Connect 20: Fresh Start
Connect 20: Fresh Start
Ellin's POV
Masaya akong naglakad papasok ng Coachella, wearing my old uniform and with my head up high. Hawak ko rin ang keys para sa inaaral kong kanta. Dahil sa nangyari sa Coachella, nadelay ang recitals kaya naman naghahabol kami.
As you can see, balik na sa normal ang buong Coachella School of Music and Arts. Nakulong si Mr. Lee at naibalik kay Principal Bang ang pamamahala. Nagkakaroon lang ng major adjustments lalong lalo na sa mga dance studios na ginawang Tech Labs. Nakangiti akong huminto sa tapat ng gate.
May dala na silang gitara, cello, violin, saxophone at kung ano ano pa. Maririnig mo rin ang maingay na pagtugtog kasabay ang mga nagsasayaw sa iba't ibang parte ng school. Meron sa Arcade, sa may Admin Hallway, football field o kahit sa may bench. Kapag pumikit ka, maririnig mo ang magagandang boses ng iba't ibang estudyante na nakanta, mapa- acapella, duet o isang buong choir.
"Ahhhh!!! Bangtan!!!" biglang sigaw ng iba at agad naman akong napatingin sa likuran ko.
I saw Rap Monster standing in front of me and giving that naughty grin. His hair went from black to light gray. Nakasuot siya ng uniform pero may hoodie din.
"Good morning Ellin." bati niya sa akin. Napansin ko naman ang iba pang miyembro ng Bangtan Boys sa likuran niya.
Suga was practically being the diva and pushing away the girls coming close to him. Jin being the visual, hands over the phone back to a fan after taking a selca. Jimin and Jhope dancing some girly steps habang naglalakad. Jungkook eating. And of course V, ignoring everything and seems disgusted going to school.
I rolled my eyes looking at these seven idiots in front of me but I smiled. "Good morning Bangtan Boys." I cheerfully said and waved.
Rap Mon shrugged and they continue walking inside the campus. Madaming nakasunod sa kanila. After what they did in the Auditorium for the Coachella Tech Inauguration Ceremony, my schoolmates realized how awesome Bangtan was.
Ang mga schoolmates din namin ang nagvideo ng sayaw nila at ipinakita sa producers ng Rookie Battle. May iba pa nga na nagupload sa iba't ibang site at nagging viral iyon. Gumawa din sila ng online petition para maibalik sa show ang Bangtan. They got 50,000 signatures. Can you believe that?
Ngayon, wala ng Bangtan Haters dahil lahat sila naging Army na.
"Ahhh!!! Grabe naman! Zero na naman ako sa quiz ni Sir Pagayunan! Palagi nalang!" sigaw ni Chowa sa amin habang naglalunch.
"Mag-aral ka kasing mabuti. Masyado kasing busy 'tong si Chowa sa pag-aasikaso ng Bangtan Fan Cafe."
"Duh! Wowa! Ikaw din naman ah? Umamin ka nga! Ngayon na sobrang dami na ng Armys na gustong sumali sa fan cafe natin eh hindi ka na rin naman makapagrelax dahil sa dami ng bugs at minsan nagdodown pa yung system natin!"
Sabay silang napahalumbaba. Nahihirapan silang dalawa ngayon. Sa biglang pagsikat ng Bangtan Boys, ang daming nagsulputang fan café pero nagulat talaga ako na ang website lang nila Wowa at Chowa ang binigyan nila ng credits at exclusive photos sa mga dance practice nila.
"Manunuod ka ba ng dance practice nila mamaya, Ellin?" Wowa asked me.
Umiling ako. "No. Madami pa akong aaralin. Next week na ang recitals kaya naman dapat maghabol ako. Remember, I need to climb back to the top diba?"
Tinignan lang nila ako at halatang bored na bored na sa mga pinagsasabi ko. Natawa nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng lessons.
Mabilis na lumipas ang oras at nagring na sa wakas ang bell. Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Dadaan pa kasi ako sa Library eh. Madami akong hihiraming libro. Masaya pa akong nag hopscotch ng matigilan ako dahil may unexpected confession ata akong naabutan sa pagitan ni V at ng isang babae.
"K-Kasi—V, gusto kita."
Hindi ko alam pero hindi man lang ako nagtago at tumayo lang doon, waiting for him to answer. But what do I expect from him? He just passed by like that, making the girl feel like she's air. Hindi man lang siguro nagawang tignan ni V ang babae. Siguro kung may pader, nag-walling na siguro yung babae pababa sa sahig. Sumakit bigla ang dibdib ko dahil naapektuhan yata akong masyado sa ginawa ni Sevanne and with a balled fist, sinundan ko siya.
"What do you want, Anya?" I was stunned when he said that. Nakatalikod pa siya saken at bigla siyang huminto sa paglalakad.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko naman kasi alam na aware siya sa presence ko eh. Grabe naman ang kwek-kwek na 'toh. Ang lakas ng senses.
"Ikaw! Dapat man lang sinagot mo ng maayos yung babaeng nag-confess sayo."
Humarap siya saken at nakanguso niya akong tinignan. "Pake mo ba? Eh sa ganoon ako sa lahat ng nagcoconfess saken eh."
"Sevanne Lorenzo III—"
"Ellinanya Valdez."
Umikot ang mata ko, akala niya ata nakikipaglaro ako ng 'Say Your Full Name' eh! Nakakainis talaga. Nakita ko naman na ngumisi siya. Naningkit tuloy ang mga mata niya. Hindi na nagkaroon ng araw na hindi niya ako inaasar.
"Manunuod ka ba ng practice namin?" he asked as we both walked through the hallway. Wala ng masyadong tao dito kasi uwian na.
"Hindi. Sa Library ako pupunta."
"Aral pa rin? Mukha ka ng aral." Sabay hinilamos niya yung malaki niyang kamay sa mukha ko at ginulo pa ang buhok ko!
"SEVANNE!!!" agad ko siyang tinulak at lumayo sa kanya. Kapag sa ibang tao ang sungit sungit! Kakainis eh!
"Come on, Jungkook wants you watch."
"I don't have time for that, V." I said and shook my head. Gustuhin ko man ay hindi ko pupwedeng pabayaan ang pag-aaral ko.
He sighed and we both stopped walking. Nasa tapat na kami ng Library at nakakapagtaka na nakatayo lang siya doon.
"Aren't you going to practice?" tanong ko sa kanya.
"Nah. Maybe tomorrow. Gusto kong magbasa ng libro." he said casually at nauna ng pumasok sa Library. Ang weird naman ng isang ito.
Hinayaan ko lang siya, naging abala na ako sa paghahanap ng mga kailangan kong libro. Nakakamiss naman talaga ang Coachella eh, sobra. Ngayon mas naappreciate ko ang school. At sa tingin ko ganoon din ang Bangtan Boys. Minsan nalang sila mag-cut ng class at nagsisimula na silang matanggap ng buong school.
Natatawa ako habang nakabukas pa pala ang hawak kong libro. I just can't believe the changes that happened after Coachella Tech. And those days were like nightmares. Yung pagiging parang robot ng Bangtan? Ugh. I don't even want to remember.
Natapos akong maghanap ng libro at nakabuntot pa rin saken si V hanggang sa kuhanin ko na ang gamit ko sa locker. Kinuha na rin niya ang gamit niya at sabay na kaming naglakad pauwi.
"Alam mo, sobrang nakakabother. Ang alam ko talaga may recording kayo kasama sila Chowa at Wowa eh tapos hindi ka nagpractice?"
Ngumuso lang si V at umirap. "Pagod na ako." he said as his orange hair was being blown away by the wind. Nagpakulay siya ulet. Kwek kwek na ulet siya.
Nakarating kami sa apartment na maayos naman pero halata kay V na sobrang napagod nga siya. I let him sleep and rest, habang ako, eto aral pa more!
V's POV
Nagising ako ng mga 1 AM. My stomach was aching so bad dahil siguro hindi ako nakapagdinner. Maghapon kaming nagpractice at sobrang strict ni Leader-nim sa bagong choreo namin para sa semis.
Tumayo ako at naghanap agad ng makakain sa ref. Ahhh crap, nothing good to eat aside from left over food. Tumingin ako sa pantry cabinet at nakita ko yung mga chocolate wafers ni Anya. Parang bata talaga ang isang yun eh. Kinuha ko yung isang pack at binuksan iyon when suddenly the lights in the kitchen turned on.
"What the— yaaaah!!! Wafer ko 'yan ah!!!" she stormed in and grabbed the pack of wafer in my hands.
"Gutom na ako!" I grunted and pouted at her.
She sighed and opens the pantry cabinet para ilagay yung wafers niya. I almost got sad but then she got two cup noodles and placed it on the table.
"Hindi ka pa nagdidinner tapos wafers lang kakainin mo?"
Ngumisi nalang ako and watched her pour hot water on the noodles. After the Coachella Tech incident, nalaman kong magkasabwat nga si Dad at Mr. Lee pero dahil kumalat na ang issue sa labas ng school, around social media, they have no choice but to retreat. Pinakawalan na ako ni Dad but I'm not sure if hindi na siya manggugulo. After all, he still needs an heir and there's no one but me.
But I'm glad I get to stay here again and spend time with her.
"Oh." inabutan niya pa ako ng tinidor. Agad ko namang kinain yung noodles kahit sobrang init. Gutom na gutom na ako eh.
Napansin ko naman na busy pa rin sa pagbabasa si Anya kaya naman inabot ko yung libro at tinapon iyon agad sa kung saan. Her jaw dropped after what I did.
"What the—"
"Stop reading already. Magpahinga ka na."
Inirapan niya lang ako at tumayo para kuhanin yung libro. Once she's back kukunin ko sana ulit pero iniwas na niya iyon. "Sevanne!" she angrily yelled.
"Bakit ba?"
"Will you stop doing that? Hiniram ko lang yung book sa Library okay?" naiinis niyang binuhat yung libro at kumain. Nahihirapan akong magpigil ng tawa. Ang sarap sa pakiramdam na inaasar si Anya sa totoo lang at isa yata siya mga namiss ko noong bumalik ako sa bahay ni Dad.
Iniwan ko si Anya na nagbabasa pa rin sa may kitchen at hindi na ako nag-abala na inisin pa siya lalo. Baka suntukin na niya ako ng tuluyan eh. Kinabukasan, nagising ako sa maingay na ringtone ng phone ko at sa tawag ni Leader-nim.
"Yah! V! Get up! SCHOOL!" malalim yung boses niya kaya naman talagang magigising ka. Araw-araw niya kaming tinatawagan simula ng bumalik ang Coachella sa dati. He makes sure that we attend school everyday at hindi na rin kami pinapayagang mag-cut ng class.
Nahawaan yata si Rap Mon ng ANYA VIRUS.
"Good morning V!" nakakasukang bumati saken yung mga babae sa school. Hindi kami magkakasabay kasi Wednesday ngayon. Gusto ni Jin-hyung na grand entrance siya tuwing Wednesday. Gusto niya siya lang ang papasok mag-isa para daw cool tignan. Pabebe eh.
"V, gusto mo ng lunch? May ginawa akong packed lunch!" pilit iniaabot ng isang babae ang baunan niya pero hindi ko iyon tinanggap.
"Salamat!" nagulat ako ng biglang kunin iyon, I saw JHope smiling.
Nakangiting tumango ang babae. "Salamat JHope oppa!" namula pa yung mukha niya tsaka sila tumakbo at naiwan nalang kaming dalawa. "That's how you stop them from bugging you, V. Tanggapin mo lang yung mga binibigay nila." He said.
"Mamaya kasi bigyan nila ng kahulugan yung pagtanggap ko."
"They are ARMYs. They appreciate our songs and performances, kaya dapat lang maappreciate din natin ang lahat ng ginagawa nila for us."
"Okay, okay."
"JHOPE!" nagulat ako ng makita si Anya sa hallway. Tumakbo siya habang nakangiti kay JHope. "I've been looking all over for you!" she said.
"Ah! Ellin-sshi! Talaga? Mianhe, nalate ako ng gising. Well?"
Nakangiting iniabot ni Anya ang isang notebook sa kanya. "Salamat sa notes mo! Mas natandaan ko yung mga napag-aralan dati! Sayang hindi ko naaral lahat—"
"You can keep it until you want. I don't mind."
Anya insisted at pilit na binabalik kay JHope yung notebook. "No! Okay lang! Kailangan mo toh!" she said.
"No it's fine! Sa'yo muna!"
"No—"
"AH FCK! ANG AARTE NIYO AH!" Sabay kinuha ko yung notebook at tinapon sa sahig.
Both of them looked at me. Anya was glaring while JHope was shaking his head and smiling. Umirap lang ako at nagkamot ng ilong.
"YAH! RUDE V!"
"No it's okay Anya." Si JHope na ang pumulot ng notebook, kinuha niya ang kamay niya at iniabot ito. "Keep it, if that will help you, keep it for now."
Anya glowed and I rolled my eyes again because I am in the middle of a pathetic scene, too early in the morning.
"Thank you, JHope-oppa~"
Iniwan ko na yung dalawa at dumiretcho na papunta sa classroom ko when I saw Jungkook and a bunch of girls talking at the stairs. I can clearly see Jungkook blushing while one of the girls is talking to her.
"See you in class Jungkookie!" paalam nito saka sila tumakbo pababa ng hagdan. Naiwan si Jungkook na nakatayo doon at tulala. Napailing nalang tuloy ako.
"Kookie."
"V-V-V-Hyung!" he was startled and rushed down to me. "Ah—kanina ka pa dyan?" he asked.
"Who's the girl?"
"J-Junghwa. She's my classmate." Jungkook blushed even more.
"You like her?"
"No—I mean, I don't hate her... I like her... I don't know."
"What does she do?"
"She dances. Ang alam ko may grupo sila eh. Pero ewan," he said. I almost gushed realizing that our maknae is not getting any younger. May crush na siya, aww~~
"Ohhh..." I smirked at him at agad naman niya akong hinampas.
"V! STOP STARING LIKE THAT!"
"Oh boy, I think you're in love..."
"No I'm not!"
Nagpatuloy kami ni Jungkook sa asaran hanggang sa makarating kami sa lumang classroom kung saan kami nagpapractice. Inabutan namin doon si Rap Mon-hyung na inaayos na ang blockings namin. Well, it's a fresh start for us after being robots for my annoying Dad. Kailangan naming bumawi sa semis ng rookie battle to prove that we are worth the comeback. At hindi rin namin ipapahiya ang mga gumawa ng petitions para maibalik kami sa competition. Mahirap na yung steps pero mas mahirap pa sa transitions ng blockings namin for sure.
Si Suga-hyung naman busy lang kakarehearse ng rap part niya. Si Jimin nagmomodel pa sa harapan ng salamin tapos si Jin, nagsama ng ilang girls na tagapaypay niya. Malanding beki.
"Oh. Kayong dalawa, asan si JHope?" tanong ni Leader-nim sa amin ni Jungkook.
"Wae? Wala pa siya? Where could he be?" Jungkook wondered.
Nagdire-diretcho ako at inilagay ang bag sa upuan. "He's here. May kausap lang," I said just to calm Leader-nim.
"Oh. Okay. Get ready, magrerehearse na tayo." Tumayo ako at agad na nagstretch. I can see Jin with his fans, swooning over him. Napapaikot tuloy ang mata ko sa sobrang inis. Jin-hyung is practically a crooner above all of us.
"Oppa~ gusto mo ng tubig?"
"Use my towel, Jin-oppa~"
Oppa? That word annoys me so much. Everyone wants to be called oppa, how can they stand it? What's so special about that word anyways?
"Thank you, JHope-oppa~"
Biglang kong narinig ang boses ni Anya sa isip ko. That scene earlier with JHope-hyung, the way she smiles at him while saying that to him...
And all of a sudden, I felt my heart shaking.
* * * *
Wae nae mameul heundeuneun geonde!
Hello fellow ARMYs, thank you for supporting my story *sobs* sana hindi siya baduy. HAHAHAHAHA. Oh well, new song! NEW SONGGG!!!
#ConnectTheDream
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top