Kabanata 14

Wala akong gana habang bumabangon. Noong nag-aaral pa ako ay nagmamaktol ako dahil sa katamarang pumasok, ngayon ay nagmamaktol ako dahil sa kaalamang maglilinis na naman ako ng buong bahay. Ramdam ko pa ang pananakit ng katawan at hindi ko yata kayang maglinis na naman.

Kung sa convenient store na lang kaya ako papasok? Patayo-tayo at paupo-upo lang ako doon. At saka makakatulong pa ako sa pamamalakad ng aming negosyo.

Tama! Doon na ako papasok!

"Miss Kim, kaya mo po ba?" nag-aalalang sabi sa akin ni Mich, saleslady namin.

Tumango ako. "Oo, ako pa. Oh--- may customer. Ako na ang bahala, easy lang ito sa akin."

Nakangiti akong lumapit sa customer na tumitingin sa mga de lata'ng ulam. Sa tingin ko ay nasa med-50 na siya.

"Saleslady ka ba dito?" tanong nito sa akin.

"Opo ma'am."

"Anong presyo nito?"

Tulala akong nakatingin sa de lata'ng hawak niya. Ano nga bang presyo niyan?

"Wala po bang nakalagay?" Napatingin ako sa standty.

"Magtatanong ba ako kung meron? Saleslady ka pero hindi mo alam ang mga presyo ng paninda mo. Ang saleslady dapat ay memorize ang bawat presyo ng produkto, kung hindi mo kayang imemorize ay dapat nilagyan mo lahat ito ng presyo."

"Nagtanong lang po ako ma'am pero ang haba po ng sagot niyo."

"Aba't-----"

"Ahm, ma'am pasensya na po kayo. Bago lang po kasi siya dito," sabi ni Mich nang makalapit siya sa amin.

"Dapat tinuruan mo siya, lalo na ang pag-uugali niya! Nasaan ba ang manager ninyo? Gusto ko siyang makausap tungkol sa bastos niyang trabahador!"

Napangiwi ako nang turuturuin niya kami. Sobrang nakakakuha ng atensyon ang malaki niyang boses. Marami na tuloy nakatingin sa amin.

"Pasensya na po talaga ma'am. Pakiusap po, huwag na ninyo itong palakihin," pagmamakaawa ulit ni Mich.

"Hindi ko ito mapapalampas! Hindi n'yo ba alam, 'the customer is always right'."

"Ai! Disagree ako diyan ma'am," sabat ko nang hindi pa rin siya tumigil sa kadadada.

"Miss Kim, tama na po," bulong sa akin ni Mich.

Ningitian ko lang si Mich bago bumaling sa customer. Hindi ako papayag na mapahiya ng todo. "Minsan po ay nagkakamali ang customer, katulad mo po. Sa dami ng panindang nandito, hindi lahat ng saleslady ay alam ang bawat presyo ng bawat produkto, lalo na sa mga baguhang saleslady. At kung sinasabi mo po kung bakit hindi naglagay ng presyo sa bawat produkto, ma'am, nag-iiba ang presyo ng produkto, hindi sila nagtatagal. Kung gusto mo po talaga na malaman ang presyo, then go to the counter at huwag kang mahiyang magpa-scan ng presyo. Kung ayaw ninyong magtanong, eh di huwag kayong bumili baka magkulang ang budget ninyo. Napakaliit lang po ng problema ninyo ma'am pero kung makapag-escandalo kayo parang gusto ninyong magviral sa media bukas. Pasensya na po kung hindi ko alam, bago lang po kasi ako."

Namumula ang kanyang mukha. Hindi ko lang alam kung sa galit o dahil napahiya ko rin siya.

"Ganito pala ang mga saleslady dito! Pwes, hindi na ako bibili pa dito!" sabi niya bago nagmartsa palabas ng store.

Ayos lang! Hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo.

"Ang tapang n'yo po Miss Kim."

Napabuntong hininga ako. Trabaho ang pinunta ko dito, hindi pakikipag-away. Mukhang hindi bagay sa akin ang pagiging saleslady. Ayaw ko ring mag-cashier, baka humaba ang pila at magalit pa sa akin ang mga customer dahil sa sobrang bagal ko. Wala akong ibang choice kundi umupo sa tabi ng guard.

Noong una ay kaya ko pang magsabi ng 'good morning ma'am/sir, welcome to JJM store', 'thank you for coming ma'am/sir, please come again' pero habang tumatagal ay napagod ang bunganga ko kaya nakipagdaldalan na lang ako kay kuyang guard. Kinwento niya ang talumbuhay niya, kulang na lang ay kumuha ako ng papel at ballpen para isulat ito at ipadala sa MMK. Grabe rin ang hirap na pinagdaanan ni kuyang guard, mas mahirap pa sa pinagdadaanan ko.

Nagpahid ako ng luha pagkatapos niyang magkwento. Naaawa ako sa kanya. Nalulungkot daw siya dahil hindi niya maibili ng pustiso ang papa niya. Madaldal daw ito katulad niya. Nasasaktan daw siya hindi lang ang kanyang puso kundi pati ang kanyang tainga dahil hindi daw niya maintindihan ang sinasabi nito. Kung may pera sana ako, madodonate ako ng pustiso sa papa niya.

"Salamat sa pakikinig Miss Kim. Uuwi na ako, tapos na kasi ang shift ko."

Tumango ako. Sa haba ng talambuhay niya ay inabot kami ng gabi. Nakauwi na ang lahat ng mga trabahador sa tindahan. May tatlong lalaking trabahador na pumasok ngayon para magbantay sa tindahan at isang guard na nandito na rin. Bente kwatro oras kasing bukas ito.

Umuwi na rin ako. Sa labas pa lang ng bahay ay rinig ko na ang nakamegaphone kong Ina. Napangiti ako. Nabalitaan yata niyang matino na ang kanyang anak.

"Good evening anak," masaya niyang bati sa akin. Niyakap pa niya ako ng mahigpit 'kala mo ang tagal naming hindi nagkita. "Sinabi sa akin ni Marco na nasa JJM ka raw para magtrabaho. Masaya ako anak dahil nakikinita ko nang may patutunguhan na ang iyong buhay. Kahit hindi ka na makapagtapos sa pag-aaral, basta masipag ka lang at marunong mamalakad ng negosyo ay hindi ka na magugutom at lahat naman ng yumayaman ay mga negosyante."

Napatango ako. Tama naman si mama pero ang problema ay wala rin akong alam sa negosyo. Si Marco ay manager sa JJM. Sana hindi niya isinumbong ang pakikipag-away ko sa isang customer.

"Kumain na tayo, hon. Baka nagugutom na si Kim dahil sa pagod," sabi ni tito nang lumabas siya sa kusina.

Nagutom nga ako dahil sa pakikinig kay kuyang guard.

"Yong ampon mo ma?" tanong ko nang walang Daryl na sumalo sa amin.

"Nagtxt siya sa akin na gagabihin daw siya sa pag-uwi. May ginagawa pa raw siya."

Napakunot ako ng aking noo. Bago pa lang nagbukas ang pasukan kaya wala pang event na gaganapin. Malamang nakikipag-group study na naman iyon sa mga multo sa library.

"Kim, napag-usapan namin ng mama mo na magtayo ng ibang branch sa Osmeña. Gusto naming tutukan ang pamamalakad doon. Gusto mo bang ikaw na muna ang mamalakad sa negosyo natin dito?"

"Naku, tito bata pa po ako. Wala pa akong masyadong alam sa negosyo. Baka mabankrupt ko lang po."

"Hon, hindi pa ready si Kim. Huwag mo munang kunin ang kabataan niya."

"Oo nga po tito. Wala pa sa isip ko 'yan."

"Ganun ba?" nadidismaya niyang sabi. "Magsabi ka lang kapag handa ka na."

"Opo."

Natapos ang hapunan namin na puro kwento ni mama ang naririnig. Sinalaysay niya ang buong nangyari sa kanila ni Tito sa Osmeña. Inantok nga ako pagkatapos naming kumain. Umakyat agad ako sa aking kwarto para magpahinga at hindi ko na namalayan na umaga na pala.

"Gising na, anak."

Napaungol ako nang pinalo ako ni mama sa aking pang-upo. Ang aga niya. Inaantok pa ako. "W-wala na akong pasok."

"Pero may pasok ka sa JJM."

Nanlulumo akong bumangon. "Hindi ba sabi mo ay dapat ienjoy ko muna ang kabataan ko."

"Oo, pero wala ka namang gagawin dito kaya doon ka na sa JJM tumambay. Dapat tularan mo si Daryl. Maaga siyang gumising para pumasok."

Napakunot ang aking noo. "Sabado ngayon di ba?"

Napakunot noo rin siyang tumingin sa akin. "Sabado ba ngayon?"

"Ma, ako ang unang nagtanong."

"Ah, Oo nga pala. Sabado pala ngayon. Baka may project na gagawin. May mga tarpulin kasi siyang dala."

"Nagmamadali ka ba ma? Gusto mo itanong natin mamayang hapon? ---- Aray!!!" Napahiyaw ako nang tumama ang aking unan sa aking mukha. Minsan talaga ay amasona 'tong nanay ko.

Ilang ulit na paghikab ang ginawa ko habang pinapanood ang mga taong palabas at papasok sa store. Nasa tabi pa rin ako ng guard ngunit iba na ang nakaduty ngayon. Night shift na naman daw kasi 'yung kakwentuhan kong guard kahapon. Kaya tamad na tamad tuloy ako sa araw na ito, mahiyain kasi si kuyang guard ngayon. Ayaw ko namang maging saleslady. Ayaw ko ring magcashier. Si Tito at si mama ay nagroronda lang naman sa buong store, tapos nagchecheck nang mga dumarating na supply at kung ilan ang nagasto sa buong araw na ito. Nakakapagod nang ganun kaya nandito lang ako nakaupo pero mas nakakapagod pa lang panoorin ang mga taong dumarating at umaalis.

Palubog na ang araw at pabagsak na rin itong mga talukap ko. Nakatulog nga yata ako sa upuan kanina, basta ang alam ko lang ay nandito na kami sa bahay.

"Nandito na ako."

Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ng mortal kong kaaway. Napangisi ako nang makita ang postura niya. Bagsak ang kanyang dalawang balikat, 'kala mo pagod na pagod sa konstraksyon. Ang preskong Daryl na araw-araw kong nakikita ngayon ay naging super haggard na. Malalalim din ang kanyang mga mata, tila, walang tulog kagabi.

"Tapos na ba ang project mo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Sa lunes ko pa malalaman," tamad niyang sagot.

"Hindi pa?" Napangisi ako habang umiiling-iling. Malamang, mapupuyat pa ito dahil sa lunes pa ang resulta.

Napakunot noo siya nang makita akong napangisi. "Anong nakakatuwa?"

Napahagikhik ako. "Tingnan mo nga sa salamin ang mga mata mo Daryl, malapit ng lumuwa para magwelga sa sobrang antok nila. Ang panget mo!" Kutya ko na sinundan ko ng tawa.

"Ang panget mo rin! Kundi dahil sa'yo, hindi ako mapapagod ng ganito," inis niyang sabi bago binirahan ng alis.

Napanganga naman ako sa narinig. K-kasalanan ko ba? Takte! Ano namang kinalaman ko sa project niya.

"Hoy! Kung napapagod ka sa project mo at hindi makatulog sa gabi, huwag kang mapagbintang! Kung ako sa iyo, tumigil ka na lang sa pag-aaral!" galit kong sigaw para marinig niya sa taas. Pambihira! Ako pa ang ginawa niyang rason sa pagkapuyat niya. "Aray------- ma!!" Napahimas ako sa noo kung tinamaan ng luya.

"Huwag mong itulad sa'yo si Daryl."

"Ma, hindi ko kailangan ang komento mo. Sige na, magluto ka na doon."

"Kimberly Kate!"

"Oo na! Oo na! Matino 'yung ampon mo! Hindi iyon magpapadala sa akin," nakasimangot kong sabi.

Pinagtatanggol na naman niya 'yung ampon niya! Kainis! Hindi ko talaga alam kung sino sa amin ni Daryl ang tunay na ampon. Minsan naiisip ko na baka ampon lang ako ni mama. Mas paborito niya kasi ang mortal kong kaaway.

Kung hindi lang sana ako kinarma agad ay nag-iisip na sana ako ngayon kung paano ko na naman siya iinisin pero hindi bale na, alam ko namang kalbaryo ang araw niya ngayon kahit wala akong ginagawa. Sa huli, ako pa rin ang natutuwa.

-----
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top