Kabanata 15

Lunes. Nakakalungkot isipin na sobrang bilis dumaan ang araw. Hindi ko man lang masyadong na-enjoy ang pagdurusa ni Daryl nang dahil sa project niya. Inaasahan kong hindi siya makakapasok ngayon dahil sa pag-iisip ng resulta nito pero lagi na lang napapako ang pag-asa na kinakapitan ko. Maaga siyang pumasok sa paaralan kanina at tila, bawing-bawi ang mga araw na wala siyang tulog. Lumipas na nga ang araw at sumapit na ang hapon ay hindi pa rin maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Sayang!

At mas lalong nalulungkot pa ako dahil nasa harapan ko ngayon ang mga taong kumakalbaryo sa buhay ko. Lalo na ang dalawang kambal na naging dahilan kung bakit ako sinipa ng paaralan. Hindi lang iyon, nagrequest pa silang ipagluto ko sila. Kahit labag sa aking kalooban ay wala akong nagawa dahil pinagalitan ako ni mama kung hindi sila ipagluluto. Kung pwede ko lang lagyan ng lason ang niluto ko ay ginawa ko na ngunit wala naman akong kakainin.

"Argh! Grabe, Kim lalasonin mo ba kami?"

Napahigpit ang paghawak ko sa aking kutsara. Kapag naubos ang pasensya ko ay ibabato ko ito sa pagmumukha ni John Dave. "Reklamo ka nang reklamo pero kain ka naman nang kain. Kumukulo na ang dugo ko sa iyo, Dave. Kapag hindi ka tumigil lilipad itong kutsara ko sa pagmumukha mo."

"Maalat ang sinigang na manok mo Kim pero dahil gutom kami ay pwede na namin itong pagtyagaan. Nakakapagod kasing mag-aral," pagtatanggol ng kakambal niya.

"Nakakapagod! Pinagloloko n'yo ba ako? Kailan kayo nagseryoso sa pag-aaral?"

"Matapos silang masuspende, medyo nagtino na ang mga 'yan Kim. Sisipain na rin kasi sila ng paaralan kapag nagloko pa sila," sabi ni Dian.

Napahinto ako sa pagkain. "Bakit ba kayo nandito? Wala akong sakit para dalawin pa ninyo."

"Nak, gusto ka lang makita ng mga kaibigan mo," sagot ni mama.

"Kaibigan? Takte! Unang pasukan pa lang ay sinali na nila ako sa mga kalokohan nila. Kung hindi ako na involved sa mga trip nila ay hindi sana ako sisipain ng paaralan," hindi ko mapigilang sabi.

Imbes na masaktan ang mga kaibigan ko daw ay hindi nangyari iyon. Baliwala lang sa kanila ang narinig at nagpatuloy lang sa pagkain na mas lalong nagpainis pa sa akin.

Hindi man lang sila naguilty!

"Grabe ka naman Kim, hindi naman lahat. Sinabihan lang kitang maganda nung unang pasukan," depensa ni Carlo.

"Huwag ka ng magalit. Binayaran na namin ang lahat ng atraso sa'yo. Pagkatapos nating kumain ay malalaman mo ang maganda naming balita," nakangising sabi ni Karen.

"Ano ba kasi 'yon? Kanina pa ninyo sinasabi 'yan. Binibitin n'yo lang ako."

"Huwag kang excited. Baka magkagana kang kumain at hindi ka na titigil. Ikaw din, lolobo ka, papanget ka pa," madamdaming sabi ni katheren na tumayo pa at hinawakan ang maliit niyang baywang.

Napatawa ang mga kasama namin sa ginawa niya pero nag-init naman ng ulo ko. "Daryl, ano ba 'tong kalokohan na pinagsasabi nila?" tanong ko sa lalaking kanina pa tahimik.

"Tapos na akong kumain. Kayo na ang magsabi sa kanya," sabi niya bago nagmamadaling tumayo.

"Yes, Sir!"

Napatingin ako isa-isa sa mga kaibigan ko kuno nang sabay-sabay silang sumagot. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nadismaya. Nakakadismayang isipin na kapalit ng pagsipa ng mga head ng paaralan sa akin ay ang pagiging alagad nila kay Daryl. Ang atensyon sa akin ni Daryl ay napunta sa kanila.

Lihim akong napangiti. Maganda rin pala ang pagtanggal ko sa pag-aaral. Wala ng Daryl na pumipeste sa buhay ko. Nagagawa ko na ang gusto ko.

"Hay! Busog na busog ako," sabi ni Dave habang hawak-hawak niya ang kanyang tiyan.

Ang sarap talagang tadyakan ni Dave. Puro reklamo ang ginawa kanina pero busog na busog naman ngayon.

"Kim, gawan mo kami ng snack."

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Carlo. "Kakakain mo lang ah! Pambihira, ikaw ang huling umalis sa kusina pero hindi ka pa busog?"

"Matatagalan kaming umuwi dahil maraming ikukuwento sina Karen sa'yo. Magugutom kami."

Napatingin ako sa mga babae nang sabay silang tumango. "Marami kaming ichichika sa'yo."

"Hindi ko kailangang makinig sa mga nangyayari sa inyo sa paaralan. Tapos na kayong makikain kaya umalis na kayo." Niluwagan ko ang pinto ng bahay namin pero ang mga loko ay isa-isang naghanap ng mauupuan.

Naiinis akong tumingin sa pangalawang palapag ng bahay namin. Nasa sariling kwarto na sina mama at nasa sariling kweba na rin si Daryl. Dinala niya ang mga lokong 'to tapos iiwanan lang niya sa akin. Kainis!

"Kim, ano pang tinatayo mo diyan? Kumuha ka ng snack para man lang mabayaran mo kami sa lahat ng ginawa namin para sa'yo," sabi ni John Carlo.

Nagcross ako ng kamay sa tapat ng aking dibdib habang nakatayo sa harapan nila. Hindi na maipinta ang aking mukha. Hanggat nandito sila ay napipiste ang gabi ko.

"Ano ba ang ginawa ninyo? Kung makapagsabi ka John, 'kala mo sobrang bayani n'yo."

"Kim oh. Para hindi ka na mainis diyan."

Napatingin ako sa puting mail envelope na inabot ni Karen. "Ano ba 'to? Love letter?" Sinira ko ang envelope at napabuntong hininga ako sa nakita. "Ang taas. English pa. Nakakapagod magbasa." Tinapon ko ito sa mesa. "Bukas ko na ito babasahin. Sige na, umalis na kayo, may gagawin pa ako."

"Grabe ang tamad mo naman Kim. Ayaw mo bang malaman kung anong nakasulat diyan? Baka good news na iyan para sayo."

Napailing ako sa sinabi ni Carlo. "Walang good news kapag galing sa inyo."

"Napakayabang mo. Kamalasan na ba talaga ang tingin mo sa amin?" sabi ni John Dave. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib na parang nasasaktan.

Namaywang ako sa harapan ng dalawang kambal. "Gusto mo bang sabihin ko pa ang rason ng pagkakaexpel ko sa paaralan?"

"Huwag na! Naguilty na nga kami ni Dave sa'yo pero bumawi naman kami."

"Saan kayo bumawi, aber?" tanong ko kay John Carlo.

"Basahin mo kasi ang nakasulat diyan para malaman mo ang paghihirap namin."

"Bukas na nga. Tinatamad ako."

"Ako na nga lang magsabi. Alam ko naman ang nakasulat diyan."

"Mas mabuti pa. Ano ba kasi 'yan? Pinapasuspend n'yo pa, malalaman ko rin naman," sagot ko sa sinabi ni Dian.

"Ganito kasi 'yon. Nung araw na umalis ka ay kinausap ni Daryl ang Dean na bigyan ka ng isa pang pagkakataon ngunit buo na talaga ang pasya nila na tanggalin ka sa paaralan."

Napakamot ako ng aking noo. "Alam ko na ang kwentong 'yan." Iyan 'yung araw na nalaman kong sinasalo at binibigyan ng solusyon ni Daryl ang mga kalokohan ko at iyon din ang araw na pakiramdam ko ay isa akong pasanin sa kanya.

"Matagal ka nang hindi pumapasok kaya hindi mo alam ang lahat ng paghihirap namin," sabat ni Katheren. "Hindi tumigil sa kapapasa ng request letter si Daryl sa Dean na bigyan ka pa ng isang choice. Kapag may oras siya o kaya kapag uwian ay matyaga siyang naghihintay sa labas ng opisina ng Dean para makausap ito tungkol sa'yo. Kahit ilang ulit na siyang tinanggihan ay hindi pa rin siya tumigil."

Napatingin ako sa pinagsalop kong mga kamay. Nanliit ako sa narinig. Alam kong kapakanan ko lang ang iniisip ni Daryl pero hindi ko inakala na magtatyaga siyang mangulit kay Dean para lang sa akin. Alam ko ring mabait siya pero sa lahat ng ginawa ko sa kanya, bakit hindi nagbago ang kabaitan niya?

"Naaawa kami sa kanya kaya tumulong kami sa pangungulit kay Dean. Nang bumalik sa pag-aaral ang magkambal ay naisip nila na magwelga sa tapat ng opisina ni ma'am. Tuwing labasan ay ginagawa namin iyon. Nagbabakasaling maawa siya sa amin at sa'yo."

Kaya ba ginagabi ng uwi si Daryl?

"Nagbunga naman ang paghihirap namin. Kinausap ni Dean ang management na bigyan ka ng isa pang pagkakataon kaya Kim, sa susunod na buwan ay makakabalik ka na sa pag-aaral," masayang sabi ni Dian.

Napangiti ako nang ngumiti sila sa akin. Tila, ang saya saya nilang makakabalik na ako. "Mababait din naman pala kayo. Hindi ko akalain na gagawin ninyo iyon para sa akin."

"Namiss kita kaya ako tumulong," sabi ni Carlo na sinundan ng tukso ng lahat. Napatawa ako habang umiiling. Mga loko!

"Naguilty kami ni Dave kaya kami tumulong," sabi ni John Carlo.

"Tumulong ako dahil may atraso ako sa'yo nung unang pasukan pa lang," ani Karen.

"Ako naman ay isinama lang nila. Ang pinaka-main reason talaga namin Kim ay ang pagiging strikto sa amin ni Daryl. Siya na kasi ang naging presidente. Kung makakabalik ka ay mababaling na sa'yo ang atensyon niya."

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Katheren.

"Kainis ka Kath. Nagsalita ka pa talaga," pagalit na sabi ni Karen at mahinang siniko si Katheren.

"Akala ko pa naman sincere kayo," nadidismayang sabi ko. "Salamat na lang sa lahat ng ginawa n'yo. Pwede na kayong umalis."

"Sandali Kim, permahan mo muna ito," nakangiting sabi ni Dian.

"Ano naman ba 'to?" kunot-noo kong tanong habang tinitingnan ang papel pero agad itong hinila ni Dave para ipakita ang pangalan ko kung saan ako peperma.

"Mga kakailangan mo lang permahan para tuluyan ka nang makabalik sa paaralan," sagot ni John Carlo.

Napabuntong-hininga ako bago ito permahan.

"Oh, Daryl, halika pumerma ka rin dito," sabi ni Karen.

"Akala ko ba mga papeles ko 'to para makapasok na ako?" nagtataka kong tanong.

"Peperma din si Daryl dahil siya ang nakausap ni Dean para makabalik ka," ani Katheren.

"Ano ba 'yan?" Napatingin kami kay Daryl habang bumababa siya ng hagdan at lumapit sa amin. Kinuha niya ang papel at napakunot-noong tinitigan ito. "Contract of Friendship?"

"Contract of Friendship?" nagtataka akong lumapit sa binata at laking gulat ko nang mabasa ang nakasulat. "Know all men by these present: This contract of friendship is made and entered into by and between----"

"Bakit nandito ang pangalan ko?" interrupt sa akin ni Daryl nang mabasa rin niya ang buong pangalan namin. "We both agreed in this contract to be stick together as blood brother and sister in success and in failure, in cleverness and in foolishness, in happiness and in sorrow. We strongly bind togerther as one. Burahin n'yo pangalan ko. Ayaw kong makisali sa kalokohan n'yo."

Napatuptop ako sa aking bibig at hinablot ko ang papel kay Daryl. Pakiramdam ko ay puputok ang ulo ko sa galit nang mabasa ang perma at sealed ni Atty. Maria Clare de Jesus.

Putek! Bakit ba ako minalas pagdating sa mga kaklase ko? Wala na ba talagang katapusan 'to?

---
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top