Connect 12: Bangtan Haters
Connect 12: Bangtan Haters
Ellin's POV
Nandito ang Bangtan sa apartment! Ang gulo! Shutanginames!!!
"Noona!!! Kinuha ni Jimin yung bopen ko!!! Noonaaaa!!!" iyak ni Jungkook.
"Ellin shhi~ kinuha ni Rap Mon yung saken!" depensa naman ni Jimin.
"This is my ballpen, you pabo! Maghanap ka ng sayo!!!" inis na sabi ni Rap Mon na busy sa pagsusulat ng kanta.
"Aish. Kukuha nalang ako ng ballpen. Wait lang." palabas na ako ng kumapit si Suga sa paa ko.
"Ellin~ em hungrehhh~" =3=
"Aigoo. Okay fine. Kukuha na din ako ng pagkain. Ugh." I rolled my eyes after closing V's door.
"ARGHHHHhGhhhhHxkkdndodjjnf!!!11!1!!"
Bakit ko ba naisipang mag volunteer as tutor ng Bangtan? Bukod sa ang aarte nila at isip bata, ang ingay, matakaw, may iyakin pa at iba iba ang ugali nila. Lagi pang nag aaway! Jusque. Imbes na makapag aral ako ng taimtim baka tubuan pa ako ng kulugo sa ulo sa sobrang stress.
"Aba, mukhang napapadalas ang mga kaibigan ni Sevanne dito ah." masayang bati ni Manang Ason ng makarating ako sa kusina.
"Oo nga po." pinilit ko lang ngumiti pero ang totoo inis na inis na ako eh.
"Mukhang close ka din sa kanila, ano?"
"Ah opo. Nito ko lang ho sila naka-close."
"Nakakatuwa at nagiging malapit na kayo na magkaibigan ni Sevanne. Dati kasi malimit kayong mag away at minsan lang kung mag-usap. Mas gusto ko ang set up ninyo ngayon. Maaliwalas ang aura ninyong dalawa." ngumiti lang si Manang saken.
Set up? Aura? Wow. Who goat.
Nang maka akyat ako, naabutan kong nag aagawan ng papel sila Jimin at Jungkook, si Rap Mon na walang pake na nakaupo sa sahig at nag heheadphones. Si Suga na nagseselfie sabay lagay ng watermark at si Jin na kinakalikot ang aircon habang may hawak na pamaypay, hello kitty na pamaypay. Sa kanya yun. At ayaw niyang ipahawak kahit kanino. Okay. Binabawi ko na yung sinabi kong mature siya. Leshe. =_=
Lumapit ako kay V na natutulog sa sofa at tila hindi man lang naiingayan sa paligid niya.
"Sevanne!!! Wake up!!! Help me with your friends!" sabi ko at hinila si V na nakahiga pa din.
"Aish. Let them be! Mapapagod din sila." tsaka siya tumalikod. Napabuga nalang ako sa hangin. GRABE!
"NOONA!!! JIMIN IS MOCKING ME!!!" sumbong ni Jungkook sabay yakap saken. Ugh! Parang 2 years old siya minsan. At ang nakakainis pa, hindi ko siya mabalewala. Kahit feeling bata lang siya nakakaawa pa din. Effective yung pouting skillz niya eh! T^T KOOKIE~~
"Shhh... tahan na. Hindi natin papansinin si Jimin. Tahan ka na." pinunasan ko yung mukha niya.
Nilakihan ko lang ng mata si Jimin at bumalik na ito sa pagsusulat sa workbook niya.
"Ellin~ ang swag ng selca ka oh. May watermark pa. Oh yeah. SWEGGERZ." sabay pinakita ni Suga saken yung phone niya. Okay naman. Sige na. Lahat naman ng anggulo ni Suga maganda. Wala pang filter. Siya na ang may magandang kutis. K.
"Okay sige. Kumain ka na." ngumiti naman siya agad at kita talaga yung gums niya. Tsaka siya dumiretcho sa table kung saan ko nilagay yung tray na puro pagkain.
"Ellin~ ang init~ wala na bang ilalakas ang aircon ni V? Grabe ah. Hindi ako sanay. Akala ko pa naman centralize and aircon dito gaya sa bahay namin." sabay paypay ni Jin gamit ang hello kitty na pamaypay niya.
"Saan po ba kayo nakatira, Donya Seokjin? Sa SM Mall of Asia po ba? Pagpasensyahan niyo po kung wala kaming centralize na aircon ha?" =____=
Sinubukan kong palamigin ang aircon pero eto kasing si Jimin wala ng ginawa kundi magsalita kaya puro hininga niya nasa loob ng kwarto ni V. Aish.
Napaupo nalang ako sa study table ni V habang tinitignan ang magulong set up namin ngayon. YEAH RIGHT! SET UP. UGH!!!
But as I sigh, a curve formed in my lips. Kahit nakakapagod, napapangiti ako. Weird. But this weird feeling, feels better than studying alone.
Kinabukasan, naabutan kong pumasok ng sabay sabay at kumpleto ang Bangtan Boys. Nakakatuwa silang tignan. Nag thumbs up pa saken si Jungkook ng dumaan ito.
"Grabe. Nitong mga nakaraang araw, lagi ng napasok ang Bangtan Boys. Ano kayang meron?" sabi ni Chowa.
"Diba dapat matuwa tayo? They are slowly changing. Mas nagiging maayos na sila. Lalo pa nga akong maeexcite dahil malapit na ang unang round ng URDB rookie battle!" kwento ni Winona.
"Ellin, manunuod ka ba ng live?" tanong ni Chocola.
Binaba ko naman yung libro na binabasa ko at ngumiti. "Hmm. Hindi. Sa TV nalang siguro. Excited na din ako!"
"So? Army ka na din ba?" tanong ni Wowa habang nakalean sa desk ko.
"Oo. And I'm a proud Army."
"Ahhhhhhh!!!" tumili ang kambal at niyakap nila ako parehas. "Sabi na nga ba magugustuhan mo din sila ehhh!!!"
"So sinong bias mo?!" natigilan naman ako sa tanong ni Chocola.
"B-Bias?"
"Oo. Kung Army ka na nga, dapat may bias ka."
"Ah eh-- sa ngayon wala pa siguro? Ewan. Lahat sila gusto ko. Iba iba kasi ang personality nila eh."
Natawa sila parehas at hinampas ako. "You're funny Ellin! You sound like kilalang kilala mo na sila? Hahahahahaha!" nakitawa nalang ako kahit totoo naman na kilalang kilala ko sila. Heheheheh.
Nung nag break time agad kong pinuntahan yung room ni Jungkook para ibigay sa kanya yung workbook. Natuwa naman siya ng malaman niyang dalawa nalang yung mali niya.
"Wow!!! Tama talaga yung iba? Ang galinggg!!!" sabi niya while scanning his workbook.
"Oo. Mas galingan mo pa para maperfect mo ha?"
He happily nodded bago pumasok ng room. Sunod kong pinuntahan ang room nila Jimin. Actually, pinakamagulong room ito sa buong Coachella. Daig pa nila ang room ng Grade 12.
"Ellin-shhi!!!" agad kinuha ni Jimin yung workbook niya. "Waaa. Ang daming mali." malungkot niyang sabi.
"That's okay Jimin. Siguro nalilito ka pa sa gagamitin mong formula. I'll teach you later. Nakakalito talaga yan so don't worry. And listen to your teacher. Arraseo?"
"Neh. Gomawo Ellin~" ^_^
After ng break time, yung lessons ko naman ang inatupag ko. Medyo nakakahabol na ako sa subjects ko. Medyo confident na ulit ako. Kapag nagtuloy tuloy ito baka mabawi ko ulit ang rank ko kay Verona.
"Uuwi na kami Ellin! Bye bye!" paalam nung kambal saken.
"Ingat kayo! Bye bye!" naiwan akong mag isa ulit sa room. Pero aakyat ako sa practice room ng Bangtan mamaya para manuod ng practice nila eh. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nagmadaling umakyat sa practice room.
Ang weird. Bat nakatayo lang sila doon?
"Hey guys—" nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga nakasulat sa pader ng classroom. Gumamit yata sila ng spray paint.
'BANGTAN LOSERS!!!'
'TRYING HARD HIPHOP STYLE'
'GO HOME LOSERS YOU DON'T HAVE A CHANCE IN URDB!!!'
Agad kong hinarangan yung pader. "D-Don't look at them! Hindi yun totoo! Wag kayong maniwala."
Rap Monster smiled faintly. "It's okay Ellin. We always have haters." he pats my head and sat down.
"But—"
"Sanay na kami dyan. Nothing new." Jin shrugged tsaka uminom ng tubig.
"It's okay Noona. Don't worry about us." Jungkook said and smiled.
Pero bakit ganun, bakit parang hindi sila okay? I'm sure nasasaktan sila kahit papaano. Whoever did this is absolutely pathetic.
"Anya, go home. Gagabihin kami sa practice." V said and dragged me out of the room.
"Pero—"
"We are dealing with haters ever since. This is nothing." he grinned at me.
I reached to cup his cheeks and his face automatically turned bland.
"Don't let these haters get into you guys. Arasseo, V?"
He smiled and nodded. Ang kinis ng mukha niya at ang lambot ng pisngi niya. Yung eye smile niya na nakakatunaw. Ugh! Ang dami ko atang baon na adjectives para kay V?!
"Show them you guys are bulletproof."
"We will, Anya."
"I'm going home." tatanggalin ko na sana yung kamay ko na nasa pisngi niya ng hawakan niya iyon. Ah shet. Bigla akong kinabahan. >////<
"Ingat ka pag uwi." he held my hand and— @&&&#&%#@@. He kissed my hand. Like WTF.
"Ah eh— ah eh—"
"Papasok na ako." he smirked before letting my hand go. Feeling ko lahat ng dugo ng katawan ko nasa ulo ko na. Abnormal breathing. Abnormal pulse. Shet.
Kinabukasan, naabutan ko ang grupo ng mga estudyante na nagkakagulo sa bulletin board. Dahil may lahi na din akong chismosa nakitingin din ako. My jaws dropped when I saw what the fuss was all about.
'ANTI BANGTAN CAMPAIGN'
Napaatras ako at naging dahilan ng pagtulak saken ng ibang gusto ring makita ang nasa bulletin board. Stupid me, I got tangled up and was about to fall but someone catch me just in time.
"You okay?!" he asked while still supporting my back.
"J-Jhope?!" agad akong napatayo ng ayos at sinuklay agad ang buhok ko. Eh keshe nemen she JHope yen eh. :"3
"What's with the bulletin board? Anong nakalagay?" he asked also wanted to see what was posted on the bulletin.
"Anti Bangtan Campaign. How can they do such a thing? Bangtan just wants to make their dreams come true. Why can they just leave them alone?" inis kong sabi sabay pout.
"Tungkol saan yung campaign?"
"Well ang sabi dun wag daw suportahan ang Bangtan sa URDB. To not vote for them online and on the text votes and to not support them at all, that's what's written. They're so mean!"
Jhope smiled and pats my head. "Chillax Ellin. Bangtan can handle this—"
"No. Hindi naman nila kailangan pagdaanan pa yun eh. Why can't they get support instead of hate? Ang unfair. Other groups are loved by everyone but they get judged and hated kahit hindi pa nila alam ang buong story! That's just plain bad in my opinion!"
"You sound like a true Army, Ellin. You're cute." Jhope giggled. Hindi pa din mawala ang paghihimutok ko kaya nakapout pa din ako.
"I'm serious Jhope. Ikaw ba? Do you hate Bangtan? Do you hate your former members?!" I said and pout some more.
Jhope smiled habang nakatingin sa kumpulan ng mga tao. "I never hated them. I know them well than anyone. And I believe in them. Kaya kahit gaano pa karaming haters ang manira sa kanila, they will remain bulletproof. After all, they are Bangtan, right?!"
I nodded happily dahil sobrang napagaan na naman ni Jhope ang loob ko. Two points for you bebe Jhope. Heheheh. <3
Natigil kami ng may nagtatakbong lalaki sa hallway at may hawak na test papers. Napunta sa kanya ang lahat ng atensyon at agad ko ding napansin na nakasunod si Jungkook sa kanya.
"TIGNAN NIYO YUNG MGA EXAMS NI JUNGKOOK BAGSAK LAHAT! GANYAN BA DAPAT ANG KLASE NG GRUPO NA SUSUPORTAHAN NATIN SA URDB? MGA BOBO?!" sigaw pa nung isang lalaki.
"T-Tama na! Ibalik m-mo yan!!!" paiyak na pakiusap ni Jungkook habang nakikipag agawan sa lalaking kinakalat ang mga papel.
Nakita ko ang ibang papel. May 0/50 at 3/35 na scores ito. Lahat nga ay may pangalan ni Jungkook. Nagpanting agad ang tenga ko at sinubukang lumapit pero biglang lumabas sa kung saan si V at sinuntok agad ang lalaking nagkakalat ng testpapers. Natigil ang lahat at nangisay sa sahig ang lalaki.
"Listen here you punk! Oo! Wala kaming utak! At oo wala kaming ipagmamalaking grades! Pero hindi naman yun ang basehan ng Hiphop eh! Don't go around, telling people we don't deserve a slot in the URDB dahil lang sa mga bobo kami at mababa ang grades dahil talagang paduduguin ko ang mukha mo!" galit na galit na sabi ni V. Humarap siya sa lahat ng tao at ngumisi. "Kayong lahat! Bangtan will prove to everyone of you that we deserve this slot! Watch and learn you f******!!!" tsaka niya sinipa yung lalaki na nasa sahig bago hilahin si Jungkook palayo.
Agad akong napahiga ng makarating sa kama ko. Alam ko nasuspend ang buong Bangtan Boys ng isang linggo dahil naospital at malala ang lagay nung lalaking sinuntok ni V.
Ngayon lang ako nakakita ng suntukan at honestly natuwa ako ng malaman kong may 25 stitches sa mukha yung lalaki. Sayang. Mas gusto ko pa sana ng mas madami.
"Anya!!!" napatayo ako ng marinig ko ang walang habas na pagkatok sa pinto. Nang buksan ko iyon, si Sevanne agad ang bumungad saken. Walang pasabi niya akong hinila papasok sa kwarto niya.
As usual magulo na naman. Umikot ang paningin ko ng makita kong nagsasayaw ng 'Touch My Body' si Jimin mag isa sa harap ng salamin. Si Jin naman busy maghanap ng bagong recipe sa internet. Si Suga, muntanga lang nag eemo sa may bintana. Inutusan niya pa si Rap Mon na kuhanan siya ng picture habang nag eemo. After niya, kinuhanan naman ng OOTD shot ni Suga si Rap Mon na nakabitin na pantalon at tucked in. Mga pauso mong style Rap Mon eh. Tss. >_>
"Jungkook needs to review." natauhan lang ako when V told me why he dragged me in here.
"Asan ba si Jungkook?!" napataas ang kilay ko ng hindi ko nakita ang Golden Maknae nila sa kwarto.
"Nasa balcony. Ayaw niya kaming kausapin kasi daw kasalanan niya kung bakit daw kami na suspend."
I rolled my eyes at V. "Ikaw lang dapat ang suspended." sabi ko sa kanya.
He smirked and shrugged at me. "I know you like what I just did to that punk, Anya. Aminin mo na."
"Yes. But I'd rather not tolerate that." tumalikod ako and went to the balcony. Naabutan ko nga doon ang senti na maknae habang dinadama ang mausok na hangin. "Why is Kookie all alone out here?" I asked him.
Jungkook hugged his knees tighter. "Jungkook is feeling bad, noona. I feel like I don't deserve being a member of Bangtan."
"Aww~ why are you saying that?"
"I have bad grades, I cry a lot, I depend on them too much, I always get bullied and I cannot even defend myself." :------(
"Wag mo namang i-down yung sarili mo Kookie."
"But noona, totoo naman lahat ng sinabi ko hindi po ba?"
"But that doesn't mean you don't deserve being in Bangtan. Don't let the haters get into you."
"Pero hindi ba pabigat lang ako sa grupo?"
"No you're not!" I combed his hair using my hands and wiped his tears off of his cheeks. "Absolutely not Jungkook. Because a group will only stand strong if each member are holding on to each other and not letting go. And I think that's what your Hyungs are doing. They never let you get hurt and they always protect you, right?"
Jungkook nodded. "But noona, am I a burden to you too?" he asked with such sad eyes.
"Of course not. I'm always happy that I get to help you improve in your studies, Jungkook."
"Pinky promise swear you don't feel like I'm a burden to you, noona?"
I put out my pinky finger and did a pinky promise with his finger. "Pinky promise, you are not a burden to me Jungkook. I never did feel you were."
"I'm glad to hear that, Noona."
"Well, we better work on your other subjects so you can catch up with your Hyungs in the URDB practice. Right, Jungkook?" ;)
"Neh! Noona!" masaya kaming bumalik sa kwarto pero naabutan naming tulog na ang lahat at sobrang kalat ng kwarto ni V. "Aigoo. Hyungs?" gulat na sabi ni Jungkook.
"Well, we can just study in my room?"
Jungkook nodded at kinuha niya yung mga workbook niya bago lumabas. Palabas na din ako ng may humawak bigla sa paa ko.
"What the—"
"I'm coming with you." nakapikit na sabi ni V sabay pagewang gewang na tumayo at sumabay saken palabas.
"Alam mo, antok ka na. Matulog ka na—"
"Eh!!! Shut up, Anya. I'm not gonna let Jungkook stay in your room alone! Arraseo?" parang lasing na sabi ni V na may kasama pang duro sabay pasok sa kwarto ko.
Nung makapasok naman siya ay nahiga lang siya sa kama ko at natulog habang tinuruan ko lang si Jungkook hanggang sa mag curfew na sa apartment.
"Paano si V, Noona?" tanong ni Jungkook saken paglabas niya ng kwarto ko. Hindi siya mapakali at tingin ng tingin kay V na nasa kama ko. "He's really dangerous, noona. You should be careful. Don't let him rape you."
"Aish. Stop thinking things like that, you're too young to talk about rape. I'll just wake him up. Sige na. Umuwi ka na. Gabi na eh. Ingat ka ha?"
"I will. Thank you Noona." ngumisi lang si Jungkook bago lumabas. I sighed once I saw a much heavier burden in my life lying on my bed.
"Yahhh! Get off my bed!!!" inis kong sabi sabay hila ko sa kanya. Pakshet! Ambigat!!!
"Ughhh~~ what the hell~~" tinanggal niya ang kamay ko at humilata pa sa kama ko.
"You rotten pig!!! I said get off my bed!!! Ahhhh!!!" inis kong sigaw sabay hinila ko ulit yung katawan niya. But I think he's much stronger dahil isang hila niya lang pabalik I came down tumbling over him on the bed.
GAHHH!!! NOW I'M ON TOP OF V! THE HELL!
"V!!! Wake up! Go back to your room you stupid pig!!!" inis kong sigaw at sinubukan kong makatayo but it seems like V already wrapped his arms around me. GAHHH!!! >////<
"Shut... up... Anya."
"NO YOU STUPID MONKEY LET ME GO YOU LEECH!!! ZXCVBNNAGSJDKDHG!!!"
After all the efforts, the pushing, the punching and stuffs he just tightens his grip using his arms and I got caught up lying down on top of him, literally!
"SEVANNE!!!"
"Shhh. Matulog na tayo, Anya. Good night." I heard a slight chuckle before giving up and closing my eyes. I can imagine his little smug face, ugh. Annoying!
* * * *
It is official. My bias wrecker is none other than V. Hahahahah. I knew I had hidden desires for him ever since I started this fic. Kaya pala siya ang ginawa kong bida. Punyeta. Hahahah. K. Ang sarap magsulat ng CTD. Puro feels. Ayie. Feels here, feels there, feels everywhere. Ya know.
Okay. Happy 4K. Mga cute, penge comments. XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top