Connect 11: Cheer Up Ellin
Connect 11: Cheer Up Ellin
V's POV
Nakatingin lang ako kay Anya habang nakangiti siya sa tapat ng bulletin board. Kakaalis lang ni Jhope.
Hinintay ko si Anya kasi nakita ko pa siyang nasa loob ng classroom niya. Kaya pala malungkot siya dahil sa ranking. Kung tatanungin niyo ko kung ano ang ranking ko, wag niyo ng alamin.
Siguro kung merong 250 students sa Grade 11, nasa 248 ako. May dalawa kasing mas bobo saken sa klase eh. Yung isa si Jimin, tapos yung isa di ko kilala. Basta oknoid yun. Hahahaha!
Eh si Leader nim naman kahit hindi mag aral mataas din sa ranking. Sabi niya kanina nasa 25th rank siya. Nung Preliminary ranking nasa 27th siya eh.
"ELLIN FIGHTINGGGGGGGGG!!!!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Anya habang nakatingin pa rin siya sa bulletin board.
Abnormal. =_=
Sinundan ko lang siya habang naglalakad pauwi. Mukha akong stalker sa ginagawa ko. Teka bakit ko ba siya sinusundan? Tss.
Basta ang alam ko mas okay na toh kesa sumabay sa kanya. Baka sermonan lang ako. Lalo pag nalaman niya yung ranking ko.
"Nandito na ako Manang!" masigla niyang bati sa landlady ng apartment.
"Oh! Anya. Buti naman. Sabay pala kayo ni Sevanne?" ngumiti nalang ako kay Manang Ason. Lumingon naman si Anya saken.
"Bwo! Kasunod lang pala kita? Omo~ kumusta yung—"
"Omo mo mukha mo. Aakyat na po ako Manang." dumiretcho nalang ako sa kwarto ko at nagbihis.
Sa tuwing makikita ko si Anya, nakokonsensya ako. Lalo na nung nakita ko yung ranking. Alam kong wala akong konsensya pero-- hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil ako ang may gawa ng mga quiz ni Anya ngayong term. Malamang dahil dun kaya bumaba ang ranking niya.
Buti pa si Jhope, kaya niyang mapagaan ang loob ni Anya. Ako hindi. Putcha. Oh ano ngayon? Sevanne pake mo ba kung masama loob niya? Putcha ka rin noh?
"Sevanne!!!"
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto. At oo. Si Anya yun. Mangungulit na naman. Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto.
"Oh? Problema mo?!"
"Kumusta yung quiz mo? Maayos lang ba? Anong sabi ni Sir Pagayunan?" dire-diretcho niyang tanong.
"Malay ko dun. Basta pinasa ko yung papel ko. Bahala na siya dun." naglakad ako papunta sa sofa at sumunod naman siya sabay upo sa sahig.
"Hay nako. Ayusin mo na kasi yang mga subjects mo. Mag aral ka at maging mabait."
"Anya are you just here to blab about stupid things again?!"
"Hindi naman." napatingin ako kasi parang nagbago ang tono ng boses niya. Nakarinig din ako ng buntong hininga.
"You okay?"
"O-Oo naman." pero nakatungo siya at nakatingin sa sahig.
Aish Anya. Hindi kita macomfort kasi hindi ako sanay dyannn!!! I'm going crazy ano bang gagawin ko???!??
"Is this about your rank?"
Nagulat siya at napatingin saken. "Alam mo na din yun?" nagpout siya at humiga sa sahig. "Nakakalungkot lang. Kahit napagaan na ni Jhope yung pakiramdam ko kanina, kapag mag isa na ako naiisip ko na naman siya. Kaya nga pumunta ako sa kwarto mo eh."
"Well hindi ko kayang pagaanin yung loob mo tulad ni Jhope so get out." =_=
"You really don't need to say anything nice, V. Basta alam kong 298 ka sa ranking gumagaan na ang loob ko. At least lamang ako ng madami sayo kesa dun sa bagong rank 1." sabay ngisi niya saken.
Binato ko siya ng unan. "Loko ka ah!"
"Hahahaha!" napangiti din ako ng makita siyang natawa. Pero nakakaoffend na siya ah. Argh.
"Tss. Yabang mo."
"Mag aral ka kasing mabuti para naman tumaas yung grades mo, V."
"No thanks. Get out of my room."
"Tignan mo si Rap Mon, siya yung leader pero nababalance niya ang pag aaral at pagiging leader ng Bangtan Boys."
"Kaya nga siya leader eh. Eh hindi ako leader. Bakit pa ako mag eeeffort? Tsaka pwede ba, mas mababa si Jimin sa ranking noh. 299 siya ako 298."
Hinampas niya ako ng unan. "Duh. Ngayon mo lang nalamangan si Jimin. At dahil yun saken. Mataas yung mga quiz ko nung nagpalit tayo ng katawan. Wag kang feeling dyan!"
Tumayo ako at sinipa siya. "Umalis ka na nga sa kwarto ko!!!" naasar na ako sa kanya.
Hindi naman siya gumalaw at mas lalo pang humiga sa sahig at nagpagulong gulong. "Ayako nga." she even stick her tongue out.
I smirked and stood up. "Ayaw mo talagang umalis?!?" I asked as if like giving her my last warning.
"Ayaw ko nga."
"Then suit yourself." nagtanggal ako ng tshirt at agad nanlaki ang mga mata niya.
"W-Wait— what are you— AHHHHHH!!!!"
Agad kong binaba ang boxers ko at napapikit siya sabay tayo at takbo. I smiled widely. Victory is mine! Sa wakas. Tahimik na ulit ang kwarto ko. Wala ng maingay. *u*
Kinabukasan, sa school, nagpaplano na kami para sa unang round ng URDB. Next week na iyon at tapos na din ang kanta na sinulat nila Leader nim at Yoongi hyung.
"I can't wait to dance on the URDB stage again!!!" excited na sabi ni Jimin habang nagsasayaw.
"Me too!!!" masayang sabi din ni Jungkook.
"But guys, yung mga ranking niyo. Lalo ka na Jimin. Ikaw pinakamababa ngayong midterm. Sunod si V, tapos si Jungkook. Diba sabi ko mag aral kayo?!" sabi samin ni Leader nim.
"But Leader nim, isang rank lang naman ang lamang ni V saken eh." =3=
"Kahit pa Jimin. Pinaka-pabo ka pa rin. Hindi yun sweg." sabat ni Suga hyung.
"Tsaka si Jungkook din naman! Kailangan niya na mag-cram school!" turo ni Jimin kay Jungkook. Parang bata na turo ng turo eh. Daig pa maknae namin.
"Pede tutor nalang kunin niyo para saken Hyungs? Gusto ko si Ellin noona~" *0*
"Mukha mo! Hindi. Mag cram school ka! Mabulok ka sa cram school! Tamad mong mag aral. Lalandi ka lang naman!" di ko napigilang sumabat. Kasusot eh. Landi. Bata bata pa niya ang landi na agad. >_>
"Aish. Okay stapet!!! Lahat kayo bopols. Ako lang talaga matalino sa atin kaya awat na." biglang epal ni Jin Hyung. Palibhasa 11th rank niya sa Grade 12.
"Ang humble mo dyan Jin. Grabe." -_- inis na sabi ni Suga. Ang alam ko, 26th ang rank niya.
"Okay guys. Quit it. Lahat tayo kailangan mag aral. Hindi pwedeng sayaw lang tayo ng sayaw. Dapat meron din tayo nito." sabay turo ni Rap Mon sa ulo niya. "There's this cruel world out there at kung hindi natin mae-equip ang sarili natin baka lamunin lang tayo ng mundo. We have to conquer the world! At kung gusto nating magawa yun, dapat nating ihanda ang sarili natin. Kung gusto nating matupad yung pangarap natin kailangan natin yun. Do you guys get what I'm saying?"
We all nodded. Pero sa pananalita ni Leader nim he sounds like Anya. Hindi kaya nagpalit sila ng katawan?
*shooks head*
No. Not gonna happen. Sakin lang pwedeng mangyari yun. Kaming dalawa lang ang— wait why am I being like this? Tss.
"I guess we can seek help from Ellin. Right V?" tanong ni Suga hyung saken.
"Huh?" tila nawala ako sa usapan sa kung ano anong mga naiisip ko eh.
"But Ellin noona went down to rank 2 this term. Baka makaabala tayo sa kanya." malungkot na sabi ni Jungkook.
"Oh yeah. Kumusta na kaya siya? Sa tingin ko hindi niya inaasahan yung pagbaba ng rank niya." Jimin said.
"What if we cheer her up? Huh hyungs??!" excited na sabi ni Jungkook.
"Cheer her up? But how?" sabay sabay naming tanong sa Golden Maknae.
Ellin's POV
One word. NGARAG.
Yep. Ngarag ako ngayon. Gusto kong mag-aral ng mag-aral. Hindi ako dapat magpapetiks petiks. Nakakainis. Ang bagal pa ng Librarian. Limang libro kasi hiniram ko. Lahat babasahin ko sa break time namin. Kaya lahat ng segundo mahalaga.
Pagbalik ko ng classroom naabutan ko sila Chowa at Wowa na nagseselfie. Buti pa sila, walang pressure. Walang pinoproblema. Ang pinakamahirap na problema nila ngayon ay kung anong filter ang gagamitin nila sa Retrica. Ajujuju. Unfair.
Samantalang ako kailangan kong basahin ang buong chapter na tungkol sa Genetics. Pati kung anong contribution ni Gregor Mendel doon. Jusque. T_T
"Ellin!!! Dali selfie tayo!!! Kakabili lang ni Chowa nitong cute na monopod niya! Tignan mo color red!!!" masayang sabi ni Wowa.
"Ah eh— busy ako eh. Kayo nalang."
"Awww. Mamaya ka na mag aral. Break time naman Ellin ah? Pahinga mo muna yang utak mo!" Chowa said nung nakalapit siya sa desk ko.
"Ah hindi. Advance reading lang toh para makapagparticipate ako sa class." paliwanag ko sa kambal.
"Oh sige." :--------(
Nagsimula na akong magbasa at humabol sa klase. Panay ang pagtaas ko ng kamay at pagsagot sa tanong ng mga teachers ko. Kung kailangan ng board work ako na agad nagvovolunteer. Pati pagbura ng marker sa whiteboard pinatos ko na! OTL
Alam kong OA pero mahalaga saken ang ranking. Alam kong sabi ni Jhope hindi iyon ang magiging sukatan ng katalinuhan ng isang tao. Pero hindi ko maiwasang maapektuhan. Ever since I transferred to Coachella, I was 1st. Ngayon lang nangyari toh kaya masakit. Saan ba ako nagkulang? Dahil lang ba sa pagpalit namin ni Sevanne ng katawan? Or was I distracted with something else? Dahil ba kay Jhope? Pero naiinspire nga ako lalo eh kay Jhope. Anong problema??! ;u;
Napabuntong hininga ako at yumupyop sa desk ko. Naiwan na naman ako sa classroom. Kanina pa tapos ang klase pero eto, basa pa more!
"Ugh. Ang dami pa nito." tungkol yata sa History ang binabasa ko. Ewan. Pagod na ako.
*tok tok tok*
Napatingin ako ng may kumatok sa pinto. Pero wala namang tao. Ah shet. Minumulto pa yata ako. Pakshet. Huhuhuhuhu. Wait kelan pa naging horror ang genre ng Connect The Dream?!?! TT____TT
"MOON PRISM POWER MAKE UP!!!" nagulat ako ng may sumigaw. Biglang may pumasok sa classroom na nakacostume ng Sailor Moon.
O_______O !!!1!1!1!!
"R-Rap Monster??!?!" hindi ako makapaniwala. Nagpose pa siya tulad nung pose ni Sailor Moon at may hawak pa siyang baton. Nag buing buing pa siya! May suot din siyang Sailor Moon bag gaya nung kay Yesung sa Miracle in Cell No. 7. Hala! Anyare?!
"Sa ngalan ng buwan, paparusahan kita~~~" pilit tinago ni Rap Mon ang malago niyang boses pero medyo fail.
"Hahahahahahaha!" hindi ko alam kung anong trip niya but I was at the edge of my seat, laughing hysterically! XDXDXD
Bigla nalang niyang tinanggal yung wig niya at lumapit sa desk ko. "Aish. Tanggalin mo na nga yang mga libro mo. Panuorin mo nalang kami. Ikaw ang unang makakakita ng routine namin para sa Round 1 ng URDB." sabi niya sabay kindat saken. Ang awkward makita ang respetadong Leader ng Bangtan Boys na naka Sailor Moon uniform. TuT
Sabay sabay silang pumasok at pumwesto sa unahan ng classroom. Pero nagulat ako ng makita si Suga na naka maid uniform at may dalang tray.
"Aish. Hindi toh sweg. Pero para sayo, gagawin ko." -___________-
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko siya. Nalaglag ang panga ko dahil ang cute cute niya. May head dress din siya tulad ng sa mga maid sa maid cafe. Ngumiti siya ng pilit at lumapit saken. Haluuuuh~
"Eto na po ang pagkain niyo~ Mistress Ellin~ enjoy our performance~" tulad ni Rap Mon, ipit ang boses nito na mas lalong nakakatuwa.
Pinipigilan kong tumawa habang nilapag niya yung tray na may lamang biscuits at isang lata ng softdrinks. After nun tumakbo na siya papunta sa harap at pumwesto na din. Teka! Why are they doing this?!
Nagsimula ang tugtog at nag enjoy akong panuorin ang routine. I feel honored dahil ako pa ang unang nakakita ng ipeperform nila next week sa URDB. If Chowa and Wowa were here they probably fainted. GRABE YUNG STEPS. Lahat pala sila may abs? Hahahahaha. Pinakita talaga saken? Ewan ko kung kasama sa steps nila yung pagtaas ng shirt. Bangtan is such a tease. As usual. Power dance ang sayaw. May chant pa silang 'WE ARE BULLETPROOF'. Nakakatuwa!
Nang matapos yung routine agad tumakbo papunta saken si Jungkook.
"Noona! Noona!!! Nagustuhan mo po?" he asked while his eyes were twinkling. *u*
"Neh. I enjoyed it. Ang galing ng routine niyo!" masaya kong sagot sabay nag clap clap. Bata bata niya pa may abs na siya kaagad. Ahuehue.
"Buti naman! Kookie came up with this surprise para daw gumaan ang loob mo. Nalaman kasi namin yung tungkol sa ranking mo." Jin said at ngumiti saken.
"S-Salamat." I am speechless. Teka. Ang sweet nilang lahat. Ang effort. Nagbablush yata ako. Shet! >////<
"Aish. Buti nalang wala ng tao sa school. Ugh. This is not hiphop yo!!! Hiphop is DEAD!!!" inis na reklamo ni Suga sa maid uniform na suot niya.
Umakbay naman si Rapmon habang parang enjoy na enjoy sa Sailor Moon outfit na suot niya. "Tara Suga, gwiyomi tayo! Ang cute cute natin eh!!!" yaya ni Rap Mon.
"-______________-" -Suga
"Bat nandito ka pa kasi? Late na ah. Dapat umuwi ka na." sabi ni Jimin sabay kumuha din ng biscuits at kumain katabi ko.
"Nag aaral pa kasi ako eh."
"Aish. Ellin naman, si Jimin nga second to the last sa ranking pero petiks lang eh. Tapos ikaw--"
"YAH! LEADER NIM!!!" sigaw ni Jimin. Hahaha.
"Ahehehe joke. Pero di nga. Wag mo namang pagurin ang sarili mo Ellin. Baka dahil dyan magkasakit ka pa. Mas lalo kang hindi makakapasok sa school." paalala ni Rap Mon saken. Hindi ko maiwasang mapangiti sa suot niya. XD
"Yeah. Rap Mon nim is right. You shouldn't take this too seriously. Just stay focus but still try and have some fun." Jin said. Ang mature niya na talagang magisip. *u*
Napansin ko naman na nakatingin lang saken si V. Tahimik lang talaga siya pero nagparticipate din siya dito. Ano kayang iniisip ng kwek kwek na toh at hindi yata siya KJ ngayon? Hmm.
"Salamat Bangtan Boys. Hindi ko alam na capable kayo na magpasaya ng tao. Akala ko talaga puro sakit lang kayo sa ulo. And I was definitely wrong about you guys. Thank you for doing this. Sige. Hindi ko na masyadong ipepressure ang sarili ko from now on. But I have one condition..."
Nagsalubong ang kilay nilang lahat.
"Bwo? Condition? Anong condition?" sabay sabay nilang sabi.
"Dapat tumaas ang ranking niyo sa Pre-Final term. Lahat tayo dapat magkaroon ng improvement sa rankings. Ano? Deal?" I confidently offer my hand to them.
Unang pumatong sa kamay ko ay ang kamay ni Rap Monster. "I'm in!" he said then smiled at me.
"Are you underestimating us? Count me in!" sunod si Jin.
"Kahit pinagsuot mo ko ng maid uniform, I will not back out on this one!" sabi ni Suga. I giggled with his complaint though. Haha.
Natira ang tatlong kulelat at nagdadalawang isip sa mangyayaring deal.
"Magtutulungan tayo. I promise." sabi ko at agad ngumiti si Jungkook at sumali na din.
"Okay! I'm in!!! Yehey! Tutor Ellin! Yeahhhh!!!" *u*
"Tuturuan mo ko Ellin ah~ GAME!!!" saka sumali si Jimin. That leaves V as the last one.
"Well V? Sasali ka o hindi?" I asked and grinned at him.
Umirap lang siya at lumapit na samin tsaka nilagay ang kamay niya. "Do I have a choice? Tss. You're the only one who can convince us to do crazy things like this!" inis niyang sabi.
I smiled at the sight of the huddle we made. "Okay. Lahat tayo tataas ang rank sa Pre-Finals! Right???!" tumingin ako sa kanilang anim.
Sabay-sabay kaming sumigaw habang magkakapatong ang kamay.
"WE ARE BULLETPROOF!!!" then we throw our hands up in the air.
* * * *
A/N: Sinong manunuod the TRB? Too bad I will not be at the concert. Sayang. <///3 But for the PH Armys na pupunta, enjoy! Bangtan really worked hard with every performance so just chant and make them feel loved during the concert! Arasseo? :*
War of Hormones MV. Dead. O<-<
Hahahaha. Nagustuhan niyo ang update? Vote and comment naman! :*
#CTDBangtan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top