Kabanata 12
Gusto kong tapusin ang gulo na ako ang nagsimula pero nanghihina ako. Ibang iba ang nararamdaman ko ngayon sa mga panahong iniinis ko siya.
"Simula ng mawala si Tito ay nagbago ka na."
Simula pa lang ng salita niya ay parang nadurog na ang puso ko. Ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya ay bigla na lang nabuhay. Ang galit, ang inis, ang lungkot, ang pagkadismaya at ang paghihinayang. Ngayon ko lang narealize kung gaano kalaki ang mga hinaing ko sa buhay.
"Hindi na ikaw ang dating Kimberly Kate na nakilala ko," pagpapatuloy niya nang hindi ako sumagot. "Naging tahimik at malungkutin ka, lalo na nang magpakasal sina papa at tita. Nagalit ka sa akin nang hindi ko alam ang dahilan. Bakit ba ako ang pinagbuntungan mo ng galit mo sa kanila?"
"Dahil bestfriend kita! Ikaw ang inaasahan kong maging kakampi..... Pero ang bilis mong natanggap ang kanilang pagpapakasal. N-naiinggit ako sa'yo dahil..... Kahit iniwan ka ng mommy mo..... Ay mabilis mo pa ring natanggap si mama. Samantalang ako, hindi ako makamove on sa pagkawala ni papa. Hindi mo inintindi ang nararamdaman ko Daryl. Alam mo kung gaano ko......kung gaano ko kamahal si papa at hindi ko kayang tanggapin na palitan siya."
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Ang lahat ng sama ko sa kanya ay bigla na lang naglabasan. Ang bigat na nararamdaman ko ay bigla na lang nakalabas.
"Kate, hindi mo naman kailangang palitan si Tito. Alam ko kung gaano mo siya kamahal pero hindi lang din siya ang nagmamahal sa'yo. Nandito kami ni papa. Pwede mo naman kaming maging pamilya. Hayaan mo kaming punan lahat ng pagkukulang niya. Hayaan mong makapasok kami sa buhay mo at mahalin ka."
Napahagulhol ako dahil sa sinabi niya.
"Madali kong natanggap ang desisyon ni papa dahil hindi lang umiikot ang buhay ko kay mommy. Kung hindi na sila masaya sa pagsasama nila, sino ba ako para pigilan sila? Masasaktan lang kami pareho kung pilit naming bubuuhin ang pamilyang hindi na kayang mabuo. Kung ang kaligayahan ni papa ay ang makasama si tita Fatima ay masaya na ako. Masaya ako hanggat nakikita kong masaya siya. Kate, masaya si tita kay papa. Ayaw mo na mang makita si tita na malungkot habang buhay dahil sa pagkawala ni tito, hindi ba?"
Umiling ako. Ayaw ko nang maranasan ni mama dahil alam ko kung gaano kasakit. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.
"Please Kate, palayaan mo na ang sarili mo sa nakaraan. Hindi ko sinabing kalimutan mo si tito, ang sa akin lang ay huwag mong itigil ang buhay mo sa pagkawala niya dahil alam kong hindi siya matutuwa kapag nakikita niyang sinisira mo ang buhay mo. May rason ka pa para magpatuloy, nandito pa si tita, nandito pa kami ni papa. Mamamahalin at sasamahan ka namin sa buhay mo, tanggapin mo lang kami ng buo."
Tuluyan akong nanlumo nang yakapin niya ako. Hindi ko napigilan ang sarili habang umiiyak sa dibdib niya. Bigla ay nakaramdam ako ng kalayaan sa mga bisig niya. Ang tagal kong hinintay na makawala sa bigat na aking nararamdaman. Masaya ako na unti-unti na akong nakalaya. Hindi pa naman buo pero may kunti ng pag-asa akong nakikita.
Nakangiti akong tumingin sa mga bituin. Ang madilim at makapal na ulap kanina ay bigla na lang nawala. Parang biglang nagkaroon ng kunting liwanag ang kalangitan.
Matapos akong pakalmahin ni Daryl kanina ay umalis na siya pero hindi ko alam kung bakit nandito ulit siya sa aking tabi.
"Paano mo nalamang nandito ako?" mahina kong tanong. Ang mapait kong nararamdaman sa kanya ay bigla na lang nawala.
"Bumalik ako sa kwarto mo kanina, wala ka doon at alam kung umaakyat ka dito sa bubong kapag malungkot ka."
"May sasabihin ka pa ba? Please lang, huwag mo na akong pagsabihan. Kutang-kuta na ako. Masakit na sa dibdib."
"Gusto ko lang sabihin na kahit hindi ka na nag-aaral ay tuturuan kita."
"Hindi mo na kailangang gawin iyon. Nagsasayang ka lang ng oras," mapait kong sabi.
"Kate, baka pwede pa nating gawan ng paraan."
"Huwag na. Masyado ng malaki ang utang na loob ko sa'yo. Lubog na lubog na ako, baka hindi ako makaahon."
"Kahit kalian ay hindi ko iniisip 'yan. Pamilya na tayo at alam kong matalino ka, pinili mo lang talagang sirain ang buhay mo."
Tama siya. Pinili kong sirain ang buhay ko para mapansin naman ako ni mama pero ngayon ay sobrang nagsisisi na ako.
"Kahit ayaw mo ay tuturuan pa rin kita. Isipin mo na lang ang mararamdaman ni Tita. Matutuwa siya kapag may natutunan ka."
"Fine pero huwag masyadong mataas ang expectations mo."
"So, magkaibigan na tayo ulit?"
"No?" Mabilis kong sagot sa tanong niya. "Frienemess."
Natatawa na lang siya habang napapailing. "Namiss ko 'to."
"Ang alin? Ang umakyat sa bubong?"
"Hindi. Ang makasama ka at makausap ng matino."
"Loko ka! Ano ako baliw para hindi mo makausap ng matino."
"Oo, lagi ka kasing nagdedeklara ng world war III kahit hindi naman ako lumalaban."
"Hindi nga ba?" inis kong tanong. Eh, yung pang-iinsulto niya, hindi ba counted? "Hoy, Daryl! Huwag mong aasahang magiging bestfriend na ulit kita. Masama ang pakiramdam ko at sa lahat ng nangyari ngayon ay wala na akong lakas para awayin ka."
Napaigtad ako ng kapain niya ang aking noo. "May sinat ka. Uminom ka agad ng gamot. Magpagaling ka agad. Nabuburyo ako kapag walang sumusunod at sumisigaw sa akin."
"Ah, gusto mo pa lang iniinis ka."
"Oo, para ka kasing tanga."
Mabilis na lumipad ang palad ko sa braso niya.
"Aray! Psysical harrashment na 'yan."
"Talagang tatadyakan kita kapag hindi ka tumigil sa pang-iinsulto mo."
Isang malutong na halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Kahit hindi ko sinasadya ay napangiti ako. Simula ng magalit ako sa kanya ay hindi ko na siya nakitang tumawa nang ganito kalakas, ngayon lang ulit. For so many years, isinama ko rin pala siya sa malungkot kong buhay.
Nagsimula man ang araw na parang isang bangungot ay naging daan naman ito para itama at palayain ang sarili ko sa sakit na matagal ko ng dinadala. Natapos pa rin ang araw ko sa saya.
Mabigat ang mga mata ko nang magmulat ako. Alam kong para akong zombie dahil sa pamamaga nito. Medyo masakit din ang ulo ko. Wala na akong sinat pero pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng katawan ko.
Napalingon ako sa bumukas na pinto.
"Ichi-check ko lang kung buhay ka pa ba?"
Mabilis na lumipad ang unan ko sa kinaroroonan niya pero naisara niya agad ang pinto. Napasimagot ako nang muli itong bumukas.
"Sa umagang ito ay simula na ng pagbabagong buhay mo. Simulan mo sa paglilinis ng kwarto. Ligpitin mo ang lahat ng kalat mo Kate at pakiusap, matanda ka na, huwag ka ng maglaro ng mga manika."
Muli ay lumipad ang isa ko pang unan sa pagmumukha niya ngunit naiwasan niya ito.
"May nakahanda ng pagkain sa mesa. Inumin mo ang hinanda kong gamot. Pasok na ako," sabi niya bago umalis.
Kahit nagsimula na namang umusbong ang inis ko sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya ay hindi ko napigilang hindi mapangiti. Masaya akong bumangon at napatingin sa larawan ni papa.
"Simula na ba ng mga swerteng araw ko papa?" tanong ko dito kahit alam kong hindi naman siya sumasagot. "Akalain mo 'yon, nagpaalam sa akin ang ampon ni mama."
Mas lalo akong napangiti nang maalala na pinaghandaan niya ako ng pagkain. Agad akong lumabas sa kwarto, dinaanan ko lang ang mga nagkalat na unan sa sahig.
Tinolang manok at pritong isda ang nadatnan ko sa mesa. Sa aming dalawa ni Daryl ay ang lalaki ang may maraming alam sa pagluluto. Nilantakan ko agad ang pagkain. Gutom na gutom ako. Pakiramdam ko ay para akong sumabak sa giyera kagabi. Napahimas ako sa aking tiyan pagkatapos kong kumain.
Napakatahimik ng bahay. Hindi ko alam kung anong oras uuwi sina mama at tito. Siguro ay nagpapalipas pa iyon ng galit sa akin.
Simula sa araw na ito ay hindi na ako gigising ng maaga. Wala na akong iisiping assignment at hindi na sasakit ang ulo ko sa klase. Mag-eenjoy na ako sa kakapanood ng mga pelikula araw-araw.
"Ang panget ng mga movie!" naiinis kong pinatay ang tv. Nakakaantok ang mga palabas. Hindi man lang nag-init ang mga mata ko sa kakapanood.
Hindi bale, marami pa naman akong gagawin. Mag-eexercise muna ako.
"Ang init! Bakit ba ang init ng Pilipinas ngayon? Tatlong ikot lang ang tinakbo ko dito sa sala pero basa na ako sa pawis! Kainis!"
Mabibigat ang mga paa kong nagmartsa papunta sa harapan ng electric fan. Magpapatuyo ako ng pawis para makaligo pagkatapos kung maligo ay magdu-drawing ako.
"Utak, pakiusap, gumana ka naman. Mag-isip ka ng mga temang guguhitin."
Sa sobrang blangko ng isip ko ay napabagsak ang ulo ko sa mesa. Wala akong naguhit sa araw na ito pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan at utak ko. Matamlay akong tumayo. Nagplay ako ng music bago sumampa sa kama at nagtatalon habang kumakanta pero ilang minuto lang din ay bumagsak ang katawan ko sa kama, hindi dahil pagod ako sa kakatalon kundi dahil pagod akong aliwin ang sarili ko.
"Ang boring!!!!"
Grabe! Hindi ko naman akalain na nagkakasakit pala ang tao dahil sa kaboringan. Kunting-kunti na lang, nararamdaman ko nang malapit na akong makakaratay sa kama. Kailangan kong kumilos para hindi ako maging zombie. Unang araw ko pa naman ng pagbabago.
Napilitan akong gawin ang pinapagawa sa akin ni Daryl. Alam kong panalo siya sa araw na ito pero babawi ako sa susunod na araw.
Nilinis ko lahat ng kalat ko sa kwarto. Niligpit ko lahat ng gamit ko at nilagay ko sa ibabaw ng stall ang mga manika na bigay sa akin ni papa. Naglinis na rin ako ng buong bahay. Naghugas ng pingan at naglinis ng iniduro. Sa buong buhay ko ay ngayon ko pa lang ito ginawa sa sarili naming bahay. Mas nalilinisan ko pa ang iniduro sa paaralan kaysa sa amin. Pambihira! Ngayon ko lang narealize na naging KASAM-PAARALAN pala ako dati.
Kahit masakit na ang buong katawan ko ay hindi ito naging hadlang upang hindi ako mapangiti. Masaya akong makita na wala ng kalat sa bahay. Akalain mo 'yon, pwede pala akong mag-apply ng kasambahay at dahil sa pinaggagawa ko ay parang nabuhayan ako ng dugo. Sobrang nakakapagod nga lang pero ayos lang, ito ang simula ng aking pagbabago.
---
Salamat po sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top