Connect 10: A Quiz to Pass
Connect 10: A Quiz to Pass
Ellin's POV
Ang mga lalaki, minsan ang labo. Isang beses, mabait sayo. Tapos sa susunod grabeng bastos naman. Hindi ko sila magets. Kung may award man na pinakamalabong lalaki sa balat ng Earth, ibibigay ko yun kay V. Deserve niya yun eh. =_=
Biruin niyo, nagluto ng breakfast pero para sa kanya lang. Grabeng makasarili. Umalis kasi ng maaga si Manang Ason kasi aasikasuhin niya daw yung Philhealth niya.
And get this, bago ako umalis, binato saken ni V etong paperbag sa mukha ko. Grabe. Hindi marunong ng salitang 'abot'? My gerd.
Tapos eto ngayon, nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba. Yung laman ng paperbag ay sandwich. Oh wow. Ang bait niya noh? Sarap sapakin. Malabong nilalang.
*kroooooo~*
Aigoo. My stomach says it is safe to eat pero yung pride ko ayaw kainin. Hindi makatarungan. Sino siya para lituhin niya ako? Una mabait, tapos masungit.
"Ellin? Hindi ka mabubusog sa kakatitig sa sandwich mo." ngumisi saken si Chowa na nakaupo sa harap ko.
"Chocola is right. What are you waiting for?" pagsang ayon ni Winona sa kakambal.
I sighed. "Natatakot kasi ako baka may lason."
"Eh? Saan mo ba nabili yan?" Chocola asked.
"May nagbigay lang."
"Ano ka ba! Mabuti nga binigyan ka eh. Kainin mo na Ellin. Dadating na si Sir Pagayunan."
I pouted and kinuha yung sandwich. Binuksan ko iyon at kinain. Omo. Ang sarap. *u*
"See? The person who gave you that really cares about you. Ayaw ka niyang nagugutom. Be thankful to that person." masayang sabi ni Winona.
Napaisip tuloy ako. Siguro nga tama sila. I should be thankful to V. Mamayang break magte-thank you ako. Hihihi. Ang sarap nitong chicken sandwich eh. Rawr. :3
Naglesson lang si Sir Pagayunan. Nod lang ako ng nod para kunware naiintindihan ko yung mga pinagsasasabi niya. Bored akong tumingin sa bintana. Alam ko, cliche, pero hindi ko maiwasan. Kapag nasa school ako at nakatingin sa bintana, naaalala ko ang probinsya namin. Malamig ang hangin at masarap amuyin. Hindi gaya dito.
"Miss Ellinanya Valdez!!!" napatayo ako at nanlaki ang mga mata ko ng makitang galit na galit si Sir Pagayunan saken.
Nalintikan na! Nawala ako sa sarili. Nalimutan kong magkunwari na nakikinig! Aigoo~
"S-Sir—"
"Magkikita tayo sa faculty mamaya!" agad din siyang bumalik sa lesson niya habang napabuntong hininga ako sa upuan ko. Nakakainis! >_<
Nang natapos ang klase ni Sir Pagayunan, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa Faculty. Nandun din yung ibang teachers ko at nagulat sila na nandoon ako. Alam na kasi nila na kapag pinatawag ka ni Sir sa Faculty ay may kasalanan ka.
"Oh? Ellin? Why on earth are you here?" tanong nung Science teacher namin.
"Well, pinatawag ko siya." mataray na sagot ni Sir sa kapwa niya teacher. "I caught her slacking off and day dreaming."
Napanguso ako dahil sa mga sinasabi ni Sir Pagayunan sa ibang teachers. Shete. Baka pati sila pag initan na ako at ibagsak. Baka isipin nila slack off nga ako sa class.
"Oo nga Miss Valdez. Lately your quizzes are low. Is there something wrong?" napayuko nalang ako dahil yung mga quiz na iyon na tinutukoy ng isang teacher ko ay kagagawan lang naman ni Sevanne. Wala ng iba!
"Miss Valdez?"
"Ah— Miss. Medyo nahihirapan lang ako sa discussions. M-Masyado po kasing ano— mabilis! Tama! Mabilis yung discussions kaya po bagsak ako sa ibang quizzes ko."
"Hmm... weird. Dati naman kahit gaano ako kabilis nakakasabay ka."
"Did you join any extracurricular activities or after-school club or organization? You need to catch up in your academic subjects."
Napatungo nalang ako dahil sa mga naririnig kong concerns nila. Nakakapressure.
"Oh! And finally nagpakita din sa wakas ang masipag kong estudyante." napalingon ako ng magsalita si Sir Pagayunan.
Nalaglag panga ko ng makita kong si V iyon. Dire-diretcho siya sa table ni Sir. "Tawag niyo daw po ako?" walang ganang sabi niya.
"Oo. Gusto ko kasing tanungin kung may balak ka pa bang pumasok sa klase ko? Dalawang beses kalang pumasok doon at nasa kalahati na tayo ng school year."
"Depende kapag sinipag ako."
Namula sa galit si Sir Pagayunan dahil sa bastos na pagsagot ni V sa kanya. "Kung gusto mong makapasa dapat maperfect mo ang quiz na ibibigay ko sayo bukas!"
"Uh? K."
Huehuehue. Na-Kzone pa nga si Sir Pagayunan. Aigoo. Ang pet-ma-lu mo talaga V. Medyo bargas ka talaga. T____T
Sinundan ko pa siya paglabas niya ng Faculty. Nung nainis siya sa kakasunod ko humarap din siya.
"What now?!!? Papagalitan mo din ba ako?!"
"Aniyo~ I was just going to ask if you want my help. I can teach you tonight. Bayad ko na yun sa paggawa mo ng chicken sandwich para saken kanina."
"Ha? Chicken sandwich? Hindi ako may gawa nun. Si Manang Ason. Nag-iwan siya ng sandwich sayo sa ref. Asa ka pang gawan kita ng sandwich."
(=////_////= ')
Na-ka-ka-hi-ya~~~
Inis akong tumingin sa relo ko. Walang ya ka V! Anong oras ka ba uuwi? 11:56 pm na. Wala ka man lang balak na mag-aral sa quiz mo bukas? Nakasalalay ang future mo dito.
Ang bigat na ng mata ko. Unti na unti na akong napikit pero agad ding napapabalikwas kapag umiihip ang malakas na hangin. Nandito ako sa balcony ng apartment. Nakakalat ang lahat ng notes ko. Ako din kasi may catch up quizzes kay Sir Pagayunan pero shet! Chicken feeds lang naman yun.
"Sevanne... asan ka na ba?"
V's POV
Napakaharot naman nitong kasama kong babae. Bumubulong lang ako sa tenga niya parang kiti-kiti.
"Miss, may tinga ka sa ngipin mo." bulong ko pero akala niya ata nakikipag-flirt ako. Anak ng futa!
Tumayo ako dahilan para matulak ko yung babae at mahulog siya sa sahig.
"V! A-Anong problema?!" nagtatakang tanong ng babae habang nakaupo sa sahig.
"Uuwi na ako. Ang boring." sabi ko at umalis na sa club. Binayaran ko yung nainom ko bago umalis.
Ah sh it. Maghahatinggabi na pala. Akala ko mga 9 pm palang. Kainis! Nag aksaya lang ako ng oras ko sa mga futafeteng babae sa club na ang daming tinga sa ngipin. Buti nalang at hindi sila namilit na humalik or what. Eww. Puta naiisip ko palang kadiri na!
Mukhang tulog na si Manang Ason. Kaya dahan-dahan akong naglakad paakyat. He he he. Ligtas ako sa super saiyan newspaper smash niya. Hahaha—
"Aray!!!" nagulat ako dahil biglang may humataw sa ulo ko pagdating na pagdating ko sa second floor.
"Lagpas na ng curfew hours! Ikaw talagang bata ka!!!" tsaka ako hinampas ni Manang Ason ng paulit ulit. Langya! Ninja mubs! Aray!!!
"Acck— Manang naman! Ouch— sorry na! Aigoo!!!" tsaka ako umiwas sa panghahampas niya.
Thank heavens, tumigil din ang bagyong Ason. De joke. XD
"Sa susunod na malate ka sa curfew mo, titiyakin ko na makakalbo yang orange mong buhok gamit itong dyaryo!" pagbabanta niya saken. Napahawak ako agad sa buhok ko at medyo kinabahan. Galawin niyo na ang lahat wag lang ang orange kong buhok. Asset ko toh eh.
I sighed and went straight to my room pero napalabas din ako at chineck yung kwarto ni Anya. Feeling ko talaga may nakalimutan ako. Kinapa ko ang phone ko at nandito naman. Pati wallet ko. Tumingin naman ako sa salamin at mukhang hindi ko naman naiwan ang pagiging magandang lalaki ko. Hmm?
Napatingin ako sa bukas na sliding door ng balcony at pumunta doon. Naabutan kong nakahiga sa sofa si Anya habang napapalibutan ng notes.
AH SH1T!!!!
Aigoo~ I forgot na tuturuan niya ako. Nakalimutan kong may quiz bukas kay Sir Pagayunan! Lecheng Jungkook kasi eh! Kasalanan niya! Sabi niya mag-club nalang ako at binigyan pa ako ng coupon. Asdfghjkl.
Tinignan ko ang mga notes na nakakalat at inayos iyon. Sige. Self study nalang ang gagawin ko. Tumingin ako kay Anya na masarap na ang pagkakatulog. I fixed some of the strands of her hair na nakaharang sa mukha niya.
"Goldfish~" natatawa kong bulong. Nakanguso siya habang natutulog. Ang cute.
Tumayo ako at dahan-dahan siyang binuhat hanggang sa kwarto niya. I grabbed her comforter at binalot iyon sa kanya.
She looks peaceful enough. Naaalala ko tuloy yung sinabi niya kanina. Akala niya ako ang gumawa ng chicken sandwich. Actually... ako talaga. May ginawa si Manang Ason na sandwich pero kinain na ng ibang tenant. Late na kasi siya gumising. So I made her one.
"V~" sabi niya habang natutulog. Wala eh. Mukhang hanggang pagtulog ako pa rin ang iniisip ni Anya. Sorry na Anya. Alam kong may crush ka talaga saken ayaw mo lang aminin. XD
"V~ tumabi ka dyan~ nihaharangan mo JHope ko~" kumunot pa ang noo niya. Napabuga ako sa hangin at tumayo. Padabog ko pa ngang sinarado ang pinto. Tss.
Futa. So ganun? Hinaharangan ko ang JHope NIYA? Bwisit. Tss.
Pagdating ko sa kwarto ko, kumuha ako ng coffee in can at nagsimula ng mag-review. Kailangan kong makapasa at patunayan sa matandang hukluban na yun na hindi ako dapat ibagsak.
Ellin's POV
Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko ang alarm ko. Tumingin ako sa paligid ko at kinapa ko ang boobs ko.
"Hayyy. May boobs ako kahit papaano. Phew!" I sighed in relief. Lagi nalang ganito. Nakakatrauma pa rin ang palitan ng mga kaluluwa eh. Sorry na!
Speaking of kaluluwa~ nako! Hindi nakapagreview si Sevanne Lorenzo kagabi! Pucha!
Tumakbo ako sa kabilang kwarto. Hindi nakalock kaya pumasok ako. Ang gulo ng kwarto niya! Tinignan ko yung kama pero wala siya. Aigoo! Hindi ba siya umuwi kagabi? Saan siya natulog? Sa Sogo? Sa Victoria Court? O baka naman sa bahay ng babae?! Omona!!! Inuna niya pa talaga ang babae kesa sa quiz niya! >_<
"Hoy. Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" nagulat ako ng marinig ko ang malalim niyang boses. Hinarap ko siyang— asdfvhjkl. Bagong ligo siya. Topless. Nakatapis lang ng tuwalya ang pangibaba niya at basa ang buhok.
O<-<
Tinakasan ata ako ng kaluluwa ko. Bye soul. K. Huehue. ;A;
"Why are you inside my room, Anya? Ang aga aga ah." Naglakad siya papunta sa closet niya habang nagpupunas ng buhok niya. Parang wala lang sa kanya na nakikita ko siya ngayon. Huehuehue.
Sanay ka na dito Ellinanya. Minsan sa buhay mo, naranasan mo ding maging katawan ang katawan na iyan. Stay calm. Focus. Focus!
"Ah— eh— ano itatanong ko lang kung nag-aral ka? I mean—"
"Hindi. Gabi na ako nakauwi."
"Pero-- paano si Sir Pagayunan?! That old hag can really fail you! Paano ang—"
"Pangarap ko? Future ko? Crap. My dreams and future will be bullcrap then. How 'bout that, huh?"
"But—"
"It's my dream. It's my future. It's my life. Stop making me do things I'm not supposed to be doing."
"V naman eh! This is no joke—"
Lumapit saken si V at pinatong niya yung maliit na towel na pinampunas niya sa buhok niya on top of my head.
"Why are you so worried? Hindi naman ikaw yung babagsak?"
I pouted my lips and then bit my lower lip. "Pangarap mo yung masisira. You know how I hate that. If there's something I can do for someone just for his dream, I will not think twice. Tutulong ako in any possible way!"
He rolled his eyes and smirked. "Enough of that. Masyado ka ng obsessed sa pangarap na yan." Ginulo niya ang buhok ko. He grabbed the towel wrapped in his lower body. Cue ko na iyon para magtatakbo at umalis sa kwarto niya. I know he can strip in front of me because he's a jerk.
I sighed and dropped on my bed. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. And there he is not caring at all. That boy drives me insane! At yung abs niya—aishhhhh!!! Ellinanya Valdez!!!! Bakit biglang napunta ang usapan sa abs niya? Putek! Umayos ka nga!!!
Kakatapos ko lang magtake ng exams ni Sir Pagayunan. Sana si V maging maayos lang. Sana hindi siya bumagsak. Aigoo! Wag po sana! (>/-\<)
"Waaaaa Ellin!!! Lumabas na yung results ng mid-recitals!!! Nakapost na din yung rankings sa labas!!!" excited na sabi ng kambal saken.
"T-Talaga?!" agad akong napatayo sa upuan at tumakbo papunta sa ranking bulletin board.
Nakaugalian ko ng tumingin sa pinakamataas dahil alam kong ako ang rank 1. Taas noo ko iyong tinignan at--
1 - Dimas, Verona
2 - Valdez, Ellinanya
O___________________O
"Ellin! Kumusta rank 1 ka pa din ba--- OMG!" napasigaw si Chocola ng makita niya ang nakapost sa bulletin.
"Anong nangyari??" tanong din ni Winona.
Actually, yan din ang tanong ko sa sarili ko. Anong nangyari Ellin? Bakit biglang naging 2nd ka nalang?!
"Okay lang yan Ellin, bawi ka nalang sa Finals." pagcocomfort saken ng dalawa ng makabalik kami sa room.
"Salamat. Pero okay naman talaga ako eh." sinubukan kong ngumiti pero naiyak lang ako.
Niyakap ako nila Chocola habang pinapatigil sa pag-iyak. "Oo na. Tahan na Ellin. Babawi ka din. Don't feel bad. Ganun talaga minsan 1st ka minsan 2nd. Tahan na~" sabi niya.
Wala na akong ginawa kundi umiyak. Ngayon lang ako nag rank 2. Alam kong OA dahil midterm palang iyon ng school year namin pero kilala niyo naman ako na competitive at hard working na student diba? At ayokong nabibigo ako lalo na sa ganito. This is the stepping stone of my dreams at dapat ibigay ko ang 101% ko lagi. Tapos naging ganito? T^T
Natapos ang araw na tahimik ako at walang kibo. Nauna ng umuwi ang kambal at naiwan akong nagbabasa parin ng lessons. Nang matapos ko iyon, lumabas na ako ng room at tamad na naglakad. Napadaan na naman ako sa bulletin board at napabuntong hininga.
2 - Valdez, Ellinanya
<////////3
Ouch.
"Wow Ellin. Congrats!" napalingon ako ng makarinig ako na may sumigaw sa likod ko.
"J-Jhope?!" lumapit siya saken at ngumisi.
"Second ka sa ranking? Ang cool mo naman!!!"
I sighed and tried to smile at him. Grabe. Kahit si Jhope na ang nasa harapan ko hindi mawala ang lungkot.
"Anong problema? Hindi ka ba masaya kasi second ka? Yung iba nga ni hindi pumasok sa rank 50 eh! Hahahaha! Gaya ko!!!"
"Hindi mo kasi naiintindihan Jhope."
"Huh?"
"Dati rank 1 ako. Ngayon, rank 2 nalang."
"So?" napatingin ako sa sagot niya.
"Anong so? Narinig mo ba yung sinabi ko? I went down a notch! 2nd nalang ako!" I explained.
"You should be thankful about that. At least hindi ka 3rd or 4th or 100th." he smiled at me.
I smiled back pero medyo napipilitan pa rin. "Maybe you're right."
"Alam mo kung ano ang pinakamagandang gawin?" he said and grinned, na parang may pilyong balak.
"Ano?"
"Eh di bumawi ka! Stop sulking around and study! Kesa magmukmok ka dyan at malungkot, bumawi ka sa mga quiz mo at exams. Study hard. It's just a number. Hindi iyan ang magiging basehan kung gaano ka kagaling, Ellin. You're more than that kaya don't let that shitty school ranking get into you." he said at kumindat pa saken.
Unti unting gumagaan ang pakiramdam ko. "Thanks Jhope. Tama ka nga. I should stop sulking."
"They wouldn't call me Jhope for nothing Ellin. Don't lose hope in trying to make your dreams come true. Okay?"
Tumango ako. "Okay. Thanks!" he pats my head at umalis na din.
Lumingon ulit ako sa bulletin board at ngumiti. "I'll be first again! Just you wait!" I said.
* * * *
Hi Armys! Miss ko na ang Bangtan. Huhubells. Sobrang busy ako sa school at social life ko. Naiinis na nga ako eh. Sobrang miss ko na mag-spazz sa kanila. TuT
Short update lang toh. Salamat sa paghihintay palagi. Please have more patience sa pagiging busy ko. Nado saranghae army's! :-*
#CTDBangtan
Vote and comment!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top