Connect 23: Bangtan Broadcast

Connect 23: Bangtan Broadcast

V's POV

Natapos ang ferris wheel ride na hindi ko maalis ang mga mata ko kay Anya. Yung mukha niya kasi— dati ang sarap sampalin— ngayon... ang sarap— ahhh! Ewan.

Hindi ko marinig yung mga fireworks kasi mas malakas yung pagtibok ng puso ko. Nasobrahan ba ako sa kape? Naalala ko si Jimin, pinaghalo niya yung kape at cobra energy drink, ilang linggo siyang paikot ikot at ang sabi niya sobrang lakas daw ng tibok ng puso niya. Eh hindi naman ako tanga gaya ni Jimin para gawin yun, so ano toh?

"Omo! Ang daming pictures ni Suga! Fansite hyungie!" sabi nila Jin habang tinitignan yung camera ni Suga-hyung. Nakitingin din si Anya syempre. Epal yan eh.

Just then, nakita naming natakbo palapit sa grupo namin si Jungkook. Hinihingal pa siya at naghahabol ng hininga pero agad din siyang nag 90° bow sa harapan naming lahat.

"Gomawo, hyungs... noona. Maraming salamat!" he said it out loud.

"You're always welcome, Jungkook. Sige na, nandyan na yata yung sundo mo. See you at school." Rap Monster said.

"Okay! Penge pictures, Suga-hyung ah? Remembrance! Haha! Bye!" tsaka siya tumakbo palayo.

Pasakay na kami sa kanya-kanyang kotse ng makita ko na nagtatawanan si JHope at Anya. Bumabawi ata siya kasi laging ako ang kasama ni Anya simula kanina. Tss. Smooth move, hyung.

"Bye Jhope-oppa! See you at school!" malandi niyang pagsabi.

"You too! Ingat kayong dalawa ni Sev. Bye!" nakangiting sabi ni Jhope tsaka sumakay sa kotse.

Knock out na si Jimin na nakasakay sa kotse ni Rap Mon, si Jin at Suga naman may sarili ding kotse, pinakauna silang nagkaroon kasi sila ang magiting na Hyung Line. Actually, minsan ko lang gamitin tong kotse ko. Di kasi ako sanay. Naglalakad lang ako papunta sa school diba?

"I had fun!!!" excited na sabi ni Anya habang naglalagay ng seatbelt. "I never thought na ganun kasaya sa amusement park! Hinding-hindi ko malilimutan tong araw na toh! Ikukwento ko toh hanggang sa mga apo ko sa tuhod!"

Umikot nalang ang mata ko at nagsimulang magdrive. Wala pa sa kalahati ng biyahe, tulog na tulog na siya. Napagod din. I had to stop the car in every stop light and just look at her face. Ang himbing na ng tulog niya. Pansin ko ngang palagi na akong nakatitig sa mukha niya, pag nakangiti siya napapangiti ako. I had to hide my smiles kapag napapatingin siya saken baka kasi isipin niya natitimang na ako.

Nakarating kami sa apartment at agad kong ginising si Anya na tulog na tulog pa din. Ngayon ko lang napansin na hawak hawak niya yung penguin stuff toy na nakuha namin sa toy crane kanina. Pabo~

"Anya, wake up. Andito na tayo." niyugyog ko yung balikat niya pero walang epekto. I grunted at agad inilock ang pinto tsaka siya binuhat sa likod ko. Nilagay ko yung backpack ko sa may harapan para mabuhat ko siya ng maayos. I had to park the car a little bit farther kasi wala ng space sa tapat ng apartment. Pataas pa naman ang daan!

"Puta, Anya. Mag-diet ka nga!" sabi ko habang tulog na tulog pa din siya sa likuran ko. Inayos ko ang pagkakapiggy back niya saken at dahan-dahang naglakad. Dala ko din yung bwiset niyang penguin.

She slightly moved, clinging on my neck tighter. Nilagay niya din ang baba niya sa balikat ko. I think nagising na siya.

"V~" I heard her mumbled. Ramdam ko din na nagkukusot siya ng mata.

"Hmm?" I tried to stay composed.

"Baka magkapalit na naman tayo ng katawan~" then she giggled.

"I'm used to it."

Natawa siya ng konti pero parang lasing pa din siya, malapit na kami sa apartment pero ewan, binagalan ko pa lalo ang paglalakad para makausap ko pa si Anya ng mas matagal... para makasama ko pa siya kahit mabigat siya.

"Ako din~ sanay na..." tapos bigla niyang pinaling ang ulo niya at parang may hinahanap. "Asan na si Taehyung?! Ninakaw mo noh?!"

"Huh? Sinong Taehyung?"

"Yung penguin! Asan na?"

I rolled my eyes at iniabot sa kanya. Hawak-hawak ko kasi iyon. Hindi naman siya mapagsidlan sa tuwa. Sana hindi siya malikot kasi nahihirapan akong buhatin siya diba? Pataas pa naman tong nilalakad ko.

"Gaaah! Taehyung! Taehyung, meet V. V meet Taehyung." tapos nilalaro niya yung penguin sa may ulo ko. Kunwari ata naglalakad. Immature.

"Nasaan na yung sayo?" tanong niya saken.

"Nasa bag ko."

"Hala! Ilabas mo! Hindi siya makakahinga!" she gasped.

"Anya please..." I said to her, almost testing my patience.

"Gusto ko ang pangalan ng penguin mo, Dream!" hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

"Wow. Ang corny huh."

"Tumigil ka nga! Dream ang pangalan niya!" inabot nya yung bag ko na nasa harap ko at binuksan iyon. Agad niyang nakuha yung bwiset na stuff toy at iniharap sa akin.

"Hello Dream! Siya si V, siya yung mag-aalaga sayo!" masayang sabi ni Anya. Natutuwa niyang tinignan yung penguin. "Aalagaan mo naman si Dream diba, Sevanne? Hindi mo siya dapat bitawan, kapag pilit siyang kinukuha sayo, ipaglaban mo. Mahalin mo si Dream gaya ng pagmamahal niya sayo."

Saglit na tumahimik ang paligid. I think I know what she's trying to say.

"Yes I will take care of it."

Sobrang tuwa niya niyakap niya yung ulo ko. Tapos kinuha niya yung dalawang penguins at nag group hug sila kasama yung ulo ko.

"Yehey! Narinig mo yun Dream? Aalagaan ka ni V. Don't worry! Aalagaan mo siya, diba V?" pangungulit niya pa.

"Aish, oo na! Oo na! Pucha!" I rolled my eyes and looked the other way. Iniharap naman niya saken yung bwiset na stuff toy.

"Say hello!!!" galit na utos nito.

"Hello Dream." walang emosyon kong sabi.

"Yaaaaan! Okay. Alagaan mo siyang mabuti ah?" maayos niyang nilagay ulit yung penguin sa loob ng bag, hindi niya sinarado ng tuluyan yung zipper para makahinga daw ng maayos. Weirdo. Nagulat ako ng pinulupot niya yung braso niya sa leeg ko at pinatong ulit yung baba niya sa balikat ko.

I can feel her breath right out of my cheeks. It was warm and it had an eerie feeling. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Today was a lot of fun~" she said softly. Now, her voice tickles my ears. She's like whispering to me. "Thank you V~" and after that hindi ko na siya narinig na magsalita.

I slowly put her to bed nang makarating kami sa apartment. Ang himbing na ng tulog niya. She grabbed one of her pillows and cuddled to it. Nilagyan ko siya ng kumot and placed her penguin beside her.

"Good night Anya."

Kinabukasan, sa school, as usual boring. Hindi kami nagkasabay ni Anya pagpasok. Maaga siyang nagising, ako naman second period na pumasok.

Paakyat palang ako sa classroom ng makita ko si Jimin na nasa boy's restroom. Nagmomop siya doon. Siguro nahuli na naman siya ni Sir Pagayunan kanina kaya nagkaroon tuloy siya ng punishment.

"V! Tulong naman!!!" pagyaya niya saken ng makadaan ako.

"Ulul. Ginusto mo yan eh." sabay tabig ko sa binibigay niyang mop.

"Grabe ka naman! Teka—" natigilan siya ng may dumaang mga babae. Oh, EXID pala yung dumaan. Crush nga pala ng kolokoy na toh yung Hani. Naka-fling ko na yata si Hani noon, di ko alam kung nung last year o ngayong taon lang. Dami kasi di ko tanda lahat. Hot naman siya tama lang, pero pansin ko ngayon wala na akong ganang makipag-fling sa babae, di gaya dati.

"Ang hot talaga ni Hani! Buti nalang kahit mapanghe dito sa rest room okay lang, malapit naman ako sa classroom nila Hani my Loves! Sana sa susunod ako naman ang tulungan niyo! Mas matanda naman ako ng bahagya kay Jungkook pero mas sinuportahan niyo kalandian niya kesa saken."

"Saka na pag may jams ka na okay? Mauna na ako sa classroom. Galingan mong magscrub dyan." iniwan ko na si Jimin doon at dumiretcho sa room.

Jhope was sleeping in his seat with a notebook covering his face. Rap Monster sat beside me.

"Pinilit naming tapusin ni JHope yung kanta para sa semis kaya siya wasak ngayon, practice na tayo after class." he said to me.

"Di ba pwedeng ngayon na?" naiinip kong sabi.

"Aish. Irresponsible kid!" he flicked my forehead and shook his head. "Studies first and then practice." tsaka ito lumipat ng upuan. Nahawaan na talaga siya ng Anya virus. That girl is so contagious, her stupid dreams and guts!

Tyempo naman nagising na si Jhope. Humikab pa ito at nag unat. Ngumisi siya saken at nagkamot ng mata.

"Oh, V, wag kang lalabas ng school mamaya, may gagawin tayo mamayang lunch." he said as he grinned. Nagtaka naman ako kung ano yun.

Nang maglunch na, umakyat kaming lahat sa empty classroom. Nandun si Jin-hyung, Rap Mon at Jungkook. Magkakasama kami nila Jhope at Jimin. Hinahanap ko palang si Suga-hyung ng makita ko siya na papasok na. May dala siyang CD at inabot yun kay Rap Mon.

"We are all set! Tara!" nakangising sabi ni Yoongi-hyung, agad naman silang nagtayuan at sumunod na lang ako. I have a feeling na alam ko na ang gustong gawin ng mga toh.

Pumunta kami sa kabilang building sa third floor. Jimin and Jungkook are lookouts from the stairs. Jin had to distract the prompter operator while me, Jhope and Suga guarded the sound system room. Rap Mon went inside the radio broadcast area. Madalas, public announcements lang ang pinapatugtog dito but now, it's going to get Bangtaned!

Nakatingin kami sa glass window ng pintuan at agad inilagay ni Rap Mon ang CD sa player. Another snippet of our next track played all over the campus.

"Yo! Wassup, Coachella! This is the Bangtan Broadcast!" bati ni Rap Mon sa intercom microphone. "Bangtan Boys are inviting you to watch our semis battle tomorrow night at the URDB Rookie Battle! See you there, Armys!"

'Say what you want, say what you want!'

Agad ding natigil ang pagbroadcast ng dumating na ang mga guards at isa-isa kaming dinampot at tinapon sa Principal's office.

Hitman Bang was obviously irritated to us. Iniwan na kami ng guards, pati ni Mr. Pagayunan na siyang galit na galit sa inasal namin kanina.

"I'll leave these boys in your care, Principal. They deserve utmost punishment for breaking in the prompter room and announcing unofficial school bulletins!" sabi pa ni Sir tsaka umalis sa office.

Hitman Bang started with a sigh na mas lalong nagpayuko sa aming pito.

"Kayo talaga..." sabi niya pa sabay hawak sa noo niya. "Kung gusto ninyong iannounce iyon dapat nagsabi nalang kayo. Ayan tuloy, I have to give you proper sanctions because of your acts."

"Sorry, Principal Bang. Alam kasi naming hindi suportado ng school ang pagsali namin sa URDB. I know it was reckless. We deserve the sanctions that you will give us." Rap Monster said.

"Dapat lang. So anyways, lahat kayo maglilinis ng banyo ng boys." nagulat kaming lahat sa sinabi ni Principal maliban nalang sa isa.

"YESSSSS! WHO YOU KAYO NGAYON GUYS! MAY KASAMA NA AKONG MAG-MOP! WHO YOU KA SEVANNE!!! MINUS ONE JAMS PARA SA INYONG LAHAT!" nagwawalang sabi ni Jimin sabay turo ng daliri sa amin. Lahat kami napaikot na lang ng mata. Pabo Jiminnie!

"And then what more, Sir?" Jin hyung asked. Kahit ako nag-aabang pa ng mga sanctions, I'm sure hindi lang ito ang punishment namin.

"Yun lang."

"Eh? Waeyo?????" sabay sabay naming tanong.

"Kung bibigyan ko pa kayo ng mas malalang punishment papaano pa kayo magpapractice? The bathroom punishment will serve between breaks in the morning and afternoon. Hindi ko kayo pwedeng ilagay sa detention after class because that's the only time for you to practice your routines."

Lahat kami naluluha sa sinabi ni Principal. Lahat kami nakatingin lang sa kanya habang nakapout, almost going to cry.

"T-That means suportado niyo po ang pagsali namin sa URDB??" naiiyak na tanong ni Rap Mon.

"Kailan ko ba kayo pinigilan? Sige nga?" natatawang sagot ni Hitman Bang.

"Waaaaaah!!!" lahat kami napatakbo kay Principal at niyakap siya. Si Jimin at Jhope tumalon pa sa table niya at hinaplos pa yung ilong ni Principal.

"Gomawo Hitman Bang!!! Gomawo!!!" sabi naming lahat habang nakagroup hug sa kanya.

"Just promise me, you boys will bring honor to this school, okay? Win that battle!"

Umatras kami at luminya sa harap niya tsaka nag 90° bow. "NEH! HITMAN BANG! WE WILL WIN THIS BATTLE!"

Nang makauwi ako sa bahay, mga 10pm na yata yun, naabutan ko si Anya na nagrereview sa living room. Kumuha lang ako ng pagkain at pumunta sa living room kasi—kasi may TV doon. Duh?

"Oy! I heard the Bangtan Broadcast kanina! Ahhh! Grabe! Snippets by snippets yung mga naririnig kong beat! You guys know how to tease your fans ah?!" sabi pa ni Anya sabay hampas sa braso ko. Walang pakundangan din siyang kumuha ng ulam sa plato ko.

"Manunuod ka bukas?" I asked.

"Of course! Nga pala, anong title ng kanta niyo?"

"Boy in Luv."

"Oh! Wow! Dedicated ba iyan kay Jungkook or ano?"

"Ewan."

Bigla naman siyang kinilig at tumingin saken. "Ihhhh! Paano pag dedicated saken yan ni Jhope!!! Emegesh!"

Agad ko siyang binatukan sa ulo. "Gagu! Ang landi mo noh?" inis kong sabi sa kanya.

"Oy! Dahan-dahan naman sa pagbatok! Mamaya magkapalit na naman tayo ng kaluluwa eh!" tsaka siya nagkamot ng ulo at ngumuso.

"Ang landi mo kasi. Akala mo naman gusto ka ni Hyung."

"Bakit ba? Eh nakikita ko kahit busy tayo sa amusement park, sobrang dedication yung binigay niya sa pagsusulat nung kanta. Nakakainlove talaga yung mga lalaking dedicated sa passion nila!"

Inis kong binagsak yung plato ko at napatigil naman si Anya sa pagsasalita.

"Ewan ko sayo!" I stood up and left the living room.

Dumiretcho ako sa kwarto at humiga nalang doon. Maya-maya lang, narinig ko yung phone ko na natunog. Sa sobrang gulo ng kwarto ko, mga 3 minutes bago ko nahanap, nasa ilalim pala ng kama.

"Yoboseoyo?"

"Sevanne, this is Baekhyun."

Napabalikwas ako agad ng tayo. Kilala niyo ba si Baekhyun? Pinsan ko siya, varsity player siya sa Griffin Academy. Sikat sila kasi nagchampion sila dati sa University Cup.

"Ya, Baekhyun-hyung. Why did you called?"

"Your evil stepmother will arrive next week. I'm pretty sure you will be forced again to go back to the Lorenzo Mansion anytime now."

Napabuntong-hininga nalang ako. Nakakainis! Not now! Not that we are almost near the URDB Finals. Pucha!

"Neh, thank you for informing me, Hyung."

"Don't mention it. Bye."

Binaba ko ang phone at muling humiga. Just thinking about my crazy stepmother drives me nuts! I'm sure she's bored overseas kaya bumalik siya dito para manggulo ng buhay ng iba. And if he finds out what I've been up to, sisirain na naman niya iyon. Bagay talaga sila ni Dad. Bagay na bagay. Ugh.

* * * *

Awww tapos na ang promotions ng Bangtan~ sana may repackage album! Sana may bagong MV. Sana Converse High. LMAO. Okay. Or sana sila naman mafeature sa Showtime! Jusque ang saya nun if ever please! BTS Showtime juseyo! */\*

Salamat sa warm support ninyo sa CTD. Nakakaoverwhelm. Thank you talaga!

#ConnectTheDream

#CTD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top