Connect 14: First Round
Connect 14: First Round
Ellin's POV
Ramdam ko may mainit na nakapulupot sa katawan ko. Hindi ko alam pero masarap siya sa pakiramdam. Ang lamig din kaya napahila ako sa kumot ko.
"Ugh." may narinig akong umungol sa likod ko pero hindi ko na pinansin. Papikit pa lang ako nang may marinig na naman ako. "Ang lamig penge kumot~" bulong nito sa tenga ko.
Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko na ang mainit na nakapulupot sa may tiyan ko ay parang kamay. At halos malaglag ang puso ko ng marealize ko kung kaninong boses ang nasa likod ko.
"AHHHCCKK—" pinigilan ako agad ni Sevanne at niyakap pa lalo. Siniksik niya ako sa dibdib niya at pinulupot na rin ang mga binti niya para hindi ako makabangon!
"Shut up Anya!" sabi niya and snuggled to me. What the hell!!!
"You perverted manslut!!! Bitawan mo ko!!! At bakit nasa loob ng t-shirt ko ang mga putapeteng kamay mo!!! Walang hiya ka Sevanne!!! Bastos! Ugh!!!" I tried escaping but he was like wrapped all over me!
"Aish. Inaantok pa ako!!! Matulog ka muna!" he said.
"V!!! What the hell!!! If I get away from you I swear I will kick your man balls!!!"
Instead of letting go, he chuckled and hugged me even more tight. "That's funny. You're the only one who wants to hurt my balls. Everyone loves them."
I looked at him with pure disgust as I was trying to escape. "GROSS!" I yelled. Bigla ba naman niya akong binitawan causing me to get knocked out of bed and fall flat! "ARGHHH!!!" I gritted my teeth as I stood up.
He's all snuggled ON MY BED like it's nothing to him! Pangalawang beses na kaming natulog sa iisang kama and WHO KNOWS what he has done while I was sleeping! The nerve of this guy! Ugh!
"V! Can you just get off of my bed?!"
He shooked his head while all covered up with thick blankets. "Ayaw~ antok pa si V~" sabay nguso.
"Late na tayo ano ba!"
He stretched his arms and pout some more. "Ang lamig~ nilalamig si V~ tabi tayo Anya~" he said and smiled while his eyes are shut.
Napalunok ako dahil shet kahit nakapikit siya, kahit nakakainis, nadadala ako. What the hell am I doing? They can change my mood instantly. And this is another side of V, aside from the mysterious and cold side. Ngayon kaparehas na din siya ni Jungkook. May ganito din siyang side! Omg. I'm going crazyyy! >_<
"B-Bahala ka sa b-buhay mo!" I turned around and walked out of my room. Nakakainis. NAKAKAINIS!!! ARGH!
Nang makarating ako sa school nagkakagulo sila dahil daw may balita na magpalit ng bagong school admin ang Coachella pero who cares? Walampake. Naiinis pa din ako kay V. Nakakainis dahil hindi mawala sa utak ko ang maamo niyang mukha.
I didn't know the bastard is even capable of being like that! Ugh! At nagkatabi na naman kami sa kama. The hell! Good thing hindi kami nagpalit ng kaluluwa.
Nang makarating ako sa room, sinalubong agad ako nila Chowa at Wowa. Nagpaturo sila saken sa Trigonometry.
"Ellin! Bukas na ang First Round ng Rookie Battle! Will Bangtan Boys make it?" tanong ni Chowa habang nagsusulat.
"Oo naman. Yung routine palang nila astig na!" masaya kong sabi.
"Nakita mo na yung routine nila??!" O_O
"Ah— eh. Hindi pa noh! HINDI! Ahehehehehe~"
"Ah akala ko nakita mo na! Ang daya nun ah! Kapag talaga nalaman ko na mas nauna ka pa, talagang friendship over na tayo Ellin!" naiinis sa sabi saken ni Wowa.
Aigoo~ so talagang hindi dapat sabihin? Muntik na yun. Madudulas pa ako. And if ever mawawalan pa ako ng kaibigan! Phew! =o=
"Grabe yung issue sa school noh? Sabi sa usap usapan yung papalit na school admin gustong ipatanggal yung special courses. Gusto yata niyang gawing technical school itong Coachella imbes na arts and music." pagkwento ni Chowa.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Omo! Hindi nga? Grabe! Ang sama niya ah! Ang Coachella ay tahanan para sa sining. Hindi dapat tayo pumayag sa gusto ng bagong school administrator na yan!"
"Tama si Ellin~~!!!"\ (Tu T z) sabi nung kambal.
I sighed dahil mukhang wala naman na akong mapapala kung ipagpatuloy ko pa. Alam ko namang hanggang salita lang sila at hindi talaga nila kayang makilaban sa school admin. Haha. Well kahit siguro ako.
Habang naglalakad ako papunta sana sa locker room, nakita ko ang isa sa mga ANTI BANGTAN posters na nakadikit sa pader.
'They do not deserve a slot in the URDB Rookie Battle! Say NO to Bangtan!'
I sighed and pulled out the poster from the wall bago ko iyon binilog at tinapon sa basurahan. I suddenly felt tears coming from my eyes.
I feel frustrated. Dahil mali naman kasi ang iniisip ng mga tao sa kanila. And I feel guilty. Siguro kung hindi ko sila nakilala, maybe I'm one of the people na sumusuporta sa campaign na ito. And I feel hurt dahil katulad lang din ako ng mga taong humuhusga sa kanilang lahat.
Akala nila, masama at nakakatakot si Rap Monster pero he's such a gentle person with big dreams and a kind heart. Jimin might look tough because of his rough arms pero he dances to girl group songs kapag nagpapractice sila. Suga might look cold and uninterested but he would share his selcas to you and would let you take some of his selcas too. Jin might act like a know it all but he's still that Seokjin with a pink hello kitty fan who loves to watch cooking shows in lifestyle channel.
They're Bangtan. They're humans too. And I'm sure kahit sabihin nilang sanay na sila sa haters, they get hurt too.
"Ellin?" nagulat ako ng may tumawag saken. I looked behind and saw JHope running towards me. Nagulat ako ng yakapin niya ako. "Are you alright? Why are you crying?" he asked as he pats my head.
"J-JHope kasi— ang Bangtan Boys..."
"Bangtan? Why?"
"They need help. They need support. They need someone who believes in them." I sobbed as he hugged me tight.
Naramdaman ko ang mahinahong pagpatong ng kamay niya sa ulo ko. Somehow, napatigil ako sa pag iyak.
"They already have that." malumanay na sagot saken ni Jhope. "They have you, Ellin. Bangtan is lucky to have someone like you." he whispered to me. "I wish I have my own Ellin too."
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya after what I heard. "Sinusuportahan din naman kita ah?" alma ko.
"Yes I know but I'm jealous of them kapag nag aalala ka sa kanila. You always make them feel special."
"H-Hindi naman siguro—"
He chuckled and grinned. "Don't worry, Bangtan will prove their place in the Rookie Battle. Hindi sila nag iisa sa laban dahil nandyan ka. Right?"
I nodded and grinned at him too.
Kinabukasan, hindi ko na naabutan si V sa kwarto niya. Sayang. Babatiin ko pa naman sana siya ng good luck. Malungkot tuloy akong naglakad pababa ng hagdan. Parang nawalan ako ng lakas noong makita kong nakalock na yung pinto niya. Mamaya pa naman yung laban kaya baka makita ko siya sa school! Pero papasok kaya sila? Asa. Si V pa?! ASA.
"Hoy." napalingon ako agad ng marinig ko ang malalim na boses na iyon. Nalaglag ang panga ko ng makita ko si V sa main door ng apartment. Nakasandal lang doon at naka uniform pa.
"P-Papasok ka?" hindi ako makapaniwala.
He nodded at umayos ng tayo. "Ang tagal mo. Kanina pa ako naghihintay dito." nagkamot pa siya ng ilong at tila naiirita.
"B-Bakit mo ko inaantay?"
"Wala akong kasabay papunta sa school. Pabo. Ppali, malelate na tayo." galit pa niyang sinarado ang pinto pagkalabas niya.
Naiwan ako doon na nakanganga, pero agad din naman akong sumunod sa kanya sa labas. Magkasabay kaming naglakad papunta sa Coachella. Napapangiti nalang ako dahil mukhang kakaibang V ang gumising ngayong araw.
"Ikaw ba talaga ang tunay na V?!"
"Sa tingin mo?!" naiirita niyang sagot sabay langitngit ng ngipin niya sa sobrang inis sa tanong ko.
"Ah eh— hehe— I'm just making sure you did not switch souls with someone. Anyways, good luck on the URDB Rookie Battle later!"
"Tss."
"Galingan niyo ah? You are bulletproof. Prove them all."
"G-Gomawo."
Ngumiti nalang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad pero ng makarating kami, parang nagkakagulo sa may main entrance ng school. May mga construction workers na pilit tinatanggal ang signage ng Coachella.
"What the fvck is wrong with this school?!" naguguluhang tanong ni V.
"Oh no. Hindi kaya ang bagong school admin ang may gawa nito?!"
"School admin?" tanong saken ni V.
"Oo. Ang sabi saken ng kambal kahapon, may bagong school admin daw na magte-takeover sa Coachella. And that admin wants to stop the special arts courses here and replace it with technical courses instead."
"That's plain bvllshit then!" kumunot ang noo ni V ng marinig niya iyon.
"Aigoo! V! Noona!" narinig namin ang pagtawag ni Jungkook at agad siyang lumapit samin. He was obviously horrified on what's happening. "Is it true that Coachella will not have special courses anymore?" malungkot na tanong ng Golden Maknae.
Nagkatinginan nalang kami ni V at tumango. Nakita kong palapit na din sila Rap Mon, Jin, Suga at Jimin. Lahat kami nakatingin sa tinatanggal na signage ng Coachella School of Arts.
"Kailangan na nating magpractice. Mamaya na ang URDB." pag aya ni Rap Mon sa lahat.
"Pero paano ang school, Leader-nim?" nag aalalang tanong ni Jimin habang malungkot na nakatingin.
Rap Mon sighed. "The school never cared about us anyway. Sakit sa ulo lang naman tayo sa Coachella right? We should settle our priorities first. URDB is much important at the moment." he said.
"Rap Mon is right. And besides, wala naman tayong magagawa. We are just mere students." pagsang ayon ni Jin.
"But— our school— our swag school—"
"Tara na Yoongi Hyung~" hinila na ni Jimin si Suga palayo habang naiwan ako at si V sa main entrance.
"May problema ba Anya?" he asked me.
"W-Wala—" I shook my head and smiled. "Magpractice ka na. Galingan niyo ah? Goodluck! Fighting!" masaya kong sabi sa kanya.
He smirked and ruffled my hair. "Stop bothering this. Sumunod nalang tayo sa school admin. Don't get yourself in trouble while we're gone, arraseo?"
I pouted and rolled my eyes at him.
Habang nagkaklase, hindi mapakali ang mga schoolmates namin. Panay ang silip nila sa nangyayaring construction sa labas. Or more like destruction. Tss.
"Class, pwede ba? Mag focus kayo sa lecture!" inis at hindi nakapagpigil na sabi ni Sir Pagayunan sa amin.
"Sir totoo po bang hindi na si Principal Hitman Bang ang school administrator ng Coachella?!" tanong ng isa naming matapang na classmate kay Sir Pagayunan.
"Oo. May problema ka ba doon, Mr. Fajardo?" mataray na sagot niya.
"P-Pero Sir, bakit niya tatanggalin ang special music and arts major courses?" tanong din ni Chowa at tila napatungo ang buong klase.
Sir Pagayunan sighed and faced us. Tinanggal niya ang kanyang salamin at ngumiti. "Gusto lang ng bagong school admin na mas maging handa kayong mga kabataan sa realidad ng buhay."
Napataas ang kilay namin sa sagot ni Sir. "Realidad? Ano pong sinasabi niyo?" naguguluhang tanong ni Wowa.
"Class, mas papalawakin ng bagong technical courses ang inyong kaalaman kumpara sa pagkanta o pagsayaw na hindi lahat ay pinagpapala. Hindi ba? The school admin only wants what is best for you. Tanggapin niyo na ang pagbabagong ito. Oo nga pala, next week maglalabas na ang Registrar ng listahan ng technical courses na pupwede ninyong pagpilian. Iyon ang ipapalit niyo sa existing course ninyo. Mapa-vocals o instrumental o dance o di kaya'y literature. Lahat magbabago. Is that clear, class?"
Nagkatinginan kami nila Chowa at Wowa. Pati ang mga classmate ko sa bandang likod. Lahat kami bakas ang pag aalala at pagtutol dito.
Natapos ang klase na puno ng takot ang dibdib ko. Kakaibang takot ito. I fear of not being able to see my dream. Kung noon, Coachella opened my eyes to endless possibilities in reaching my dreams, now it's like all those doors are shut.
"Hindi pwedeng mawala ang special courses. That's what Coachella is known for. Our passion for arts and music is definitely our trademark. We can't just let them change it." sabi ni Chowa.
"Pero paano? Ano bang laban natin sa school admin? Kung sana si Principal Hitman parin ang school admin hindi magkakaganito." malungkot na sagot ni Wowa at humalumbaba sa desk niya. "Ikaw, Ellin? May naiisip ka bang plano?" tanong niya sakin.
Nanlaki ang mata ko ng matuon saken ang atensyon ng lahat. Hindi ko namamalayan na tahimik ako simula kanina at nag iisip ng maaaring gawin para pigilan ito.
"Honestly, ayoko rin na mabago ang courses sa Coachella. Kaya nga ako lumipat dito para matupad ang pangarap ko eh. Pero kung lalaban tayo, anong mapapala natin? Kaya ba nating mabago ang isip ng taong nagpapahalaga sa future natin? The school admin also has a goal on why everything has to change, and all we have to do is wait for that."
Natahimik sila at sabay napabuntong hininga. Isa-isa silang napaupo at tila nanghina sa sinabi ko.
Nakarating ako sa apartment at parang wala sa sariling humilata sa kama. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin ang sitwasyon sa school. May dapat ba akong gawin? Paano ang Bangtan Boys pagbalik nila? Aabutan nila ang bagong technical courses. Paano ang pangarap nila sa URDB stage? Paano ang—
Wait. Speaking of Bangtan—
OMG! YUNG ROOKIE BATTLE!!!
Agad akong nagtatakbo pababa ng living room at binuksan agad ang TV. Sakto nagsisimula palang ang show. Nagmadali akong kumuha ng junkfood sa pantry at bumalik sa sofa. Sakto pinapakilala na sila!
"Our next group is a returnee of the competition. And luckily they finally found their way back to the battle! Will they out win the rest and retrieve the victory this time? Well, without further a do, please welcome, BTS!!!"
Dumilim ang stage at makikita ang imahe ni Rap Mon sa gitna. May hawak siyang stick na may skull sa dulo na parang astig na cane. It symbolizes power for me. Agad nagsimula ang beat at unti unting lumabas mula sa likod ni Rap Mon ang lahat.
Unang nagrap si Jungkook. Precise ang choreography at powerful ang bawat hampas ng lyrics. May pinaghuhugutan ba. Ramdam din ang angst.
"I pulled all nighters at practice instead of school, dancing singing!"
Malayong malayo sa binubully na Jungkook sa Coachella dahil sa mababang marka. Siguro doon niya nakukuha ang lahat ng angst sa pagkanta.
"When you guys partied, I gave up sleep for my dreams!"
Sa mga napagdadaanan niyang pambubully sa school. Aww poor maknae. ;u;
Sumunod si Yoongi. Mabilis ang bitaw ng mga salita. Kung gaanong hindi kainteresadong magsalita si Yoongi sa school, ganoon kabilis ang bibig niya ngayon. Hindi lang pala 'SWEG' ang kaya niyang sabihin. Kakaiba.
Bangtan is not themselves when they step on stage. Sumabay pa rito ang pagsayaw ng lahat. There's this certain pop and lock for every beat. I think Rap Mon and Yoongi worked on this song and end up being powerful .
"Everywhere I go, everything I do, I will show you as much I sharpened my sword. To all the people who looked down on me." napanganga ako ng si V ang pumasok. Mabilis lang ang linya niya pero parang nagwala ng konti yung dibdib ko. Bakit ba! Nagulat ako eh. Ang gwapo niya yata sa suot niya? Ewan. Kwek kwek pa rin siya.
Jimin's part was awesome. Chorus at may mabilis at mabagal na pace.
"We go hard, we have no fear!"
Siya lang talaga yung nakasando. Medyo pinagkakanulo siya ng mga kagrupo niya kaya lahat ng nanunuod sa kanila ng live medyo may kasabay na ungol ang bawat sigaw kapag si Jimin ang nasa gitna. =_=
Nakakapagtaka lang na after ng chorus biglang walang magsasalita at puro beat. Hindi ko tuloy alam kung yung blankong space ay sinasadya o hindi. Pero tuloy lang sila sa pagsayaw pero walang nakanta o nagrap. Labo.
Ganun din naman ang epekto ni Jin sa stage. Mesmerizing at charismatic. Parehas lang sila ng linya ni V pero magkaiba sa pagdeliver. Masyadong maganda lang talaga ang prinsesa Seokjin at medyo serious sa stage. SA STAGE LANG. ASA PA SA TOTOONG BUHAY. =_=
"What an awesome performance! I bet the judges were amazed! Great job BTS!" bati ng host ng programa. Napatalon naman ako dahil perfect ang routine nila. Winner winner chicken dinner na yan!
At hindi nga nagtagal, natawag ang pangalan ng Bangtan na safe sila sa eliminations. That means they are advancing to the next stage! Ahhhhhh!!! Confetti!
The show was long gone when I heard a knock on my door. Nagawa na ako ng homeworks na napre-emp sa panunuod ko ng TV. Agad kong binuksan and I saw V standing in front of my door while holding something.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya.
"Natirang cake yan. Galing sa celebration kanina. Naisip nilang tirhan ka ng cake kaya pinadala nila saken." nakasimangot na sagot ni V.
"Talaga? Aww~ gomawo V. Pakisabi sa Bangtan, thank you. Kamsamhamnida!" I said and smiled.
"Nanuod ka ba?" ngumuso pa siya.
"Oo kaya! Tignan mo oh! Ngayon lang ako nagawa ng homeworks ko. Ang galing galing niyo talaga! Kelan ang susunod na battle?"
"Next week. Are you going to watch us live?"
Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Anong problema ng taong toh? Nakanguso pa eh nanuod naman talaga ako. Parang nagtatampo na ewan eh.
"Hindi pa ako sure."
Bumaba kami parehas para kainin yung cake. May note pa na nakalagay. Handwriting ni Jungkook.
'Noona! We won the first battle! Did you cheer for Kookie? Did you cheer for Bangtan? I hope so! We worked so hard on that routine! Kookie did his best! I even worked out with Jiminnie to show them my abs! Please eat this celebration cake too! Jin omma made this for our victory! Kasama ka na namin sa bawat tagumpay namin noona because you believed in us! Nado saranghae Ellin noona! -Kookie <3'
My heart just melted after reading the note. Napaka sweet talaga ni Jungkook kahit kelan eh. Malayong malayo sa itsura niya kanina.
"Are you just going to stare at the damn cake?" V said as he rolled his eyes.
"Eto naman! Nagdadrama pa ako eh! Minsan lang ako makatanggap ng cake na may note!"
"Tss. Daming alam. Kainin mo na yan." napatingin ako kasi nakalagay na siya sa plato. Nilagay talaga ni V. Okay. Medyo sweet na din.
Kinabukasan, ito lang naman ang tumambad sa school bulletin.
"STUDENTS ARE NOT ALLOWED TO JOIN CONTESTS THAT INVOLVES THEIR SPECIAL COURSES. THIS SCHOOL IS NOW A TECHNICAL SCHOOL SO EVERY STUDENT SHOULD PRACTICE THEIR ASSIGNED TECHNICAL COURSES INSTEAD. -THE SCHOOL ADMINISTRATOR"
Ano daw?!?
* * * *
Belated TRB in MNL!
Belated Happy Birthday Seokjin!
Sorry sa sobrang bagal na update. Tumal! Hi guys! Ngayon lang ulit umatake ang feels. Pasensya. Merry Christmas po! Heheh. You guys enjoyed the long weekend and TRB feels? Ako hindi. Team Bahay eh. Hehehehehehe.
Oh no! Wala ng Coachella? What now?! T^T
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top