Kabanata 21

"Will you please, get down. Baka malaglag ka pa diyan, mapagalitan pa ako ni Tita," nakasimangot na sabi ni Daryl habang nakatingala sa akin.

"Hindi sana ako aakyat kung ikaw ang umakyat," naiinis kong sabi habang pilit na inaabot ang bunga ng manga.

"Pwede namang sungkutin."

"Wala ka ngang panungkit. Ah, I got it!" Tuwang-tuwa kong itinaas ang napitas kong manga. "Di ba ang galing--- shit!"

Napahiyaw ako ng unti-unti akong dumulas sa sanga. Pikit mata akong nagdasal sa lahat ng santo na sana hindi masyadong masakit ang aking pagkabagsak.

"Damn! You're too heavy."

Napamulat ako at natuwa ng sa katawan ako ni Daryl bumagsak. "Marunong ka naman palang sumalo," natatawa kong sabi habang tumatayo, samantalang masamang tingin ang ibinigay niya sa akin.

"Tsk, ang asim-asim niyan," aniya habang nakatitig sa manggang hilaw.

Napalabi ako. "Huwag kang manghingi huh? Maasim ito! Ma-a-sim."

"Huwag kang mag-alala, hindi ako mahilig sa maasim. Halika na sa palikuran, at simulan mo ng manakip ng manok."

"Bakit ako? Hindi ako marunong," pagmamaktol ko habang hinahabol ang kanyang paglalakad. Nakarating kami sa palikuran at tuwang-tuwa ako sa dami ng mga manok, ang sabi ni lolo ay organic daw ang pinapakain sa mga ito kaya mas masarap ang sabaw kaysa sa ibang manok tulad ng 45 days. Dito naman sa hacienda ay halos presko ang mga pagkain dahil sariling ani, at ang mga tauhan mismo ni lolo ang gumagawa ng pagkain sa mga hayop na galing lang sa mga crops.

"Dahan-dahan lang kasi! Huwag mong masyadong gulatin! Na-stress sayo ang mga manok!"

Padabog akong tumigil at nanggigigil na tinitigan si Daryl. Bakla ba siya para ako pa ang utusan niyang manghuli ng manok? "Kung tumulong ka kaya! Boss ka ba para sigaw-sigawan lang ako?"

"Tsk, hindi ba't ikaw ang nagrequest ng sinabawang manok? Paghirapan mo namang hulihin ang kakainin mo."

"Para namang hindi siya kakain. Kainis!"

Inabot ng isang oras ang panghuli ko ng manok, masyadong maputik kaya napakadulas. Kung hindi pa ako tinulungan ni Mang Juan ay hindi pa ako makakahuli. Bwesit na Daryl, iniwan pa ako. May araw siya sa akin, hindi ako titigil hanggat hindi ko siya naiinis ng todo.

Inis kong pinalo ang tubig ng batis. Pagkatapos kung manghuli ng manok, kahit wala naman akong nahuli ay pumunta ako dito sa batis. Nagpapalamig sa mapawis kong katawan.

Napalingon ako sa aking likuran nang may kaluskos akong narinig. Nasa bahagi ng gubat ang batis, dahil sa inis ko kanina ay hindi ko na naisip na delikado dito kapag gabi. Tanghali pa naman pero hindi masyadong naaabot ng araw dito sa loob ng gubat. Kinilabutan ako nang makarinig ng awol. Agad akong umahon sa tubig at halos kumaripas ako ng takbo nang biglang may taong lumundag sa aking harapan.

Natigilan ako nang marinig ang kanyang halakhak. Galit ko siyang pinagpapalo at sinipa-sipa. Putek! Gusto n'ya ba akong atakihin sa puso?

"Putek ka! Putek ka Daryl! Pigsain ka sana sa puwet! Kainis!"

"Aray! Aray!" reklamo niya pero hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

Sinabunutan ko siya at muling binugbog bago ako namaywang upang pakalmahin ang sarili. Maaga akong tatanda sa lalaking ito! Kung makakamatay sana ang tingin ko sa kanya ay matutuwa pa ako. Namula ang kanyang mukha dahil sa kakatawa ngunit bigla siyang natigilan, napatitig sa aking harapan bago nag-iwas ng tingin. Nagtataka akong nagbaba ng tingin at halos murahin ko siya ng malutong nang makita ang bra kong nakabakat sa puti kong t-shirt.

Agad ko itong tinakpan sa aking mga kamay! "Napakabastos!"

"Tsk! Hindi ko kasalanang nagdamit ka ng ganyan," angil niya.

"Anong gagawin mo?" nataranta kong sabi nang maghubad siya ng jacket.

"Itakip mo sa sarili mo," sabi niya bago binato sa aking mukha ang jacket. Naiinis akong tumalikod at sinuot ang jacket niya. Nang muli ko siyang harapin ay malayo nang naglalakad ang lalaki paalis. Nakasimangot akong sumunod sa kanya.

"Ang sabi sa akin ni Mang Juan, galing daw kayo sa batis, nag-eenjoy ba kayo?" tanong ni Lolo dahilan para magkatinginan kami ni Daryl.

Nang matauhan ay pareho rin kaming nag-iwas ng tingin. Agad ko ring naramdaman ang panginginit ng aking mukha. Yumuko ako para itago ang sarili at dahan-dahang humigop ng sabaw. Hindi ko tuloy na-eenjoy ang pagkain ng manok dahil hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako kay Daryl.

"Sobra lolo, napakaganda kasi ng tanawin na aking nakita kanina."

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Daryl. Putek! Ako ba ang tinutukoy niya? Nakatitig siya sa akin habang nakangisi.

"Mabuti naman. Dalasan ninyong umuwi dito para lagi kayong makakaligo sa batis."

"Pero sayang lolo, hindi ako nakaligo. Natitigilan kasi ako sa ganda ng tawanin."

Naiinis kong sinipa ang paa ni Daryl sa ilalim ng mesa nang mas lalo akong pamulahan, ang hinayupak na lalaki ay tumawa lang ng mahina. Nakakadami na siya, kapag ako nainis ng todo, lulumpuin ko talaga siya.

"Nga pala, fiesta ngayon sa kabilang baryo. Inimbeta tayo ng kumpare ko na doon na maghapon. Pupunta tayo para makapasyal man lang ang aking mga apo."

"Ayos lang sa amin ni Daniel pa, pero may mga kondisyon," sabi ni mama dahilan para mapasimangot si lolo.

"Matanda na ako Fatima para sa mga kondisyon mo."

"Kailangan pa rin. Hindi tayo magpapagabi at hindi ka iinom."

"Mahal, nandito naman ako. Hindi ko pababayaan si papa," ani Tito.

"Kahit na, bawal sa kanya ang alak."

Sa huli ay si mama pa rin ang nasunod.

"Kimberly, ang tagal mo naman. Sa kabilang baryo lang naman tayo pupunta!" sigaw ni mama dahilan para lumabas ako ng kwarto.

Hindi kasi ako makapagdesisyon kung anong susuutin. Ang pinili ko na lang ay purple na dress na hanggang tuhod ang haba na pinaresan ko rin ng sapatos.

"May crush ka ba doon, kaya kailangan mo pang magpaganda?"

Napasimangot ako dahil sa sinabi ng aking ina. Lagi na lang talaga niya akong kinukontra.

"Fatima, dalaga ang anak mo, hindi naman masama kung magpaganda siya."

Napangiti ako dahil sa pagtatanggol sa akin ni lolo. Napapailing na lang si mama. Lumapit sa akin si Daryl habang papalabas kami ng bahay.

"Hindi ka naman maganda sa suot mo," malademonyo niyang sabi na sinundan niya ng tawa.

Galit ko siyang siniko dahilan para umungol siya at lumayo sa akin. Kutang-kuta na ako sa kanya sa araw na ito. Ano bang nakainin niya at lagi niya akong inaasar? Nakadrugs ba siya para kulitin niya ako? Kainis!

"Kumpare, happy fiesta. Madami ka pa lang bisita, nakakahiya namang nandito pa kami," natatawang sabi ni lolo. Duda ako na nahiya pa siya, alam ko na dito sa probinsya, kapag fiesta ay lagi siyang present sa bahay ng kanyang mga kumpare.

"Ano ka ba, para namang hindi tayo magkumpare. Ikaw pa naman ang pinakamalakas sa akin."

Nagtawanan ang dalawang matanda dahil sa corne nilang pangbobola sa isa't isa.

"Oh, umuwi ka na pala Fatima, kasama mo pa ang iyong pamilya," sabi ng kumpare ni lolo nang mapansin kami. "Malalaki na pala ang maganda at gwapo mong apo, kumpare. Magkakasundo sila sa apo kong si Jason. Galing iyon sa Manila at kakauwi lamang kahapon."

"Ganun ba? Nakita ko nga ang batang iyon nung maliit pa siya. Napakagwapong bata, nababagay siya sa apo kong si Kim."

"Pa!" pagbabanta ni mama sa pagbubugaw sa akin ni lolo.

Napatawa ang kumpare ni lolo. "Mukha nga, maganda at gwapo, siguradong maganda ang kanilang magiging lahi."

Napangiti akong napatingin kay Daryl. Nakasimangot siya pero wala akong pakialam kundi irapan siya. Hindi maganda huh? Tsk! Nagandahan nga sa akin ang mga matatanda.

"Malabo ang mga mata nila," mahina niyang sabi bago sumunod sa mga matatandang pumasok ng bahay.

Naiinis ko siyang sinuntok sa hangin. Kainis!

"May natamaan ka ba?"

Gulat akong napalingon sa aking likuran nang may magsalita. Ang gwapong lalaki na may malapad na ngiti ang aking nabungaran.

"Jason Montes," pakilala nito.

So, ang gwapong apo ng matanda. "Kimberly Kate Diaz," nakangiti kong tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Ah, ang may-ari ng hacienda sa kabilang baryo."

"Hindi sa akin yun, sa lolo ko."

"Pero ikaw ang magmamana."

Napapangiti akong nagkamot sa aking siko.

"I suppose nasa loob na ang pamilya mo, shall we join them?"

Tumango ako bago nagpatiunang pumasok sa loob. Sa malaking garden ini-held ang selebrasyon. Agad ko rin namang nakita ang aking pamilya na nakaupo at may sariling mesa. Lumingon sa akin si Daryl, iirapan ko sana siya nang lumampas ang kanyang paningin sa lalaking nasa aking likuran. Agad naningkit ang kanyang mga mata na ipinagtataka ko pero hindi ko na lang pinansin. Wala naman siyang gagawing matino kundi inisin lang ako.

"Lolo," tawag ni Jason sa kanyang lolo na hanggang ngayon ay kausap pa rin ng lolo ko.

"Jason, apo!" magiliw nitong sabi. "O, di ba kumpare, nababagay silang dalawa?"

Napahalakhak si lolo. "Tama ka kumpare."

Palihim ako napabuntong-hininga ng magsimula akong mailang. Harap-harapan ang pag-uusap ng mga matatanda, nakakailang ngayong nandito rin ang lalaking binubugaw nila sa akin. Pasimple akong umalis sa kanilang harapan at tumabing umupo kay Daryl, na sunod-sunod ang pag-inom ng wine. Kailan pa siya natutong maglasing?

"Si lolo talaga ang hilig mong magbiro," sabi ng kanyang apo at naupo rin sa aking tabi dahilan para magulat ako.

Lalong nakakailang kung dito rin siya uupo.

Occupied na ang upuan kahit gusto ko mang lumipat ng upuan. Obvious naman masyado kung makipagpalitan ako ng upuan kay Daryl. At duda rin akong papayag siya, pansin ko kasing matalim ang tingin niya kay Jason. Mabuti na lang ay hindi na ulit kami pinag-usapan ng mga matatanda, natapos ang kainan na puro boses lang nila ang maririnig. Nag-uusap sa kanilang mga kabataan.

"Kinakabahan ka ba?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang magsalita si Jason na ngayon ay kasayaw ko sa love song. Nauna nang umuwi ang pamilya ko, pinilit ni lolo na magpa-iwan ako at eenjoy muna ang gabi. Si Jason na daw ang maghahatid sa akin.

"Hindi naman," sabi ko bago nilingon si Daryl.

Nakaupo pa rin siya sa kinauupuan niya kanina habang nakatingin sa gawi namin. Akala ko iiwan din niya ako dahil hindi naman siya mahilig sa ganitong event pero nagulat ako nang magpresenta siyang samahan ako. Mas lalo tuloy akong naiilang ngayong sa amin siya nakatingin.

"Just enjoy the night Kim," bulong niya bago ako niyakap dahilan para manigas ang buo kong katawan. Gusto ko sana siyang sapakin pero hindi ko alam kung bakit ayaw gumana ang pagka-amasona ko. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tumayo si Daryl at malalaki ang hakbang na lumapit sa amin.

"Let's go home Kate," sabi niya nang makalapit.

Agad akong lumayo kay Jason at napangiti. "Mabuti pa nga. Sorry Jason pero kailangan na naming magpahinga. Maaga ang biyahe namin bukas pauwi."

"No worries, I already enjoy the night. So, I drive you home."

Ilang ulit akong napabuntong hininga ng palihim. Ang daldal ni Jason, kanina pa siya nagsasalita simula nang bumiyahe kami pauwi. Tumingin ako sa bintana, kumalit na ang gabi pero maliwanag naman dahil sa sinag na nagmumula sa buwan.

"Kim? Kim?"

"Huh?" nagtataka akong napalingon kay Jason na nasa aking tabi, nagmamaneho.

"Kailan tayo ulit magkikita?"

Kailangan ba namin ulit magkita? Nang walang maisagot ay napatingin ako sa salamin na nasa ibabaw, kinilabutan ako nang sinalubong ako ng masamang titig ni Daryl. Nakakatakot. Parang multo na kapag nagkamali ako ng sagot ay sasaktan niya ako. Putek! Kailan pa siya naging bayolente?

-----
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top