Connect 24: Boys in Luv?

Connect 24: Boys in Luv?


Ellin's POV


Naging busy ang lahat para sa darating na recitals next week. Ngayon nalang ulit ang recitals after maging Coachella Tech ang school. Nakakamiss! And I thought this day will never happen again!

Buti nalang talaga at next week pa ang recitals dahil makakapag-cheer pa ako sa Bangtan Boys bago ko asikasuhin ang piece na napili ko.

"Gosh!!!" nagulat ako ng may marinig akong tumili. Sila Chowa at Wowa lang pala. "Ang hot ni Jimin!" dagdag pa ng dalawa habang nanunuod ng kung ano sa phone nila.

"Ano ba yan?" tanong ko ng makaupo sila sa tabi ko.

"Practice video nila para bukas! Ang solid ng bago nilang kanta! Pinakadabest!" Winona said.

"Pinakita nila sainyo?" I said, parang may kung anong nagtwitch sa dibdib ko. Bakit sa akin hindi nila pinakita?

"Yup! But Rap Mon said na ipost namin right after their performance tomorrow. Oh diba? Taray! Dudumugin na naman ang fansite namin dahil nasa amin na naman ang exclusive practice video! Fansite sunbaenims na talaga kami!" proud na sabi ni Chowa.

"Gusto ko din mapanuod!"

"Yah! Mahigpit na bilin ni Rap Mon na bawal ipanuod kahit kanino!"

"Kahit sa akin?"

The twins nodded.

Bumalik ako sa pagkakaupo ng ayos at nakapout na nagsulat nalang ulit ng notes. Ang daya naman nun eh! Bakit hindi ko pwedeng makita? Ah! Alam ko na! Pupunta ako mamaya sa practice nila.

Pagkatapos ng class namin, diretcho na ako sa empty classroom pero nakita kong nakasarado yung pinto. May nakalagay pang 'Do not disturb!' tapos may drawing na feeling ko si Jimin ang may gawa. Chaka ng drawing eh.

I knocked on the door at si Jin ang nagbukas noon. "Oppa! Panuod!" I said smiling.

"Mian, Ellin. You can't watch our practice now. Bukas mo nalang kami panuorin, sa URDB!"

"But--"

"Geh! Bye!" sabay sarado ng pinto. I was left there speechless. Grabe! Ang hostile naman ng Bangtan Boys ngayon?

Umuwi akong masama ang loob and kicking some of the stones I saw on the pavement. I never thought that I will be this upset because of a simple thing! I should stop acting up, hindi naman ako ganito dati eh! Who cares about Bangtan Boys anyway?

Malapit na ako sa apartment when I saw a black limo parked in front of the driveway. Napatigil ako and tried to look around. Ang daming bodyguards! Ang bongga! Lumabas mula sa apartment ang isang babae na nakasuot ng napakalaking sun hat na itim at shades. May nakasunod na lalaki na may dala ng napakalaking payong. I saw  the guard handed a spray bottle at nagspray ang babae sa kamay nito tsaka ibinalik.

Nakita ko naman si Manang Ason na nasa pintuan at nakaway sa babae. The woman did not waved nor look at her and went straight inside the limo.

Agad nagsialisan ang limo at ang tatlong kotse na kasama yata noon. Naglakad na ako palapit sa apartment at naabutan ko pa si Manang sa front door.

"Sino yun Manang?" tanong ko naman.

"Aba malay ko? Sabi niya titignan niya lang yung lugar so pinapasok ko nalang siya. Mukha namang hindi siya interesdong kumuha ng kwarto. Buti nalang kasi wala ng bakante." she replied and we both entered the apartment.

Sino ba iyon?


V's POV


Sabay-sabay kaming umuwi matapos ang huling practice. Nakakapagod pero kakayanin. Malapit na ang semis kaya naman dapat mas galingan pa namin.

"Aish, feeling ko nasugat yung kamay ko kakalinis ng CR! Hindi ko alam na ang daming something sa mga CR!" reklamo ni Jin hyung habang pinapakita ang kamay niya. Alagang Belo yan eh.

"Si Jungkook nga malapit na makatulog, kelangan na nating umuwi at magpahinga. We need to do our best tomorrow!" JHope said and we all stop walking.

"For Bangtan Boys!" Rap Mon said and handed over his hand in the center of our huddle.

"And for Armys!" dagdag pa ni Suga hyung. Pinagpatong-patong namin ang mga kamay namin and raise it up while chanting.

Jhope have his car while Rap Mon took Jimin and Jungkook home. Jin and Suga went home as well. I was the only one left after. I sighed and walked all the way to the apartment.

Walang tigil sa pagtunog ang phone ko simula kaninang umaga. It's either Dad, Baekhyun or my ugly stepmom for sure.

I ignored every calls. Not now, rotten family. Mas importante ang URDB kesa sa inyo. Tss. Nang makarating ako sa apartment, naabutan ko si Anya na nanunuod ng TV. Binaba ko ang bag ko at humiga sa sofa. Pinatong ko yung ulo ko sa lap niya at pumikit saglit. Sanay na talaga siya sa gestures ko, ni hindi man lang pumalag.

"How's practice?" she asked while holding the remote and switching channels.

"Exhausting."

"Nag-dinner ka na?" she asked. Umupo na ako ng maayos at nagkamot ng ulo.

"Not yet, but I'm tired. Tutulog na siguro ako." tumayo ako at kinuha ko ang bag ko. Nang tumingin ako kay Anya ay busy talaga siya sa paglilipat ng channels. Ako naman, pagod na.

"Kyaaah! Naabutan ko din sa wakas!" biglang sigaw niya. Tinignan ko kung ano yung nakita niya sa TV at napaikot ang mata ko na makitang Nat Geo yung pinapanuod niya. Tungkol sa space exploration. Nerd.

She looks happy. Yung mga ngiti niya... nakakawala ng pagod. Binaba ko yung bag ko at umupo ulit sa sofa.

"Yah! Akala ko ba aakyat ka na?" she said.

"I'll stay here a little bit longer."

She shrugged and continue watching. Ako naman, sa mukha lang niya nakatingin. Somehow, unti-unting nawawala ang pagod ko. Ellinanya Valdez... there's something about you that makes me do things... like just stare at you all day.


* * * *


Dumating ang araw ng Semi-finals. Lima pa kami sa Battle. Dalawa ang mai-eliminate ngayon at papasok sa final rounds ng Battle. May text votes, sns votes at online votes na kasama sa judging. Bukod pa ang judges scores kaya naman mahigpit ang laban.

Nag-aalala kami sa votes. We are aware of the haters and bashers, mas madami kaming ganun kesa sa Armys. Pero after ng nangyari sa school at sa pagiging supportive ng Coachella sa pagsali namin, hopefully makabawi kami.

"Guys! Wag tayong kabahan, okay?" sabi ni Jin habang maikot ikot sa loob ng dressing room namin at maya't maya ang pagpaypay.

Si Jimin at Jhope, sayaw ng sayaw ng Touch my Body. Si Jungkook pinaglalaruan yung Rap Voice App sa phone niya. Si Suga, tulog. Si Rap Mon hindi parin makadecide ng isusuot, kanina pagdating namin naka muscle tee, tapos nagpalit ng white shirt, tapos ngayon may leather jacket. Labo.

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto at nakita namin yung isa sa mga staffs ng show. "Bangtan, five minutes kayo na. Get ready."

Rap Mon nodded and made us huddle. "Basta guys, enjoy lang. Walang magpapanic--"

"WALANG MAGPAPANIC! KALMA! KALMA LANG!" biglang sabi ni Jin Hyung na halatang tense na tense.

"Oo Jin, ikaw muna ang kumalma." sabi ni Rap Mon.

"Nawiwiwi yata ako, Leader-nim!" biglang epal ni Jimin.

"Anong gusto mong gawin namin? Saluhin ihi mo? Eh di umihi ka na, mamaya sa stage ka pa maihi!" inis na sagot ni Suga Hyung sa kanya.

Niyakap naman ni Jimin si Suga at pinangiti ito. "Aigoo! Bagong gising! Ang sungit!" Hala. Nagmoment pa nga ang Yoonmin. Luh.

Pagkatapos ni Jimin sa CR ay dumiretcho na kami sa backstage. Grabe. Yung kaba ko nandyan na. Ganito ako eh. Sa mismong oras na inaatake ng kaba. 

"And now, let's call on stage, BANGTAN BOYS!" tinawag na kami ng mc kaya naman umakyat na kami. Mukhang may Q&A muna bago kami magperform. Binigyan kami lahat ng mic.

Agad naman kaming luminya at nagbigay ng greetings sa mga audience. "Ayo! We are BTS!" tsaka kami nag-bow.

"So wow! BTS! Finally! You made it to the semis! How do you guys feel?" tanong ng mc.

Rap Mon chuckled and answered, "We feel honored to be here and perform even after being suspended. We will do our best to show you that we are worthy of that second chance!"

"Yes, so for your next song, who are the people behind it?"

"All of us, but mostly, Rap Mon, me and JHope collaborated together. But all of us did great with the rest taking care of the chereography." Suga hyung answered.

"That's great! So our last question is, I've heard this new song of yours is quite sentimental for our homeboy JHope here! Can you give us some hints on why this song is special?"

Napakamot ng ulo si Jhope pero sinagot niya ito ng seryoso. "This song is actually dedicated to all the boys who felt love for a girl. Everyone can relate to it and I made sure that everyone will enjoy it. The members have also their fair share of experiences lately." he said and looked at us.

"Oh wow! So BTS are literally boys in love then?" the mc mocked us.

"Yes! Although, as I was working on this track I have one special person in mind and that person gave, not only me, but all of us, the drive to continue our dream. So I really want to dedicate this song to that person that gave us the hope that big or small dreams really do count and it's worth fighting for! This one's for you!" ngumiti si Jhope sa camera at tsaka na kami pumwesto.

"Without further ado, The Bulletproof Boyscouts, Bangtan Boys!"

Nagsimula at natapos ang kanta at ang buong routine. Pero parang nabibingi ako. It was all a blur to me. Perfect ang steps at lahat. Hindi ko maintindihan. Bigla kasing may tanong na natakbo sa isip ko. Wala akong masyadong maalala. Ang alam ko lang, si JHope... gusto niya ba si Anya?


Ellin's POV


Yung performance ng Bangtan ang highlight ng buong araw ko! Sobrang saya! Yun na yata ang pinaka-precise na choreo nila sa buong battle! Yung transition! Yung blockings! Ang astig talaga! Sayang hindi ko napanuod ng live!

Pero yung sinabi ni JHope--

"Ahhhhh!!!" agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko tsaka tumili. Kasi naman-- omg ako ba yun? Ako ba ang tinutukoy ni JHope? Ang haba ng hair ko hindi ko na masuklay!!! Pakisuklay mga friends!

Humiga ako sa sofa at nag-isip saglit. Kasi grabe yung pagkakasabi ni Jhope tapos nasa harap pa siya ng screen at nakangiti talaga hindi ko kinaya. Ang gwapo niya! *sobs*

Nagulat naman ako ng marinig kong bumukas ang pintuan ng apartment at pumasok si V. Si Bwi na puro 'wae nae nemenemnen wae nae nemenemnen' yung kinanta sa buong performance! Hahaha! Naalala ko tuloy yung kinanta niya yun sa ferris wheel iba yung vibe kesa sa kanina. Parang galit siya na ewan.

"V! Congrats! Nanu--" hindi niya ako pinansin at umakyat na kaagad sa taas. Napabalikwas naman ako ng tayo at hinabol siya. "Oy Sevanne! Sabi ko congrats kasi--"

"I'm tired." tsaka siya pumasok at binagsak ang pinto.

"Oh... okay. Congrats kasi nakapasok kayo sa Final Round." mahina kong sabi sa tapat ng kwarto niya.


Kinabukasan, nagpatuloy pa rin ang practice ng recitals kaya naman busy ang lahat. Nagkalat din sa school ang posters ng Bangtan Boys. It's definitely a good day!

"Gawsh!!! Tignan mo yung hits ng site namin! Blockbuster at umaapaw! Nakakabaliw naman talaga ang steps ng Boy in Luv! And check this out!" may binuksang window si Chowa at pinakita niya ang iba't ibang dance covers ng Boy in Luv!

"Oh wowieeee! Dumadami na fans ng BTS! Hindi na ako magtataka na baka mag no. 1 na tayo sa votes next week!" Wowa added.

"That's great news then!" masaya kong sabi sa kanila.

"AHHH!!! BANGTAN BOYS!!!" agad nagsilabasan ang mga classmates ko at nag-abang sa hallway. Nakisilip din ako kung anong ganap.

"Congrats guys! Nanuod ako kagabi!"

"Good luck sa Final Round!"

"BTS FTW!"

Nag-uumapaw na support ang sumalubong sa kanila. Sinong hindi matutuwa? Ang noo'y underrated, notorious, most hated na grupo sa Coachella ang siyang nagbibigay pride sa buong school!

"Salamat!" patuloy sa pagyuko si Rap Mon habang nadaan papunta sa classroom nila.

"Ay? Wala si V?" napalingon naman ako sa likuran at si JHope at Jimin nga lang ang magkasama. Asan naman kaya ang isang iyon?

Nang mag lunch break, pumunta agad ako sa practice room ng Bangtan pero grabe! Ang daming babae na nag aabang! Dati secluded ang lugar na ito tapos ngayon halos magkastampede na sa sobrang daming tao! Ibang klase!

Napailing nalang ako at nagpasyang bumaba pero parang nakita ko ang naka-awang na pinto papunta sa fire exit. Ewan ko pero napangiti ako at pumunta doon. Buti nalang at abala ang lahat sa practice room ng Bangtan.

"Guys? Are you all here?" mahina kong tanong nang makapasok ako. I heard loud footsteps and saw Jungkook upstairs.

"NOONA! YOU FOUND US!" nakangisi ito at ni-wave ang mga kamay niya.

Umakyat ako at naabutan ko silang lahat doon. Si Jin na naghahain ng lunch nila Jungkook at Jimin. Si Suga na selfie ng selfie. Si Rap Mon na busy sa laptop niya at si Jhope na nakangiti lang saken.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Naalala ko yung sinabi ni JHope sa show kagabi. Hemeygerd.

"Gusto mong kumain, Ellin?" alok ni Jin.

"Ah hindi. Kumain na ako--"

"Mabuti naman, kulang ang dala ko eh."

Tignan mo tong baklang toh. (>____>)

"Bat nandito kayo?" tanong ko naman sa kanila. Siksikan kasi dito sa fire exit eh.

"Sa tingin mo ba matino pang kumain sa practice room namin? Sa dami ng tao doon?" Jimin said.

"Sabagay." umupo ako at tinabihan sila. Sinusubuan ni Jungkook si Rap Mon na busy sa pagbabasa sa fanboard ng fancafe nila. Binabasa niya ang lahat ng message ng fans! Qt qt. :">

"How's our performance last night Ellin?" tanong ni Jhope saken. Emegesh. Nakangiti siya saken. Jusquelerd.

"M-Maganda! Astig! Eheheh!"

"Yah! Ang dami mo kasing sinabi kagabi kaya naiilang sayo si Ellin!" sabat ni Jin tsaka binato ng crumpled paper si Jhope.

"A--Ah! H-Hindi ah! Okay lang yun! Nagulat lang ako!" napatungo tuloy ako sa kahihiyan. Emegesh. So ako nga yun?! Omg! Nauutal ako. Huehuehue.

"I was just being honest with my feelings. Dahil naman talaga kay Ellin kaya nagawa nating makapasok ulit sa URDB. Yung determination niyang ibalik sa dati ang Coachella. I really admire your courage, Ellin."

Hindi ko na kaya. May gana pa siyang titigan ako sa mata! Gusto niya ba akong patayin???! Hindi pa ba niya napapansin na sobrang ilang na ako?

"Aheheh~ t-thank you oppa~"

"Yah, I wonder where's V? Maaga siyang umalis kagabi eh. Have you seen him, Ellin?" Suga asked me nang matapos siyang magselfie.

"Kagabi. But he was not in a good mood. Kaninang umaga hindi ko napansin kung nasa kwarto pa siya or wala na."

"Weird non! Pag talo galit, pag panalo galit! Daming arte!" reklamo ni Jimin sabay subo ng ulam at kanin.

Ngumiti nalang ako at nakipag-usap sa kanila hanggang sa matapos ang lunch break. But where is V? Asan na kaya ang tukmol na iyon?


Naghuhugas na ako ng pinggan at napatingin na naman ako sa wall clock. 7:45 pm na, wala pa rin si Sevanne Lorenzo III. I tried checking his room pero nakalock iyon. Pero nung nakausap ko sila JHope kaninang dismissal, hindi daw pumasok ang kwek-kwek. Kakaiba! Asan naman kaya yun?

Just then, nakarinig ako ng pumasok. Agad akong napatakbo pero si Aleli pala yung dumating.

"Okay ka lang?" Aleli asked me when she arrived. Nakaabang kasi ako kasi akala ko si V na.

"Ah! Oo! Wala kang pasok sa part time mo?"

"Wala! May maintenance, hindi muna kami pinapasok ng ilang araw."

"Oh! Sige!" umakyat na rin si Aleli at naiwan ako sa sala ng apartment. Napaupo ako sa sofa at pumikit saglit.

I heard the door opened pero hindi ko pinansin. Baka tenant na naman. Or si Aleli na lumabas, may nakalimutan siguro.

"Yah!" napatayo ako ng marinig ko ang boses ni V. I saw him standing at the front door and looking at me.

"V! What happened to your face?" napatakbo ako sa kanya dahil may mga sugat siya sa mukha.

But he shoved me off and turned around. "I'm fine. Matulog ka sa kwarto mo, wag sa living room." he said and went upstairs.

Nagpout ako at sumunod sa kanya. "Sevanne! Yah! Sevanne!" hinila ko yung dulo ng tshirt niya kaya napatigil siya at humarap sa akin.

"What?"

Nablangko ako at hindi ko na alam yung sasabihin ko sa kanya! Pabo!

Nanliit yung mga mata niya at halatang iritado na siya saken. Nag-isip agad ako ng sasabihin kasi hindi ko rin alam kung bakit ko siya tinatawag.

"B-Bakit ka absent? Nakauniform ka naman?" nakatingin ako sa coat ng Coachella na hawak niya.

"Nag-cutting class ako."

"Bakit?"

"Kasi gusto ko!"

"Pero hindi mo pwedeng gawin yun! Your groupmates are working hard for URDB!"

"Well then if you think I'm not helping Bangtan then tell them to kick me out!" he raised his voice tsaka siya tuluyang pumasok sa kwarto niya.

"Sevanne! Kahit kelan talaga ang sakit mo sa ulo!!!" sigaw ko sa tapat ng pinto niya bago ako pumasok sa kwarto ko.

Nakakaurat! Grabe! Akala niya ganun lang kasimple yun! Pinaghirapan ng Bangtan ang posisyon nila ngayon! Binigyan din sila ni Hitman Bang ng buong suporta! Paano kapag nalaman ni Principal ang ginagawa niya? Hindi man lang siya nag iisip! Napaka-self centered niya! UGH!

Napatingin naman ako kay Taehyung na nasa kama ko. Bigla kong naalala yung masayang V at nakangiting V nung araw na makuha namin si Taehyung. Lumapit ako at kinuha siya tsaka niyakap.

Nalulungkot ako na ewan.

* * * *

Hello! Dahil minsan wala na akong time mag log in dito. FAQS nalang.

Bias - Suga & V
Otps - Vkook, Sugamon, Namjin, pero pinaka fave ko JhopexJimin. medyo nacoconsider ko na din yoonmin pero beri beri light.
army since??? - since debut day. biglaan lang saken pinanuod ng friend ko and i fell in love agad agad lalo na kay jk pero nung nalaman ko edad niya backout ako kaagad
fave bts song - hiphop lover, lahat ng cypher duh, miss right, i need u ((sobrang apaw apaw))
pumunta kapo ng trb? - nope la pera
twitter - @mocoisrael ((24/7))
sabi nila di ka na army - sino nagsabi patayin ko? joke hindi army padin, medyo natabunan lang ng sobrang daming fans na ewan saan galing pero okay naman. naging active lang ako sa monsta x pero army pa din.
nakita mo na po yung dope mv - yes and blonde suga is the death of me ;u;
nagfofollowback ka po sa wattpad? - depende ok lang naman pm mo lang ako

sorry di na ako masyadong active dito. kung gusto niyong makipag fan girl saken sa twitter please mas active ako dun! SWEAR!

#CTDBANGTAN

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top