Epilogo
"Miss Kim, pwede pong papicture?"
Nakangiti akong tumango sa babaeng teenager habang tumatayo sa aking kinauupuan. Ngayong araw ang unang book signing ko. Nakapagpublished na ako ng dalawang manga sa Japan, kahit nandito ako sa Pinas ay walang pahinga pa rin sa pagsusulat at pagdu-drawing. Sine-sent ko lang sa editor ko sa email, kapag nagustuhan ay saka pinapa-publish.
Nakahinga ako ng malalim nang matapos. Napakasaya ko dahil successful ang araw na ito.
"Good job," nakangiting salubong sa akin ni Daryl, pumulupot ang isa niyang kamay sa aking baywang saka ako ginawaran ng halik sa buhok.
"Thank you sa suporta." Malambing akong yumakap sa kanya at pasimpleng inamoy ang kanyang kilikili. Mabango.
"Anything for you, baby."
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan namin na walang pinagbago, maloko pa rin.
"Sikat na sikat, artista ka ba?" pang-aasar sa akin ni Karen bago ako niyakap ng mahigpit.
"Tsk, mas marami ka pang fans kaysa sa akin," nakasimangot pero agad ding napangiti nang yumakap sa akin si Katheren. Isa na siyang model ngayon, samantalang may pangalan na rin si Karen sa industriya nang minsang mag-exhibit siya ng kanyang mga painting.
"Mas madami akong fans, mapabata at mapamatanda ay binabalikan ako," ani Dian. "Kim, congrats." Napangiti ako nang niyakap niya ako ng mahigpit. Nag-aral talaga si Kim sa mga feng shui para matupad ang pangarap niyang maging manghuhula. Ngayon ay may maliit siyang feng shui store na suportado ng boyfriend niyang si Carlo na coach ng volleyball sa Jose Rizal Dipolog High School.
"Ang tagal mo naman Kim, gutom na ako," ani Dave na kalalabas lang ng kusina. Kitang-kita namang lumalamon na siya. May sariling bar ang magkambal, mas mayaman kaysa sa amin. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Congrats our Kimberly."
"Thank you. Karen, ang takaw ng boyfriend mo, sana hindi mo na lang sinagot," biro ko dahilan para makatanggap ako ng batok sa dalawa.
Agad namang pinalo ni Daryl ang braso ng lalaki bago ito hinila papasok sa kusina. Nakangiti akong sumunod pero agad ding napasimangot nang hindi ko nagustuhan ang nadatnan. "Grabe, ako yung pinaghandaan pero hindi man lang ako hinintay. Gutom na gutom?"
"Ala-una na Kim, maawa ka naman sa amin," ani Carlo. Tumayo, lumapit sa akin at niyakap ako. "Congrats."
"Nag-iwan naman kami para sayo. Congratulation," sabi ni John Carlo na niyakap din ako. Tumayo naman si Ma'am Angel at Sir Mike para yakapin din ako.
"Pasensya na Kim, nagugutom na kasi ang anak ko," ani Ma'am Angel. Tatlong buwan na ang pagbubuntis niya sa pangalawa nilang anak ni Sir.
"Bless, ninang," ani Sir na agad ko namang pinanggigilan ang kanyang anak na lalaki.
Lumapit ako sa aking ina para yakapin siya. "Pati ba naman ikaw ma? Para sa anak mo ay hindi ka makapaghintay."
"Nak, mas importante ang suporta ko sayo. Sige na, kumain ka na."
Napasimangot akong lumapit kay Tito. Nanay ko nga siya.
"Congratulation Kim."
"Salamat tito."
Puno nang tawanan at biruan sa mesa, na kahit wala ng pagkain ay ayaw pa ring tumayo para hindi maputol ang pagkukwentuhan. May kanya-kanya na kaming buhay. Ang maloko noon sa pag-aaral ay maayos na rin ang mga kalagayan. Para mabuhay at hindi maghirap ang isang tao ay dapat may sikap at maabilidad.
"Kambal..." tawag ni John Carlo kay Dave ngunit hindi siya pinapansin ng kanyang kakambal dahil busy ito kay Karen. "Kambal..." ulit nito pero wala pa rin siyang nakuhang sagot. "Putek! Magkapalit na sana kayo ng mukha."
Napatawa ako sa narinig. Nakasimangot siyang tinunga ng magkasunod ang wine. "John, sa buong barkada, kayo na lang ni Katheren ang walang partner, baka kayo talaga ang nakatadhana."
Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ko, tila nakuha ko ang kanilang atensyon. Nakangisi silang tumingin kay John Carlo at Katheren na magkatabi sa upuan.
"Lah, bakit ako na naman ang nakita mo Kim?" naiiling na sabi ni Katheren. Nag-iwas siya ng tingin at tinunga ang baso ng wala ng laman.
"Bakit hindi Kath? Bagay naman kayong dalawa. Nakakaya mong sabayan ang kalokohan ni Huwan, magkakasundo kayo," komento ni Daryl na sinang-ayunan namin.
Natigilan ang dalawa. Ngayon lang ba nila naisip na sila ang magkasama kapag may kanya-kanyang date ang barkada?
"Bakit nga hindi natin subukan Kath?"
Napahiyaw kami sa sinabi ni John Carol dahilan para pamulahan ng mukha si Katheren. Sana nga sila ang magkatuluyan para sabay-sabay na kaming magdate nang walang inaalala na may single.
Sa probinsya kami namalagi ni Daryl. Nandoon kasi ang clinic niya bilang isang veterinarian. Matanda na rin si Lolo, gusto kong makasama siya sa mga nalalabi niyang mga araw. Sa probinsya rin ako nakakaramdam ng kapayapaan sa pag-iisip kaya lagi akong inspire sa pagdu-drawing. Lumuluwas lang kami dito sa Dipolog para i-check ang aming store, ang mga magulang din kasi namin ay piniling manirahan sa Osmeña. Mas malamig at presko ang hangin sa lugar na iyon.
Napapangiti akong sumandal sa upuan habang sinusubukang bilangin ang mga bituin pero agad din akong tumigil dahil sa sobrang dami nito.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Daryl bago siya naupo sa aking tabi.
Malambing akong sumandal sa kanyang dibdib at niyakap siya ng mahigpit. "Iniisip ko lang ang nalalapit nating kasal."
"Ah! Huwag mo nang subukang umurong."
"Takot ko lang sa mama ko at kay lolo."
"Mabuti naman. Oras na lumayo ka, guguluhin ko ang buhay mo hanggat wala kang magawa kundi pakasalan ako."
Mahina akong tumawa. "Sa asaran tayo lumaki, sanay na sanay na ako."
Ngumiti siya. "I love you Kate..."
"I love you to baby..." malambing kong sagot bago tinawid ang labi niya.
End
Date: April 24, 2021
Time: 2:36 pm
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top