Kabanata 20
Nagtataka kaming napatingin kay Sir Mike nang bumaba siya sa bus at nakangiting tumingin sa amin.
"Sir aalis ba tayo?" hindi mapigilang sabi ni Dian.
"Oo, hindi ba sabi ko ay may activity tayo ngayon?"
"Oo nga sir, lahat ng gusto naming trip ay gagawin namin sa araw na ito. Pwede namang dito na lang sa loob ng paaralan namin gagawin. Mas gusto naming pagtripan ang buong section one. Madami kasing mga oa dun," malditang sabi ni Karen.
"Ano bang trip ang iniisip ninyo? Ang ibig kong sabihin ay trip to Dapitan o trip to Dipolog. Kung anong lugar na gusto ninyong puntahan ay pwede tayong pumunta doon."
"Putek ka sir, bakit hindi mo deretsahang sinabi, hindi tuloy kami nakapaghanda," inis kong sabi na sinang-ayunan agad ng aking mga kaklase.
"Kung alam ko lang na mag-a-outing tayo, di sana nagsuot ako ng magandang damit," nanghihinayang namang sabi ni Katheren.
Sabay kaming nagkatingin sa aming uniporme bago tumingin kay Daryl.
"Putek dude, bakit hindi ka nakauniporme?" tanong ni Dave na tinaasan lang ng kilay ni Daryl.
"May trip tayo di ba?" seryoso niyang sabi bago umakyat sa bus.
Nanggigigil kami sa inis dahil sa inasta ng lalaki. Kahit hindi kami natutuwa ay wala na kaming magagawa kundi pumasok sa loob ng bus. Inirapan ko siya bago umupo sa kabilang upuan na kaharap ng sa kanya.
Tinutoo ni Sir ang kanyang sinabi, nagpamisa siya sa kakilala niyang pari, exclusive na para lamang sa amin. Pinagdasal pa ng pari ang aming tagumpay. Pagkatapos ay nilibot namin ang buong Dapitan. Hindi na masyadong excited kasi napuntahan ko na lahat ng lugar.
"Hindi makapaghintay, patay gutom!" inis na palo ni Karen sa kamay ni Dave nang kumuha ito ng isang lumpia.
"Gutom na gutom na nga ako."
"Kambal, tiisin mo muna. Hintayin lang natin ang ibang pagkain, malapit nang maluto yun," pag-aalo ni John Carlo sa kapatid.
"Bakit ba hindi pa tayo pwedeng kumain? Ihahabol na lang natin ang ibang pagkain na wala pa sa mesa," sabi ni Sir Mike na agad kinuntra ni Katheren.
"Sir, ngayon lang tayo nagsama-sama, kaya dapat may picture tayo. Remembrance man lang."
Napabutong-hininga ako nang magtalo pa sila sa harap ng pagkain. Pagkatapos mamasyal ay dumiretso na kami sa isang restaurant para mananghalian. Syempre, sagot lahat ni Sir ang gastusin, siya kasi ang nagyaya.
"Hay! Sa wakas dumating na rin kayo," masayang sabi ni Dave ng may tatlo pang putahe ang dumating.
"Okay guys, picture-pucture, say cheese."
Napangiti kami habang nakatingin sa cellphone ni Katheren. Ilang ulit niyang kinunan bago kami nagsimulang kumain.
"Grabe sir, salamat dito. Gutom na gutom talaga kami," puno ang mga bibig na sabi ko. Kung may contest sa pagkain ngayon, ang aming team ang mananalo. Napakatahimik ng aming mesa, walang gustong magpadisturbo sa pagkain, na parang nanggaling kami sa bundok at ngayon lang nakababa para kumain. Napapatingin tuloy sa amin ang mga nasa kabilang mesa.
Natapos ang araw na wala kaming nakuhang inspiration. Pambihira si sir, hindi naman namin trip yun kundi para sa kanya. Siya lang kasi ang todo picture sa lahat ng mga lugar na aming napupuntahan.
Pagod na pagod kong binuksan ang pinto ng bahay namin para lang magulat sa paputok na surprisa ni Mama.
"Congratulation Daryl, sa wakas napabalik mo na si Kimberly sa katinuan."
Napasimangot ako nang yakapin ni Mama si Daryl. "Siya ba anak mo, siya ba?"
"Syempre ikaw, pero nauuna ang pasalamat kaysa papuri sa magaling kong anak," mangiyak-ngiyak niyang sabi bago ako niyakap ng mahigpit. Kulang na lang ay ipitin niya ako para hindi makahinga.
"We are so proud of you Kim," nakangiting sabi ni Tito.
Tuluyang nawala ang inis ko kay mama at napangiti nang makita ang cake na dala ni Tito. Nakasulat pa ang congratulation at ang aking pangalan.
"Dahil diyan, magbabakasyon tayo bukas sa Diaz Hacienda. Matutuwa ang lolo mo kapag nakita ka niya."
Namilog ang aking mga mata sa narinig. Gustong-gusto kong pumunta sa hacienda ni lolo, maganda kasi ang tanawin, presko ang hangin at maganda ang batis na kay sarap liguan.
"Daryl magpahinga ka na, maaga tayong aalis bukas," nakangiting sabi ni Mama kay Daryl ngunit hindi na ako nainis. Mas lamang ang sayang nararamdaman ko.
"Sige po tita, good night pa," paalam ng binata bago umakyat sa taas.
Sumunod ako sa lalaki habang naghu-hum. Sisiguraduhin kong sulit ang pagpunta ko sa hacienda. Gagawin ko ang lahat ng mga ginawa ko nung bata pa ako. Hahaha...
"Aw! Ano ba?" inis kong sabi nang bigla na lang paluin ni Daryl ang hita ko.
"Ayusin mo 'yang pag-upo mo. Wala tayo sa bahay."
Napasimangot akong ibinaba ang isa kong paa, ang isa ay nakapatong pa rin sa upuan. Ang ganda ng pagkaka-indian sit ko. "Bakit ka ba nakasiksik sa akin? Ang laki-laki nitong upuan."
"May mga bag."
"Dapat sa likod mo iyan nilagay."
"Puno na, at pwede ba, huwag ka ng magreklamo, sayo naman lahat ng bag na 'to. Parang doon na tayo titira sa probinsya, dadalaw lang naman tayo ng dalawang araw doon. May pasok tayo sa lunes, hindi pwedeng umabsent."
"Ano bang pakialam mo? Ang daldal mo ngayon."
"Guys, guys, huwag na kayong mag-away. Mabuti pang ireserved n'yo yang energy ninyo dahil alam kong mapapagod kayo sa biyahe," sabi ni mama.
Naglaro na lang ako ng legend mobile buong biyahe ngunit nainis ako nang hindi ko mapatay-patay ang kalaban. Nakakainis! Kapag hindi pa kita mapapatay ngayon, babasagin ko talaga ang cellphone ko para mawala ka lang. Lin--- "Ouch!" Mangiyak-ngiyak akong tumingin sa hita kong mamula-mula dahil sa pagpalo ni Daryl.
"Nakapatong na 'yang hita mo sa hita ko. Ibaba mo nga 'yan."
Umusog ako malapit sa bintana ng sasakyan. "Ang arte." Muli akong naglaro at muli ko ring pinatong ang isa kong paa. Kung naiinis siya, mas maganda nga iyon. Baka mawala pa itong inis ko sa paglalaro dahil sa kanya.
"Argh!" Nangigigil kong niyugyog ang aking cellphone ng muli akong matalo.
"Nak, tigilan mo na 'yan," sabi ni mama pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ako nananalo.
Lumingon ako kay Daryl. Nakasandal ang ulo niya sa upuan at nakapikit ang mga mata. May earphone na nakapaskil sa kanyang tainga. Isang nakakalokong bagay ang naisip ko. Itinaas ko ang aking kanang kamay at pinitik ang kanyang tainga. Napahagikhik ako ng mamula ito.
"Ano bang problema mo?" naiinis niyang sabi habang masama ang tingin sa akin.
"Talunin mo itong kalaban." Hinarap ko sa kanya ang aking cellphone.
Bored lang niyang tiningnan ito at muling pumikit. "Ayaw ko. Wala akong mapapala dyan."
Muli ko siyang pinitik dahilan para mamula ang buong mukha niya sa inis. "Ano ba? Itigil mo yang pagpitik mo sa akin. Nakakairita ka na!"
"Guys, nagsimula na naman kayong mag-away. Pagdating natin sa probinsya ay huwag na huwag kayong mag-away sa harap ng lolo n'yo," paalala sa amin ni Tito.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ka maglalaro at matalo itong kalaban."
"Kapag natalo ko ito. Tumahimik ka na."
"Oo, promise, titigil na po ako sir."
Inis niyang kinuha ang aking cellphone. Wala siyang choice. Hehehe.
"Iyan! Iyan! Ganyan nga! Tamaan mo naman! Hay, naku! Ang bagal mong kumilos! Oh, wala ka ng power!" Ibinagsak niya ang kanyang kamay sa hita at inis na tumingin sa akin. "Bakit ka tumigil? Matatalo ka na?"
"Ikaw na lang kaya ang maglaro. Ang ingay mo."
Nagsip ako ng aking bibig saka itinaas ang mga kamay, tanda ng pagsuko. "Tatahimik na po."
Napabuntong-hininga siya bago muling naglaro. Napahiyaw ako ng matalo niya ang kalaban. Sa wakas ay nakaganti na rin ako sa tukmol na iyon sa pagpapahirap niya sa akin.
"Keep your promise."
Alanganin akong ngumiti bago isiniksik ang aking cellphone sa dala-dala kong sling bag.
"Anong pinapakinggan mo." Mabilis kong kinuha ang isang earphone niya at inilagay ito sa aking tainga. "Hahaha.. Hindi ko akalain na ang isang Daryl Sanchez ay mahilig pala sa love song," nang-iinis kong sabi.
Hindi maipinta ang kanyang mukha nang kunin niya ang kanyang earphone. "Huwag kang mang-agaw. Meron naman sayo."
Kinuha ko ulit ang earphone niya at muling pinakinggan ang kanta. "Nakalimutan ko ang earphone ko. Kapag hindi ka mag-share sakin, mag-iingay ako buong biyahe."
Ngiting tagumpay ako ng mapabuntong-hininga siya at muling pumikit. Pumikit na rin ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa biyahe. Nag-iinit na nga ang puwet ko sa kauupo. Hindi nagtagal at dahil na rin sa mga love song na pinapakinggan namin ay naramdaman ko ang antok.
Nagising na lang ako nang bumagsak ang ulo ko sa upuan. Tamad akong tumingala. Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Daryl habang nakatayo sa labas at bitbit ang mga pack bag ko.
"Bakit ka ba biglang umalis? Hindi mo pa ako ginising."
"Hindi ko kasalanang parang mantika ka kung matulog. Ginawa mo pang unan ang balikat ko. Nakakangalay at saka punasan mo yang bibig mo, nakanganga at tulo laway ka pa."
Dali-dali ko namang pinunasan ang bibig ko. Meron nga! Oh my---nakakahiya!
"Huwag mo akong tawanan," nagbabanta kong sabi. Pansin ko, simula ng magkaayos kami ay lagi na siyang ngumingiti at tumatawa. Nakakairita, hindi na tuloy maperme ang puso ko. Inis akong bumaba. Agad kong nalanghap ang lamig ng hangin ng probinsya. Masarap sa pakiramdam.
"Kimberly, apo!"
"Lolo!" hiyaw ko habang sinulubong siya ng yakap. Tuwang-tuwa siya habang pinanggigilan ako.
"Ang tagal mo akong hindi dinalaw, miss na miss na kita," nagtatampo niyang sabi.
"Sorry lolo, busy lang po ako sa pag-aaral."
"Naku pa, yang pasaway ninyong apo, kabaliktaran ang sinasabi," sumbong ni mama na nagpasimangot sa akin. Humalik siya sa matanda at niyakap ito ng mahigpit. "Mabuti na lang tinulungan ni Daryl kundi, problema lang ang laging hatid sa akin."
"Hayaan mo na Fatima, nasa teenage na ang aking apo kaya hindi maiiwasan ang pagrerebelde."
"Yan! Kinukunsinti mo po kasi," galit-galitang sabi ni mama.
Malapad akong napangiti nang kumidhat sa akin si Lolo. Mahal na mahal talaga niya ako, nung bata pa ako ay siya lang ang kakampi ko. Minsan nga siya pa ang partner ko kapag iniinis ko si Daryl.
"Pa, magandang araw ho," sabi ni tito habang nagmamano kay lolo na sinundan din ni Daryl.
"Ang lalaki kong apo," tuwang-tuwa na bulalas ni lolo habang niyayakap niya si Daryl. Tinutulungan nga ako ni lolo na inisin si Daryl pero hindi naman makakaila na kinagigiliwan din niya ang lalaki. Nag-iisa lang kasing anak si Mama at nag-iisa lang din akong apo. Matagal na ding wala si lola kaya ang atensyon niya ay nasa amin ni Daryl.
"Lo, ampon lang siya sa pamilyang Diaz. Ako po ang totoo ninyong apo," reklamo ko. Pareho lang sila ni mama, si Daryl na lang palagi.
"Syempre, ikaw naman ang pinakamamahal kong apo," bola niya sa akin, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pagkidhat niya sa binata.
Napasimangot ako nang mahinang tumawa ang lalaki. "Tsk! Pumasok na nga tayo, nagugutom na ako," inis-inisang sabi ko. Hindi naman talaga ako galit. Sanay na akong ako ang nauuna nilang kinagigiliwan pero si Daryl ang mas higit nilang kinatutuwaan.
----
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top