Connect 19: Bangtan Say No!


Connect 19: Bangtan Say No!




Ellin's POV


Nakakalungkot. Ang plain ng apartment kapag wala ang kwek kwek. Wala akong kaagaw sa remote, walang nagluluto ng dinner, walang makalat na bakulaw na nagtatapon ng popcorn sa sahig, walang manyak na nanghahawak ng legs kapag nakashorts ako, walang V.


I sighed and switch the channels when I saw URDB. Mas lalo akong nalungkot.


Pito nalang sila sa competition. Hindi natuloy ang elimination rounds ngayong linggo dahil nag-back out na nga ang Bangtan Boys. Ano pa nga ba ang rason ko para manuod ng Rookie Battle kung wala na si J Hope at ang Bangtan Boys, diba?


"Anya! Kumain ka na ba?" tanong saken ni Manang Ason nang lumabas ito mula sa kusina.


"Hindi pa ho ako gutom, Manang."


Hinampas naman ako ni Manang ng nirolyong dyaryo pero parang hindi ako tinablan. "Aba! Hindi ka yata nasaktan?" nagtatakang tanong niya.


"Mas masakit po kasi yung nararamdaman ko dito." sabay turo ko sa puso ko.


Inis akong inirapan ni Manang at hinampas ulit. "Ay nako! Kumain ka doon! Dami mong alam na bata ka!"


Natatawa akong tumayo at pumunta sa kusina. Binuksan ko yung ref at naghanap ng makakain. Nakita ko yung ilang Pocari Sweat doon na may nakalagay sa takip ng bote na 'V'. Madaming ganoon si V kasi iniinom niya iyon kapag nagpapractice sila.


Agad kong sinarado ang ref at umiling. "Ellinanya, kulang ka lang siguro sa tulog. Hindi pwedeng mamiss mo ang taong iyon. May mga bagay lang talaga na madalas magpaalala saiyo kay V. Hindi mo siya namimiss."


Then I remembered yesterday, sa rooftop. Nung nagkausap kami, yung relief na naramdaman ko about it. Na nalaman ko ang totoong dahilan, and that Bangtan was still Bangtan but only controlled. Nakakagaan ng loob, yung yakap niya at yung--


"Ahhhhh!!! Kadiri. Hindi. Ewww. No!" ginulo ko ang buhok ko at nagmartsa palabas ng kitchen papunta sa kwarto ko. Nang makarating ako sa second floor, natigilan ako nang makita si V na nakatayo sa tapat ng kwarto niya at binubuksan iyon.


"V-V--" napalingon siya at ngumiti.


"Hi." matipid nitong bati sa akin.


Lumapit ako sa kanya at kinusot ko pa ang mga mata ko. "V? Ikaw ba yan?" I asked.


"Mukha ba akong si Jimin? Of course it's me Anya. Pabo." he said at tsaka binuksan niya yung pinto ng kwarto niya.


"T-Teka-- diba-- so dito ka na ulit titira?"


"May kukunin lang akong mga damit at gamit. Aalis din ako."


Napaatras naman ako at hinayaan ko nalang siya na pumasok sa loob ng kwarto niya. Sumandal ako sa pader ng hallway. Dito muna ako. Hindi pa naman ako inaantok eh.


Maya-maya pa, bumukas ang pintuan niya at may dala-dala siyang box. Napatayo ako mula sa pagkakasandal and approached him.


"Aalis ka na?" I asked.


Tinignan niya lang ako and nodded. "Hinintay mo ba ako?" he asked.


"Ah oo! K-Kasi-- itatanong ko lang kung--"


"Okay lang silang lahat. Nag-aaral kami ng mabuti. I guess you should do the same too." he said coldly. Naglakad na siya pababa dala ang box. Hindi ko alam kung bakit pero sumunod ako at inunahan ko pa siya dahilan para magulat siya ay mahulog ang box na dala niya sa hagdan.


"Anya! What the fuc--"


"Sorry!" agad naman akong tumulong sa pagpulot niya ng gamit. Hindi niya ako tinitignan kahit saglit lang. Napakasuplado naman! Noong nandoon naman kami sa rooftop hindi naman siya ganyan eh!


"Tss. Next time you do that, babatukan na talaga kita!" naiinis niyang sabi tsaka dumiretcho sa pinto. Tumakbo ako at humarang. I can clearly see how annoyed he is.


"Sevanne."


"What?"


I breathe in deep and looked at him. "W-Wala. Never mind." sabi ko as I looked away. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita para sa kanya. Para sa gusto kong sabihin. Pwede ba yun? May gusto akong sabihin pero hindi ko alam kung ano yun?


Binuksan niya ang pinto and I saw a car waiting for him outside. That's the same car na sinakyan ko noong nagpalit kami ng katawan!


Ni hindi man lang lumingon si V nang pasakay na ito kaya sinarado ko na lang yung pinto. I sighed and was about to go upstairs when the door opened and V was standing there.


He smiled at me and I suddenly walked back the door. "I forgot something." sabi niya.


"Huh? Anong naiwan mo?"


He smirked and grabbed me by the waist and pulled me in for a hug. I don't know why he did that but my silly hands hugged him too!


Nagulat ako nang bumababa na yata yung mga kamay niya papunta sa pwet ko. I immediately pulled away and I saw him grinned.


"So, nakalimutan mong manyakin ako, ganon?"


He chuckled before nodding. "See you at school, Anya. And don't go sniffing my bedsheets again okay?" he said.


"Kapal mo! I am not sniffing them!"


He snorted and ruffled my hair bago tuluyang umalis. Luuuh. Labo nun eh. Pero mas magaan sa pakiramdam ngayon kesa kanina. Ewan. Hindi matanggal yung ngiti sa mukha ko. Paakyat na ako nang may makita akong makintab na bagay sa gilid ng hagdan. It was a CD. Pinulot ko iyon at tinignan.


'N.O.'


Ano toh? Kay V ba toh? Baka kasama to sa nahulog galing sa box. Hala!


Agad akong tumakbo sa kwarto at sinalpak yung CD sa lumang laptop ko. Isang audio file lang ang nandoon at may file name itong 'N.O.'.


Weird man, pinindot ko iyon at pinakinggan. Isang beat agad ang narinig ko... at boses ni Rap Mon. I hurriedly pressed the space bar and clutched my chest. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling yung tuwa sa dibdib ko! Umaapaw ang feels sa dibdib ko!


Kinabukasan, abala ang buong Coachella Tech. Ngayon kasi ang innaguration ng Coachella Tech at nang bago nitong administration. Walang classes at ang lahat ay inadvise na pumunta sa auditorium.


Sa ilang linggong pagbabago, masasabi kong hindi na nga ito ang dating Coachella School of Music and Arts. Wala na ang dating sigla at kakaibang feeling sa pagpasok pa lang. Tinatamad kong kinaladkad ang sarili ko papunta sa auditorium. I saw Bangtan Boys there too. Nasa may bandang unahan sila. Kahit parang robot ang mga iyon ay pinagkakaguluhan pa rin sila. Nagsipasukan na rin sa loob ang media. Nagset-up ang mga ito ng cameras para mamaya.


Umupo ako sa upuan at naghintay na magsimula ang program. Habang naghihintay, nakita ko sa unahan ang abalang mga technicals na nagseset up din sa backstage. Hindi ko alam kung saan ko namana ang pagiging pasaway ko pero tumayo ako at lumabas ng auditorium. Agad akong pumunta sa pintuan papasok sa technical room.


"Yes! Walang tao!" I grinned and tip-toed to get inside. Nakita ko ang mga nakapatong na CD malapit sa isang laptop. Yun siguro ang gagamiting main laptop para sa program. Nilabas ko mula sa bag ang CD na napulot ko kagabi. Inilagay ko iyon sa loob ng case na nasa pinakaitaas. Binali ko na agad yung CD na may title na Coachella Tech hymn.


"Oo! Ikabit mo nalang! Bilisan mo malapit na magstart!" nakarinig ako nang mga footsteps kaya agad akong naghanda para lumabas. Nang makalayo ako sa technical room, nabunggo ako pagpasok ko ng auditorium.


"Ano ba--"


"Pasensya na-- Ellin!" JHope greeted me happily. "Sorry nabangga ba kita?"


"Hindi! Ah! JHope!" I jumped to him and hugged him tight. Naexcite kasi ako sa ginawa ko! Sana gumana iyon! Gusto kong gumana iyon.


"Whoa Ellin? Parang ang saya mo yata?" nagtataka niyang tanong.


Kumalas ako sa pagkakayakap at ngumisi. "This is my last chance! We can all say NO! Kung lahat tayo magsasabi noon, we can bring back Coachella!" sabi ko at tumakbo agad papasok sa auditorium.


Umupo ako sa tabi nila Chowa at Wowa. Mukhang malapit nang magstart. Pinagdaop ko ang mga palad ko at pumikit. Sana gumana ito.


Nagsimula ang program at agad ipinakita ang bagong slate ng courses sa Coachella Tech. Inalis nila ang lahat ng courses na tungkol sa Music at Arts at pinakita ang improved at standard tech courses.


One word: Boring.


"We commit to give a brighter future for Coachella and for its students, so we are calling all parents to enroll in our school. If you are concern for your child's future, then Coachella is here to give a hand! Enroll now and be a part of Coachella Tech!" nagsitayuan ang mga schoolmates ko at pumalakpak. Scripted. Nagpractice kami kanina.


"Thank you Mr. Lee for that wonderful speech and to close our inaguration ceremony, let us sing our Coachella Tech hymn!" dumilim ang paligid at nag-antay ang mga estudyante sa tugtog.


Pero iba ang narinig nila.


Agad nabuhay ang ilaw sa auditorium at tumayo sa upuan niya tsaka humarap sa audience. Particularly, sa akin. Yep. Sa akin siya mismo nakatingin. I saw Bangtan looked at me. And I nodded.


Tumakbo ang mga guards papunta sa technical room pero agad humarang ang Student Government.


Rap Mon faced me and I smiled. Ngumiti din siya at agad tumakbo sa harapan. Kinuha niya ang microphone at humarap sa ilang media na nagcocover ng program.


"Listen! We don't need a brighter future. We need to dream and work hard to be able to fulfill that dream! And Coachella Tech is not our school!"


Yo, we're right here again, heh BTS

We drop the second bomb, CS

The new revolution just started again


Sinamahan siya ng buong Bangtan sa stage at nagperform ng kanilang N.O. routine. Lahat kami nagulat dahil matagal na din ng makakita kami ng nagpeperform. Deprived ang school doon dahil bawal. Nakita kong napatayo ang iba at tila kumislap ang mga mata nila.


Tumatak saken ang mga binitiwang salita ni Jungkook.

Dreams disappeared, there was no time to rest

It's a cycle of school, home or an Internet cafe

Everyone lives the same life

Students who are pressured to be number one live in between dreams and reality.

Pinatamaan naman ni Suga ang Admin.

Who is the one who made us into studying machines?

Nang pumasok na si JHope, hindi ko alam pero mas naging perpekto ang grupong ito sa paningin ko. Parang ngayon, talagang kumpleto na sila. Hindi ko na yata kayang makita ang Bangtan ng wala si Jhope.

Make money, good money, but they already view me crookedly

My obscure bank account, my unhappiness is past its limit


Lahat kami ay nag-cheer sa kanila kahit pa madami ng guards ang sumasaway sa kanila. I think Bangtan ignited something that was long gone in this school. And I'm glad everyone is awakened. And that one last line they keep on saying hit not only me, but everyone of us.


Don't be trapped in someone else's dream.


Nagwalkout si Mr. Lee at nabalot ng kontrobersya ang pagpapalit ng administration sa Coachella at nakaabot ito sa nationwide media. Naging headlines ang nangyari sa school at nalaman na nabiktima si Hitman Bang ng panloloko sa mga dokumento na napagkasunduan nila ni Mr. Lee. Kalaunan ay nakulong ito at naibalik ang pamumuno sa Coachella kay Principal Hitman Bang.


Makalipas ang isang linggo, bumalik na si V sa apartment at kasalukuyan kaming nanunuod ng URDB. As usual sinakop na naman niya ang buong sofa at inagawan ako ng popcorn.


"Before we end the show, we have to make some announcement! One is the permanent resignation of one man show JHope here in our URDB stage." napanganga ako sa narinig ko sa emcee. Bigla ding nagreact ang mga audience ng show.


"I know, I know. It is sad. But we all know that JHope appeared with Bangtan in the Coachella controversy just a week ago, right?"


Napatingin ako kay V na biglang napaupo sa sofa sa naririnig niya galing sa emcee. Binalik ko na ang attention ko sa TV at nakinig.


"Well, according to the management, they have agreed to consider their controversial performance at the Coachella Tech innaguration as their third stage performance in URDB and they have retained their slot in the competition. And now, they have included JHope with them! So if ever Bangtan Boys are watching, guess what guys! You need to show up for the semi finals contender match up! And that's a wrap for us! Good night everybody! URDB, signing off!"


Natapos na ang ending credits ng show pero parehas lang kaming tulala ni V habang nakaupo sa sofa. Hindi kasi mag-sink in sa amin ang narinig namin kanina lang.


Qualified pa rin ang Bangtan Boys sa URDB?


Kasali pa rin sila?


Sasayaw pa rin sila sa Rookie Battle?


"Sevanne! Sasayaw kayo sa URDB! Sasayaw kayo!" niyugyog ko yung balikat niya pero siya tulala pa rin.


"K-Kami? Pero diba-- nagwithdraw na kami?"


"Pero ibinalik kayo ng show! SEVANNE! SASAYAW KAYO NEXT WEEK SA URDB!" masaya kong sabi sa kanya.


"Sasayaw-- kami? Sasayaw... kami. HOLY SHT SASAYAW KAMI SA URDB!" tuwang tuwa niyang sabi at niyakap ako. Sa sobrang tuwa ko nayakap ko din siya.


"Ahhh!!! Omg! Sasayaw kayo!!!" halos maiyak na ako dahil hindi na talaga kami umaasa sa URDB dahil sa nangyari sa Coachella pero eto at naconsider pa ng URDB na ibalik ang Bangtan sa competition!


"Anya! Sevanne! Ang iingay niyo may mga natutulog na sa itaas!!!" narinig naming sumigaw si Manang Ason kaya tumahimik kami agad.


V looked at me and grinned. "Thanks for your help, Anya."


Umiling ako at ngumisi din. "No. Thank you. Thank you dahil nangarap kayo and you're all trying your best. Thank you." I said at nagpatuloy na kami sa panunuod.



* * * *


Yey! Natapos ko din yung N.O. era. Leche. Ang hirap magsulat kapag walang feels okay. Hahaha. Pero maraming salamat sa lahat ng Armys na nagbabasa nito! Thank you talaga! Pasensya na kung mabagal. Ehehehe. So hulaan niyo kung anong susunod na era? Ayieee.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top