Kabanata 22

"Damn!" bulalas ni Jason nang bigla na lang tumirik ang kanyang sasakyan. "Titingnan ko lang," sabi niya bago lumabas.

Lumabas na rin kami ni Daryl at nakiusyuso.

"Flat, hindi pa naman ako nakadala ng extrang gulong," inis niyang sabi bago kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan. Sa tingin ko pamilya niya.

Hindi ko alam kong mamomoproblema ba ako dahil nasiraan kami ng sasakyan o matutuwa dahil hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya kanina.

"Magpapahatid ako ng gulong. Mabuti na lang ay nahinto tayo dito sa may bahay," sabi niya bago nilibot ang paningin.

Kunti lang ang mga bahay sa probinsya, magkakalayo pa. Mabuti na lang talaga ay dito kami sa may bahay nahinto, may ilaw kasi ang balkonahe nila, naliliwanagan ang daan. Wala kasing street lights dito sa probinsya.

"Hindi na kami maghihintay. Malapit na rin naman ang hacienda, lalakarin na lang namin," seryosong sabi ni Daryl dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Masyadong madilim ang daan, madali lang naman ang magpalit ng gulong," seryoso ring sagot ni Jason.

"Maliwanag ang buwan. Ang minuto ng paghatid ng gulong dito at pagpapalit mo ay katumbas ng minutong paglalakad namin para marating ang hacienda."

Grabe! Calculated talaga!

"Ahem! Tama naman si Daryl, Jason. May bahay naman dito sa tapat mo, hindi naman siguro delikado kung iiwan ka namin dito ng mag-isa. Sige, mauna na kami," huling sabi ko nang magsimulang maglakad si Daryl at iwanan ako. Tumakbo ako at hinabol ang mabibilis niyang mga lakad.

"Wala ka talagang modo! Bakit mo ako iniwan? Hindi mo man lang pinasagot si Jason."

"Tsk! Bakit hindi mo hintayin ang sagot niya? Mukhang enjoy na enjoy ka namang kasama siya."

"Ano bang problema mo?" Simula nang dumating kami sa bahay nila Jason ay wala na siya sa mood. Nung umalis kami ay ayos pa naman siya dahil ginalit pa niya ako. Tsk! Bipolar talaga!

Inis akong napahinto at ilang ulit siyang sinipa sa hangin ngunit nang tumunog ang uwak ay napatakbo ako. Wala pa namang bahay dito. Puro nagtataasang puno ng niyog ang bahaging ito. Pilit kong sinasabayan ang paghakbang ni Daryl ngunit mabilis talaga siya. Kahit nakakahiya ay nilakas ko ang aking loob na hawakan ang kanyang kamay. Naramdaman kong natigilan siya at naging mabagal ang kanyang paglalakad dahilan para ako naman ang mauna sa kanya. Nagtataka akong lumingon sa kanya, nakatitig siya sa aming mga kamay bago ako tiningnan. Nang-init ang aking pisngi at nakaramdam ako ng matinding hiya, babawiin ko sana ang aking kamay ngunit mahigpit na ang pagkakahawak niya dito. Nagkibit-balikat ako at hinayaan ang sariling hawakan siya.

Mabagal na ang kanyang paglalakad. Halos magkasabay na kami pero nauuna pa rin siya sa akin ng kaunti. Nang makarating kami sa bahay ay saka lamang ako nailang sa mga nangyayari sa amin. Tuloy, buong biyahe ay hindi ko siya pinansin. Kunwari lang akong natutulog kahit hindi naman ako dinalaw ng antok.

Lunes! Ang sabi ng iba, ang lunes daw ang pinakanakakapagod na araw. Totoo, umaga pa lang ay pinalabas na kami ni Daryl sa aming silid-aralan dahil may meeting daw ang lahat ng mga Classroom President at Classroom Representative. Inaantok ako sa buong oras ng pagpupulong, wala namang ibang pinag-uusapan kundi ang darating na Competition of Sports and Arts. Ang nakakairita pa ay ako lagi ang nakikita ng malditang si Jane at hinihingian ng suggestion. Wala akong maisip dahil hindi naman ako active noon sa Competition, mabuti na lang ay sinasalo ako ni Daryl. Gusto ko tuloy labasan ng dila si Jane dahil hindi siya makapalag sa lalaki.

Nakahinga ako ng maluwag nang magsilabasan kami sa silid ng Section-1 kung saan nangyari ang pagpupulong. Sa wakas ay natapos rin.

"Daryl, huwag ka munang umalis, may sasabihin akong importante."

Napalingon ako kay Daryl nang marinig ang boses ni Jane. Nakaharang ang babae sa binata. Sinulyapan niya si Jane bago tumingin sa akin.

"Mauna ka na," ani Daryl.

May kumirot sa aking dibdib na halos murahin ko na ang sarili kung bakit ko ito nararamdaman. Tumalikod ako at lumabas ng silid ngunit parang may ano sa akin na gustong malaman ang pag-uusapan nila. Sumandal ako sa gilid ng pinto, at pilit pinapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

"Sorry kung may nagawa akong hindi maganda kay Kim," sabi ni Jane dahilan para umirap ako.

Plastik!

"Sa kanya ka dapat humingi ng tawad."

Tama! Sang-ayon ako sayo Daryl. Bakit sayo siya hihingi, eh, sa akin siya nagkasala? Pabida!

"Alam ko, nagawa ko lang naman iyon dahil naiinis ako sa kanya. Hindi na kita naging kaklase simula nang pinili mong makasama siya. Alam kong nararamdaman mong gusto kita."

Nahugot ko ang aking hininga dahil sa sinabi ni Jane. Ang lakas ng loob niyang magsabi ng kanyang nararamdaman para kay Daryl samantalang ako... putek! Bakit ako kasali?

"Salamat sa paghanga mo pero may nagugustuhan na ako."

Nagugustuhan?

Nahugot ko ang aking hininga at pilit nilalabanan ang sakit na unti-unting kumuwala sa aking puso.

"Si Kim ba?"

Biglang umurong ang sakit na aking nararamdaman nang marinig ko ang aking pangalan, ang sakit ay biglang napalitan ng matinding kaba lalo na't hindi agad nagsalita ang lalaki.

"Special siya sa akin."

Special? Hindi niya diretsuhang sinagot ng oo pero ayos na, hehe special daw eh.

"Special dahil matalik kitang kaibigan at ampon na kapatid."

Literal na bumagsak ang aking panga nang dumaan siya sa aking tabi at sabihin ang hindi importanteng mga salita. Napasimangot akong sumunod sa kanya. Putek! Ayos na sana! Natutuwa na sana ako kung hindi lang niya dinugtungan.

"Ang lakas ng tama sayo ng babaeng iyon, Mr. Pogi," pang-aasar ko, pampabawi man lang sa pagpapahiya niya sa akin.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin na nagpatawa sa akin. Sa pagkakaalam ko kay Daryl, ayaw niya na nagco-confess sa kanya ang mga babae. Lalo na kung halos sila na ang manligaw sa kanya. Naiirita siya.

"Padamihan ng score na mananalo, total in all." Sinabi ko sa mga kaklase ko kung anong mangyayari sa darating na competition.

"Ano ba naman 'yan Kim, ang unfair. Siguradong matatalo tayo dahil walo lang naman tayo sa section natin. Hindi lahat ng sports at arts ay ating masasalihan," reklamo ni Dave na sinundan agad ng kanyang kakambal.

"Sir Mike, huwag tayong pumayag. Umapela tayo."

"I suppose nasabi na nila Kim at Daryl ang problema natin. Nasabi ko na rin kay ma'am Katakutan na e-excepted tayo o kaya ay isali tayo sa ibang section pero sad to say, hindi siya pumayag."

"May galit talaga sa atin si Ma'am Katakutan," ani Karen.

"Bakit pa ba tayo sasali? Alam naman nating wala tayong laban. Nakakatamad lang," sabi ni Carlo bago sumubsob sa upuan.

"You are a student and a part of the school," ani sir Mike. "Guys, huwag ng magreklamo. Pilitin niyo na lang manalo, iyon ang importante."

Tumayo si Daryl at lumapit sa akin na kaharap ang buong kaklase. "Nag-suggest kami na magkaroon ng grupong laro na free gender, at ito yung volleyball. Pwede tayong lumaban as a Section-0. Sa ibang competition naman na may isahan o dalawahang manlalaro ay pwede tayong mag-participate. Kim, isulat mo ang lahat ng sports at arts na pwede nating labanan."

Nakasimangot akong lumapit sa blackboard at nagsulat.

"Hindi natin kailangang manguna sa buong section, ang mahalaga ay ipanalo natin ang laro o arts na ating pinaglalaban. Ipakita natin sa kanila na kahit mababa itong ating section ay may mga competition ding pinapanalo, na may kakayahan din tayong umangat."

Humahanga kaming napalakpak. Grabe, parang tatakbo siya sa election, napaka-inspiring ang kanyang mga salita.

"Daryl, napakatalino mo talaga. Mabuti na lang ay pinili mo ang section na ito at bantayan si Kim," ani Dian.

"Grabe sa words na bantayan, ano ako bulakbol?"

"Oo," sabay nilang sabi dahilan para mapasimangot ako.

"Paano kung hindi tayo marunong sa ibang sports?" tanong ni Katheren.

"May dalawang buwan pa bago ang competition, kailangan nating magpractice, kung hindi talaga natin kayang ipanalo, babawi tayo sa volleyball. Kailangan nating manalo sa volleyball."

"I agree at sisiguraduhin ko sa inyo na ipapanalo ko ang drawing competition," ani Karen. Bigla ay parang ginanahan siya sa mga narinig.

"Para sa section-0!"

"Para sa section-0!" sabay naming sagot sa sinabi ni Sir Mike.

Lumipas ang mga araw ay nagsimula na ang practice para sa darating na competition. Sumali ako sa track and field, mabilis akong tumakbo. Kapag may ginawa akong kalokohan kay Daryl sa umaga ay tatakbo ako para makatakas sa kanya at nung nagka-cutting klases rin ako, nakikipaghabulan ako sa mga guard.

"Ano ba Dian, masyado bang mabigat ang bola o wala talagang lakas ang mga buto mo sa braso?" reklamo ni Karen nang hindi man lang nangangalahati ang inabot ng bola mula ng tirahin niya ito hanggang sa net.

Sa ngayon ay nagpractice kami ng volleyball. Ang apat na lalaki, ako at si Karen ang first six. Wala kaming aasahan kay Dian na bola ng krystal ang laging inaatupag at ni Katheren na laging nakaharap sa maliit niyang salamin.

"Karen, ang sakit ng bola kapag tumatama sa aking braso. Nahuhulaan ko ng mahihirapan ako nito," mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Break time muna kami ni Dian guys, please, hindi na kaya ng beauty ko," ani Katheren bago uugod-ugod na bumalik sa bench ng basketball court.

"Kailangang mahaba ang hangin natin sa katawan para hindi tayo agad mapagod. Wala tayong aasahan sa dalawa kapag sila ang nag-sub," ani Carlo.

"I agree," tatango-tangong sabi ni Dave. "Kambal, i-toss mo sa akin ng mabuti, sasapakin ko 'yang bola at sisiguraduhin kong tatama sa mukha ng ating kalaban."

Sabay pang humagikhik ang dalawa na parang misyon nila ang manapak ng bola. Napabuntong-hininga ako. Mga kalokohan talaga nila, sinasali pa nila sa laro. Hehe... gusto ko ring manapak.

"Break time muna," sabi ni Daryl ng ilang minuto pa kaming nagpractice.

"Arh! Nakakapagod," sabi ko. Bagsak ang mga balikat na umupo sa bench.

"Oh, nandito na naman ang maldita," bulong ni Katheren dahilan para mapatingin kami sa pintuan ng basketball court. Pumasok si Jane na bitbit ang mineral water. "Himalang hindi niya kasama ang kanyang mga alagad."

"Baka naiintindihan na nilang hindi sila aso," ani Karen. Napatawa kami. Mga bunganga talaga nila, walang preno.

"Para sayo, Daryl."

Nagtaas ako ng isang kilay nang iabot ni Jane kay Daryl ang mineral water ngunit hindi ito pinansin ng huli. Dirediretso lang itong lumapit sa akin at laking gulat ko nang kunin niya ang mineral water na iniinuman ko at tinunga niya ito ng walang pag-alinlangan. Napasinghap ang aking mga kasama dahil sa kanyang ginawa. Umugong ang tuksuhan, na lalong nagpabilis ng pintig ng aking puso.

What the heck? Napapadalas nato.

-----
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top