Kabanata 23

Japanese Era

Bored akong tumingin kay Master. Ang tagal bago niya naalalang nandito pa ako. Nakakatamad makita ang pag-aaway nila ng kanyang mortal na kaaway pero ewan ko ba, namiss ko siya nang ilang araw ng hindi siya nagpakita sa akin, at ngayon ay parang may nag-iba na. Ang tensyon at galit na kanyang nararamdaman ay napalitan na ng pag-ibig kung tawagin ng mga tao. Tsk!

Nanghihina siyang napaluhod sa aking tabi habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. "Dragon, n-natamaan ako. M-mamamatay na yata ako."

Napatirik ang malalaki kong mga mata dahil sa kanyang sinabi. Bumuka ang aking bibig at pinilit na magpalabas ng apoy pero putek wala talagang lumabas. Napapabuntong-hininga ko siyang binalingan. "Hindi naman bala ng baril ang nakatama sa'yo kundi pana ni Kopido."

Gulat siyang napatingin sa kanya.

"Kung gusto mo master, bigyan mo na lang ako ng kapangyarihang apoy at ako na ang lalaban para sayo."

Hindi niya ako pinansin. Nanghihina siyang tumayo at sinilip si Daryl sa kabilang barrack. "Daryl anong ginawa mo't pumanig sayo si Kopido?"

"Wala akong ginawa. Ikaw ang lumikha kay Kopido, dahil nagpakita ka ng kahinaan kaya ka napaglaruan," napahalakhak na sabi ni Daryl dahilan para magwala si master.

"H-hindi! Hindi pwede ito!"

"Hoy! Anong hindi pwede?"

"Huh?" gulat akong napatingin kay Karen.

"Anong hindi pwede?" muli niyang sabi.

Nalilito akong napaisip. Putek! Nakatulog pala ako. "Wala, nanaginip lang ako."

Umayos ako ng upo sa aking upuan. Mabuti na lang, hindi pa pumasok ang susunod na guro. Napatingin ako sa may pinto ng pumasok si Daryl. Nahugot ko ang sarili kong hininga nang tumama ang paningin niya sa akin.

"Ayos ka lang?"

Damn! Kailan pa naging maganda ang boses niya sa aking pandinig?

"Kate? Kate?"

"Huh?"

"May sakit ka ba? Bakit ka namumula?"

Nanlalaki ang aking mga mata nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin at pilit inaninag ang aking mukha.

"W-wala to. N-naiinitan lang ako," pilit kong ngiti habang nilalayo ang aking ulo.

What the heck happen to my tongue? Bakit ako nauutal? Si Daryl lang iyan Kate. The one that you're suppose to be bullied since you became his enemy. Hindi dapat ako magpatalo sa aking nararamdaman.

Duda niya akong tinititigan bago hinawakan ang aking noo. Napapaso akong lumayo na ipinagtataka niya. Agad akong nag-iwas ng tingin, takot na mabasa niya ang aking nararamdaman. Sa gilid ng aking mga mata ay napapailing siyang umupo sa kanyang upuan.

"Kim, ang obvious mo kanina."

"Huh?" nagtataka akong tumingin kay Karen mula sa salamin ng ladies comfort room.

"Namumula ka sa harapan ni Daryl kanina."

Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Agad kong tiningnan ang bawat cubicle kung may nakarinig ba, nakahinga ako ng maluwag nang masigurong kami lamang ang tao dito sa comfort room.

"Alam kong bumibilis ang puso mo kapag napapalapit siya sayo, lalo na ang kanyang mukha. Ibig sabihin nun ay crush mo si Daryl o kaya naman ay mahal mo na."

Naiilang akong umiwas ng tingin bago pilit na tumawa. "N-naririnig mo ba ang sinabi mo Karen? M-mahal, tsk, kapatid ko si Daryl."

Kapatid kaya hindi pwede.

"Hindi kayo magkadugo."

"Kahit na."

Napabuntong-hininga siya. "Mag-iingat ka."

"Bakit?" nagtataka kong tanong sa babala niya.

"Kasi nakakamatay ang pag-ibig."

"Huh?"

Tuluyan siyang napahalakhak nang manlaki ang aking mga mata. Iiling-iling pa siya nang iwanan ako, samantalang hindi naman ako makakilos sa aking kinatatayuan. Nakakatakot palang magmahal. Kung ganun ay ayaw ko ng mag--- wait... Anong mahal? Putek! Hindi ko pa mahal si Daryl, crush pa lang. Hindi pa malala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya ko pang pigilan kung hindi siya magpapakita sa akin ng ka-sweetan.

Uugod-ugod akong nagbalik sa classroom at matamlay na sinubsob ang mukha sa upuan. Ganito ba talaga kalungkot kapag may nararamdaman sa isang lalaki na sobrang complicated? Walang kasiguraduhan na magugustuhan din ako? Bukod sa mortal ko siyang kaaway, kaibigan, ampon na kapatid ay one sided lang ito... in short, wala akong pag-asa sa kanya. Ang lupit naman kasi ni Kopido, napakaunfair, kinuntsaba pa niya si Tadhana. Binigyan nila ng magandang love story ang iba, may happy ending pa. Yung katulad ko, bigo na nga't lahat-lahat, nasasaktan pa.

Napabuntong-hininga ako ng malalim habang hinahabol ang hininga. Nakasampung ikot na ako sa soccer field pero hindi pa rin umaalis si Daryl sa bench. Hinihintay niya ako para sabay kaming umuwi. Hanggat maaari sana ay iiwasan ko na siya hanggat kaya ko pang kontrolin ang nararamdaman ko sa kanya pero ewan ko ba, hindi ko alam kung may idea na ba siya sa nararamdaman ko at gusto lang akong inisin o balik na talaga kami sa dating matalik na pagkakaibigan. Hindi naman kami ganito, may kanya-kanya kaming gawain at ako ang laging nang-iinis sa kanya pero ngayon, bumaliktad na ba ang mundo?

Naiinis akong huminto, habol ang hininga at nakatukod ang mga kamay sa mga tuhod habang pinapatay ko ng masamang tingin ang binata. Isang malaking problema kapag nahulog ako sa kanya ng tuluyan. Mapapatay na talaga ako ni mama.

"Magpahinga ka na, ilang minuto lang ay uuwi na tayo," sabi niya nang makalapit sa akin. Nagbukas siya ng isang bottle na mineral water at ibinigay sa akin.

Isang malaking kalokohan kung hindi ako kinilig. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang mabilis na pagpintig ng aking puso. Tinanggap ko ang bottle at agad nag-iwas ng tingin.

"Umuwi na tayo."

"Nakakalakad ka pa ba?"

"Tsk! Sisiw lang sa akin ang pagtakbo," mayabang kong sabi dahilan para mapangiti siya. Agad akong tumalikod ng kumalat ang init sa aking pisngi. Nakakairita! Kailan pa ako natuwa sa pagngiti niya?

"Hindi naman bakal ang mga paa mo. Kahit hindi mo sasabihin ay alam kong umiiyak na 'yan sa pagod," sabi ng binata na sinundan pa niya ng mahinang tawa. Para tuloy kiniliti ang aking dibdib. "Iwan na muna natin ang mga bike, bukas na lang natin dadalhin pag-uwi. Magtaxi na lang tayo at kung kakayanin mo pa ay dumaan muna tayo sa mall."

Nagtataka akong napatingin sa kanya habang sinasabayan ang kanyang paglalakad. "Anong gagawin natin sa mall?"

"Bibili ng rubber shoes, panglaro sa volleyball."

"Ai, oo nga pala, wala din akong gagamitin."

Hindi ko alam kung swerte bang makasama siya o kamalasan, lalo pa't hindi na mapermi itong puso ko.

"Oh, bagay sayo 'yan," sabi ko na pilit pinapakalma ang sarili at maging normal ang conversation naming dalawa.

Napatingin siya sa salamin ng shoes store habang nakaupo kami sa upuan. Sinisipat niya ang paa na suot ang bagong sapatos na napili niya. Kulay puti ito na nababagayan ng maliliit na kulay pula.

"Kukunin mo po ba sir?" tanong ng saleslady.

"Opo ate. May pangbabae po ba kayo nito?"

Ngumiti ang saleslady bago tumingin sa akin. "Para po sa girlfriend n'yo?"

"N-naku ate, hi-hindi niya ako girlfriend," naiilang kong sabi.

"Opo para po sa girlfriend ko," ani Daryl dahilan para mapatingin ako sa kanya. Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking damit. Pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko. Ewan ko ba kung ako ba ang tinutukoy niya o ibang babae pero sino naman kaya ang babaeng nakakalapit sa kanya bukod sa akin?

"Oh, isukat mo."

"Huh?" Napatulala akong napatingin sa rubber shoes bago napatingin sa kanyang mga mata. Nalilito ako kung kukunin ko ba o hindi. Kung pareho kami ng rubber shoes baka tuksuhin kami ng aming kaklase na couple shoes. Anong—

"Ako na nga lang."

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng bigla siyang umalis sa upuan at yumukod sa akin. Tinanggal niya ang aking sapatos para isukat ang bagong rubber shoes.

"A-ako na," naiilang kong sabi bago binawi ang paa. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagngiti ng saleslady na parang kinikilig. Muli ay naramdaman ko ang buong init sa aking pisngi na ngayon ay kumalat patungo sa aking tainga at batok.

"Bagay po sa inyo ma'am."

Pilit akong ngumiti sa sinabi ng saleslady bago nagmamadaling tinanggal ang sapatos.

"Kukunin ko rin itong sapatos ng girlfriend ko."

"Sa counter n'yo na lang bayaran sir."

Tumango si Daryl. Nang makaalis ang saleslady ay pinalo ko si Daryl sa braso. Maibsan man lang ang pagkapahiya na aking nararamdaman.

"Para saan 'yun?" kunot noo niyang sabi na parang napakainosente niya.

"A-anong girlfriend na sinasabi mo?"

"Hindi ba't nung mga bata pa tayo ay ako ang boyfriend mong walang space. Ginagamit ko lang ang status ko sayo," nakangiti niyang sabi bago ako iniwan.

Ilang ulit akong napakurap at napabuntong-hininga. Boy walang space na friend, oo nga at sinabi ko 'yun. Katulad niya ay tandang-tanda ko pa rin ang oras na iyon pero bata pa ako nun. Hindi ko pa alam ang kaibahan sa boy friend na may space at sa boyfriend na walang space. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay pinaglalaruan lang niya ako.

Nakasimangot akong lumabas ng shoes store at pilit binibilisan ang paglalakad para iwanan siya pero nagulat ako nang bigla niya akong hilahin sa isang buko stall.

"Nauuhaw ako. Kuya, dalawa nga ho," sabi niya bago ibinigay sa akin ang mga pinamili. "Hawakan mo muna, kukuha lang ako ng pera."

Wala akong nagawa kundi gawin ang kanyang gusto. Nauuhaw na rin kasi ako. Kung may importante akong ginagawa ay napakabilis ng oras, ngayong gusto ko namang bilisan ang oras ay napakabagal naman. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba itong nagwawala kong puso.

"Bakit kayo matagal umuwi?" tanong ni mama nang dumating kami sa bahay.

"Namili kami ng bagong sapatos tita," si Daryl ang sumagot. Wala ako sa kundisyon para makipag-usap kay mama.

"Ganun ba? O, hala sige, mamaya na kayo umakyat. Kumain na muna tayo."

Nanghihina akong umupo sa upuan. Napagod ako ng husto sa araw na ito, sa practise at sa pakikipaglaban ko sa puso ko. Sana lang ay buhay pa ako bukas.

Nagtataka akong napasulyap kay Daryl nang umupo siya sa aking tabi. Kailan pa siya lumipat ng upuan? Gusto ko sanang komprontahin pero nakakahiya naman, baka matunugan pa niya na may gusto ako sa kanya.

Palihim akong napabuntong-hininga at kumuha ng mga ulam, aabutin ko sana ang kanin nang si Daryl na mismo ang kumuha nito. Ang ikinagulat ko ay siya pa ang naglagay ng kanin sa aking plato. Sa gilid ng aking mga mata ay napatingin sa amin ang aming mga magulang. Akala ko ay magtatanong sila kung kailan kami nagkabati pero ngumiti lamang ang dalawang matanda.

Damn! Paano ko pa makakalimutan ang aking nararamdaman kung lagi namang gumagawa ng bagay si Daryl para magustuhan ko siya?

----
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top