Kabanata 17
"Since we have 16 days left before the exam, perfect for us to start our study group, so I divided into two days in each subject and our first lesson for today is the Basic Mathematics. I know that you knew on how to use the Addition, Subtraction, Multiplication and Divition, right?"
"Of course dude, grade 1 nga ay alam na nila, kami pa kaya?" mayabang na sabi ni Carlo.
"Ok, then we go to algebra. Magsimula muna tayo sa madali," sabi ni Daryl bago magsulat sa blackboard. "Direction: Find X. Solve: X + 24 = 8."
"Dude, ako! Alam ko 'yan!" Napatingin kami kay John Dave nang magtaas ito ng kamay.
"Woah! Talaga? Classmate tayo mula pa noon kaya alam kong hindi ka nakikinig," bara ni Karen.
"Pakialam mo ba? Ang dali lang kaya niyan."
"Sigurado ka ba talaga bro? Huwag mo akong ipahiya ah? Kambal pa naman kita."
"Tsk, madali lang 'yan." Tumayo si Dave at lumapit sa blackboard. "Direction: Find X. Here it is," sabi niya pagkatapos bilugan ang X sa katabi ng addition.
Napatawa kami sa ginawa niya habang masama naman ang tingin sa kanya ni Daryl. "Hindi tayo nagbibiruan Dave."
"Tama naman ako ah! Direction mo kasi ay 'find X'," angil niya na parang tama talaga siya.
"Ano ka ba kinder garten? Ako na ang magsosolve. Makinig at intindihin ninyong mabuti ang paliwanag ko."
Uugod-ugod na umupo si Dave. Sobrang disappointed pa siya.
"Ngayon lang ako nagsisisi na naging kambal kita," malungkot na sabi ni John Carlo. Umalis pa ito sa tabi ng kambal at lumipat ng upuan.
"Huwag kang mag-alala Dave. Ipagdadasal kita," sabi ni Karen na nagpahalakhak sa amin.
"Grabe ka, parang alam mo ah!"
"Hindi nga pero hindi kasing bobo mo."
"Tama na 'yan! Magfocus na tayo guys," sabi ko pero hindi pa rin mawala-wala ang malapad kong ngiti. Pansin ko na rin kasing hindi na maipinta ang mukha ni Daryl.
Nagsimula na ngang magseryoso sa pagtuturo si Daryl. Tahimik lang na nakikinig ang mga kasama ko habang lumalamon ng sandwich na hinanda ni mama. Samantalang, ako ay nilalabanan ang mga talukap kong unti-unti ng lumulubog.
Aow! Napangiwi ako nang may kumurot sa aking tainga. Pinatay ko sa tingin si Daryl ngunit agad din akong napatigil nang makita ang mukha niyang masama pa sa masama.
"Gisingin mo na 'yan at paalisin," seryosong sabi niya bago umalis ngunit narinig ko pa ang huli niyang sinabi. "Next time, I don't let you sleep."
Napalunok ako bago napatingin sa mga kasama kong nakahalira na sa sofa. Hindi nalalayo ang ugali ko sa kanila. Pwede na ring maging kaibigan ko ang mga ito. As long as, naiinis namin si Daryl.
Kinabukasan...
"Wow! Daryl, ang bait mo naman para librehin mo kami ng mga chocolate," masayang sabi ni Dian habang kumukuha ng mga malalaking chocolate bar.
Napasimangot ako. Kung alam ko lang na ipamimigay lang niya ito, di sana hindi na lang ako kumuha sa tindahan at nagdala dito sa bahay. Kainis! Wala na tuloy akong kakainin pagkatapos kung kumain.
"Nakakatulong iyan sa utak. Kaya dapat laging kumain ng chocolate lalo na at nalalapit na ang exam ninyo," sabi ni Daryl habang nagsusulat ng solution sa maliit na blackboard.
"Nakakataba iyan para sa akin kaya dapat dalawang bar lang," sabi ni Katheren na nagpaikot sa aking mata.
"Ano naman ito?"
"Tablia na may coffee," sagot ko sa tanong ni Carlo.
"Ang pait!" reklamo ni Karen pagkatapos sumipsip ng kape.
"Dinamihan niya para hindi tayo makatulog ngayon."
"Magkaka-insomia kami nito dude," sabat ni Dave.
"Ngayon lang naman. Kailangang hindi kayo makatulog ngayon. This is our last day for our Math lesson. You should know how to solve the problem, so please, cooperate."
Kung pwede lang magsunog nang totoong kilay ay ginawa ko na sana, hindi lang mapagod ang utak ko sa pag-aaral. Namumungay ang mga mata kong tumingin sa wall clock, pasado ala-una na nang gabi.
"Tapos ka na Kim?"
"Hindi pa," tamad kong sagot sa tanong ni Dian bago hinarap ang sariling papel at nag-solve ng problem. Himalang tahimik ang buong grupo. Ipinaglalaban talaga nila ang seryosong pagso-solve para makatulog na. Hanggat hindi kami nakakatama sa sagot ay hindi kami patutulugin ni Daryl. Ang lupit niyang maging guro. Tsk.
"Tama na ang mga sagot n'yo."
Napatingin ako sa dalawang kambal nang magsaya sila dahil sa sinabi ni Daryl. Nagyakapan pa ang dalawa at nag-iiyakan. Tsk, parang katapusan na ng mundo at ngayon pa lang sila nakagawa ng tama.
"Sa wakas makakatulog na rin ako," masayang sabi rin ni Katheren. "Mauuna na ako sa kwarto mo Kim."
"Sabay na kami ni Dian, Kath," ani Karen dahilan para mapasimangot ako.
Bakit ba kasi mag-oovernight sila dito? Problema ko pa tuloy ang tutulugan ko ngayon. Kasya lang kasi silang tatlo sa maliit kong kama. Kakainis.
"Kim, take your time. Huwag mo na kaming pansining matutulog dito," sabi ni Carlo bago humiga sa sofa. Inukupa rin ng kambal ang dalawang natitirang sofa.
"Kailan mo balak tapusin 'yan?" nakasimangot na sabi ni Daryl nang umupo siya sa harap ng table.
"Nilalamig na ang pang-upo at mga paa ko sa sahig," nagmamakaawa kong sabi.
"Tsk, inaantok ka lang." Napabuntong-hininga siya. "Tara sa kwarto ko, doon mo na 'yan tatapusin."
Napataas ang kilay ko habang sinusundan ng tingin ang pagtayo niya.
"Wala kang tutulungan. Gusto mong matulog sa sahig?"
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na niyakap ang sarili. Puno ng pagdududa akong tumitig sa kanya.
"Tsk, puno ng kabalastugan yang isip mo kaya hindi ka makasagot ng tama. Bahala ka kung ayaw mo," inis niyang sabi bago ako nilayasan.
Napatirik ang mata ko sa inis. Kung makasabi nang hindi makasagot ng tama, ano akala niya sa akin bobo? Tsk, hindi ko lang matapos-tapos ang pagso-solve. Ayaw gumana ang utak ko dahil sa antok. Padabog akong tumayo. Gusto niya pa lang makitulog ako sa kwarto niya, tingnan natin. Sisiguraduhin kong sa kama ako at sa sahig siya matutulog.
Nasa banyo siya nang makapasok ako. Agad akong dumapa sa kama niya habang tinatapos ang pagsasagot. Madali lang naman ito, nakuha ko na nung nagtuturo pa lang siya. Tinatamad lang talaga ang utak at mga kamay ko sa pagsusulat.
"Ang tagal mo Kate, huwag mong tulugan ang Math," sabi niya nang makalabas ng banyo.
"Ito na nga oh, tapos na," naiinis kong sagot bago iniabot sa kanya ang aking papel. Mayabang akong napangiti nang tumango siya. Kung hindi lang ako tinatamad ay magtatalon ako sa kama niya sa tuwa, matapos ang mahigit isang oras ay natapos ko rin ang pagsagot.
Naibagsak ko ang mukha sa kanyang unan at wala sa sariling inamoy ito. Naliligo ba siya bago matulog? Bakit ang bango? Taika—putek! Ano ba 'tong ginagawa ko?
"Our next lesson is history. Bago ka matulog, sagutin mo muna ang mga tanong ko."
Marahas akong napaupo at pinanlakihan ng mga mata si Daryl. Umaasang makukuha ko siya sa masamang tingin pero ang putek seryoso talaga siyang nakatingin sa akin. "Utang na loob Daryl, patulugin mo muna ako huh? Hindi na kaya ng utak ko."
"Isang question lang naman," pagpupumilit niya dahilan para mapatiim-baga ako. Kapag hindi ko siya pinagbigyan ay hindi niya ako titigilan.
"Putek! Ano bang tanong 'yan?"
"Katipunan is divided into two groups. What are the names of this two groups?"
Napakunot ang aking noo. Pinagloloko ba ako nito? "Katipunan lang namang ang tawag sa kanila."
"Divided nga sila ng dalawa."
"Sino ang nagsabi?"
"Ang libro. In the first group, Bonifacio is the leader and the other group is Aguinaldo."
"Eh, 'di team Bonifacio at team Aguinaldo."
Napabuntong-hininga siya bago pumunta sa study table niya. "Dapat paggising mo ay nasagot mo na ng tama," aniya bago nagsimulang magbasa ng Science.
Umikot ang bilog kong mga mata. "Hindi ka pa ba matutulog?"
"Mag-aaral pa ako, prelim namin bukas."
Grabe! Computer ba siya? Sa dami ng impormasyong nasa utak niya, di pa ba siya napapagod? "Sa sahig ka matutulog huh!"
"Kama ko yan!"
"Niyaya mo akong matulog dito kaya dito ako sa kama. Sa sahig ka Daryl, sinasabi ko sayo kapag may ginawa kang masama ay mapapatay kita."
"Walang nagkaka-interest sayo."
Abat—Inis kong binato sa kanya ang isang unan niya pero hindi man lang niya pinansin ang kawawang unan na bumagsak sa sahig.
"Ang yabang mo, 'kala mo ikaw lang ang gwapo. Maganda rin ako noh, marami ngang nagkakagusto sa akin."
"Sino-sino?"
"Si ano---si..." Damn! Wala akong maisip. "Haist!" Inis kong ibinagsak ang katawan sa kama. Wala pa lang lalaking nagtapat ng pag-ibig sa akin. Napasimangot ako nang marinig ko ang tawa niya. Nakakainsulto. Kakainis. Makatulog na nga.
Mmm... Ang ginaw. Nasaan na ba yung kumot? Ang--- "Aray!"
Inis akong nagmulat at hinanap ang bagay na tumama sa aking noo. Nanlilisik ang mga mata kong lumingon kay Daryl nang muli niya akong paluin. Ang aga-aga, nambubwesit siya.
"Tatayo ako."
"Hawak ko ba yang katawan mo?" inis kong sabi. "At bakit nandito ka sa kama, di ba sabi kong sa sahig ka?"
"Gusto mo ba akong mamatay sa lamig?" inis niyang tanong bago tinulak ang ulo kong nakaunan pala sa tiyan niya. "Para kang orasan kung matulog. Hindi na ako magtataka kapag nagtabi tayo ulit ay nasa mukha ko na ang mga paa mo. Ang hirap mong maging katabi."
Naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa aking mukha. Napapahiya akong umupo. "Tsk, di na mauulit." 'Kala mo naman gusto ko rin siyang makatabi. Tche.
Nagmamadali akong umalis sa kwarto niya at marahas na binuksan ang pinto ng aking kwarto dahilan para magising ang tatlo.
"Morning Kim," ani Karen na sinundan ni Dian.
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Saan ka ba natulog?" tanong din ni Katheren.
Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan ang tatlo. "Girls, pakiusap bumaba na kayo at bigyan n'yo naman ako ng oras para matulog." Madaling araw na ako nakatulog kagabi at maaga pa akong ginising ni Daryl ngayon. Nasaan ang hustisya?
"Huhulaan ko, hindi ka nakatulog ng maayos."
Napapikit ako ng mariin. May oras pa talaga siyang manghula. "Utang na loob Dian, sa susunod na taon mo na ako kulitin." Tinulak ko silang tatlo palabas ng kwarto, naglock at muling nahiga sa kama. Pakiramdam ko kapag hindi ako nakatulog ngayon ay magiging patay na buhay na ako mamaya.
---
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top