniwan.
Laylay ang balikat kong sumunod sa kanya. Sa bigat ng aking katawan ay hindi ko halos maihakbang ng maayos ang aking mga paa. Tinatamad ko na lang itong hinihila palakad.
Naabutan ko si Daryl sa harap ng mesa habang nagbabasa ng diyaryo, hawak naman ng isa niyang kamay ang kape at sumisipsip ng mabagal. Hindi ko talaga maintindihan kong bakit nagustuhan si Daryl. Minsan seryoso siya at hindi nagsasalita, minsan palasalita at nang-aasar, minsan matured at parang matanda, minsan nakakabwesit at ang sarap sapakin at minsan napakasweet at maaalalahanin. Alin sa ugali niya ang nagustuhan ko para mabaliw ako at abandunahin ng antok? Araw-araw ko naman siyang nakakasama at nakikita, bakit pinaglaanan pa siya ng utak ko para isipin? Tsk, kainis!
Padabog akong umupo sa kanyang harapan dahilan para kunot-noo siyang tumingin sa akin pero mayamaya lang din ay napapangiti.
"May laban ka ba kagabi?" pang-aasar niya dahilan para tirikan ko siya ng mata.
Napangiti ang lalaki dahilan na nagngitngit ang aking kalooban. Bakit sa aming dalawa, ako ang higit na minalas at pinaglaruan ni Kupido? Malalim akong napabuntong-hininga bago sunod-sunod na sinaksak ang pandesal at hotdog sa aking bunganga.
"Nanalo ka ba?" hindi pa rin tapos niyang pang-aasar habang amaze na amaze siyang nanonood sa akin. Itinabi niya ang diyaryo at humalukipkip akong tiningnan.
"Hindi ako adik para mag-ML," inis kong sagot bago sumubo pa dahilan para mabilaukan ako.
Tuluyang napatawa ang lalaki habang inaabot niya sa akin ang kanyang kape. Hindi ko sana kukunin kung may tubig lang sa mesa. Malayo ang ref kaya wala akong nagawa kundi inumin ang kanyang kape. Napahimas ako sa aking dibdib nang magdulot ng kirot ang pagkain sa aking lalamunan.
"Kung nanalo ka ay e-celebrate natin."
"Hindi nga ako nag-ML kagabi," inis kong sigaw bago tinapos ang pagkain.
Napakunot-noo ako at nanggigigil na tinitingnan ang mga taong nasa aming unahan. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito at sinabayan pa akong pumasok sa paaralan. Pwede naman siyang mauna, ganoon naman ang ginagawa namin noon. Naiinis ako na natutuwa. Naiinis ako dahil malapit ko ng hindi makontrol ang aking nararamdaman para sa kanya, at natutuwa dahil nakakasama ko siya lagi. Kahit anong denial ng aking utak ay mapilit si puso. Nagdiriwang siya sa saya ng hindi pinapansin ang sigaw ng aking isipan.
"Mapapaaway tayo kapag napatingin sayo ang mga taong iniirapan mo at hinahabaan ng nguso."
Nanliliit ang aking mga matang tumingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Ano kaya kong sasabihin ko sa kanya ang aking nararamdaman? Kung ma-reject ako ay may rason ako para magmove-on pero sana pareho kami ng nararamdaman. Kapag pareho naman kami, mapapatay ako ni mama... ahh! Malapit na talaga akong mabaliw!
"Anong meron sa mukha ko at napapatitig ka?"
"Ang panget mo!" sabi ko bago binilisan ang paglalakad at iwanan siya pero nakita ko pa ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang sarili na hindi mapangiti. Napahawak ako sa aking dibdib ng pumintig na naman ito ng mabilis at hinayaan ang sariling kiligin.
Napaigtad ako nang umakbay siya sa akin at guluhin ang aking buhok. Mas mataas sa akin si Daryl kaya parang naiipit ako sa kanyang kilikili. Aalisin ko sana ang kanyang mga braso pero ayaw gumana ang mga kamay ko, tila nahuhumaling na rin ang utak ko at hayaan ang lalaki na makalapit sa akin.
"Kung panget ako, mas panget ka," natatawa niyang sabi dahilan para pakawalan ko ang mahina kong pagtawa.
Amputek! Hindi ko mapigilan ang kilig na aking nararamdaman. Hahayaan ko na lang ang aking sarili, hindi ko na pipilitin pang lumayo sa kanya. Kung mapapatay ako ni mama, bahala na...
Napapangiti akong bumangon mula sa pagkakasubsob ko sa armchair at nag-unat ng braso. Nangalay ako pero ayos lang dahil nakatulog ako ng maayos at ngayon ay hindi na mabigat ang aking pakiramdam. Wala kaming guro sa isa naming subject dahil may meeting ang buong mga guro.
"Ano bang ginawa mo't hindi ka nakatulog kagabi?" inis na sabi sa akin ni Dave.
Ngayon ko lang napansin, nakatingin pala sila sa akin, maliban na lang kay Daryl na nagbabasa ng libro.
"Alam mo bang hindi namin magawang mag-ingay sa free hour natin dahil nagagalit si Daryl?"
Gulat akong napatingin kay John Carlo dahil sa kanyang sinabi. Nilibot ko pa ang tingin para masiguradong nagsasabi siya ng totoo, at tila kiniliti ang puso ko ng tumango ang lahat. Napapangiti akong lumingon kay Daryl pero seryoso pa rin siyang nagbabasa at tila, walang pakialam sa pag-uusap namin.
"Ano bang dahilan ng pagpupuyat mo? Sabihin mo sa amin para masolusyunan natin," kunot-noong sabi ni Carlo.
"Wala," natatawa kong sabi.
"Kim, siya ba ang dahilan kung bakit hindi ka makatulog?" ani Karen dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong natigilan sa pagbabasa si Daryl at tumingin sa akin. Para tuloy akong sinisilaban sa aking kinauupuan ng mapagduda silang bumaling sa akin.
"Sinong siya?" curious na sabi ni Dian na sinundan ni Katheren.
"Ang daya! Bakit si Karen lang ang may alam na may nagugustuhan ka na Kim?"
"May nagugustuhan ka na?"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Daryl dahil sa tanong niya. Seryoso siyang nakatitig sa akin dahilan para mag-init ang aking pisngi. Agad kong itinaas ang dalawa kong kamay at kumaway-kaway. "A-ano ba namang tanong yan?" Halos batukan ko ang aking sarili nang mabulol ako. Anong gagawin--- "Good afternoon sir Mike!" natutuwa kong sabi. Napatayo pa ako sa sobrang galak nang pagdating niya.
Nagtataka siyang napatingin sa akin bago iiling-iling na lumapit sa kanyang mesa. "Good mood ka 'ata Kim."
"Good mood talaga siya sir, may---"
"Sir, si ma'am Angel dumaan!" interrupt ko kay Dave. Ang daldal ng loko. Ma-hot seat pa ako, baka hindi na ako titigilan sa kakatanong. Mapapaamin ako ng wala sa oras.
"H-hi, ma'am! Good afternoon," nauutal na sabi ni Sir Mike nang mapatingin sa amin si ma'am Angel.
Ngumiti itong kumaway bago lumampas sa aming silid paaralan.
"Grabe sir, patay na patay," natatawang sabi ni Carlo nang hindi mawala ang paningin ni sir Mike sa dinaanan ni ma'am.
Natatawa siyang nagkamot ng batok. "Kayo talaga, puro kalokohan."
"Sir Mike, sabado naman bukas, bakit hindi ka umakyat ng ligaw?" udyok ni John Carlo dahilan para maghiyawan kami.
"Kung tutulungan n'yo ako."
"Syempre naman sir. Malakas ka sa amin eh," ani Karen.
Nakahinga ako ng maluwag, mabuti na lang ay nailipat ko kay sir ang usapan. Nakalimutan na nila ang tungkol sa akin. Nahihiya kasi ako at hindi ko alam kung paano sila sasagutin.
Napasulyap ako kay Daryl dahilan para mahugot ko ang aking hininga. Damn! Bakit ba siya sa akin nakatitig? Nakakailang... Naramdaman kaya niya... naramdaman kaya niya ang nararamdaman ko para sa kanya?
"Nagtext sa akin si Sir Mike, nandito na daw sila," sabi ni Daryl dahilan para mataranta kami.
"Guys, gawin natin ito ng mabuti, para kay sir."
"Para kay sir," sabay nilang sagot sa sinabi ko bago nagpunta sa kani-kanilang puwesto.
Napagplanuhan namin na sa garden ng isang mamahaling restaurant mangyayari ang unang date nila Sir Mike at Ma'am Angel. Kailangang magkatuluyan ang dalawa. Ang dami ng paghihirap na aming ginawa para lang mapapayag si Ma'am na sumama kay sir. Nagsulat pa kami nina Katheren, Dian at Karen ng love letter. Nakipagkulitan pa ako kay Daryl kaninang umaga para sumama sa misyon na ito at higit sa lahat, para sa bonus grade na aming matatanggap.
Napangiti ako nang sabay na pumasok ng garden ang aming mga guro. May bitbit si Ma'am Angel ng isang pungpong ng bulaklak. Napahinto sila, mula sa pinagtataguan naming halaman ay kitang-kita ko kung paano ngumiti si ma'am. Alam kung kinikilig siya nang makita ang napakagandang table sa ginta ng garden, na napapalibutan ng light candle. Napahawak si sir sa braso ni ma'am para alalayan ito, hudyat din ito para i-on at pailawin namin ni Daryl ang Christmas lights. Muli ay nagulat ang babaeng guro, napatakip pa ito ng bibig habang dahan-dahang umupo.
Nag-serve ng mga pagkain ang mga waiter at sa di kalayuan sa mesa nila sir ay may lalaking tumutugtog ng piano.
Napapangiti akong umupo sa damuhan, sa aking tabi naman ay ang tahimik na si Daryl. Hindi ko magawang mailang ngayon, mas lamang ang katuwaan kong nakikisama siya sa kalokohan namin. Hindi na siya ang Daryl na walang pakialam sa paligid niya. Kanina, habang ina-arrange namin ang table nila sir ay game na game siyang tumulong kahit alam kong hindi naman niya kailangan ng bonus grades.
"Ang cute nilang tingnan," bulalas ko habang pinapanood ang tawanan ng dalawang guro.
"Mas cute tayong dalawa."
Nahugot ko ang aking hininga nang biglang umatake ang kaba sa aking dibdib. Kampante na sana akong katabi siya pero putek bigla-bigla na lang siyang nagsasalita ng nakakaba sa aking dibdib. Bumuka ang aking labi ngunit wala akong mahagilap na sagot, napaigtad na lang ako ng pumutok ang fire works na ang iba naming kaklase ang nagsindi.
"Sa wakas ay natapos din, sana sagutin si sir ni Ma'am," ani Dian.
"Sana nga. Bagay pa naman sila at sobrang nakakakilig silang tingnan," nakangiti ring sagot ni Katheren.
Pagkatapos naming magawa ang huling misyon na sindian ang fireworks ay nilisan na namin ang lugar. Kailangan naming bigyan ang dalawa ng privacy. Syempre, baka may gusto silang gawin...
Napahawak ako sa aking pisngi ng kumalat ang init dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa akin ang epekto sa sinabi ni Daryl kanina. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko. Nakakaba pero masarap sa pakiramdam.
-----
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top