Kabanata 10

Magtigil ka Kimberly! Magtigil ka!

"Hindi ka pa ba aalis? Wala na si manong guard."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang buong cr. Napakatahimik na nga nito. Pinilit kong ngumiti habang dahan-dahang bumaba ng iniduro ngunit nakadikit yata sa akin ang kamalasan. Bigla na lang akong nadulas pero nasa tabi ko rin naman ang swerte. Mabilis pa sa pagong ang pagbaba ni daryl sa iniduro at pagsalo niya sa aking baywang. Hindi pa ako nakakarecover kanina pero may nangyayari namang ganito.

"Tanga."

Agad nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Aba't siraulo 'to ah! Pasalamat siya, masakit ang ulo ko. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya habang hinihimas ang ulo kong nauntog sa pinto nang madulas ako kanina. Bumuka ang aking bibig ngunit walang ni isang salita ang lumabas dito. Masyado kasi siyang malapit. Sa sobrang liit ng cubicle ay naramdaman ko pati ang kanyang paghinga. Muli ay napasinghap ako nang bigla na lang niya akong hilahin palapit sa kanya. Hindi ko napigilang hindi mabangga sa matigas niyang katawan. Napigil ko ang aking hininga nang yumuko siya at abutin ang pinto.

Putek! Bakit kasi papasok ang pagbukas ng pinto? Para tuloy kinikiliti ng hangin ang aking tainga dulot ng kanyang hininga.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang lumabas siya sa cubicle. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin kung lalabas na rin ba ako o hihintayin ko munang makalayo-layo siya. Pinili ko ang huli. Huminga ako ng malalim habang pinapakalma ang sarili. Kapag nakikita ko si Daryl ay nag-iinit ang ulo ko ngunit hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina. Tila umurong bigla ang aking buntot.

Alam kong kinakabahan at natatakot akong mahuli pero may iba akong nararamdaman na hindi ko matukoy kung ano. Kainis! Pahamak kasi si kuyang guard.

Isa pang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago lumabas ng cubicle. Wala na nga siya. Hindi rin siya nakatiis, talagang iniwan niya---- tayka! Bakit parang malungkot pa ako? Butit! Wala akong pakialam! Mas masaya ako kung umalis na siya!

Napasimangot ako sa naisip. Mortal kong kaaway si Daryl kaya hindi dapat magbago ang nararamdaman ko sa kanya. Nagmartsa akong lumabas sa cr.

"Bakit ba ang tagal mo?"

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses niya. Nakasandal siya sa dingding habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Ang cool ni--- hindi! 'kala mo ang cool niyang tingin! Ang panget niya!

Ginaya ko ang nakakunot niyang mga noo. "A-ano bang pakialam mo?"

"Umuwi na tayo," sabi niya bago ako tinalikuran.

"Huh? Oh!"

Nagtataka talaga ako sa sarili ko ngayon. Una, nagawa kong ilapit ang sarili ko sa kanya. Pangalawa, hinayaan ko siyang pagtaasan ako ng boses. Pangatlo, hindi ako makapag-isip ng mga bagay kung paano ko siya iinisin ngayon. Pang-apat, nakisabay ako sa paglalakad niya habang tinutulak ang bike. Bakit ba kami naglalakad? Pwede namang sumakay kami sa aming mga bike. Gabi na kaya. Paniguradong nag-aalala na sina mama.

"Anong ginawa mo ngayon?"

Napatingin ako sa kanya nang bigla na lang siyang magsalita pero nasa daan pa rin ang kanyang mga tingin. "Ikaw, bakit hindi ka pa nakauwi?"

"Ako ang unang nagtanong. Anong ginawa mo ngayon?"

"Naglalakad."

"Kimberly!"

Napayuko ako nang hindi na Kate ang tawag niya sa akin. Tinatawag niya akong Kimberly kapag galit siya.

"Nag-experiment lang kami. Hindi naman namin sinadyang sumabog ang mga chemical."

"Hindi nga ba? O baka naman ay nakaplano na kayo?"

"Pinilit lang nila ako. Gagawa ako ng paraan. Huwag mo lang sabihin kay mama."

"Malalaman rin niya."

"Ako na ang magsasabi."

"Sana, this time ay magtino ka na."

Naiinis kong pinalo ang upuan ng aking bike habang sinusundan nang tingin ang papalayong si Daryl. Matapos niya akong pagsabihan ay bigla na lang siyang sumakay sa kanyang bike at nagpedal ng mabilis. Kakainis. Bakit ba pinaabot ko pa ng panglima? Hinayaan ko talaga siyang pagsabihan ako. Hindi man lang ako nakapalag.

Chinese Era

Nakasilay sa labi ni master ang malawak niyang mga ngiti habang kanina pa tinitingnan ang sarili sa malabong salamin. Nakasuot siya ng pulang Chinese na kimono na 'kala mo ay ikakasal. Limang taon na niya akong nilikha ngunit minsanan lang niya akong dalawin. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ito ngayon.

"Master, kailangan ba talagang ganyan pa ang suot mo?" nakangiwi kong tanong.

"Dionasor, Chinese new year na ngayon. Sumusunod lang ako sa uso."

Napapailing ako. "Holy week na po ngayon master."

"Huh?" gulat siyang napatingin sa akin. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Hindi ka po nagtanong."

Nakasimangot siyang pinalo ako.

"Hindi bale, maganda naman ako sa suot ko ngayon. Halika na, baka naghihintay na sa akin si Daryl."

Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang pag-iisip ni master. Hindi na yata siya matino. Noong isang gabi lang ay takot na takot siya dahil nagbabalak ang mortal niyang kaaway na patayin siya pero ngayon ay gusto niya itong makita.

Nagmamadali pa siyang lumabas sa bahay niyang estilong instik ngunit napahinto siya nang makita ang nakatalikod na lalaki. Hindi makakapagkailang si Daryl nga ito. Nakapulang kimono rin. Nang tingnan ko si master ay abot tainga na ang kanyang mga ngiti. Dahan-dahan na lumapit si master habang dahan-dahan din ang pagharap ng lalaki. Sabay kaming natigilan ni master nang may mga dugong tumutulo sa mga mata ni Daryl at ang putla ng kanyang mukha. Ramdam ko ang panginginig ni master habang nakahawak sa aking katawan. Kahit ako ay natatakot din sa lalaki. Nakadagdag pa ang madilim at mausok na paligid. Napahiyaw kami nang bigla na lang itong napunta sa aming harapan.

Habol ko ang aking hininga nang mapabalikwas ako ng bangon. Ramdam ko ang pawis at panlalamig ng aking katawan. Sinasabi ko na nga bang bangungot lang ang dala sa akin ni Daryl. Ang lahat na nararamdaman ko sa kanya nang nasa loob pa lang kami ng cr ay isang malagim na panaginip.

Kainis! Makaligo na nga para makapasok sa paaralan...... pero tayka.... May atraso pala ako. Hindi na lang kaya ako papasok at magdadahilan na lang na may sakit........ pero paano kung ipatawag si mama? Argh! Anong gagawin ko?

Sa huli ay napagdesisyunan kong pumasok. Bahala na! At hindi nga ako nagkamali dahil sa gate pa lang ay sinalubong na ako ng kamalasan.

Nakayuko ako habang sinisilip ang hindi na maipintang mukha ni ma'am Katakutan. Nakahawak siya sa kanyang dibdib habang nagpabalik-balik sa paglalakad sa aming harapan. Pagkapasok ko pa lang kanina ay sinabihan na ako ni Kuyang guard na dumiretso sa office ni ma'am. Ang bilis niyang nakasumbong. Nilingon ko ang katabi kong magkambal. Tahimik sila ngunit hindi tulad ko na parang sinisilaban ng apoy ang upuan. Kalmado ang dalawa na parang walang problemang iniisip.

"Kimbely Kate Diaz, noon ay pinapatawad pa kita sa lahat ng mga ginagawa mo dahil absences at cutting classes lang naman pero ngayon ay sumusobra ka na. Nagawa mo ng basagin at sirain ang mga kagamitan ng paaralan. Presidente ka pa naman ng inyong silid-aralan pero ikaw pa ang unang gumagawa ng gulo. Pati na rin kayo mga Mercado, puro sakit sa ulo na lang ang dinadala ninyo sa akin," galit na sabi ni ma'am.

Hindi ko magawang idipensa ang sarili. Hindi ko magawang ituro ang magkambal dahil kasali naman talaga ako sa kalokohan na ginawa namin kahapon. Alam kong may mali rin ako.

"Ma'am, kami po talaga ni Dave ang may pakana ng lahat. Nadamay lang po si Kim."

Napalingon ako kay John Carlo. Hindi ko akalaing ipagtatanggol niya ako.

"Hindi n'yo na kailangang ipagtanggol si Diaz dahil may kasalanan pa rin siya. The two of you--" Turo niya sa magkambal. "One month suspension and you, Ms. Diaz, Im sorry but I need you to expel."

Napahugot ako ng aking hininga. Bigla ay parang nakaramdam ako ng matinding lungkot. Noon ay hiniling kong tumigil na sa pag-aaral pero hindi ko gustong saktan si mama.

"Ma'am, ang unfair naman po ata. Kami po talaga ng aking kambal ang nagpasabog ng mga chemical."

"Wala pong ginawa si Kim. Sa katunayan ay pinigilan pa niya kami ni Dave."

"Ma'am, babayaran po naming lahat ng nabasag. Huwag n'yo lang pong iexpel si Kim."

"Im sorry Mercado. Wala na akong magagawa dahil desisyon na ito ng management. Kung ipipilit ninyo ang inyong gusto ay baka maexpel din kayo."

"Pero-----"

"Huwag n'yo ng ipilit. Ayos lang," nakangiti kong sabi sa magkambal pero alam kong hindi ito abot sa aking mga mata.

Nag-aalala silang tumingin sa akin. Nakikita ko ang awa at pagsisisi sa kanilang mga mata. Alam kong huli na pero hindi ko maiwasang hindi magsisi. Masasaktan si mama kapag nalaman niya ito.

"Ma'am, kung iiexpel mo ba si Kim ay bibigyan mo siya ng good moral? Makakapag-endrol pa ba siya sa ibang paaralan? "

"Iyan ang malaking problema."

Napayuko ako. Pinakalma ko ang aking sarili bago tumayo. "Maraming salamat po sa pagtatyaga ninyo sa akin ma'am. Patawarin n'yo po ako sa lahat ng problema na ibinigay ko." Nagbow ako bago tuluyang lumabas sa opisina ng principal.

"Kim! Kim!"

Huminto ako sa paglalakad ngunit hindi ko magawang tumingin sa kanila. Tuluyang kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang yakapin nila ako.

"Sorry Kim. Huwag kang mag-aalala, gagawa kami ng paraan."

Mabilis kong pinahiran ang aking mga luha bago ngumiti sa kanila. "A-ayos lang. S-sige, mauna na ako."

"Saan ka pupunta?"

"Magpapakalma lang ng sarili," sabi ko bago umalis. Hindi ko na hinintay ang kanilang pagsagot. Mabigat ang dibdib ko ngayon. Matagal ko na itong pangarap pero hindi ko magawang matuwa. Dalawang taon na lang ay gagraduate na ako sa high school pero hindi na yata darating pa iyon.

Nanghihina akong umupo sa ilalim ng punong akasya. Dito ako dinala ng aking mga paa. Dito ay malaya kong pinakawalan ang luhang nahinto kanina. Wala rin namang katao-tao.

Ito na yata ang kabayaran ko sa lahat ng mga kalokohang ginawa ko lalo na kay Daryl. Napagod na sa akin si Ma'am Katakutan.

"Girls, look who's here, the classroom president of SPECIAL BRAIN – SECTION 0."

Napatingin ako sa nagsalita. Gad! Bakit ngayon pa?

"At akalain mo nga namang umiiyak pala siya," nakangising sabi ni Jane.

"Balita namin ay maeexpel ka na raw," sagot ni Michel na nagpahalakhak sa kanila.

"Mabuti nga sayo dahil nakakahiya ka lang sa pangalan ng paaralan," segunda ni Carol.

Alam kong totoo ang mga sinasabi nila pero hindi ko naman akalain na ganito pala kasakit marinig ang pang-iinsulto ng ibang tao.

"Kawawa ang mga magulang mo dahil nagkaroon sila ng walang kwentang anak o baka naman ay kasing bobo mo rin ang mga magulang mo," napahalakhak sila dahil sa sinabi ni Jane.

Napatiim-baga ako. Agad akong tumayo habang tinitingnan ko sila ng masama. "Huwag mong idamay ang mga magulang ko."

"Totoo naman eh. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga."

Mabilis na lumipad ang palad ko sa pisngi ni Jane ngunit hindi ko inasahan ang pagganti niya sa akin.

"Wala kang karapatang saktan ako! Mababang uri ka lang Kimberly! Hindi mo ako kaya!"

Nagpupuyos ako sa galit. Gusto ko siyang sabunutan ngunit alam ko namang matatalo ako dahil tatlo sila.

"Alam mo bang isa kang malaking tinik kay Daryl. Binaba niya ang kanyang dignidad para lang sa'yo at hindi ko maintindihan kong bakit tinutulungan ka pa niya kung wala namang patutunguhan ang kinabukasan mo."

Natigilan ako. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Wala ka talagang alam?" nakangisi niyang tanong.

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Ikaw ang dahilan kung bakit nasa Section – 0 si Daryl! Kinausap niya ang principal para ilipat siya sa section mo para lang tulungan at itama ang kinabukasan mong walang kwenta! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na magiging honor student si Daryl!"

Biglang nanghina ang aking mga tuhod. Nanikip ang aking dibdib at tumulo ang mga luhang hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

---
Salamat po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top