Connect 9: No More Dream
Connect 9: No More Dream
Ellin's POV
Padabog akong humiga sa kama ni V. Shet. Anbantot ng kama niya pero no choice dahil napossess na naman ako sa katawan niya. Therefore, dito ako tutulog sa kwarto niya.
Wala na akong ganang magreklamo dahil napagod ako sa maghapong rehearsals ng Beng-Beng boys. Bukas na kasi yung screening ng URDB para sa rookie chu chu nila.
Nakarinig ako ng lagabog at bumukas ang pinto. Pumasok ang katawan ko at padabog na sinara ang pinto. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. "Hoy Ellinanya Valdez." sabi niya gamit ang matinis kong boses.
"Hmm?!"
"Ano toh? Bakit nagpalit na naman tayo? Ano na naman ba toh? Paano na yung screening bukas? Paano na yun ha?"
"Eh di ako ang sasayaw. Nakita mo naman ang itchura ko diba? Ni hindi ko na maramdaman ang mga binti ko sa sobrang pagod brad."
"Pero--"
"Kung inaalala mo yung screening, wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para hindi maging sagabal." pinilit kong makaupo at humarap sa kanya. "Alam ko kung gaano kahalaga ang screening na iyon, V. Hindi ako masamang tao para maging dahilan ng isang pagkabigo. Kilala mo ako, gagawin ko ang lahat para--"
"Oo na. Oo na. Gagawin mo na ang lahat para matupad ang pangarap mo. Blah blah blah. F uck fu ck fu ck."
Napailing nalang ako at humiga ulit. Pumikit ako at inantay na lumabas na si V sa kwarto niya pero wala akong narinig kaya binuksan ko mga mata ko at nakita ko siyang nakatayo lang.
"Hoy. Matulog ka na nga."
"Bakit mo kasama si Leader-nim kanina?" he asked me habang nakahalukipkip gamit ang sarili kong katawan.
"Bwo? Si Rap Mon? Nagkukwentuhan lang kami."
"Ha." pagbuga nito sa hangin. "Close pala kayo?" halata sa boses niya ang pagkainis.
"Hmm. Medyo. Mabait naman siya eh. Hindi ko nga alam na kahit ganoon ang pangalan niya, malayo naman pala sa totoo niyang ugali."
"Tss. Wag ka na ngang lumapit kahit kanino sa mga kagrupo ko!!!" nagngingit-ngit niyang sabi.
"Waeyo?" di ako makapaniwala na nagtanong sa kanya. "Anong problema mo?" I asked.
"Basta ayoko! Wag kang pupunta sa practice room namin! Wag kang makikipag-usap kahit kanino!" napailing nalang ako sa abnormal display of immaturity ni V gamit ako katawan ko. Yung pagpadyak ng paa, pagkunot ng noo. Grabe. Ibang klase.
"Alam mo V, kung ipapakita mo lang sa akin kung gaano ka kadamot, wag ka ng mag effort kasi alam na alam ko na yan. Matulog ka na."
He sighed in defeat at mabigat ang paa na lumabas sa kwarto. Ako naman, muling binagsak ang katawan sa kama niya. I closed my eyes and tried to get some sleep pero naririnig ko lang ay yung sasayawin ng Bangtan Boys bukas.
'I wanna big house, big cars and big rings blah blah blah big dreams'
Napapangiti ako. Gumawa sila ng isang kanta na may pamagat na No More Dream pero puro pangaral ito. Pangaral tungkol sa pag abot mo sa pangarap mo.
Mas naeexcite ako para bukas. Ako ang naeexcite para sa kanila. Hindi nila alam na ilang oras na lang maaring mabago ang buhay nila.
***
Nagising ako na feeling ko pasan ko ang buong mundo. Ang bigat ng pakiramdam ko pero iniisip ko palang ang URDB screenings, napapangiti talaga ako.
Paglabas ko ng kwarto nakita kong nakabihis na si V. Napatingin naman ako dahil hindi siya nagsuot ng pantalon at imbes nagdress siya.
"Hoy ikaw. Sinisilipan mo ba yung katawan ko habang nagbibihis ka?"
"Baka may makita." monotonous niyang sagot. Nag hair flip pa siya bago tumingin saken. "Hoy Anya, pwede ba maglaba ka ng damit mo. Wala ka ng pantalon kaya no choice ako kundi isuot tong dress na nakuha ko sa cabinet mo. Nakakabading eh. Ngayon lang ako namroblema sa susuotin ko." he said.
"Haha. Yaan mo na. Ang ganda ko pala pag nakadress. Alam mo kasi wala akong balak isuot yan. Padala yan ng nanay ko eh hindi naman ako sanay magsuot niyan. Wala akong lakas ng loob."
"Talaga lang ah? Eh yung mga babae sa school ang iikli ng palda pag nakacivilian. Etong dress mo parang aattend ka ng worship. Siguro nga kailangan mo ng lakas ng loob... lakas ng loob na tanggapin ang mga manlalait sa suot mo."
Nagtimpi nalang ako kesa naman batukan ko diba? Wala din mangyayari eh.
Nagbreakfast kami at umalis na. Ang weird. Para kaming—
"Wag ka ngang sumabay saken na maglakad. Mamaya pagkamalan pa tayong nagde-date." inis na sabi ni V.
Napanguso na lang ako. Tumigil ako sa paglalakad at pinauna siya. "Ang dami dami mong arte sa katawan." I said then sighed.
Nang marating namin yung URDB studio, ang daming tao. Mukhang madami talaga ang gustong makapasok sa show na toh. Lumingon ako kay V na nakatayo sa isang tabi. Wala siyang magawa dahil nasa katawan ko siya.
"V hyung! Akala ko male-late ka." sabi ni Kook saken.
"Hindi pwede noh. Sasayaw ako para sa pangarap ko kaya--" natigilan ako ng nakita kong kumukunot ang noo ni Kook at tila naguguluhan siya. Aish. Nakalimutan kong ako si V. Pahamak ka talaga.
"Bwo. You're weird Hyung." umiling nalang si Kook at pumunta na kami sa grupo.
"We need to pass the screening. This is our last chance. Yogi and Jin are already graduating so we better do a great job in every battle." sabi ni Rap Mon.
Ang astig niya. Why would he even thought na hindi siya magaling na leader? He's so responsible and very mature.
"I wish I can rap like Leader-nim and Yogi hyung." sabi bigla ni Jimin.
Yogi pat his back and grinned. "Jiminnie can just sing. If you want us to pass the screening, JUST SING. Please." he said. Natawa kaming lahat. Lagi nalang binubully ni Yogi si Jimin.
"Oh! Ellin!" tawag ni Jin kay V-- na nasa katawan ni Ellin.
Awkward siyang kumaway. "Uh-- hi."
"Omg. Noona. Are you gonna watch us?!" masayang sabi ni Kook. Grabe ang cute niya talaga. He's such a kid.
"Uh hindi. Ano--" nawala naman yung ngiti ni Kook dahil sa sinabi ni V. Agad ko siyang nilakihan ng mata. "Uh joke. Oo. Papanuorin ko kayo." biglang bawi niya.
"Yay!" napangiti naman ako ng niyakap siya ni Kook. Ang sweet talaga niya. I never thought na may ganitong member ang Bangtan Boys. Kitang kita ko naman na naiirita na si V kay Kook. Hah.
Pang # 21 kami. Yung nagpeperform, #18 na. Kahit hindi naman ito ang unang pag akyat ko sa isang stage para sumayaw, kinakabahan ako. Sasayaw ako bilang si V ng Bangtan Boys. Kakayanin ko ba?
Nagpaalam ako na magpapahangin lang saglit sa labas. Ilang sadali pa, sumunod si V. Akala ko magbubunganga na naman siya pero tumayo lang siya doon katabi ko.
"Kinakabahan din ako para sa Bangtan Boys." he said calmly.
I sighed. Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong si V mismo ang makapagsayaw sa stage. Gusto kong makita at maramdaman niya yung feeling na sumasayaw ka dahil pangarap mo yun.
"Galingan mong sumayaw ah. Don't screw this up. This is important to them."
Napatingin ako sa kanya. "Sayo? Hindi ba toh importante sayo, Sevanne?"
He chuckled using my voice. "Honestly, I don't know. But I like to dance. Dancing-- it gives me a reason to continue even though I don't know my purpose in life."
I smiled about that thought. "Dancing gives you life? Then dance, you idiot." I pat his little arms dahil braso ko iyon at iniwan siya doon para pumasok sa loob.
Sinalubong ako Jimin. "V tara na! Malapit na tayo!" hinila niya ako at inayos na namin yung mga gagamitin naming costume.
'# 21 group, Bangtan Boys. Please go to the stage now.' sigaw nung mga nasa backstage.
Nag bow kaming lahat at nag thank you sa kanila. Inabutan ako ng assistant ng papel na may nakasulat na #21.
I shrugged at hinawakan iyon. Nang makarating kami sa stage, grabe ang dami palang nanunuod. Agad nahagip ng mata ko si V na nasa baba lang ng stage.
Hinawakan ko ng mariin yung hawak kong papel. Pumikit ako at huminga ng malalim.
Sana may mangyaring miracle gaya ng sa recitals. Sana si V ang makasayaw. Sana—
"Okay. You may start your routine." sabi nung judges sa unahan." agad kaming pumwesto. Itatapon ko na sana yung hawak kong papel ng may nakita akong nakasulat sa likod nito.
"CONNECT."
♪♫Yamma ni kkumeun mwoni
Yamma ni kkumeun mwoni
Yamma ni kkumeun mwoni
Ni kkumeun gyeou geugeoni♪♫
Narinig ko ang beat at narinig ko si Rap Mon na nagsisimula na. Nakatayo lang ako ng biglang nagshift ang paningin ko at—
♪♫I wanna big house, big cars & big rings
But sasireun i dun have any big dreams
Haha nan cham pyeonhage sareo
Kkum ttawi an kkwodo amudo mwora an hajanheo♪♫
Nanlaki ang mata ko ng magbago ang point of view ko at mapunta ako sa baba ng stage kasama ng audience. Nakita kong nagsasayaw na ang Bangtan Boys sa stage.
Kahit si V tila nanibago pero sumunod nalang siya sa kanta at pagsayaw. Si Jimin ang pinaka-energetic sa kanila at nakangiti ito habang nasayaw. Siya lang ang may lakas na loob na magsleeveless.
♪♫Geojitmariya you such a liar
See me see me ya neon wiseonjaya
Wae jakku ttan gireul garae ya neona jalhae
Jebal gangyohajin marajwo♪♫
Ang astig ng kanta at napapasunod sa pag nod at paggalaw ang mga judges na hindi kalayuan mula sa pwesto ko. Syncronized sila at ang astig astig talaga ng kanta na sinulat ni Rap Mon at Yogi.
♪♫(la la la la la) ni kkumi mwoni ni kkumi mwoni mwoni
(la la la la la) gojak igeoni gojak igeoni geoni♪♫
Naririnig kong nasabay ang audience sa chorus. Nakaka-adik yung 'la la la la la~' pati ako nakikisabay na kahit sa palakpak. Napansin ko ang isang banner na may nakasulat na 'GO BANGTAN' at hawak hawak iyon nila--
"Chowa! Wowa!" tawag ko sa kambal. Agad naman nila akong nakita at excited na lumapit.
"Ellin!!! Nanunuod ka din pala! Ang galing ng Bangtan grabe!!!" sabi ni Chocola.
Ngumiti ako at tumango. "Ano nga palang ginagawa mo dito Ellin?" tanong saken ni Winona.
"Ah-- eh-- wala lang. Napadaan lang."
♪♫ To all the youth without dreams...♪♫
Nagsisigaw sila Chowa at Wowa noong matapos na ang routine nila. Ngumiti ang Bangtan sa lugar kung nasaan kami. Halos mahimatay yung kambal.
"Number 21." pagkuha ng attention ng judges sa kanila.
Kinabahan ako bigla. After nga pala ng routine malalaman na din agad ang resulta kung makakapasok pa sila sa Rookie Battle o hindi.
I closed my eyes and crossed my fingers.
"Welcome back to the Rookie Battle, Bangtan Boys. You made it."
Nagsisigaw sila Chowa at Wowa at nagyakap kaming tatlo. Paikot ikot kaming nagtatalon sa tuwa. Nang tinignan namin ang Bangtan Boys, humilera sila sa stage at nagkapit kamay. Tsaka sabay-sabay silang nagbow.
Pumalakpak ang audience tsaka sila pumasok sa back stage. Sa sobrang tuwa ko, nagtatakbo ako doon para i-congratulate sila.
"Ellin?" natigil ako ng may tumawag saken.
"J Hope?" nanlaki ang mata ko na makita siya doon sa entrance ng back stage. Grabe ang pogi niya. Naka sweater siyang black at nakataas ang buhok niya.
"Nandito ka pala. Why are you here? Don't tell me mag a-audition ka din sa Rookie Battle?" natatawa pa siya nung itanong niya iyon. Grabe wag kang ngumiti. Huehue.
We both laughed. "Pwede ba akong mag-audition?" biro ko.
"You're too cute for underground rap battles, Ellin." sabi niya at sobrang namula ako. Grabe. Cute daw ako? Sarap!
"Bolero." sabi ko.
He just smiled and scratched his head. "That wasn't a joke." he looked at his watch. "Well I have to go, may rehearsals pa ako eh. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo ah?" he pat my head.
"Yeah. I will. You too J Hope." agad siyang tumakbo papasok sa loob ng backstage.
Emergerd. Cute daw ako sabi ni J Hope. Who you pows? XD
"Hoy." nabigla ako ng marinig ko ang malalim na boses na iyon at napalingon ako sa likod ko.
"S-Sevanne! Oy. Congrats! Ang galing--"
"Tumabi ka nga sa daraanan ko. Paharang-harang ka dyan." hinawi niya ako ng marahas at tsaka siya dumaan.
Sa sobrang lakas ng pagkakahawi niya muntik na akong matumba pero may humawak sa braso ko.
"Okay ka lang?"
"O-Oo. Thank you Rap Mon." sabi ko. Binitawan niya na yung braso ko at sumunod sa kanya ang iba pang kasamahan niya.
"Ang sama naman ni Hyung. Bigla nalang siyang naging bad mood. Kanina sa back stage ang saya niya ah?" sabi ni Kook.
"Hayaan mo na yun. Bipolar freak." pag-iling ni Yogi at ngumiti siya saken.
"Congrats nga pala. Ang galing niyo!" pag-iiba ko ng topic.
"Nagulat nga kami. Ang taas ng binigay nilang score samin!" proud na sabi ni Jimin.
"You guys deserve it. Galingan niyo sa Rookie Battle ah. Manunuod ako lagi." sabi ko.
Masaya akong niyakap ni Kook. "Yay! Thank you Noona!!! You are so kind to us!!!" sabi niya pa.
All of a sudden biglang may humila sa kanya. Nagulat kami ng makita naming si V iyon. Akala ko ba nasa labas na siya?
"Ang tagal niyo. Hindi pa ba kayo aalis? Tss." he grunted. Hawak niya yung collar ng damit ni Kook. Para tuloy puppy si Kook habang pilit na umaalis sa pagkakakapit ni V.
"Aigoo hyung~ let me go! Ellin noona~" T_____T
Hindi siya pinansin ni V at hinila na siya palabas. Sumunod ang lahat kay V at nagbow nalang saken bago tuluyang lumabas ng studio. Napailing nalang ako. Abnormal talaga ang V na iyon.
But I'm glad they made it to the Battle.
Nang makarating ako sa apartment, naabutan ko si V na nasa kitchen. Omo. Kimchi fried rice at beef tapa yung niluto niya for dinner.
"Pahingi~" I begged.
"Mamatay ka sa gutom. Malandi." sabi niya tsaka niya kinuha yung plato at dumiretcho sa sala.
Sinundan ko siya at tumabi ako sa sofa. Naggala kami nila Chowa at Wowa kanina at naubos yung pera ko kaya wala na akong pambili ng dinner.
"Sige na V kahit konti lang~" pakiusap ko tsaka ako nagpaawa.
"Hindi bagay sayo, Anya."
Ngumuso ako at humalukipkip. Nanuod nalang ako ng TV at ramdam na ramdam ko yung pagkulo ng tiyan ko. Naaamoy ko din kasi yung kimchi. Nagugutom ako. T^T
Nilapag ni V yung plato sa sofa at inabot saken yung kutsara niya. Nagkaroon ng stars yung mata ko. "T-Talaga? For reals?!?!" sabi ko.
"Oo na." irap nito saken.
"Teka, share talaga tayo ng kutsara?"
"Ano sa tingin mo? Tinatamad na akong kumuha ng kutsara. Don't tell me magiinarte ka pa?"
"Hindi naman. Kaya lang hindi ka ba naniniwala sa indirect kiss?"
"Mga nalalaman mo. Ayaw mo ba? Dami mong arte." naiinis na si V kaya kinuha ko na agad yung kutsara at sumubo agad.
Ngumiti lang ako habang ngumunguya. "Tss. Dami mo pang arte. Sumanib na ako sa katawan mo ng ilang beses naiilang ka pa rin." he said and used the same spoon.
Hindi ko nalang pinatulan at halinhinan kami sa paggamit ng kutsara habang nanunuod ng TV.
"Woooooow. Sarap ng pagkain! Gomawo V." sabi ko sa kanya nung natapos kami.
Hindi siya umimik at tumango lang. Busy siyang manuod ng commercials. Suplado talaga eh. "So anong susunod niyong sasayawin? May bago bang isusulat si Rap Mon na kanta? Aigoo I want to hear it again. Ang galing pala ni Rap Mon magsulat ng kanta? Ang cool niya."
"So type mo na?"
Napahawak ako sa baba ko. Kung iisiping mabuti, boyfriend material nga si Rap Mon. Maangas lang talaga yung itsura niya pero napakaresponsible niya pala.
"Hmm... J Hope pa rin ako eh. Pero pwede na rin si Rap Monster."
He sarcastically laughed at tsaka siya tumayo. "Landi mo." sabi niya saken ng harapan.
"Sinagot ko lang naman yung tanong mo noh." hindi niya ako pinansin at umalis na dala yung pinagkainan namin.
Sumunod ako sa kanya kasi tutulungan ko siyang magligpit. Siya yung naghugas at ako yung naglagay ng mga plato sa lalagyan.
Hindi ko sinasadya na madulas pala yung baso and slipped out of my hands. Bumagsak iyon sa counter top at nabasag.
"Aigoo!" pupulutin ko palang yung bubog ng masugatan ako. Hindi ko naman yun ininda at agad pumunta sa sink para hugasan yung dugo.
"Malandi na nga, clumsy pa." bulong ni V saken na saglit kong naistorbo sa paghuhugas.
"I forgot to wipe it kaya nadulas sa kamay ko. Aish. Nakakainis." tinignan ko yung sugat ko nang kunin ni V yung kamay ko and checked it.
"Lagyan natin ng antiseptic. Stay there." sabi niya at pumunta sa isang hanging cabinet. May dala na siyang first aid kit pagbalik. "Amin na." he said. Inabot ko naman yung kamay ko.
Tinignan ko lang siya habang ginagamot niya yung sugat ko. Weird ni V. One second, suplado, then after that nagiging concern sa sugat mo and then after iirapan ka. Abnormal kwek kwek.
"Sa susunod, iwasan mong maging tanga. Okay?" sabi niya. Tignan mo, ngayon naman medyo hard manlait.
"Oo na." tinignan ko yung kulay blue at pink band aid na nilagay niya sa daliri ko. "Thanks V." sabi ko then smiled.
Tinalikuran niya ako at pinagpatuloy niya yung paghuhugas ng pinggan. I shrugged and continued placing the rest of the plates.
He's so weird. Sa Bangtan Boys, siya lang talaga ang hindi ko mabasa ang ugali. Kahit pa lagi ko siyang kasama sa apartment, I can't understand where his hatred or whatsoever comes from.
"Mauuna na ako sa taas, V." paalam ko.
"Good night, Anya." nagulat ako ng sabihin niya iyon pero busy pa rin siya sa paghuhugas ng pinggan.
Okay? Weirdo.
* * *
A/N: Dangerrr!!! Hahaha. I'm back Dreamers. Sa wakas. On going na ulit ito. Sakto pa sa Dark and Wild comeback ng BTS. The album and the comeback is majestic at dapat suportahan natin sila sa mga shows! Ang astig!!! Talented mofos!
Vote and comment army's! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top