Kabanata 13
Naalimpungatan ako nang bumukas ng malakas ang pinto. Nakatulog pala ako dito sa sofa pagkatapos kong maglinis. Hindi ko na namalayan ang oras, gabi na pala. Grabe! Ang sakit ng buo kong katawan. Pakiramdam ko ay may malubha akong sakit. Hindi ko kayang bumangon. Parang nawalan ng lakas ang mga buto ko sa katawan.
"Ahhh!!!! Takte ka Daryl!!" napahiyaw ako nang bagsakan niya ako ng libro sa aking tiyan. Mas lalo akong nanghina sa kanyang ginawa.
"Matutulog ka na nga lang, hindi ka pa nagsara ng pinto. Paano kung pinasok ka ng mga magnanakaw o kaya ng mga adik diyan sa kanto?"
Naiinis kong nilaglag ang mga gamit niya sa sahig. Para akong pagong na nakatihaya at pinipilit na bumangon para makadapa. "Magnakaw sila kung gusto nila! Wala akong pakialam!" naiinis kong sigaw. "Hoy! Hindi porket nakipagbati ako sa iyo ay pwede mo na akong ganituhin! Ikaw pa rin ang mortal kong kaaway!"
"Umuwi na ba sina papa?" Patay malisya niya sa sinabi ko.
"Hindi ako tanungan ng mga taong ayaw umuwi!"
Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin. Pwes! Mas naiinis ako sa ginawa niya. Wala siyang karapatan na saktan ako ng physical.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. Samantalang, nakahinga naman ako ng maluwag nang makaupo ako ng maayos sa sofa. Napangiwi pa ako ng tumunog ang mga buto ko sa likod. Grabe! Ang sakit talaga ng katawan ko.
"Pa, nasaan ba kayo? ------------Kailan n'yo balak na umuwi? ------------ Huwag na kayong magtagal pa diyan and please lang, huwag n'yo nang dagdagan ng isa pang hindi matino na Kimberly."
Napatirik ang mga mata ko nang marinig ko ang aking pangalan. Takte! Ako ba ang tinutukoy niyang hindi matino? Aba't, siraulo 'to ah! Pinipilit kong abutin siya ng aking paa para sipain ngunit muli akong napahiyaw ng tumunog ang mga buto ko sa hita.
"Pakisabi kay Tita na huwag na niyang masyadong problemahin ang anak niya. Sige po," pagtatapos niya sa pag-uusap nila ni Tito. "Nasa Osmeña sila. Nagbabakasyon at hindi sinabi kung kalian sila uuwi," sabi nito sa akin habang umaakyat sa hagdan.
Napasimangot ako. Si mama talaga, gusto lang pala magbakasyon, ginamit pa akong rason. Alam ko namang kahit pasaway ako ay hindi siya magagalit sa akin ng todo. Ilang beses ko nang napatunayan 'yon.
Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito. Ngayon lang naalalang magtxt ni mama. Enjoy na enjoy ah, habang kasama si tito. Tsk!
Nak, ayaw pa kitang makita hanggat hindi ka pa matino. Nasa Osmeña kami ng tito mo, nagbabakasyon. Alagaan mo ang sarili mo at makinig ka na kay Daryl. Pls lang, huwag mo na siyang awayin------ dah! Si Daryl na naman. Hindi ko siya papa para pagkatiwalaan ni mama ng todo-todo.
"Mathematics ang pag-aaralan mo ngayon," sabi niya nang makaupo sa aking tabi. Nakapagbihis na siya ng pambahay.
Napasimangot ako nang makita ang makapal niyang libro. Aanhin ko pa ang karunungan tungkol sa mga square root kung hindi ko naman ito magagamit sa pagse-saleslady o kaya pagiging cashier sa convenient store namin? Magbibilang lang naman ako ng pera, hindi magso-solve.
"Naglinis ako ng buong bahay Daryl. Pagod na pagod ang buo kong katawan at utak. Hindi na ito gumagana." Turo ko sa aking ulo.
Seryoso siyang napatingin sa akin. Tila, hindi kumbensido.
"Kahit tingnan mo pa ang kwarto ko."
Nagtaas siya ng kilay.
"Takte! Hindi ba ako kapani-paniwala?!"
"Huwag kang magmura."
"Hindi ako nagmumura!"
"Huwag kang sumigaw."
"Hindi ako sumisigaw!" sabi ko sa malakas na tono. Kagabi pa nga lang kami nagkaayos pero kung makaasta siya ay parang sobrang close na naming dalawa.
Napabuntong hininga siya at sumuko. Lihim akong napangiti. Papayag naman pala, pinapainit pa talaga niya ang ulo ko.
Sabay kaming napatingin sa aking tiyan ng tumunog ito. Nanlulumo ko naman itong hinawakan. Hindi pala ako nakapananghalian kanina at hindi pa ako nakapagluto ng panghapunan ngayon. Gutom na gutom na ako.
"Magluto ka na."
Muli kong narinig ang pagbuntong-hininga niya. "Mag-order na lang tayo para makakain ka na."
"Gusto kong may sabaw. Magluto ka ng tinulang isda."
"Matatagalan pa. Mag-order na lang tayo, gutom na rin ako."
"Gusto ko nga ng sabaw!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Hindi makaintindi!
Naiinis naman siyang tumingin sa akin. "Fine! Ito na! Tatayo na at ipagluluto na kita!"
"Mabuti naman. Hatiran mo muna ako ng bisquet at tubig. Nagugutom na talaga ako."
"Ayaw ko."
"Hatiran mo muna ako."
"Ayaw ko."
"Hatiran mo muna ako!!!!!" Napasimangot ako ng makapasok na siya sa kusina. Nilamon lang sa ere ang aking pagsigaw.
Pinilit kong makatayo ngunit napangiwi ako ng bumagsak ang pang-upo ko sa sofa. Hindi kayang tumayo ng nanginginig kong mga tuhod. Mangiyak-ngiyak akong napatingin sa tumutunog kong tiyan.
Ma, umuwi ka na...... Mamamatay na ako sa sakit ng katawan at gutom....
"Tumalikod ka."
Napangiti ako nang bumagsak sa aking mga kamay ang dalawang bisquet. May juice na rin siyang ginawa. Hindi naman pala niya ako matitiis.
"Tumalikod ka sabi."
Natigil sa ere ang pagsubo ko ng bisquet. Napatingin ako sa kanyang kamay na may hawak na salon pas. Nanlaki ang aking mga mata at awtomatikong napausog ako palayo sa kanya. "I-ilalagay mo 'yan sa likod ko?"
"Malamang. Saan pa nga ba, sa noo mo?"
Agad akong napayakap sa aking dibdib. "M-maghuhubad ako? H-hoy! Daryl, sinasabi ko sa----aray!!" napahiyaw ako ng batukan niya ako ng malakas sa ulo.
"Wala na ba talagang ibang laman iyang ulo mo kundi kabalastugan? Hindi mo naman kailangang maghubad. Itataas mo lang ang damit mo sa bandang likuran."
"Parang ganun pa rin iyon!" Pinagloloko n'ya ba ako?
"Wala akong mapapala sa pagtingin sa likod mo. Kung gusto mo ikaw na lang ang maglagay," naiinis niyang sabi.
Agad akong napaisip. Hindi ko rin pala kayang maglagay. "Bilisan mo lang huh?" Abot-abot ang aking kaba habang tinataas ko ang aking damit sa bandang likuran. Niyakap ko naman ng mahigpit ang nasa bandang harapan para hindi ito umangat. Saka lang ako nakahinga nang maluwag pagkatapos niyang lagyan ito. Nilagyan na rin niya ang aking mga braso at binti.
Napangisi ako. Ayos din palang makipagbati kay Daryl. Bukod sa naiinis ko siya ay pwede ko rin pala siyang utos-utusan. Ang sarap magkaroon ng sariling alalay.
"Tigilan mo iyang pagngisi mo. Para kang abnormal."
Masama akong napatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi porket masarap ang tinulang isda niya ay pwede na niya akong pagsabihan nang hindi maganda.
"Kanina ka pa ah! Kutang-kuta na ako sa'yo. Baka hindi ka masanto ng tinidor ko." Tinuro ko siya ng tinidor. "Pasalamat ka, wala akong maisip na paraan kung paano kita gantihan ngayon."
"Thank you."
"Abat-----"
"Bilisan mo diyan kung ayaw mong ikaw ang maghugas ng pinggan," sabi niya bago tumayo sa hapag kainan.
Masama ang loob ko habang inuubos ko ang pagkain. Hindi baleng hindi ako makaganti ngayon, busog naman ako. Sisikat din ang araw ko bukas.
Pabagsak kong nilagay ang pingan sa lababo at nagmartsang lumabas ng kusina. Mala-donya akong nakaratay sa sofa habang nanonood ng teleserye. Samantalang, maaga naman siyang pumasok sa kweba niya. Napasimangot akong pinatay ang TV. Ang panget ng mga palabas. Nagpasya akong umakyat sa aking kwarto para sana magguhit pero nahagip ng aking mga paningin ang sound player. Napangisi ako ng may maisip. Agad akong naghanap ng mga plaka. Mga lumang tugtugin ng mga Aegis ang nagustuhan ko.
Napatalon ako sa kama dahil sa sobrang tuwa ng gumagana pa rin ito hanggang ngayon. Agad kong kinuha ang aking suklay at ginawa itong microphone. Nagsimula akong naghead-bam habang sinasabayan ang tugtog. "Ang halik mo!!!! Namimis ko, bakit iniwan mo ako?!!!!!!" Todo-todo ang sigaw na ginawa ko upang marinig ko ang aking boses. Pati yata butiki sa dingding ng aking kwarto ay napapasigaw din sa sobrang ganda ng boses ko.
Kinuha ko si pooh at niyakap ito ng mahigpit. "Ayaw ko sana!!! Na ikaw ay mawawala, mawawasak lamang ang aking mundo!!!! Ngunit walang magagawa kung talagang ayaw mo na!!! Sino ba naman ako para pigilan ka?!!!!"
Sa sobrang ganda ng boses ko ay napapahiga pa ako sa kama upang magpakitang gilas. Nang muling nagchorus ay tumayo na ako at hinarap ang sound box. Pakiramdam ko ay nagduet kami ng vocalist ng Aegis. Papikit-pikit pa ako habang todo bigay sa pagkanta. Natigilan ako nang bigla na lang namatay ang music.
"Bakit mo pinatay?!" bwesit kong sabi kay Daryl.
"Pakiusap, magpamusic ka na lang, huwag ka ng kumanta."
"Bakit ba? Ang ganda kaya ng boses ko."
"Mas mataas pa ang confidence mo kaysa kay Ann Curtis."
Napasimangot ako. Malamang sa malamang ay nag-aaral na naman ang mokong na ito. "Hindi ba, pumapasok naman sa kukote mo ang pinag-aaralan mo kahit na maingay?"
"Yeah, pero sa panget ng boses mo ay hindi ako makapag-concentrate. May quize ako bukas kaya pakiusap, magparaya ka ngayon."
Naningkit ang mga mata ko. Takte! Kung makalait 'kala mo kasing ganda ng boses ni Marcelito ang boses niya.
"Imposible 'yang sinasabi mo. Ilang ulit ko na itong ginagawa pero kahit kalian ay hindi ka nagreklamo. Ngayon pa lang. May problema ka?" nasisiguro kong sabi.
"Lagi akong may problema sa'yo," sabi naman niya bago lumabas. "Mas mabuti kung matulog ka na lang."
"Pero kagigising ko lang." Matamlay kong pinatay ang sound player pero bigla akong natigilan. Bakit ba ako sumusunod sa gusto niya? Naghuhumiyaw sa inis ang isip ko dahil ako mismo ay hindi masagot ang sarili kong tanong. Kakainis!
----
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top