Connect 5: Before Bangtan
Connect 5: Before Bangtan
Ellin's POV
Nakaupo ako sa maduming kwarto ni V. Oo, nandito ako sa kwarto niya. Pinapanuod ko siyang magsayaw. Actually kakatapos ko lang ituro yung steps ng routine nila. Diba ako yung umaattend ng practice nila? Ayun.
"Hoy. Anya, ituro mo na yung sunod." makatawag ang isang toh akala mo pinapasweldo ako eh.
"Opo. Eto na po." nagpagpag ako ng pwet at tumayo sa malaking salamin sa kwarto ni V. Infairness, eto lang ang gusto ko sa kwarto niya, mala-dance studio. Yun nga lang nakakasusot ang daming naka-bikini na babae. Tss.
"Paano yung sunod? Bilis." iritado niyang sabi.
"Wow teka lang po ah. Iniisip ko pa eh." inaalala ko pa yung steps sa bandang chorus, atat masyado ang kwek kwek na toh eh.
Nagsimula kami at pinatugtog ni V ang beat, ang alam ko sasabayan nila ng rap ang performance nila habang nasayaw. Mabilis maka-pick up si V, ngayon ko lang siya nakitang sumayaw kaya hindi ko alam na magaling din siya. Pero wala ng gagaling kay JHope. Mehehehe.
"Hoy V, hindi mo man lang sinabi na kasama niyo dati sa Bangtan si JHope!" bigla kong sabi.
Napatigil siya sa pagsayaw at nagulat ako ng naging seryoso ang mukha nito. Dumilim ang aura niya ng mabanggit ko si JHope.
"Ano?!"
"Sabi ko hindi mo man lang sinabi na kasama niyo sa grupo si JHope dati. Alam mo namang crush ko yun eh." sabi ko.
Tumaas ang kilay niya. "Crush? Crush mo si Jay Hyung?!" tanong niya at natatawa.
"Hoy! Walang nakakatuwa dun ah! Tsaka 'wag mo nga siyang matawag na Hyung magka-klase kaya kayo!"
"Hah. Talagang sinabi mo saken na crush mo si JHope Hyung ah. Paano kung sabihin ko iyon sa kanya--" hindi niya na naituloy ng sumakay ako sa likod niya.
"Yah!!! You wouldn't!!! It's a secret!!!" namumula kong sabi habang hawak ko yung nguso niya at nakasakay pa din ako sa likod niya.
"Argh! Get the fuc k off Anya! You stupid pig!" pilit niya akong tinatanggal sa pagkakakapit ko sa likod niya.
"Promise me you'll not tell anyone!"
"Aish! Immature!"
"PROMISE ME!!!"
"Fine! Fine! I will not tell your stupid nonsense secret! Now get off!" agad akong umalis sa likod niya. Kita ko namang nainis ito dahil alam kong mabigat ako kahit mukha akong payat. Mehehe.
"Good. So, JHope is also a member of Bangtan?!" I asked, I want to confirm it for myself.
"Was... he was a member of Bangtan." mariing pagtatama niya dito.
"Ahhh... why did he left Bangtan? Was it because of your hostile attitude?!" pang-aasar ko.
Umirap siya saken at kumuha ng towel. "I don't need to explain anything to you, Anya." he said then turned around para magpractice ulit.
"Fine. If you will not tell me, I'll just ask JHope myself." umirap din ako then turned my heel para lumabas ng kwarto niya.
V's POV
Padabog na sinarado ni Anya yung pinto. Tss, that immature and annoying brat. Talaga palang may gusto siya kay Jay Hyung. Tss. Oo, Hyung ko siya talaga. Napatigil siyang mag-aral dahil nag-aral siya sa Dance School sa ibang bansa.
Nakakuha siya ng scholarship offer noong una kaming sumayaw sa URDB, nagpasya siyang iwan ang Bangtan para tuparin ang pangarap niya.
Pangarap? Tss. Big word.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagsayaw. Pero dahil sa bwisit na Anya na iyon, nagto-throwback ang utak ko noong una kaming nabuo bilang Bangtan Boys.
Ang saya namin noon. Madalas kaming mapagalitan at mapunta sa office pero sulit yun 'pag nakakapag-sayaw kami sa URDB.
Noong baguhan palang kami sa Coachella, Grade 8 to be exact nagkaroon na kami ng slot sa URDB. Kung mahilig ka sa underground rap battles at hip hop, URDB is the place to be. Doon namin gustong makapag-perform.
Matalo o manalo, basta sama-sama kami. Walang iwanan. Hanggang sa—
"Rap, hindi ko gustong talikuran ang Bangtan. Alam niyo yan!"
"Jay, maiintindihan pa namin kung aalis ka dahil sa pangarap mo pero bakit ka pumayag na tanggalin kami sa line up sa URDB?"
"Pinapili nila ako Rap. W-Wala akong choice--"
"Ano? Hindi na tayo makakasayaw sa URDB?!" tanong ni Jungkook na noon ay Grade 7 palang.
"Ang sabi niyo sama-sama tayong sasayaw sa URDB. Sama-sama tayong lalaban sa bawat battles at--"
"Yogi... tama na. Nagpadala na ng sulat ang URDB. Disqualified na tayo dahil hindi tayo kumpleto." hindi na pinatapos ni Leader-nim ang sinasabi ni Yogi Hyung.
"Leader-nim..." sabay naming sabi ni Jimin.
"We'll try to get another URDB slot next year. Hindi tayo susuko. I promise." umakbay sa amin si Leader habang lumabas na noon ng dance hall si Jay Hyung.
Naikuyom ko ang palad ko ng maalala ko iyon. Hindi kami nagalit kay JHope, hindi niya iyon kasalanan. Pero hindi na siya ganoong ka close sa Bangtan simula ng bumalik siya.
Ngayon, kilala na siya sa URDB dahil natapos niya ang 1-year course niya sa Dance School sa New York. Isa na siya sa mga regular performers ng battle.
Kaya lang ngayon, kami ang Bangtan... kami nalang. We're not going to sit around sulking because JHope left. We'll work hard to go back and perform in URDB again. Gagawin namin ang lahat.
***
Nakalipas ang ilang araw na hindi kami nagpalit ni Anya ng katawan. Natapos ang ilang exams at bumalik ako sa pagiging pala-absent na V. Ngayon, nasa billiard hall ako kasama ang cutting class buddy ko na si Kook.
"Hyung~ your turn." sabi ni Kook tapos umalis sa billiard table at umupo sa tabi.
Tumira ako at naubos ko ang set. Nakita kong may mga pumasok na babae, mukhang taga-Preston International School yung mga babae na dumating.
"Kookie-oppa!" bati nila kay Kook, ngumiti lang ng pilit si Kook, ayaw niya talaga sa mga babae.
"Uhh hi."
Pinisil ng mga babae ang pisngi niya. Agad niya tinapik ang mga kamay nito, tsaka tumayo at lumipat ng upuan. Suplado.
"V!" tawag saken ni Jazz, naka-fling ko dati. "Cutting classes again ey?" she said then clinged in my arms.
"Ah yeah. Boring sa school." I said without any slice of amusement. Tumira ako ng isa at nag shoot iyon.
"Well I'm bored too. You want to go somewhere with me?!" she asked, obviously begging for s ex. I rolled my eyes. Di 'ko siya pinansin and lean over the billiard table para tumira ulit.
"I'm not in the mood for s ex Jazz." sabi ko after taking a shot.
I leaned over para tumira ulit, may natitirang dalawang bola sa table. Nag-pout ito at niyakap ako. "Well then anong gusto mong gawin?" she said at nagpacute pa saken.
I smiled, tapos tinulak ko siya. Agad siyang natumba at napaupo sa sahig. No one gave any fu cks around except sa mga kasama niya.
"What the--" gulat nitong sabi habang inaalalayan siya nung mga kasama niyang babae.
"Kung may gusto man akong gawin ngayon... yun ay ang lumayo sayo." binaba ko yung billiard stick na hawak ko tsaka kinuha yung bag ko. "Ituloy nalang natin yung laro natin next time. Nawalan ako ng gana. Let's get outta here, Kook." tumango lang si Kook at sumunod saken.
Napatingin ako sa orasan ko. 12:23. I turned to face Kook na busy kakalaro ng Flappy Bird sa phone niya. "Kook, wanna head back to Coachella?!" sabi ko.
"You're acting weird again Hyung. Why do you want to go back to school? Kakasabi mo lang na boring sa school, diba?!" he said not even laying a single glance at me. Dinig ko ang pagtunog ng phone niya. "Aish. Nakaka-45 na ako. Sayang." he said referring to what he's playing.
Napakamot ako sa ilong ko. "Aish. Mas gusto kong manggulo sa school. Tara." naglakad na kami pabalik ng school. I don't know why but I felt like something's missing the past few days.
Pagdating ko sa classroom namin naabutan kong nakasira na naman si Yogi Hyung ng desk dahil sinipa niya ito. Hawak niya yung desk tsaka tinapon sa bintana na parang basura lang.
"Yah! Whoa. Mukhang may sapi na naman si V! Nasobrahan ka na naman siguro sa s ex" salubong saken ni Jimin.
"Ulul." tsaka ko siya binatukan.
"Hyungs, he turned down a girl at the billiard hall earlier. I don't think he had too much se x." biglang epal ni Kook.
"Shut up Kook. Ayoko sa babaeng yun, masyadong easy to get." tsaka ako umupo kasama nila Rap Mon.
"Yahhh. Isn't that girl you're talking to a few days ago? The girl from section A." turo ni Yogi Hyung mula sa labas.
Nakita ko si Anya nagtatakbo at hila si Winona. Hindi nila alam kung saan pupunta.
"CHOCOLA!!! WINONA!!!" narinig namin si Sir Pagayunan. Tumayo si Rap Mon mula sa pagkakaupo niya.
"V, get the girl and hide her in the cleaner's storage. Ako ng bahala kay Sir Pagayunan.
Ellin's POV
Ilang araw kaming hindi nagpapansinan ni V. Buti nalang at hindi na kami nakukulam at nagpapalit ng katawan. Hey actually now that I thought about it, baka nga kinukulam kami ng mga babaeng nade-virginized niya. Tss. Nadamay pa tuloy ako.
"Ellin!" nagtatatakbo sa harap ko si Wowa. "Ellin! Asan si Chocola?!" tanong niya tsaka niya ako niyugyog.
"Uhh-- ewan ko-- bakit--"
"Hala. Lagot. Nakita ni Sir Pagayunan yung nadoodle naming I.D. picture niya sa workbook ni Chowa at--"
"CHOCOLA!!! WINONA!!!" pati ako kinilabutan ng marinig ko ang boses ni Sir Pagayunan.
"T-Tumakbo ka na!" natataranta kong sabi, tsaka ko hinila ang kamay niya at tumakbo kami.
"CHOCOLA!!! WINONA!!!" ayan na naman si Sir. Aigoo!!!
Dire-diretcho kami hanggang sa marating namin yung section-F. Wala kaming mataguan kaya nagdasal nalang si Winona.
"Aigoo~ sorry po hindi ko po sinasadya!!!" T___T
Nakahanap ako ng isang bukas na locker at agad hinila si Winona para ipasok siya doon.
"P-Paano ka Ellin?!!!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Wowa.
"Don't worry. I'll be alright. Just stay hidden." tsaka ko sinarado ang locker. Aalis pa lang ako ng may humila saken at takpan ang bibig ko. Ang dilim at wala akong makita.
"Mister Raphael Salazar!" narinig ko ang boses ni Sir Pagayunan.
"Oh?! Sir Pagayunan, naligaw ata kayo sa section F." teka boses ba yun ni Rap Monster?!
"Have you seen two girls around here?!"
"Wala sir. I think they went... that way."
"Hmm... okay then." naramdaman kong kumilos ang taong kasama ko sa loob ng maliit na lugar na toh, umangat ng konti yung pinto at tinulak niya ako palabas. Tumaob tuloy ako sa sahig. Ouch ah! >_<
"Tss." paglingon ko mula sa pinagtaguan namin nakita kong lumabas mula doon si V.
Nakita ko din si Jimin na lumapit sa locker kung saan nandun si Wowa at inalalayan siyang makalabas.
Tumingin ako ng masama kay Sevanne, buti pa si Jimin! Tssss. (=____=)#
"Hoy. 'Wag mo 'kong tignan ng ganyan. Buti nga niligtas pa kita. Pahamak ka." umirap lang saken si V at pumasok na sa classroom.
Nakakita ako ng kamay sa harap ko at si Rap Monster iyon. "Get up. Madumi ang sahig, Miss." kinuha ko ang kamay niya at tsaka tumayo. Teka may mga sapi ba sila. Did they just helped us?!?
"Salamat." ngumiti ako sa kanya pero ang cold pa rin ng expression niya.
Napatingin ako kay Jimin at Wowa. Nakatingin lang si Wowa sa kanya at hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya. Napahawak ako sa noo ko.
"P-Pasensya na. Aalis na kami." tsaka ko hinila ang tulala pa rin na Wowa pabalik ng classroom.
"Ohhh my gosh over over did Bangtan just--"
"Oo. Unexpectedly..."
"Chowa will be dead jealous when I tell this to her!" tumakbo na si Wowa pabalik ng classroom. Lumingon ako saglit at nakita ko ang malalamig na mata ni V na nakatingin sakin.
Well, even a guy like him can save the day too.
Ngumiti lang ako at naglakad na din pabalik ng room. Pabalik pa lang kami sa room ng masalubong namin sila Jin at Yogi. Kasunod noon ang nakakabinging sigaw ni Sir Pagayunan. Nagkumpulan ang mga estudyante sa may hagdan at nakita naming nakahiga doon si Sir Pagayunan.
Lumingon ako sa section F at nakita kong nag-apir ang Bangtan Boys. Ewan ko pero napangiti ako. Akala ko absent siya ngayon, siguro pumasok din siya kanina hindi ko lang nakita. Hah.
***
Naglalakad ako palabas ng school ng makita kong nakatayo si JHope sa may gate.
"J-JHope!" napatingin siya saken at ngumiti.
"Ellin!" ay shet nakakatunaw yung ngiti niya.
"Bakit hindi kita nakikita sa school?" tanong ko kaagad.
"Ah? Bakit? Miss mo 'ko?" he said tapos kumindat pa. Ah shet. Rereypin po kita. Rawr. De joke.
"Ahhh secret! Pero 'di nga? Are you busy? Hindi din kita napanuod sa URDB nitong Tuesday."
He pats my head. "Yeah, busy ako. Nagpapractice ako sa recital ng school at ng isang performance ulit sa URDB. I'm not battling, nabibigyan lang ako ng performance doon. Kung baga, guest na lang ako doon minsan."
"Omo! Daebak!" sabi ko.
"Sure does. Anyway, mind telling me why are you dying to see me?" he said and grinned.
Hinampas ko naman siya sa braso. "Wala akong sinabing ganyan noh! Feeler ka!" tsaka kami sabay tumawa. "May itatanong lang ako kung bakit ka umalis sa Bangtan Boys?"
Halatang nagulat siya dahil napakamot ito agad ng ulo. "Wow. You sure do ask personal questions with such short notice." he said.
Namula ako kaagad. "B-Bwo! Was it too personal??! I-I'm sorry! I didn't mean to! Kalimutan mo na iyon!" makailang ulit akong nag-bow.
"No it's fine. But I can't tell you everything yet. It's a long story. Basta ang alam ko, umalis ako sa Bangtan para matupad ko ang pangarap ko, Ellin." he said. Halos magsuka ako ng silver dust ng marinig ko ang sinabi niya.
Perfect guy alert!
Perfect guy alert!
Perfect guy alert!
"JHope oppa~~~" wala sa sarili kong bulong.
"What?!" sabi niya.
O////O
"Ah! Wala! Wala! Never mind! S-Sige! Next time mo nalang ikwento 'pag di ka na busy! Sige! Bye JHope! Ingat!" tsaka ako tumakbo palayo. Tampal tampal ko ang pisngi ko dahil sa hiya at kilig.
Siya na yata ang lalaking hinahanap ko! Kaya niyang talikuran ang lahat para sa pangarap niya. Ugh. JHope oppa~~~
*booogsh*
Agad akong tumalsik sa sahig dahil sa pagkakabunggo ko.
"Ouchhhh!!!" sigaw ko. Ano ba yan? Nasa tabi naman ako ng daan bakit may mga naharang na—
"Lampa." nakita kong nakatayo si V, wearing a smirk on his little stupid face. Sinipa niya pa yung mga nagkalat kong mga libro.
"Wow! How rude!" sigaw ko sa sobrang inis.
Humarap siya saken at ngumisi. "Thank you. I'll take that as a compliment." nag-bow pa siya bago sipain papunta sa manhole yung isa sa mga notebooks ko.
(=___=)###
Unti-unting naakyat yung dugo sa ulo ko sa sobrang inis.
"Ruthless! Evil kwek kwek!!! Die! Die! Die!" inis kong sigaw.
I heard his deep voice as he chuckles. Tinaas niya lang ang kamay niya at nag- wave saken.
"Arghhh!!! Sevanne Lorenzo may araw ka rin saken! Hinayupak ka! Letche! Demonyo! Pabo! Pabo! Pabo!!!" gigil na gigil kong sabi habang ginugulo pa ang buhok ko.
***
Nakarating ako ng apartment na sabog sabog ang buhok at sira sira ang mga libro at notebooks na dala ko kanina. Naabutan ko si V na nakaboxers at naka tshirt na puti. Nakain siya ng cereal, eh hapon na.
Ngumisi siya saken at inalok ako ng cereal. "Gusto mo?!" he asked at ngumiti. Actually nagutom ako sa pagkuha ng notebook ko sa ilalim ng manhole kaya—
"Opps." binitawan niya yung box ng cereal on purpose dahilan para magkalat ito sa sahig.
(=___=)###
"You are really getting into my nerves." pagtitimpi ko.
He smirked. Tumayo siya at lumapit saken. Tumigil siya sa likod ko at tinapat niya ang bibig niya sa tenga ko. Bshit. Ramdam ko ang hininga niya. "Bumabawi lang ako Anya. Namiss kitang asarin eh." he kissed the back of my ear bago umalis sa kitchen.
Kinikilabutan ako sa sobrang inis. Ughhh! That guy never failed to piss me off! Konting konti nalang talaga ang pasensya ko sa taong iyon! Lagi niya pa akong hinahalikan kung saan saan. Sa leeg, sa pisngi, sa kamay, sa balikat ngayon naman sa likod ng tenga ko. Simpleng chansung ampucha. Arghhh!!!
Napasabunot ako sa sobrang inis! Ughhh! Waaaaa. Makapag-ayos na nga, mid-recital na bukas at—
"Huh?" natigilan ako ng may makita akong piraso ng papel sa lamesa.
"Connect?!" ayan na naman yung epal na papel. Tss. Naglakad ako papunta sa kwarto para mag-practice ng kakantahin ko bukas.
* * *
A/N: Hahahaha ako din V iligtas mo din ako. Ako din V kiss mo din yung likod ng tenga ko manyakin mo din ako. Huhuhu. OTL
Sobrang nagiging bias ko na si Yoongi. Masama ito. Loyal ako kay Jungkook pero ang bata niya pa kaya baka magpalit na ako ng bias from Jungkook- Rapmon to Suga-Rapmon. <///3 Sorry Jungkook masyado ka kasing illegal eh. T^T
Kook sa gilid. Ugh. o-<-<
Votes and comments juseyo! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top